─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
"That man... he's my dad."
Parang sirang plakang nagp-play sa utak ni Ezekiel ang ala-ala niya tungkol sa planong pagpapakasal sa kanya sa kung sino man.
"You're going to get married, and you can't do anything about it, son."
"My decision is final, Ezekiel!"
Ganitong-ganito ang boses na narinig niya mula doon sa isang lalaki sa opisina ni Kyle.
Kasabay non, may bagong ala-ala naman ang rumagasa papasok sa isip niya.
↢↢↢
Nagising siya at nakaramdam ng sakit sa ulo. Masakit din ang katawan nito. Saka lang din niya napansin na nakahiga siya sa sahig ng kwarto niya.
Naalala niya na kinaladkad siya ng kanyang ina pabalik sa bahay nila dahil sa pagkakataong ito, nahuli niya ang anak niya na kasama na naman ang lalaking lumalason sa isip nito.
"Luigi..."
Kinapkap ng binata ang pantalon niya ngunit wala doon ng kanyang cellphone. Pumunta siya sa pinto ng kwarto pero hindi niya mabuksan ito. Mukhang naka-kandado ito mula sa labas.
Labis na nanghina si Ezekiel at napasalampak siya sa sahig. Nahiwalay siya kay Luigi. Kahapon lang ay masaya nilang pinagmamasdan ang magandang tanawin mula sa taas ng bundok.
"Maaabutan kaya natin ang sunset?"
"Hindi ko alam. Abangan natin?"
"Hmmm... I hope we can see the sunset together. That would be nice."
"Then let's see the sunset together, forever."
"Forever?"
"Oo, forever. Ikaw lang at ako."
"Is that a promise, Luigi?"
"Promise."
"Don't leave me. I think I'm going to die without you."
Napakasaya ng pakiramdam ng binata. Kasama niya ng taong mahal niya. Pero ito na ang huling beses na magkikita sila. Pareho silang pilit na pinaghihiwalay ng pamilya nila. Pinilit nilang pinaglaban ang isa't-isa, ngunit sa huli, dahil sa pagbabanta ng mga magulang niya, handa niyang pakawalan si Luigi para lang masiguro ang kaligtasan nito. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama dito.
Gustong umiyak ni Ezekiel nang marinig ang mga pangako na binitawan nila. Dahil alam niya na mapapako ang mga pangako na iyon. Hindi na nila sabay na masasaksihan ang paglubog ng araw, dahil kinabukasan, hindi na sila magkikita pa.
Humugot ng lakas ng loob ang binata para ipagtapat sa mahal niya ang desisyon niyang palayain ito. Hindi ito madali para sa kanya. Tila unti-unting dinudurog ang kanyang puso sa bawat sagundo na magkasama sila ngayon.
"Luigi..."
"Sir Ezekiel, kailangan niyo pong sumama sa amin."
Hindi natapos ng binata ang sasabihin nang may boses na sumulpot sa kanilang likod. Nakita niya ang anim na tauhan ng pamilya niya.
"T-Teka! Teka lang!" Bigla siyang hinawakan sa magkabilang braso ng dalawang bodyguards. Pilit siyang nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak ng mga ito. "Wait! Luigi!"
Hindi rin naiiba ang sitwasyon ng nobyo niya. Nakita niya si Luigi na pumipiglas mula sa pagkakahawak sa kanya ng tatlong bodyguards
"Bitawan niyo ko! Bitawan niyo ko sabi!"
Sinuntok ng isang bodyguard ang tiyan nang binata na siya namang ikinasalampak nito. Paulit-ulit nila itong sinuntok at sinipa kahit na hindi naman makapalag ang binata.
"Please stop, oh my god! Luigi!" Patuloy na nagpupumiglas si Ezekiel para makapunta sa nobyo. "Don't hurt him! Fvck! Sasama ako sa inyo! Please, just don't hurt him, I'm begging you!" Halos lumuhod na ito sa pagmamaka-awa. Hindi niya kayang makitang nasasaktan ang mahal niya. Kahit siya na lang ang masaktan, wag lang si Luigi.
"Wag, Ezekiel... wag ka sumama." nanghihina na ang boses ni Luigi. Duguan na rin ang labi nito at namumuo na ang pasa sa katawan. "Wag..."
"Fvck! Please, don't hurt him... please..." Umiiyak na'ng nagmamakaawa si Ezekiel dahil sa kalagayan ng nobyo. Hindi ito pwedeng mangyari. Hindi pwedeng masaktan ang taong mahal niya dahil sa kagagawan niya. "Luigi, I'll keep you safe. I want you to be safe. Gagawin ko ang lahat, wag ka lang masaktan."
"No, Ezekiel..."
Kumuha ng hangin si Ezekiel bago nagsalita.
"L-Let's... Let's end it here." Parang lason sa bibig niya ang mga binitawang salita. "Dinala kita dito, for the last time, to tell you this." Nanginginig ang boses ng binata habang binabanggit ang mga katagang kahit kailan ay hindi niya gugustuhing sabihin.
"Hindi... Ezekiel, babe... tinatakot ka lang nila di ba? Don't say that. Ipaglalaban kita. Ipaglalaban natin 'to."
"I'm sorry... I'm so sorry..." Nanlalabo na ang paningin ni Ezekiel dahil sa mga luhang nag-uunahang kumakawala sa kanyang mata.
Hindi naman matanggap ni Luigi ang desisyon ng nobyo kaya pumiglas ito at pilit niyang inabot ang binata si harap niya. Dahil dito, isang suntok na naman ang binitawan ng isa sa nga bodyguard. Halos sumuka na ng dugo ang binata habang nararamdaman ang sakit sa katawan.
"Fvck! Fvck you! Stop that! Wag niyo siyang saktan!" Nagwala naman si Ezekiel sa nakitang estado ng nobyo. Hindi na niya kayang makita ito. "Sasama ako! Sasama na ako di ba! But please, take him to the hospital. I'm begging you. Sasama na ako... Please."
Lumuhod na siya sa mga bodyguards at nagmaka-awa. Pilit naman siyang itinatayo nito pero patuloy siya sa pagluhod.
"S-Sir... tumayo na po kayo. Pagbaba natin, dadalhin po namin agad siya sa ospital."
Naawa na ang isang guard sa kanya. Hinawakan nila ang binata para makatayo at unti-unting pinaglayo ang dalawang magkasintahan.
Hindi matigil sa pag-iyak si Ezekiel habang nakikita palayo ang nobyo.
"I'm sorry, Luigi. I love you..."
Hindi man niya alam kung narinig ito ni Luigi, pero gusto niyang sabihin sa kanya sa huling pagkakataon ang nararamdaman niya. Habang lumalaki naman ang distansya nilang dalawa, patuloy niyang naririnig ang mga pagtawag sa kanya ng nobyo. Durog na durog na ang puso niya. Wala na'ng paraan para mabuo pa itong muli.
Pagbaba nila sa paanan ng hiking spot, ang ina nito ang una niyang nakita. Binati siya nito ng isang sampal sa pisngi.
"How dare you! Talagang nakipagkita ka pa sa lalaking yon!"
"Mom, don't hurt him. I already broke things off with him." ang walang ganang sagot ng binata. Nanghihina siya sa kinahantungan ng mga pangyayari. Habang-buhay niyang sisisihin ang sarili sa pangyayaring ito.
Dinala siya ng ina niya papasok ng van na siyang maghahatid sa kanila pabalik sa kanilang bahay sa Maynila.
Pagdating nila sa bahay, pinagpatuloy ng ginang ang pagbubuhos ng galit dahil sa ginawa ng anak.
"Napaka-kapal ng mukha mong bata ka. Pagkatapos kitang pakainin at bihisan, ito lang ang igaganti mo? Walang utang na loob!"
"Mom, I'm sorry! I'm sorry! I just wanted to be myself. Is that wrong?!"
"Tigilan mo yan! Pinapahiya mo ang pamilya natin, Ezekiel! Nakakahiya ka!"
Patuloy na sinabunutan ng ginang ang buhok ng anak habang kinakaladkad ito papunta sa kwarto.
"Mom! Stop! Masakit po! I'm sorry! Please!"
"Dito ka lang hanggang magtanda ka. In a few days, we will start the preparation for your wedding and I want you to be on your best self on that day, maliwanag?"
Hindi na kumibo pa si Ezekiel. Pagod na pagod na ito. Gusto na niyang mamatay. Kung wala rin si Luigi, ano pa ang saysay ng buhay niya?
Naluha na naman ang binata habang inaalala ang nangyari noong nakaraang araw. Iniisip niya kung kamusta na si Luigi, kung ano na ang nangyari sa kanya, o kung nagamot ba siya agad.
Tinungo niya ang drawer sa tabi ng kama niya at kinuha sa ilalim ang isang kahon na gawa sa kahoy. Sa loob nito nakatago ang litrato nilang dalawa ni Luigi. Kuha ito sa parehong hiking spot kung saan sila naghiwalay. Napakalaki ng ngiti nilang dalawa na tila walang makakapaghiwalay sa kanila. Nanginginig ang kamay niyang nilapit ang litrato sa kanyang dibdib na parang niyayakap niya ang lalaking kasama niya dito.
"Hindi pwede. This won't end here. Ipaglalaban ako ni Luigi, kaya ipaglalaban ko din siya." ang bulong ng binata sa sarili. Sising-sisi siya sa naging desisyon niya. Habang hindi pa siya naikakasal, may pag-asa pa.
Tinanaw ni Ezekiel ang labas at nakahinga siya ng maluwag nang makitang walang tao ang umiikot-ikot dito. Binuksan niya ang bintana ng kwarto niya at pinagkasya doon ang maliit niyang katawan. Nagawa na niya ito dati dahil madalas siyang tumakas noon para makipagkita sa nobyo. Tiyak niya na hindi alam ng mga magulang niya ang sekretong ito.
Kumapit siya sa ilang railings sa gilid ng bahay nila at saka kumapit sa malaking puno na abot sa kwarto niya sa second floor.
Nagawa naman niyang makalapag ng ligtas at hindi na siya nag-aksaya ng pagkakataon para lumabas na ng bahay nila.
Kaunting pera lang ang dala niya mula sa mga baryang naitago niya sa kwarto niya. Wala rin kasi sa kanya ang wallet niya o di kaya ang susi ng sasakyan niya.
Nang marating niya ang patutunguhan, agad siyang kumuha ng maliit na bato at binato ito sa isang bintana na nasa gilid ng bahay. Maliliit lang ang bato at kontrolado ang paghagis niya rito para hindi mabasag ang salamin, pero sapat na para makagawa ng ingay. Ang bintanang iyon ang kwarto ng nobyo. Nagbabakasakali itong baka nandon ito.
Ilang bato na ang nagamit niya pero walang lumalabas ng bahay. Nagulat na lang siya nang may tumapik sa likod niya.
"Anong ginagawa mo dyan sir?"
Nakita ni Ezekiel ang katulong ng pamilya ni Luigi. May dala itong supot at mukhang galing ito sa pamimili.
"Hello po Aling Sena." ang bati nito, "N-nandyan po ba si Luigi?"
"Si sir Luigi? Kaaalis lang po nila." ang sagot naman ng babae.
"Saan po nagpunta? Alam niyo po ba kung kailan siya babalik?"
"Naku, hindi ko alam. Baka hindi na nga sila bumalik eh. Nagpunta na kasi sila ng pamilya niya sa Canada." ang kwento ni Aling Sena.
Pilit ba pinroseso ni Ezekiel ang mga narinig.
"Tapos narinig ng isa kong kasamahan na ikakasal na daw kasi siya don." pabulong na dagdag pa ng babae na tila ba ito'y sikreto lamang
Halos gumuho naman ang mundo ng binata sa mga nalaman.
Dahan-dahang napaaatras ito at parang pinipigilan ang sarili na bumagsak sa lupa.
Hindi ito totoo.
Hindi.
Hindi.
Labis na pagsisisi ang nararamdaman niya ngayon. Naging mahina siya. Hindi niya pinaglaban ang pag-iibigan nila.
"Teka, sir! Saan kayo pupunta?"
Narinig pa niya ang babae na tumawag sa kanya pero hindi niya ito pinansin dahil patuloy lang ang paa niya sa pagtakbo.
Hindi na siya papayag na maging sunod-sunuran pa sa ibang tao.