“Hay nako, busy na naman ang kaibigan ko na mag-kwenta ng pera. Halos maupod na ‘yang pindutan ng sci cal mo kakapindot mo.” Pagpansin sa ‘kin ni Mia.
Narito kasi kami ngayon sa study area para sana gumawa ng assignment, pero ito ako at nagbibilang ng pera.
“September na kasi ngayon, e. Tapos ang ipon ko, almost 2k pa lang. E ang ticket sa Gen Ad ay P4,500 tapos sa VIP area naman ay P8,999. Saan aabot itong 2k ko?” mangiyak-ngiyak kong sabi. “Though mayroon pa naman akong two months’ para makapag-ipon kaso feeling ko hindi talaga ‘ko aabot kahit pang-Gen Ad lang.”
“Para saan pa’t naging kaibigan mo ‘ko kung hindi kita tutulungan diyan sa problema mo? Magkano ba ang kulang---“
“Hindi ko tatanggapin iyan, Mia. Alam mo namang ayokong tumatanggap ng tulong ng iba para lang makapunta ‘ko sa concert nila, e. Gusto ko, galing sa sariling bulsa ko ang gagastusin kong pera. Hindi naman sa nagmamalaki ako, pero gusto ko lang sanayin ang sarili ko na mag-save ng money at control-in ang sarili ko sa paggastos.”
“Ahh talaga ba? Gustong control-in ang sarili sa paggastos pero kapag usapang BTS na, go na go ka magwaldas ng pera, ano?” nang-aasar niyang sabi.
“At least wala na ‘kong hesitation na gumastos kung para sa BTS kasi sa mismong bulsa ko naman manggagaling ang igagastos ko para doon. Nakukuha mo ba ‘yong point ko?”
“Gets ko, inaasar lang talaga kita.” Natatawa niyang sabi. “Pero teka nga, bakit ba baliw na baliw ka diyan sa BTS na ‘yan? Ano bang mayroon sa kanila na kinahumalingan mo?”
Napangiti ako sa kawalan bago magkwento, “They inspired me to live my life to the fullest. Noong sinaktan ako ni Ivan last year, sila ang nag-heal sa sugat na ‘yon. Kahit papaano ay nahilom ang sugat na ibinaon sa ‘kin ni Ivan. Dahil sa BTS, nagkaroon ng kulay kahit papaano ang mundo ko. Tapos ‘yong mga kanta nila ay talagang nakakapagpa-relax sa 'kin habang paulit-ulit ko itong pinapakinggan. Gustong-gusto ko ang mga kantang composed nila at worth it talagang pakinggan. Basta ang hirap i-explain. Kung mapapanood mo lang sila na mag-perform at mapakinggan mo ang mga kanta nila ay sigurado akong maiintindihan mo ‘ko.”
“Ay,ganyan ba kayo mang-salestalk para umanib kami sa inyo? Ano nga ulit pangalan ng fandom niyo?”
“ARMY,” natatawa ‘kong sabi.
“Hindi talaga, e. Alukin mo na lang ulit ako next time. Kapag nasa mood ako,”
“Ang problema, palagi ka namang wala sa mood,” nakanguso kong sabi.
“Hey!” nasira ang pagkukwentuhan namin ni Mia nang umeksena si Axel na mukhang galing sa training. Naka-sando siya ngayon at basang-basa ng pawis.
“Galing training?” tanong dito ni Mia.
Ako naman ay kinuha ang bimpo na nasa leeg niya at ipinunas iyon sa mukha niyang basang-basa ng pawis---
Natigilan ako sa ginagawa ‘ko nang makita ang reaksyon ni Axel sa ginawa ‘ko, pati na rin ang mapang-asar na ngisi ni Mia.
“Illegal na ba ‘tong ginagawa ko?” tanong ko sa dalawa.
“Ang illegal ay ang mag-deny ng feelings kahit na halatang-halata naman na gusto mo ‘yong tao, e.” Pagpaparinig ni Mia.
Nabitawan ko tuloy iyong bimpo na hawak ko dahil sa maduming utak ng kaibigan ko. Kahit kailan talaga, jusko.
“There you are!” may umeksena na naman at iyon ay si Naomi.
Nakita kong lumapit ito kay Axel at humalik pa sa pisngi nito. Ewan ko kung selos ba ang naramdaman ko, basta agad na lang akong napaiwas ng tingin sa kanilang dalawa.
“Why are you here? Nag-usap na tayo kahapon, ‘di ba? And I told you to stop pursuing me. I would never do the same mistake I’ve done before.” Mariing sabi ni Axel.
Nakita ko namang napalitan nang pait ang kaninang matamis na ngiti sa labi ni Naomi. Mabuti na lang din at kakaunti ang tao rito sa study area para hindi maging issue ang kung anong mangyayari dito sa dalawang ito. Basta kami, audience lang nila.
“Ayaw mo na ba talagang bigyan ako ng isa pang pagkakataon? I want to make things right between us. Please, let me do my part.”
“Can you please stop acting like you’re not the one who kept a secret between us? You broke my trust, and so it’s not that easy to earn my trust again, Naomi. And about our relationship, we’re done for a long time and I don’t have plan to start all over again, WITH YOU.”
Pagkatapos sabihin iyon ay um-exit na si Axel patungo sa covered court upang siguro ay mag-training ulit. Habang si Naomi naman ay sobrang sama ng mukha na nakabaling sa ‘kin ngayon ang tingin. Grabe ‘yong titig niya sa ‘kin, e wala naman akong ginagawa sa kaniya.
“Maging masaya ka for now, dahil nakita mo kung paano ako itaboy ni Axel. Pero ito ang sinasabi ko sa ‘yo, ‘yan ang una’t huli na makikita mong itataboy ako ni Axel. Dahil sisiguraduhin ko na makukuha ko na siya ulit, in my OWN WAYS.”
“Baka sa imagination mo na lang iyan mangyari, Naomi. Sleep well! Huwag ka na sanang magising.” Pagpatol ni Mia rito. Agad ko naman siyang siniko dahil sa sinabi niya.
“Don’t test my temper, baka hindi mo magustuhan kung paano ako magalit---“
“Then try me! Uubusin ko ‘yang natitira mong pasensya para makita ko kung talaga bang nakakatakot kang magalit.”
“You---“ akmang sasampalin na ni Naomi si Mia nang malakas na hampasin ito ni Mia kaya naman napaaray si Naomi dahil sa pwersahang paghampas ni Mia sa braso niya.
“Kung nakakatakot kang magalit, ako naman, masasaktan ka talaga kapag ako ginalit mo. Piliin mo rin iyong mga tao na yayabangan mo at kakalabanin. Huwag ako, Naomi. Baka magulat ka na lang, paggising mo nasa impyerno ka na.”
Kita ko naman ang pagpipigil ni Naomi sa sarili niya na patulan si Mia. Hindi kasi siya makaganti kasi mukhang napalakas ang paghampas ni Mia sa braso niya. Wala ring nagawa ang grupo ni Naomi kundi ang umalis na lang sa study area.
“Hindi ko alam na marunong ka pa lang manakit. Bakit hindi mo binugbog si Migs nang makabawi ka man lang sa ginawa niya sa ‘yo?"
“Gusto mong ikaw ang bugbogin ko? Isang beses mo pang banggitin ang pangalan ng demonyong iyon, pag-iisahin ko na mukha niyo.”
Pinili kong itikom na lang ang bibig ko kasi kita ‘kong seryoso si Mia sa pagkakasabi niya roon. Baka nga totohanin niya, mahirap na.
---
5 P.M. lang ay pinalabas na kami ng Prof namin. Dapat kasi talaga ay 7:30 P.M. pa pero dahil maagang natapos ang discussion since kaunti lang naman ay na-dismiss kami nang maaga. Nauna na sa ‘king umuwi si Mia dahil sinundo siya ngayon ng Daddy niya dahil mayroon daw silang family dinner sa isang five-star hotel.
Lagi kasi kaming umuuwi ni Mia nang magkasabay at nilalakad lang namin iyon pauwi dahil hindi naman kalayuan ang University na pinapasukan namin sa mismong mga bahay namin. Ngayon lang kami hindi magkakasabay since sinundo nga siya.
Sandaling pumunta muna ‘ko sa library upang magsauli ng libro, at pagkatapos din no’n ay lumabas na rin ako at naglakad na palabas ng campus.
Kaya lang bigla ‘kong hinarang ni Axel nang madaan ako sa tapat ng covered court at nakita ‘kong maayos na ang itsura niya at hindi pawisan.
“Bakit?” tanong ko.
“Uuwi ka nang mag-isa? Nasaan si Mia?”
“Sinundo siya ng Daddy niya kasi mayroon daw silang family dinner ngayon.” Paliwanag ko.
“Then, can I join your company? Pwede ba kitang ihatid sa bahay niyo---“
“Nako, huwag na! Kaya ko namang maglakad mag-isa, tyaka hindi naman na bago sa ‘kin na umuwi mag-isa kaya okay lang talaga ‘ko.”
“Kahit hanggang sa kanto niyo lang?”
“Sure ka ba?” paninigurado ko.
“Taga-kabilang kanto lang ako, malapit sa inyo. Kaya okay lang talaga sa ‘kin.”
Wala na ‘kong nagawa kundi ang pumayag na lang sa gusto niya. Mukha kasing mapilit siya at hindi siya titigil hangga’t hindi ako pumapayag sa gusto niya, e.
Kaya ayon, sabay na kaming dalawa ni Axel na naglakad pauwi. Ilan pa sa mga estudyante na nadadaanan namin ay napapatingin sa 'min at nagbubulungan. Feeling ko, may ibang iniisip na naman ang mga 'yan tungkol sa 'min.
I mean bakit ba ang dami sa mga tao ngayon na may iba lang or mali na makita sa isang tao, e gagawan na nila ng issue? Wala ba silang magawa sa buhay?
“Brianna?” nasira ang katahimikan nang tawagin ni Axel ang pangalan ko.
“Bakit?”
“Anong tawag sa babaeng anak ng cowboy?”
Kumunot naman ang noo ko sa itinanong niya. Wala ‘kong idea kung para saan iyon pero para hindi naman lumabas na KJ ako ay sasakyan ko na lang siguro.
“Cowgirl?”
“No.”
Kunot-noo ko siyang sinagot, “Ano?”
“Edi babaeng cowboy.” Aniya at natawa pa talaga siya sa sarili niyang joke, habang ako naman ay sinabayan ko siyang tumawa kahit sa totoo lang, ang corny ng joke niya.
Pero kahit naman ang corny ng joke niya, e nakaramdam ako kahit papaano ng kilig. Siguro ay dahil na-a-appreciate ko na nag-iisip siya ng joke na kahit corny para lang pasayahin ako. Feeling-era lang ba ‘ko o talagang malakas lang talaga ang imagination ko?
“Ito, bakit “S” ang nasa damit ni Superman?”
“Superman stands for “S”?” sagot ko.
“Hindi. Wala na raw kasing Medium kaya S na lang.” At natawa na naman siya sa sarili niyang joke.
Ewan ko ba pero natawa na lang din ako sa kaniya. Natawa ‘ko sa tawa niya hindi sa joke niya. Alam kong weird pero hayaan niyo na.
---
Fifth Sign: Kinikilig ka, na halos atmosphere na, sa mga corny niyang jokes.