Chapter 20

2109 Words
Kyle Enrico Salvador ─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── "Kyle! Wow, long time no see." "M-Marian, ikaw pala yan. Kamusta?" Makaraan ng ilang taon ay nagkita muli kami ni Marian. Naging maayos ang paghihiwalay namin 3 years ago and it's a mutual decision. No hard feelings. Siguro lang talaga ay hindi kami para sa isa't-isa. "Ayos naman ako. Ikaw ba? Grabe, di ko ine-expect na dito pa tayo magkikita sa ospital." ang sagot ni Marian. Kahit kailan at napaka-friendly nito at sociable. Hindi gaya ng pamilya niya, masasabi kong humble na tao si Marian. Napangiti ako nang maalala yung unang beses kaming nagkita noong college admission. Ganito rin siya ka-friendly sa akin. "Maayos din ako. Saka mukhang nagmamadali ka ata ah." "Ah, oo kasi may errand ako dito. May pinabibigay si mommy dun sa kakilala namin." ang sagot niya sabay taas ng isang lunch bag na mukhang pang-mayaman. *Guchi ata 'to. "Ganon ba. Sige, di na kita aabalahin. Nice to see you again." "Same here. Let's hang out some time pag di ka busy. Ganon pa rin ang number ko." inabot ni Marian ang palad niya para makipagkamay na malugod ko namang tinanggap. "That is, kung naka-save pa sa phone mo." Pabiro pa niya akong kinindatan. "Naka-save pa naman ata." Napakamot ako sa ulo sa sobrang awkward. Hindi naman kasi ako mahilig mangalikot ng contacts ko kaya di rin ako mahilig magbura ng number. Gaya nga ng sabi ko, Marian and I broke up in good terms, and I only see her as a good friend now. Di naman ako bitter para burahin pa ang number niya. Siya ang una kong girlfriend. Pero noon pa man, alam ko na open ako sa kahit anong kasarian ng makarelasyon ko. Nung teenager ako, napansin ko na naa-attract din ako sa mga lalaki. Yun nga lang, so far, wala pang lalaking talagang nakakapagpatibok ng puso ko. Counted ba si Ezekiel? Kasi kung ganon, siya ang una. Naghiwalay na kami ng landas ni Marian. Nasa tabi ko pa rin si Ezekiel hanggang makauwi kami ng bahay at hindi siya nawala sa paningin ko. "Who was that?" Ang unang tanong niya pagpasok namin ng bahay. Nasa kusina ako para uminom ng tubig. Inubos ko muna ang isang baso bago ako sumagot, "Kaibigan ko." "She's pretty. And you look very close, too." ang sabi ni Ezekiel. Nakabaling ang atensyon niya sa maliit na sisiw na naglalakad sa sala. Medyo naka-pout din ito sa di ko malamang dahilan. Tumabi ako sa sofa kung nasaan siya at ginulo ang buhok niya, "Yeah, she's pretty. Pero hindi na kami ganon ka-close." Mas lalo pang nag-pout ang loko. Ano kayang iniisip nito? "You look good together. I wonder how close you were." Halos pabulong lang ito pero dahil nakay Ezekiel ang buong atensyon ko, crystal clear ko siyang narinig. Hindi ko naman mapigilang matawa. "Talaga ba?" Tumango-tango si Ezekiel. "Ex-girlfriend ko siya." ang sabi ko. Wala naman rason para itago ko to. Saka totoo naman yon, hindi naman ako nag-iimbento. Di nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat na gumuhit sa mukha niya. Pero saglit lang ito at nawala din kaagad, at sa halip ay napalitan ito ng poker face niya. "Well, you got a good taste." ang sabi ng lalaki sa tabi ko nang hindi tumitingin sa akin. Binaling ulit nito ang atensyon sa sisiw na natutulog na sa sahig. Talaga bang napaka-interesting ng sisiw na yan kesa sa akin? "Yeah, I got a good taste." ang sagot ko naman habang nakatitig sa kanya. Good taste talaga lalo na kung ikaw yung tipo ko.Yun nga lang nasobrahan ata ako sa pagkakaroon ng good taste, pati sa multo nagkagusto ako. Pero hindi mo ako masisisi, hindi ka naman kasi mahirap magustuhan. Sigurado ako na nung buhay ka pa, marami ring naloloko sayo. Humalukipkip si Ezekiel at mas humaba pa ang nguso nito sa pagp-pout. Buti na lang malakas ang self-control ko kung hindi kanina ko pa tinikman yang labi na yan. Halos masampal ko ang mukha ko nang ma-realize ko kung ano ang iniisip ko. Nahahawa na ata ako sa pagkamanyak ng gung-gong na to ah! "Oh siya, matulog na tayo. Gabi na o." Iniba ko na ang usapan at nag-aya na na matulog. Nauna tumayo si Ezekiel at agad na pumasok sa kwarto ko nang hindi ako hinihintay. Parang bata talaga. "Ang gwapo natin ngayon ah." Nakita ko sa repleksyon sa salamin ang pagdating ng ka-team ko na si Michael. Nasa washroom ako ngayon ng office at inaayos ang buhok ko. Ngayon kasi dadating yung mga clients and higher ups ng kumpanya. Ngayon din namin kailangang magsuot ng business casual attire. Suot ko yung itim na pants at button down shirt na binili ko sa mall nung nakaraan. Komportable naman siya suotin, yun nga lang nilalamig ako kasi hindi umuubra yung tela sa malamig na buga ng aircon dito sa office. "Anong oras daw sila dadating?" ang tanong ko kay Michael. "Malay ko sa kanila. Dumating sila kung gusto nila dumating." sagot ng ka-team ko. Napatawa na lang ako sa sinabi niya. Hindi lang ako ang hindi gusto ang mga gantong kaganapan sa kumpanya. Napaka-hassle kasi, may mga paganitong dress code pang nalalaman. E hindi naman talaga kami ganto manamit sa normal na araw. Aligaga rin yung mga managers kasi baka may mag-observe daw sa bawat team, tapos may random live call monitoring pa. Ewan, dami talaga nilang alam. Nagtatatakbo nga pala sa kung saan si Ezekiel kanina pagpasok namin sa building. Sabi niya may pupuntahan lang daw dito sa building. Pinagbantaan ko naman siya na iiwan ko siya dito kapag hindi siya nagpakita bago ako umuwi. Agad naman siyang nangako na magkikita kami sa lunch break ko. Hindi ko alam kung ano ba ang pinagkakaabalahan ng gung-gong na yon dito. Ang tagal-tagal na niyang naninirahan dito, di ba siya nabo-bore? "Guys, guys, guys!" Humahangos ang TL ko na dumating sa bay namin. Lahat naman kami ay nabaling ang atensyon sa kanya. "Nandito na sila. Just do your thing, work as usual. Mamaya may magl-live call monitoring daw sa team natin. Makikinig yung mga clients and yung Site Director. Ako pipili mamaya kung sino ang iaalay." Nakuha pa ngumisi ng TL namin na parang hindi siya nagbagsak ng bad news. Yung iba ko namang ka-team ay napa-sign of the cross. Bad news para sa aming mga ahente yung mga call monitoring na yan. Hindi kami nakakapag-ninja moves kapag alam namin na may nakikinig sa call. Nakakakaba kaya. Nakaka-conscious kapag alam mong may pupuna sa bawal sabihin mo. Kahit anong galing ng ahente, nakaka-ngarag pa rin talaga. Saglit na nagreklamo ang mga ka-team ko, kasama ako, tapos ay bumalik na rin kami sa pagttrabaho. Ilang oras ang makalipas, wala pa namang nag-iikot sa floor kaya minarapat kong mag-lunch break muna tutal pasado alas tres na ng umaga. Gaya ng pangako niya, nakita ko si Ezekiel na naka-upo sa isang bakanteng table sa pantry. Kumaway ito sa akin, habang ako naman ay sumenyas na bibili lang ang ako ng makakain. Bitbit ang tray, tumungo ako sa table kung saan naroon ang multo. "Bakit dito ka pa nag-antay? Di ka ba makakapasok sa prod?" ang tanong ko sa kanya pag-upo ko. Gaya ng dati, nakapasak sa tenga ko ang earphones ko. Pareho kami ng suot ni Ezekiel ngayon. Gaya nung ginawa niya dati, nagaya niya yung porma ko. Nakarolyo ang manggas ng itim na long sleeve shirt tapos naka-black pants din. Bagay na bagay sa kanya kaya mas lalo akong humanga sa kakisigan nito. Pero siyempre hindi ko pinahalata sa kanya, kaya normal lang yung reaksyon ko kanina sa bahay nung nakita ko na ito ang suot niya. "I went there, hindi mo lang ako nakita." Ngumisi ito habang nakalagay ang baba sa palad nito na nakatunton sa mesa. "Baka kasi ma-distract ka sa kagwapuhan ko." Nabilaukan ako nang marinig ang sagot ni Ezekiel. Dali-dali ko namang binuksan ang bote ng Cobra na binili ko para pababain yung kaning sumuot sa maling lagusan. Tawa naman ng tawa ang mokong. Hinimas niya rin ang likod ko para tulungan ako. "Hayop ka talaga." "Just kidding. Wag ka magalit. Pero totoo na nandon ako kanina sa loob. Lumabas lang ako kasi I'm bored." paliwanag ng multo. "Mamaya sumama ka sa akin sa loob. Lagot ka sakin pag hindi kita nakita." ang pagbabanta ko sa kanya. Sumula noong nahiwalay kami ng ilang araw, parang napa-paranoid ako kapag hindi ko siya natatanaw. Baka kasi tuluyan na siyang mawala ng hindi ko alam. Baka kunin na naman siya nung liwanag na yon nang hindi kami nakakapag-paalam sa isa't-isa. Hanggang ngayon hindi pa rin namin alam kung bakit siya biglang sinundo ng liwanag e hindi pa nga namin alam yung pagkatao ni Ezekiel, o di kaya nagawa yung mga unfinished business niya sa mundo. Ang teoriya ko, baka dahil naalala na niya ang pangalan niya kaya siya biglang sinundo ng liwanag. Dahil kung tutuusin, sa pangalan ko rin nagsimula ang spirit contract namin. Wala akong basehan sa teoriya na to, pero hindi rin naman malabong mangyari. Ang mahalaga ngayon, mabantayan ko si Ezekiel, at maihatid ko siya. "Yes, boss." ang sagot ni Ezekiel at sumaludo pa. Pagkatapos kumain ay sabay kaming pumasok ni Ezekiel sa production floor. Alam niyang hindi ko siya makaka-usap dito sa loob kaya naman tahimik lang itong naglalakad sa tabi ko. Pagbalik ko sa station ko, naabutan ko si TL na nag-reremind na papasok na daw yung mga clients pati yung mga higher ups. Umupo naman si Ezekiel sa gilid ng desk ko. Prenteng-prente siyang nakaupo habang nagmamasid sa paligid at dinuduyan-duyan pa ang mga paa. For some reason, pakiramdam ko hindi ito ang unang beses na naupo siya sa desk ko. "Bakit?" ang nagtataka niyang tanong nang mapansin na nakatitig ako sa kanya. Umiling lang ako at binalik ang atensyon sa computer ko. Hinayaan ko na lang siya basta tahimik lang siya. Totoo kasi yung sinabi niya na kapag nandito siya, madi-distract ako sa trabaho. "Hello everyone." Natanaw ko ang pagdating ng mga bisita sa bay namin. Nasa bandang gitna yung station ko kaya madali kong natatanaw yung mga paparating pang mga tao. Bumati naman sa kanila yung mga ahente, kasama ako. Apat na Americans yung dumating tapos kasama yung ibang mga OMs. Meron din akong ilang nakitang hindi pamilyar na mukha. Sa tingin ko ito yung mga higher ups na minsan lang magpakita dito sa office. Isa-isang pinakilala nung OM namin yung mga clients pati yung ibang mga big bosses. Nakikinig lang ako kasi wala naman akong pakealam kung sino man sila. "...and also, this is our site director, Gilberto Sy." ang pagi-introduce ng OM namin doon sa isang boss sa gitna. Mga nasa 60s siguro ito o baka nga mas bata pa. Di rin magpapahuli ang tangkad nito sa mga naglalakihang Amerikano sa tabi niya. Para ngang pamilyar siya e. Baka siguro nakita ko na yung picture niya somewhere dito sa office. "Hello everyone! I am happy and excited to meet you. And I love the energy in your team. Keep it up." ang bati niya sa mga ahente. May pagka-strikto ang boses nito pero at the same time, parang mabait din naman. Biglang napakapit sa ulo niya si Ezekiel na nakikinig rin sa tabi ko. Nag-aalala ako sa kanya dahil dumadaing ito ng sakit, at may mga mahinang salita siyang binubulong na di ko maintindihan. Gustong-gusto ko nang tumayo para alalayan siya pero madaming tao. Nandito pa ang mga boss at ayoko naman gumawa ng eksena. "Ezekiel..." ang bulong ko dito. Hindi niya ako pinansin at patuloy na dumaing. Shit. Anong nangyayari? Hindi ko na napigilan at tumayo na ako. Pumuwesto ako sa gilid ng desk ko, sa tapat ni Ezekiel. Kunwari ay inaayos ko ang kable ng headset ko. "Anong problema?" bumulong ako sa kanya. Wala naman pumapansin sa akin, yung mga kateam ko ay may kanya-kanyang ginagawa, yung mga bisita naman ay nag-uusap di kalayuan sa bay namin. Hinilig niya ang katawan niya papunta sa akin at sinandal ang ulo niya sa dibdib ko. "That voice..." Naramdaman kong kumapit si Ezekiel sa damit ko. "That man... he's my dad." Gilberto Sy... ang ama ni Ezekiel Sy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD