Chapter 6

2396 Words
"Hindi mo na gugustuhin pang marinig iyong jokes na ibinato niya sa 'kin kahapon. Promise, ang corny talaga." Iiling-iling na sabi 'ko kay Mia habang naglalakad sa hallway papasok ng classroom namin. Naikwento ko kasi sa kaniya na sinabayan ako ni Axel na umuwi kahapon at nabanggit ko rin sa kaniya 'yong tungkol sa jokes ni Axel na sobrang corny ng dating. Hindi naman sa nanlalait ako, pero sobrang corny lang talaga ng jokes niya. "Sus, corny kamo pero sure naman ako na tinawanan mo!" aniya sabay siko sa tagiliran ko. "Malamang! Para hindi siya mapahiya. Tyaka sayang naman iyong effort niya kung hindi ko naman tatawanan, 'di ba?" depensa ko. "Edi inamin mo rin na concern ka sa kaniya kahit papaano. Kasi ayaw mo siyang mapahiya, tyaka ayaw mong masayang ang effort niya---" "Puro malisya na lang ang inilalabas ng bibig mo! Bakit ba ganyan ka? Ipinanganak ka na ba talagang ma-issue?" may halong inis na tanong ko. Sino ba naman kasing hindi maiinis, 'di ba? Kaunting kibot lang, e may masasabi na siya kaagad tungkol sa 'min ni Axel. Kesyo bawat kwento ko, e may naibabato siyang issue. Nakakainis lang kaya 'yon! "Ang init naman ng ulo mo, umagang-umaga, e. Kape ka muna kaya?" "Ikaw kasi, ang aga-aga, e gumagawa ka agad ng issue diyan!" Natawa naman siya bigla nang pagtaasan ko siya ng boses. "Easy ka lang, Bri. Baka malaglag iyang puso mo, wala pa naman si Axel dito para saluhin iyan. Mamaya mo na 'yan ilaglag kapag nakapasok na tayo sa classroom---" Hindi ko na hinintay pang matapos ang sasabihin niya dahil nauna na 'ko sa kaniyang maglakad. Nakakarindi na talaga siya, jusko. Bakit naman kasi ako binigyan ng Panginoon ng kaibigan na sobrang ma-isyu? Oo, thankful naman talaga 'ko na naging kaibigan ko 'yang si Mia, pero minsan talaga, e hindi na rin ako natutuwa sa asal niyang gano'n. Basta hindi na nakakatuwa kaya lumalayo na lang muna 'ko sa kaniya bago pa mag-init nang tuluyan ang ulo 'ko at mauwi sa away iyon. Ayoko ng kaaway, at bukod roon, kaisa-isang kaibigan ko na nga lang si Mia tapos aawayin ko pa? Hindi pa naman ako siraulo para gawin iyon. "What's with the face?" bungad sa 'kin ni Axel nang makarating ako sa upuan ko. Muntik pa 'kong magtaka kung bakit nakaupo siya sa katabi kong upuan, iyon nga pala katabi ko nga pala siya. Hay nako, lutang na naman ang utak ko. "Masama lang gising ko," palusot ko at naupo na sa upuan ko. Himala yata at maagang pumasok itong si Axel? Buong akala ko nga no'n ay hindi na siya papasok sa klase at magte-training na lang siya ng basketball, e. Pero syempre joke lang iyon. Kahit naman varsity player ka sa campus na 'to, kailangan hindi mawala sa priority mo ang pag-aaral. May ibang university kasi na kapag varsity player ka, okay lang na hindi ka pumasok sa mga klase mo kasi exempted ka na sa lahat dahil nga varsity player ka ng campus niyo. Maling-mali 'yan kasi para sa 'kin, dapat kung sasali ka sa mga ganyan, dapat panindigan mo at kaya mong pagsabayin. I mean, kaya mong i-balanse 'yong oras mo para sa dalawang bagay na napili mong tunguhan. "Brianna?" Nabalik naman ako sa wisyo nang marinig kong tinawag ni Axel ang pangalan ko. Agad akong napalingon sa gawi niya at laking gulat ko nang isang dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha namin sa isa't isa. Jusko, bakit naman ganito kalapit ang mukha niya sa 'kin? Pakiramdam ko tuloy, e anumang oras ay aatakihin ako sa puso sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Ako na ang unang lumayo sa kaniya at tsaka tumikhim. "Uhm, bakit mo 'ko tinawag?" tanong ko habang nakaiwas ang tingin sa kaniya. "Kanina pa kasi hinihingi ng treasurer natin iyong payment mo for the test paper na sasagutan natin mamaya. She's waiting for you to pay her, but it seems like you're too busy thinking about something really important." Paliwanag ni Axel sa 'kin. Nakakahiya naman! Ang lutang ko pala kanina. Habang nagmo-monologue pala 'ko ay para 'kong tuod na kinakausap nila. Normal lang ba 'yon kapag nagmo-monologue ka? "Pasensya na," paumanhin ko at kumuha ng pera sa wallet ko at ibinayad iyon sa treasurer namin na si Rosie. "If you have a problem and you can't no longer keep the pain inside you, don't hesitate to tell me. I'm willing to listen, always." Aniya. Napatingin ako sa kaniya, "Bakit ba ang bait mo sa 'kin? Bakit ka ganyan? I mean, bakit ganyan ang pakikitungo mo sa 'kin? Sa lahat ba ng babae na nakakausap mo, ganyan mo sila pakitunguhan?" hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na magtanong sa kaniya. Hindi niyo rin naman ako masisisi kung tatanungin ko siya tungkol doon. Since first day pa lang ay ganto na siya makitungo sa 'kin, e. Sobrang bait niya, at nag-aalala siya sa 'kin. Gusto ko lang naman makumpirma kung ganto ba siya sa lahat o sa 'kin lang. Sa totoo lang, ayokong lagyan ng laman ang pakikitungo niya sa 'kin nang ganon. Pero kasi sa tulong na rin ng paglalagay ni Mia ng malisya tungkol sa 'min ni Axel ay hindi ko na rin maiwasang isipin na baka nga type ako ni Axel kaya siya ganto makitungo sa 'kin? Pero kasi ayoko namang umasa na naman sa wala, tapos sa dulo ako na naman ang kawawa. Gusto kong maging maingat ngayon, at siguraduhin ang mga bagay-bagay bago sunggaban. "Like what I've said to you before, magaan ang pakiramdam ko sa 'yo. I feel comfortable when I'm with you. And I like you---" "Gusto mo 'ko?" pagputol ko sa sinasabi niya. "What I mean is, I like you to be someone closest to me. I like you to be a close friend, and I also like to talk to you. Masaya ka kausap, masaya ka kasama.. And I feel like when I'm with you, I'm free. I can be the man who I want to be." Para namang biglang nalantang rosas ako nang mapakinggan ang sinabi niya. Umasa kasi ako na gusto niya 'ko, pero mukhang may round 2 ang pampe-friendzone sa 'kin. Kainis na buhay ito, kailan ko ba mararanasang sumaya? "I can be," sabi ko at pilit na ngumiti. "Your friend." Sinuklian niya naman ito ng ngiti bago inalis ang tingin sa 'kin dahil kasabay no'n ay ang pagpasok na ng Professor namin sa araw na 'to. Hindi ko maipaliwanag iyong nararamdaman ko. Basta parang ang sakit, may nararamdaman akong pagkirot sa puso ko. Siguro dahil umasa 'ko kay Axel na magugustuhan niya rin ako, kaya lang hindi ko inasahan ang sasabihin niya sa 'kin ngayong araw. Masyado kasi akong nag-expect dahil na rin sa mga ipinapakita sa 'kin ni Axel, at dahil na rin sa tulong ng panunukso ni Mia sa 'kin. Dahil nga roon, ito ang napala ko. Iyong kinatatakutan kong mangyari na naman ay tingin ko, unti-unti na namang nangyayari sa buhay ko at iyon ay dahil naman kay Axel. Pero ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko na hahayaan pang makaapekto 'yon sa pag-aaral ko. Hindi ko na muling isusugal pa ang pangarap ko; ang pangarap namin ni Nanay para lang sa isang lalaki na hindi naman kayang suklian ang pagmamahal ko. E ano naman kung hindi ako magka-boyfriend? Kung talagang itinakda ng tadhana na tumanda akong dalaga, edi tatanggapin ko. Mas maiging tanggapin ko na lang kung iyon talaga ang kapalaran ko, kaysa paulit-ulit akong sumugal pero paulit-ulit din naman akong masasaktan. Sa pagkakataon na 'to, hindi ko na hahayaan pang isugal muli ang puso ko para lang sa pag-ibig. --- Nang sumapit ang breaktime ay sinabihan ko si Mia na mauna na siyang magpuntang cafeteria dahil sinabi kong may dadaanan lang ako sa registrar. Si Axel naman ay hindi na sumasabay sa 'min na kumain dahil after class ay dumidiretsyo siyang covered court para mag-training saglit doon. Ewan ko kung doon na rin siya kumakain. Pero bakit ko nga ba aalamin pa 'yon, pakialam ko ba? Nang makagaling ako sa registrar ay dumiretsyo muna 'kong restroom dahil ihing-ihi na 'ko kanina pa. Matapos umihi ay lumabas na 'ko agad sa cubicle kaya lang hindi ko inaasahan na maabutan ko sina Naomi at ang mga kaibigan niya sa loob ng restroom. Hindi ko na sana sila papansinin pa kaya lang mismong mga kaibigan ni Naomi ang humarang sa harapan ko para pigilan akong makalabas ng restroom. Tumingin ako sa kanila, "Ano bang kailangan niyo sa 'kin?" "May lakas ka na ba ng loob na kalabanin ako, Brianna?" taas-kilay na tanong sa 'kin ni Naomi habang naka-cross arms. "Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na ayoko nga ng gulo? Nilalayuan ko naman na si Axel, ano pa bang gusto mo?" "Nilalayuan mo ba talaga? Pero bakit magkatabi pa rin kayo sa upuan at nahuli ko pa kayo kanina na magkausap!" pagsingit ni Alexa sa usapan. Ahh, so minamatyagan pala 'ko ng mga alalay nitong Naomi na 'to. Daig ko pa may stalker, ah? "Doon niya pinili umupo, e. Ano namang magagawa ko roon? Tiyaka 'yong pinag-uusapan namin, tungkol lang iyon sa isang subject---" Hindi na 'ko natapos sa sasabihin ko nang makatanggap ako ng isang malutong na sampal mula sa matigas na palad ni Naomi. Dahil sa tigas at lakas no'n ay ramdam na ramdam ko ang sakit ng pagkakasampal niya sa pisngi ko dahilan para maiyak na 'ko nang tuluyan. "Wala 'kong pakialam sa explanation mo, Brianna. Ang gusto ko lang ay dumistansya ka kay Axel kung ayaw mong ambulansya na ang susundo sa 'yo sa campus na 'to, naiintindihan mo?!" "N-Na---" "Naiintindihan mo ba?!" pag-ulit niya sa tanong niya habang nakahawak sa baba ko at mariing pinipisil ito. "O-Oo," Matapos noon ay malakas niya 'kong itinulak dahilan para mapaupo ako sa timba kung saan may lamang tubig na pinagbanlawan ng mop. Nakita ko pang tinawanan nila 'ko bago sila tuluyang lumabas ng restroom. Habang ako naman ay tumayo mula sa pagkakaupo at basang-basa ngayon ang suot kong t-shirt at pantalon. Wala naman kaming locker dito sa campus kaya saan ako kukuha ng damit na pamalit? "Malas," mangiyak-ngiyak na bulong ko sa sarili at tsaka ako napatingin sa sarili 'kong repleksyon sa salamin. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ko dulot ng pagsampal ni Naomi sa 'kin nang malakas. Napahawak ako sa bahaging iyon ng pisngi at muli na naman akong naiyak habang iniisip ang nangyari kanina. Ang dami kasi nila kaya hindi ako nakalaban. Pero kahit siguro mag-isa lang si Naomi na hinarap ako, hindi ko rin siguro siya magagantihan kasi hindi ko naman kaya 'yon. Mahina akong babae, kaya ang dali lang para sa kanila na saktan at abusuhin ako. Kung wala si Mia, kung hindi siya dumating sa buhay ko, baka kagaya pa rin ako ng dati na lagi na lang binu-bully. Lagi na lang akong sinasaktan kasi alam nila na kahit ganon-ganonin nila 'ko, e hindi ko sila papatulan o gagantahin kasi alam nilang hindi ko kaya. Buti nga naging kaibigan ko si Mia kasi kahit papaano, may isang tao na kaya 'kong ipagtanggol sa mga taong gano'n. May isang tao na gumaganti para sa 'kin. Pero naisip ko rin na hindi dapat palagi akong nakaasa kay Mia kasi paano kung wala siya sa tabi ko kapag nangyaring may mang-away sa 'kin? Kagaya ng nangyari ngayon. Hindi ko kasama si Mia kaya nagawa akong saktan ni Naomi. Dapat matuto rin akong lumaban, kaso bakit hindi ko kaya? 'Yong sinabi naman kasi ni Mia na nambubugbog daw ako ng lalaki na magtatangkang manligaw sa 'kin, idiomatic expression lang iyon. Hindi ko kayang manakit, mambugbog pa kaya? Kung marunong lang talaga 'ko, edi sana b-in-oxing ko na si Naomi para tapos agad ang laban, 'di ba? Napahinga ako nang malalim. "Ngayon ko lang naman ito gagawin, e. Patawarin niyo 'ko sa gagawin ko pero promise, first and last na 'to." --- Pahirapan talaga na makalusot sa guard pero mabuti na lang at nagawa 'kong makalabas ng campus nang walang nakakakita sa 'kin. Ngayon ay makakahinga na rin ako nang maluwag dahil sa wakas ay makakauwi na rin ako. Ito lang kasi talaga ang naiisip kong paraan para hindi malaman ni Mia ang nangyari sa akin kanina. Ayoko nang ipaalam pa sa kaniya ang ginawang iyon ni Naomi sa 'kin, kaya nag-cutting na lang ako kahit sobrang labag iyon sa loob ko dahil mayroon pa naman kaming long quiz sa isa naming major subject. Di bale, pakikiusapan ko na lang si Sir Jayson na bigyan ako ng special quiz bukas para at least hindi ako ma-zero doon. But for the meantime, mag-iisip muna 'ko ng magandang dahilan na paniniwalaan ni Mia kung bakit hindi na 'ko pumasok after ng breaktime. "Anak, bakit ang aga ng uwi mo? Tyaka bakit ganyan ang itsura mo, basang-basa ka? Umulan ba?" bungad ni Nanay sa 'kin nang makapasok ako sa loob ng bahay. "May mga bata kasi akong nadaanan po diyan sa tabi, tapos napagtrip-an nila ko na basain ng tubig." Palusot ko. "Ahhh, mga pasaway talaga 'yon. Di bale, magbihis ka na kaagad at may pupuntahan lang ako, ah? Si Alena pala, nagpapatulong sa Math, tulungan mo na 'yong kapatid mo, ha?" "Opo, Nay. Ingat ka," sagot ko. Agad akong pumasok sa kwarto ko para mabilis na makapagpalit ng damit. Nang makapagpalit ay lumabas na 'ko at pinuntahan si Alena sa may sala para tulungan sa ginagawa niya. "Ano bang gagawin? Saan ka nahihirapan?" tanong ko. "Dito, Ate. Problem solving kasi, ang hirap intindihin ng tanong, e." At ibinigay sa akin ang libro na hawak niya. Binasa ko naman iyon at sinubukang intindihin. Aaron's container is 20 centimetres tall, 10 centimetres long and 10 centimetres wide. Axel's container is 25 centimetres tall, 9 centimetres long and 9 centimetres wide. Find the volume of each container. Based on volume, whose container can hold more candy? Iyan ang problem solving na pinapasagutan sa 'kin ni Alena--- "Pati ba naman sa problem solving, nakikisali pa rin itong si Axel." Bulong ko sa sarili. Mas lalo ko tuloy hindi naintindihan nang maigi 'yong tanong dahil nga nabasa ko 'yong pangalan ni Axel. Nahagip lang siya nang bahagya sa utak ko, hindi na 'ko kaagad makapag-focus. Ano ba 'yan, Brianna! --- Sixth Sign: Hindi ka makapag-concentrate sa ginagawa mo kasi naka-focus ang mind mo kakaisip sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD