Chapter 19

2002 Words
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── Tanging ang pag-siyap ng sisiw at ang mahinang tunog mula sa electric fan ang maririnig sa bahay. Paminsan-minsan din ay naririnig niya ang pagtahol ng mga aso mula sa kapitbahay. Nakatayo si Kyle sa gilid ng kitchen counter habang hinihintay niyang kumulo ang tubig na pinapainit sa electric kettle. Isang umaga, matapos silang muling magkita ni Junjun, nagpaalam ito sa TL niya na aabsent dahil hindi maganda ang pakiramdam niya. Pero siyempre hindi totoo yon. Dahilan lang niya yon para hindi pumasok. Wala kasi siya sa wisyo magtrabaho ngayon. (Wag tularan) Nakapag-usap na sila ng masinsinan ni Junjun tungkol sa kakaibang nangyari sa kanya noong nakaraang araw na dahilan para makulong ito sa building. Mabuti na lang at nakalabas muli ito nang makasama niya muli si Kyle. Ikinuwento rin niya ang lahat ng alala-ala na pumasok sa isipan niya. Wala siyang detalayeng iniwan. "Alam mo ba, nung na-trap ako sa office niyo, I saw a strange blinding light. Para niya akong tinatawag. There was a force urging me to follow it, and I did. Pero nung malapit na ako, bigla kitang naisip." ang kwento ng multo. Huminto ito saglit na parang may inaalala at saka muling nagpatuloy. "Naisip ko na hinihintay mo ako. That's why I ran away from that light, kasi gusto ko pang bumalik sa'yo. Kahit makapagpaalam man lang." Halos matunaw naman ang puso ni Kyle sa sinabi ng binata. Pilit niyang tinatago ang tuwa sa sarili niya pero bakas pa rin sa mga mata nito ang galak sa tuwing maiisip niya na bumalik si Junjun para sa kanya. Alam niyang aalis din ito sa huli, pero ang marinig na gustong magpaalam sa kanya ng multo bago umalis dito sa mundo, kahit papaano ay gumaan ang loob nito. Nagtataka lang ito kung bakit sinundo kaagad siya ng liwanag. Tapos na ba ang misyon niya? Bigla namang sumipol ang electric kettle kasabay ng pagbuga ng usok mula sa bunganga nito. "Jun—“ Hindi natapos ni Kyle ang pagtawag niya nang biglang sumulpot ang isang hintuturo sa harap niya at pinatikom ang kanyang bibig. Hindi alam ng binata kung saan galing ito. "Hep hep hep! What did you just call me, Kyle Enrico?" Nakangising nakatingin si Junjun—si Ezekiel sa nagtatakang mukha ni Kyle. Isang mahinang tawa rin ang pinakawalan nito. Naamoy naman ni Junjun ang mabangong fabric conditioner mula sa damit ng binata. This smells just like Kyle. Lihim na napangiti ang multo sa nadiskubre. Pinagmasdan niya ang anyo ng binata na ngayon ay naka sandong itim at gray na boxers lang. May ilang butil din ng pawis ang humahaplos sa balat nito. 'Ang sexy niya,' ang nasa isip ng bastos na multo. "Pesensya na po, kamahalang Ezekiel." ang sarkastikong sabi ni Kyle. "Di na mauulit." "Good!" Nag-thumbs up pa ang multo bago ito umupo sa tabi ng binata. Ezekiel Sy. Parang nalalasahan ni Kyle ang tamis sa tuwing binibigkas nito ang pangalan ng multo. Bagay sa mukha nito ang tawaging Ezekiel. Masaya ito sa progreso ng pagbalik ng ala-ala ni Ezekiel. Tiyak na mas mapapalapit sila sa paghahanap ng clue tungkol sa katauhan ng niya. Pero papalapit na rin ang araw kung saan kailangan na niyang lumisan. Inalala rin ng binata ang isang ala-ala tungkol sa nakaraang buhay ng multo. Ikakasal si Ezekiel. Mukhang arranged marriage ang mangyayari. Nalungkot ito para sa binata dahil sinasaktan siya ng mga magulang. Pagkatapos ay heto, malalaman niyang ipapakasal pala ito sa taong hindi niya mahal. Napasimangot si Kyle habang iniisip na hindi deserve ni Ezekiel ang ganoong klase ng buhay. Parang nagpupuyos sa galit ang nararamdaman ng binata sa tuwing naiisip niya ang bagay na ito. Gusto niyang gumanti sa pamilya ng binata. Pinangako niya sarili na kapag nalaman niya kung sino ang pamilya nito, ipapadama niya sa kanila ang sakit na naramdaman ni Ezekiel. Ipapaalam nila sa kanila kung gaanong ka-walang kwenta silang mga magulang. Naramdaman ni Kyle ang pagsandal ng ulo ng Ezekiel sa balikat niya. "Anong gusto mo?" tanong niya dito sabay pabirong inuga ng kaunti ang balikat. Palagi kasing ganto ang multo kapag may hihilingin. Biglang naalala ni Kyle ang paghalik sa kanya ni Ezekiel. Hindi rin nila ito napag-usapan pagkatapos. Halik sa noo man ito, o halik man ito na walang kahulugan para kay Ezekiel, pero para sa kanya, isa ito sa mga bagay na iingatan niya habang-buhay. Maaaring bilang kaibigan lang ang halik na iyon, pero para kay Kyle, ito ang magpapa-alala na minsang tumibok ang puso niya sa isang nilalang na tumigil na ang pagtibok ng puso. Natawa ang binata sa naisip. Natawa siya na may halong inis. Bakit ngayon pa? "Wala lang. Just rest here. Mamaya ka na magluto ng pagkain." Umayos si Ezekiel sa pagkakaupo at saka ito ngumisi sa kanya. Kung pwede lang ay kunan ni Kyle ng litrato ang tagpong ito. Gusto niyang ipreserba ang mga ngiti niya. Gusto niyang i-record ang pagtawa niya at paulit-ulit na pakinggan. Pero kahit ito ay pinagkakait sa kanya. "Sure, Ezekiel." Kinagabihan, matapos kumain at tapusin ang ilang gawaing bahay, nagpunta si Kyle sa kwarto nito para magpahinga. Nabusog din kasi siya sa pinaluto ni Ezekiel na Pork Adobo. Recipe ito ng mama niya na tinawagan pa niya para magpaturo. Ramdam din ang panunukso sa kanya ng kanyang ina sa tuwing itatanong kung ipagluluto ba niya ulit ang 'kaibigan' niya. "Napakabait talaga ng anak ko at nilulutuan pa ang kaibigan niya." "Si mama naman, kung anu-anong iniisip." "Wala akong sinasabi ha." ang pagde-deny ng mama niya. "Pwede mo rin yayain dito yang kaibigan mo. Sigurado akong magugustuhan niya ng beach." Nakapunta na siya dyan, ma. At nagustuhan nga niya ang beach. Ito sana ang gustong sabihin ni Kyle pero alam niyang hindi pwede. Kung pwede lang na ipagsigawan niya kung gaano makapigil-hininga ang imahe ni Ezekiel habang naglalakad sa dalampasigan at sa likod nito ang magandang kulay ng kalangitan dahil sa sunset. Kung pwede lang. Nakahiga si Ezekiel sa kama niya para matulog nang maramdaman ang paglingkis ng isang braso sa bewang niya. Dinilat niya ng mata niya, at nakita ang tuktok ng ulo ni Ezekiel habang nakadantay ito sa kanya. Mas naging clingy ito matapos ang dalawang araw nilang paghihiwalay. Sumasandal ito sa kanya, o di kaya hinahawakan ang braso nito. Bihira na rin itong mawala sa paningin niya. Hindi naman sa nagrereklamo si Kyle, pero medyo mahirap ito para sa kanya dahil lalo lang siyang nahuhulog sa ka-cute-ang kinikilos ng multo. Napangiti ang binata. Siguro dahil alam niyang may pagtingin siya kay Ezekiel kaya aminado na siya na cute nga ito. "Gusto mo na namang kumain 'no?" ang biro nitong tanong sa multo. Hinayaan niya lang na yakapin siya nito dahil una, malamig ito na magandang pampawi sa init ng panahon. Pangalawa, siyempre gusto niyang mapalapit dito. "Mmm... Kainin kita?" ang biro ni Ezekiel saka humagalpak ng tawa. Heto na naman siya. Hindi naman makatawa si Kyle. Baka kung dati ay nasapak na niya ito. Pero ngayon, parang nag-init ang mukha niya sa narinig. Talagang walang laban ang lamig ng multo sa init na nararamdaman niya. Hindi alam ng binata kung saan ba niya natututunan ang mga bagay na 'to. May parte na naba-badtrip siya, pero may parte rin na... kinikilig siya? Winasiwas ni Kyle sa isip ang mga green jokes ni Ezekiel at tumitig na lang sa kisame para pakalmahin ang sarili. "But kidding aside, have you... found out anything about me?" ang tanong ng multo. Dahil alam na nila ang totoong pangalan ni Ezekiel, mas madali na maghanap ng impormasyong tungkol dito. Pero sa tuwing magse-search si Kyle, sangkatutak ang search results ng mga kapangalan niya. Hindi niya alam kung ano ang uunahin. May Ezekiel Sy na isang matandang business man. May Ezekiel Sy na nanalo sa high school science contest. May Ezekiel Sy na longganisa seller. Kaya naman wala pa siyang napapala sa mga niresearch niya. "Wala pa e. Pero hayaan mo, sasabihin ko kaagad sayo kapag may bago na tayong clue." ang malumanay na sagot ni Kyle. Balak din nito na magpunta sa mga police station at magbakasakali kung makakuha ng impormasyon kung may record ba sila na aksidente na involved ang isang Ezekiel Sy. Titignan din niya muli ang obituary kung mahahanap niya ang pangalang ito doon. Lalong sumiksik si Ezekiel sa gilid ng binata habang nakayakap sa bewang nito. Nagpapasalamat naman si Kyle na hindi nakikita ng multo ang mukha niya dahil malamang tutuksuhin siya nito sa sobrang pula ng pisngi niya. "Thank you. But don't push yourself too hard." ang mahinang sabi ni Ezekiel. "You've already done so much for me." Hinimas ni Kyle ang balikat ng multo at pinipigilan ang sarili na lundagin ito. Hindi niya kaya ang ka-cute-an nito. "Ezekiel..." Narinig ng multo na tinawag siya ng binata. Gustong-gusto nito marinig lumabas sa bibig ni Kyle ang pangalan niya. Parang nanghihina ang tuhod niya sa tuwing maririnig niya ang pangalan gamit ang mababang boses ni Kyle. Tumingala siya upang matanaw ang mukha ng binata. Nagtama naman ang mga mata nila at hinintay niya na magsalita ito. Pakiramdam niya ay parang nangungusap ang mga mata ni Kyle. Hindi niya alam kung ano, pero gusto niya itong tugunin. "Kyle..." Sumulyap si Ezekiel sa labi ng binata. Nakaka-akit ito. Gusto niyang malaman kung anong lasa— Napabalikwas silang dalawa nang biglang tumunog ang cellphone ni Kyle na nakapatong sa kama. Tumikhim si Ezekiel at saka umupo sa isang sulok ng kama habang si Kyle naman ay bumangon para sagutin ang tawag. Nakita niya ang pangalan ni Alan sa screen. "Hello?" "Kyle." "Napatawag ka?" Sumulyap saglit si Kyle sa direksyon ni Ezekiel para tignan kung nandito ba ito. Nakahinga siya ng maluwag nang nakita niya na nasa kwarto pa ang multo. "Makikisuyo sana ako, par. Nasa ospital kasi ako..." Nagmamadaling pumunta si Kyle sa ospital at nakasunod naman si Junjun. Nasa ospital siya ngayon na nasa tabi ng office nila. Naalala niya na dito siya noon na-confine nung naaksidente siya. Nakisuyo si Alan na magdala ng mga gamit niya mula sa bahay. Dahil gaya ni Kyle, mag-isa rin itong nakatira sa Maynila at siya lang ang halos malapit sa kanya. Nadulas ito sa fire exit ng building nila kaya naman medyo napuruhan ang paa nito at kailangang i-cast. Kailangan niya ring magpahinga sa ospital ng ilang araw. Mabilis namang nahanap ni Kyle ang kwarto nito sa 4th floor. Pagkatapos na kamustahin at siguraduhin ang kalagayan ng kaibigan, nagpaalam na ito na uuwi at nangakong babalik kinabukasan. Sa paglabas niya ng pinto, hindi sinasadyang makabangga niya ang isang babaeng nagmamadaling naglalakad sa hallway. "Sorry po." "I'm sorry!" Kasabay ng pareho nilang paghingi ng tawad, nagtama rin ang kanilang mga mata. Ilang taon na ang lumipas pero hindi malilimutan ni Kyle ang babaeng ito. Naging parte ito ng kanyang buhay at meron din silang magandang pinagsamahan. Halos hindi nagbago ang kanyang itsura. Pareho pa rin ang ekspresyon niya sa tuwing nagugulat ito. Sa gilid naman ay pinagmamasdan lang ni Ezekiel ang tagpo ng dalawang tao. Nagtataka ito kung bakit nakatitig lang si Kyle sa babae. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng biglang pagkurot sa kanyang dibdib. Maganda ang babae. Matangkad at balingkinitan. Mukha rin itong mayaman base sa porma nito. Baka nga isa siyang artista o di kaya'y modelo. Siguradong kahit sino ay mapapatitig pag nakita siya. "Kyle!" Bakas sa boses ng babae ang pagkatuwa sa muling pagkikita nila. "Wow, long time no see." "M-Marian, ikaw pala yan." may konting pananabik sa boses ni Kyle. "Kamusta?" Isang ngiti ang pinakawalan niya. Kaharap ni Kyle ngayon si Marian dela Vega, ang dating girlfriend niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD