Leo's POV
Leo's POV
"I don't want to be here!" Tatakbo sana ako pabalik sa kotse pero pinigilan ako ni Kyle at nahawakan niya ako sa kamay. "Ahhhh! I don't want to be here!"
"Will you stop?! Pinagtitinginan kana ng mga tao!" Inis naman na sabi ni Kiel kambal ni Kyle.
"Ayoko nga! Alis na ako!" Naiiyak na ako. I don't want to here. I don't like parties, crowds, and bars! I hate them! Ayoko ng maingay, ayoko ng mabaho at lalong lalo na ayoko ng mga tao.
"Leo, you need this. You are not a kid anymore, okay? 23 kana nga." Sabi naman ni Kyle habang hinihila ako papasok.
"Gives this one a chance, will you?! It's not like we want to be here with you!" Saad ni Kiel.
"Why are you doing this?" I know I can't stop them. Kung kaya ko silang pigilan dapat ay nasa bahay lang ako ngayon.
"This is for your ownsake, cousin." Kyle smiled at me as we enter the bar. Umupo kami sa mga upuan. I really don't like here. Umubo naman ako dahil sa naamoy kong usok na mula sa sigarilyo.
"We should get a VIP room. I don't like here." Nandito lang kasi kami sa lugar na para sa mga commoner lamang.
"No. We won't. You can't find a girl if you stayed in a room." Saad ni Kiel at umupo sa tabi ko bago umorder.
Sumasakit ang mata ko sa mga ilaw at dagdagan mo pa ang ingay. Biglang may grupo ng babae na lumapit sa amin.
"Hi Kyle at Kiel. Who's with you?"
"Oh! Girls, this is- Hey! Are you okay?!"
Nakayuko na kasi ako. Hinila ni Kiel ang buhok ko pataas para makita ang mukha ko.
"Nahihilo ako."
"No. You don't. Di kapa nga nakainom! Uminom ka muna." Umiling ako.
"Ayoko."
"Here's your order, sir." Nilatag sa harapan namin ang ibat ibang inumin.
"Cousin, you should listen to Kiel. We will never be going to let you go if you're still a virgin tomorrow."
"I-I'm not a virgin!" Sigaw ko na narinig ng mga babae na ngayon ko lang napansin na nakaupo na pala sa aming lamesa.
"Uh-huh." Ngumisi lang si Kyle at inabot sa akin ang isang baso ng alak. "Drink it. Get drunk tonight, cousin."
Tiningnan ko si Kiel at kausap na niya ang mga babae. Uninom ko ang alak na agad kong naibuga kay Kiel.
"The f**k!"
"Sorry!" Sabay ubo ko. Mukhang nabulutan ako.
"This isn't gonna work, Kyle! I told you, we shouldn't have come with him!"
"Kalma ka lang, Kiel. Leo, are you okay?" Tumango lang ako.
"Oh my ghad! Leo? Leo Gabriel Verzosa! Right?!" Saad ng isang babae. Tumango naman ako. "Oh my ghad! We've never seen you here before! Hi, I'm Letty. Letty Fernan." Sabay lahad niya ng kamay.
"H-hi."
"There's your girl." Bulong ni Kyle.
"W-what?"
"Kiel, let's go!"
"What?! Hey!" Kyle grabs Kiel and his girl and disappeared.
"Wow! It's really you, Leo!" Umupo siya sa tabi ko. "Can I call you Leo?" Tumango naman ako.
"I've never seen you here before. I thought you are the kind of guy who stays at home?"
"I-I am." Umirog ako ng kunti dahil sa ramdam kona ang dibdib niya sa braso ko.
"You're the shy type, am I right?" Nanindig ang balahibo ko nang maramdaman ang init ng bibig niya sa tenga ko. "You're famous, do you know that?" Now, she's playing with my hair.I know that but I still doubt it.
"Look at them." Bulong niya. Napatingin naman ako sa paligid at lahat sila nakatingin. Di pa nila pinapahalata.
Ang halata kaya! Wala namang makikita rito! Siguro nanuniod sila kung papaano gahasain ng isang babae ang virgin na lalaki.
Ang gandang palabas noh?
Worth it ba?
"Some of them are jealous of you, some of them jealous of me because I'm here with you." Inabot niya sa akin ang isang basong alak. "Drink. I know you are shy but you have to change for better or for worst." She smiled at me. I seemed to like her. I like her smile. It gives me chills.I drink it. We talked about other stuff and I was laughing with her. She always joked about getting married and the type of guy she wanna be married to is like me. She also joked about me being her boyfriend if I wanted to.
Kung magmahal daw siya totoo at di niya daw ako lolokohin. Sasaya lang daw ako araw araw sa piling niya.
I've never talked to a girl like this before because everyone always seems plastic to me.
"I'll just go to the restroom." Tatayo na sana ako nang bigla akong nahilo. Natawa naman si Letty at inilalayan na ako papuntang restroom. "Salamat." Sa labas lang siya naghintay. Ilang minuto pa ang nakalipas bago ako lumabas.
When I got out I saw her with a guy. They are kissing next to the door where I get out.Napansin ako ni Letty at kita ang pagkagulat sa mata niya.
"I-I... Leo, let me explain."
I smiled at her. "No need. Uhm... excuse me." Umalis ako doon. Susundan sana ako ni Letty pero pinigilan siya nung lalaki.
Nawala ang ngiti ko. She's just like the others. Plastic.
Pumunta ako sa counter at doon na umupo. "The strongest one you have." Sabi ko nalang sa bartender.
"Are you sure, sir?" I just smiled at him and nodded.
-------
Lori's POV
Nang nakapasok ako sa bar ay bumungad agad sa akin ang mga taong naghahalikan sa gilid ng pinto.
"Ganadong ganado sa halikan, noh?! Diba kayo nagsasawa sa isat isa?"
"Bitter lang." May narinig akong nagsalita. Di ko naman pinansin.
Di ako bitter!
Nilagpasan ko ang mga naghahalikan at pumunta sa bar counter. Ayokong mabawasan ang pera ko pero kaylangan ko ng pampatulak, pampalakas ng loob sa gagawin ko ngayon gabi. Mukhang kulang pang ininom ko sa bahay kasama si papa.
"Counter, halika rito." Tawag ko sa lalaking gumagawa ng inumin.
"Bartender ako, maam." Sabi niya.
"Counter nga. Ano ba sabi ko? Isang can ng beer." Sabay bigay ko ng pera. Alam kong walang magagawa ang isang can ng beer sa akin. Pero sige nalang.
"Ito ma, maam." Tumango ako at kinuha ang beer. Binuksan ko iyon at nilagok.
Ngayon saan ako maghahanap? Tiningnan ko ang mga katabi ko. May katabi ako sa pagkabilang gilid.
"Hoy, Counter!" Tumingin naman sa akin yung lalaki. "Ako po ba, maam?"
"Bakit sino paba?"
"Maam, counter po, hindi bartender."
"Oo nga? Ano ba sabi ko?"
"Mali! Ang ibig kong sabihin-"
"Kanan? Kaliwa?" Tanong ko sa kanya.
"Uh... ano po ba ito?"
"Kanan o kaliwa? Pili ka lang." Nakasalalay sayo ang magiging ama ng anak ko, counter.
"Uh... kaliwa?" Tumingin ako sa lalaking nasa kaliwa. Nagsasalita siya sa counter. Ang gwapo niya, ha?
"Uy? Uy!" Tumingin siya sa akin. Pak! Ang gwapo nga! Ito ang magiging ama ng anak ko! Jackpot!
"Uhm... yes?"
"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya.
"You don't know me?" Umiling ako. Tumawa naman siya. "Laos na galaw pero nakakainteresado."
Anong ibig niyang sabihin doon?
"I'm Kiel Rivera. You are?"
"I'm Lori."
"Just Lori?" Tumango ako. Tumawa siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "You are a commoner." Kumunot ang noo ko sa tanong niya pero tumango nalang ako.
"May gusto lang sana ako hilinging pabor-"
"Opps! Bago yan. Ako muna hihingi ng pabor." Tumayo siya. "You see, I need you to keep an eye on him. You understand?"
Kumunit ang noo ko. Bat ko naman babantayan yan? Kaano-ano niya ba yan?
"Oh, my ghad. What am I saying? You can't understand English-"
"I can and I will do it just after this I'll ask for-"
"Payment. Don't worry! Here! This is still partial. I'll be right back." Inabot niya sa akin ang pera bago umalis. 5 thousand. Not bad.
Umupo ako sa tabi ng lalaki na babantayan ko. Inangat niya ang ulo niya. Mapupungay na ang mata niya at namunula na siya dahil siguro sa kalasingan.
"Who're you?" Tanong niya.
"I'm Lori."
"Lori?" Ngumiti ako at tumango.
"Ikaw?"
"Di mo ako kilala?"
"Bakit? Mukha ba akong tao na magtatanong kahit na alam ko na ang pangalan?" Tumawa naman siya. "Ganun ba ako katanga sa paningin ninyo?"
"Then you are the first one. I'm Leo Gabriel."
"Are you famous or something?" Kinain ko ang pulutan na meron siya.
"I don't know."
"Nice to meet you." Sabi ko nalang.
"Hi." Ngumiti na siya.
"Hello."
"I'm Leo Gabriel."
"I know. You've just said it."
"You can call me Gabby." Napangiti naman ako.
"That's cute."
"Yeah, my mother used to call me that. Even till now! But I want her to stop because it's for kids."
"I think Gabby suits you well. You looked cute to me."
"Am I?" Tumango ako.
"Hey, will you do me a favor? Can you take me home? I don't want to be here. I'm still young to be in here."
"Why? How old are you?"
"23." Natawa naman ako.
"23? Now I can see why your mother calls you Gabby."
"She'll be mad if she finds out I broke the curfew. It's already 10pm. I'm making her worried." Tumango naman ako. Bigla naman siyang tumayo. "Come on. Let's go."
"We should find your friend."
"I don't have friends but I have cousins though."
"Then we should wait for them."
"I don't wanna." Naglakad naman siya papalabas. Napabuntong hininga ako af sinundan siya papuntang labas. "Air! I really like the air! Wala ng amoy ng sigarilyo!" Nagsimula naman siyang maglakad papaalis.
"Where are you going?"
"Home." Sagot niya. Sinundan ko naman siya at naglakad sa tabi niya."Where's your home?" Natigilan naman siya at napatingin sa paligid.
"It's around here somewhere."
"What did you used when you got here."
"We used Kiel's car." Then it should be far. Nagsimula na naman siyang maglakad. "I don't want to go back there. The smoke is killing me." Tumango naman ako.
"I understand." Nilahad ko ang kamay ko. "Hold my hand. Don't let go. Just follow my lead, okay?" Sabay ngiti ko sa kanya. Tinanggap naman niya ito.