Part 6

1915 Words

HINDI naman naglagi sa bahay si Efren. Umalis din ito kasama ang asawa upang dumalaw sa ospital. Ngunit mag-isa lang na bumalik si Mayette. Kung saan pa nagpunta si Efren ay hindi naman nito masabi.             Lalo tuloy naligalig si Tricia. Ayaw niyang isipin na pinuntahan na ni Efren si Marco upang ipaalam ang tungkol ay Paola. Pero wala namang ibang laman ang isip niya sa buong maghapon kung hindi ang tungkol doon.             Pinatulog muna niya uli si Paola bago nagdesisyong pumunta sa eatery. Malapit na siya nang mapansin niya ang pick-up ni Marco na nakahimpil. Nakasandal ito sa isang gilid na sa wari ay may hinihintay.             Napahinto siya. hindi niya alam kung pipihit para umuwi na lang o lagpasan ito. Ngunit napansin na rin siya ni Marco. Kumilos ito at sinalubong siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD