NANG makalabas sila ng Khao San Road ay agad silang nakasakay ng taxi. Zack was on the phone with his dad and then he spoke with another person. Sumunod na lang siya sa lahat ng sinasabi ni Zack. Nagpatianod siya rito dahil nagblangko ang utak niya nang makita niyang hinahabol sila ng lalaking nakita niya kanina. Pagdating nila sa Suvanabhumi Airport ay may sumalubong kaagad sa kanilang mga security kasama ng airport representative ng hotel nila na si Paithoon. They escorted them in a fast yet discreet manner hanggang sa makarating sila sa business class lounge ng Thai Airways. Nanatili sila roon hanggang sa dumating ang mag-amang Donovan at Zion bitbit ang passports at tickets nila pauwi ng Pilipinas. Nakasunod naman si Paithoon na hilang dalawang hand-carry luggage na ipinagtaka niya.

