Chapter 1

661 Words
"Anak! Sige na! Ang tanda tanda mo na! Wala ka pang anak! Bigyan mo na ako ng apo! Please!" Pagmamakaawa ni papa habang umiinom ako. Ngayon dahil nalasing, umiiyak na siya. "Tumahimik ka nga, pa. Nakakairita ang boses mo." Sabi ko nalang sa kanya. Di agad ako nalalasing di gaya ng tatay ko. Ewan ko ba anong nangyari sa kanya. "G-ganyan kana magsalita sa tatay mo, Lori?! Bat kaba ganyan? Nanghihingi lang naman ako ng apo, ah!" "Pa, kung makahingi ka naman ng apo parang napupulot ko lang iyon sa daan! Bigyan nalang kita ng pera pang inom." Sabay lagok ko sa isang basong beer. "Hindi! Indi! Iba talaga ang apo! Bigyan mo na ako!" "Pa, kay Andrea ka kaya manghingi. Sa kanya nalang, may asawa yun, eh. Wag kang mag aalala magkakaapo karin sa kanya." "Baog ang asawa niya." Bulong niya na parang ayaw niya pang iparinig sa akin. Pinaikot ko nalang ang mata ko at uminom na naman ng isang basong beer. "Sige na, Lori. Sige na. Huling hiling ko na ito bago ako mamamatay." Natigilan ako at binaba ang baso. "Pa, hindi ka mamamatay." Seryoso kong sabi. "Hindi ka mamamatay kasi masama kang d**o, diba?" "Hindi ako masamang d**o! Ang bait ko kaya! Mabait ako!" "Mabait ka naman talaga, Pa. Sadyang masamang d**o ka lang talaga." Sinamaan niya ako ng tingin. "Basta gusto kong magkaapo. Ayoko ng ampon! Anak mo! Apo ko! Ganun! Dapat nalalantay sa kanya ang dugo ng mga Rizano!" "Ayoko." "Putangina-" "Sige, ituloy mo." Ihahagis sana niya ang baso sa pader. "Ituloy mo, Pa." Sinamaan ko siya ng tingin. "Babayaran mo naman yan diba?" Wala ka pa namang trabaho. Mahirap na mawalan tayo ng isang baso, wala na tayong gagamitin. "Anak kita dapat libre ako kasi tatay mo ako!" "Wala ng libre ngayon, Pa." Dahan dahan niyang binaba ang baso. "Sige! Magpapakamatay ako kapag di mo ako binigyan ng apo! Sige! Sige ka!" "Lasing ka lang." Sabi ko at hinagod ang ulo. "Hindi ako lasing-" at nakatulog na siya. Bumuntong hininga naman ako. Inilipat ko siya sa kama bago ko linisan ang lamesa. Noong teenager pa ako, laging sinasabi ni papa na huwag akong magbo-boyfriend. Nagkaroon ako ng isa pero pagkatapos nun, wala na. Hanggang sa nag 22 na ako wala parin at ngayon gusto na niyang mag asawa ako na ayokong gawin kasi nawalan na ako ng interes.May kapatid ako si Andrea Rizano Garcia na ngayon. 20 years old. May asawa, maayos na pamumuhay, kaya lang walang kakayahan ang asawa niyang mabuntis siya. Masaya ang buhay ni Andrea doon sa asawa niya at mukhang nalimutan ng bumisita sa sumasakit naming tatay.Hindi na ako nag aral simula noong makapagtapos ako ng high school. Part time job lang ang bumubuhay sa amin ni papa. Ngayon nagkasakit si papa at sa aminin ko man o hindi mamamatay siya. Wala akong panggamot. Di ko nga man lang siya madala sa hospital. At ngayon manghihingi pa siya ng apo? Dagdag gastusin lang yun. Mahal ko tatay ko kaya lang makulit siya. Ayaw niyang dalhin ko siya sa hospital kahit alam kong wala akong pera kaylangan ko parin siyang isugod doon pero ayaw niya at ang sabi lang niya ay ipunin ko ang pera para sa lamay niya at sa magiging anak ko. Marami na siyang nagawa sa amin ng kapatid ko. Pinalaki niya kami mag isa. Ang pagsunod sa utos niya ay alay ko bilang kapalit sa pagtitiis niya sa amin. Narinig kong nagsasalita si papa sa kwarto kaya agad akong pumasok. "Beth, balik kana.... nandito s-si L-lori." Nagsasalita siya kapag tulog lalong lalo na kapag lasing. Napakaingay niya basta lasing siya. Beth? We shouldn't talk about her. Dati pa nanghihingi si papa ng apo galing sa akin. Hindi ko alam ano ang pinaplano niya pero gusto kong tuparin iyon. Bumuga ako ng hangin at nagbihis sa kwarto bago ako umalis ng bahay. Ako si Loriana Athena Rizano. 22 years old. Sisiguraduhin kong makakakuha ako ng lalaki ngayong gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD