“KANINA ko pa hinihintay ang tawag mo. Did you read the email and text I sent you?” iritadong tanong ni Hannah sa kausap sa kabilang linya na si Alex. Mahigit isang oras na kasi mula nang mai-send niya ang text at email ngunit hindi pa rin ito nagre-reply sa kaniya. “Hannah…” Alex whispered. “What?” Wala siya sa mood na magsayang ng oras. Narinig niya ang pagpapakawala ng hininga ng kausap saka niya narinig ang pagsara ng pintuan. “Nasa ospital lang ako, Hannah. Magre-reply ako mamaya pagkabalik ko sa opisina,” tila alanganing sagot nito. Saglit lang siyang natigilan saka tumango. Hindi niya ugali ang magtanong. “Okay. Make sure that you’ll send me the reply by the end of the day, okay? Bye.” Ibinaba na niya ang linya saka tumayo at tumigil sa tapat ng nakabukas na bintana habang sin

