─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
↢↢↢
Kalalabas lang ni Kyle sa trabaho niya at kasalukuyang binabaybay ang napaka-busy-ng business district sa Maynila. Parang tagpo sa isang zombie movie ang buhos ng mga tao. Kagaya niya, mga empleyado din ito na buhay sa panlabas ngunit patay na sa loob. Mga zombie na nab-burnout na sa paulit-ulit na sistema ng buhay. Gigising, bibiyahe, matatraffic, magtatrabaho, bibiyahe, matatraffic ulit, dadating sa bahay, at matutulog ng di aabot sa walong oras.
Napahikab ang binata habang nags-scroll ito sa f*******: nang hindi niya sinasadya na may makabunggo ito sa daloy ng mga tao.
"Sorry po."
"Sorry."
Dahil nag-sorry na naman siya at hindi naman napano yung lalaking nabunggo niya, pinagpatuloy na lang niya ang paglalakad. Sumasakit na ang ulo nito sa stress ng trabaho at gusto na lang niyang umuwi.
"Wait!"
Kasabay ng pagtawag na iyon, ay naramdaman ni Kyle na may humawak sa laylayan ng damit niya. Nakita niya yung lalaking nakabunggo niya kanina. Naka navy blue na jacket ito at may puting tshirt sa loob. Pinaresan ito ng pantalon at sneakers.
"Bakit po?"
Alerto si Kyle dahil baka budol-budol gang ito at manakawan siya. Kakapiranggot na nga lang ang pera niya sa wallet, mawawala pa. Hinawakan niya mabuti ng cellphone niya pati na rin ang bag na nakasukbit sa kanyang balikat.
"Alam niyo po ba kung saan yung North Star building?"
Hindi naiwasang mapatingin ng binata sa mukha ng lalaking nagtatanong sa kanya. Maamo ang itsura nito na para pa ngang half-something dahil chinito ito. Matangos din ang ilong at saka itim at tuwid ang buhok nito.
Pero medyo pawisan ito at mukha ring tuliro. Lalong napakapit nang mahigpit si Kyle sa mga gamit niya dahil baka drug addict ito at kung anong gawin sa kanya.
"A-Ah... Dyan lang yon, nakita mo yung sign na yon?" tinuro niya ang mataas na building na may malaking logo ng asul na bituin. "Yan yon. Para shortcut, dito ka dumaan sa kanan, tapos tawid ka sa kabila, diretsuhin mo lang, tapos kaliwa, makikita mong may building don na yellow, tapos liko ka ulit sa kanan, makikita mo na yung entrance nung building."
Naka-tanga lang sa kanya yung lalaki at halatang hindi naintindihan yung instructions niya.
"S-sorry... I didn't get it. Can you..."
Naisip ni Kyle na baka foreigner ito at konti lang ang alam na tagalog.
Mukha namang nangingilid ang luha sa mata nung lalaki dahilan para mataranta ang binata dahil hindi niya alam ang gagawin niya kung bigla itong umiyak. Baka akalain ng mga tao ay hina-harass niya ito.
"Oh, no worries, let me take you there instead."
Natagpuan na lang ni Kyle ang sarili na nasa tapat ng entrance ng North Star building kasama yung lalaking chinito. Nagpasalamat ito sa kanya, saka sila naghiwalay ng landas.
Sa oras na ito, hindi niya alam na pagkatapos ng tatlong taon, magkikita muli silang dalawa sa building na ito, at siya ang magiging susi para makalabas doon ang lalaki na minsan niyang inihatid sa pinto nito.
↣↣↣
"At ang iaalay natin sa live call listening ay si..."
May pa-suspense pa ang pag-aanounce ng TL sa napakaswerteng ahente na sasalang sa live call monitoring habang iniikot ang paningin sa mga ahenteng kabadong-kabado. Ang totoo niyan ay matagal na'ng napagdesisyunan ng TL kung sino ang tatawagin niya. Binibiro lang niya ang mga ito para may effect. Siyempre isasalang niya yung magaling at may integrity magtrabaho
"TL, I volunteer."
Parang pamilyar ang ang scene na yon mula sa isang pelikula. Tinaas ni Kyle ang kamay niya para tawagin ang atensyon ng TL.
"Katniss, ikaw ba yan?" ang narinig niyang bulong ni Michael na ka-team niya.
"Perfect!" pumalakpak ang TL ng dalawang beses, "Ikaw talaga ang tatawagin ko, Kyle."
Nagsitawanan naman ang buong team nila.
Kanina lang niya nalaman mula kay Ezekiel na tatay pala nito ang site director ng kumpanyang pinagt-trabaho-an niya. Dahil dito nag-init ang ulo niya. Isa sa mga naging alaala ni Ezekiel ang tatay nito na pilit siyang sinasangkot sa isang arranged marriage.
Gusto niya itong komprontahin pero hindi niya alam kung paano. Wala naman siyang business kasama ang site director kaya imposibleng mapagbigyan niya ito kung humiling siya na makipag-usap. At saka kung may kailangan siya sa mga higher ups, may proper procedures in place at ibig sabihin, dapat dumaan muna siya sa at TL niya, OM, at kung sino-sino pa bago makapunta sa site director.
Kaya ang nakita niyang paraan ay ang live call listening. Magandang pagkakataon iyon dahil kasali mismo ang site director. Mapatanggal man siya sa gagawin niya, ayos lang. Malaki ang nakasalalay dito. (A/N: Wag po gagawin ito sa trabaho. For dramatic effect, plot device, at entertainment purposes lang po ito. Hindi ganto yung normal procedures sa isang BPO setting. Wag isa alang-alang ang sariling trabaho at ang trabaho ng iba.)
Oras ng monitoring, alam niyang naka-connect na sa linya niya ang mga clients pati na rin yung site director. Pagpasok ng tawag, normal lang ang ginawang pagbati ng binata. Tinulungan niya ang caller sa kailangan, paminsan-minsan din ay naisisingit nya ang rapport.
Sa kalagitnaan ng tawag, nagpaalam ito sa caller na iho-hold muna ang tawag para tignan ang nangyayari sa account. Pero imbis na pindutin ang hold button, hindi niya ito ginawa. Pinalabas niya na nakalimutan niyang mag-hold, at sa oras na yon, nagtatagalog siyang bumubulong sa sarili.
"...Haaay, ano ba yang mga bobong tao na yan, di makaintindi... Tapos ang baba-baba ng sahod...." Sari-saring insulto at mura ang binitawan niya sa buong sandali na dapat ay naka "hold" siya. Lahat na ang pwede niyang ireklamo ay nasabi na niya. Rinig na rinig ito sa call recording niya.
Hindi naman maipinta ang mukha ng TL niya na nakikinig din sa kanya. Napakunot naman ng noo ang nakikinig na site director habang pawang mga question marks ang nasa mukha ng mga foreign clients.
"What's he saying?" ang tanong ng isa sa mga Amerikano.
"He's just talking to himself about random things." ang sagot ng site director na pinipigilan ilabas ang namumuong galit. Anong klaseng ahente ba 'to? ang tanong niya sa sarili. Higit sa lahay, ayaw na ayaw nito na napapahiya sa kahit sinuman.
Pagkatapos non ay normal na nakipag-usap si Kyle sa customer. Natapos ang pag-uusap nila ng maayos. Kung tutuusin maganda ang customer interaction na iyon, minus lang yung mga pinagmumumura ng binata habang naka"hold" yung tawag.
Tinignan niya si Ezekiel na ngayon ay nakaupo sa tabi niya. Hindi siya umalis dito simula noong nalaman nila na tatay siya ang site director. Hindi siya pinayagan ni Kyle na umalis, dahil aniya sabay silang lalabas at uuwi mamaya. Sa buong oras naman na ito ay nakahawak ang kamay ni Ezekiel sa isang kamay ni Kyle. Mahirap gumamit ng computer kung isa lang ang kamay na gamit pero parang wala lang iyon kay Kyle. Basta masiguro niya na hindi mawawala sa paningin niya si Ezekiel, gagawin niya kahit ano.
At gaya nga ng inaasahan, pinatawag ng TL ang binata. Imbis na sa station sila nagpunta, dinala siya nito sa isang conference room. Habang papunta doon ay magkadikit pa rin ang mga kamay ng dalawang lalaki. Hindi naman nakikita ng iba si Ezekiel kaya ayos lang.
Nadatnan nila sa conference room yung babaeng OM nila. Nadismaya si Kyle dahil inaasahan niya na yung direktor mismo ang magpapatawag sa kanya. Umupo siya sa bakanteng upuan malayo sa OM habang si Ezekiel naman ay napiling tumayo sa likod. Nangako naman ito na hindi aalis.
"Kyle, what happened back there? Hindi ka naman careless kagaya nung nangyari kanina." ang tanong ng OM niya.
"Sorry po, hindi ko po napansin na hindi ko pala na-hold." nagpanggap na humihingi ng tawad ang binata pero ang totoo, wala siyang pake. "Di na po ito mauulit."
"Well, aasahan ko yan, Kyle." tumayo ang ginang mula sa kinauupuan at lumakad palapit sa lalaki. Pilit namang nilalayo ni Kyle ang distansya nila pero naka-trap siya sa upuan niya. "This is so unlikely of you. May problema ka ba? Sabihin mo lang, di ba nagagawan naman natin ng paraan yan?"
Naramdaman ni Kyle ang paggala ng kamay ng OM sa balikat nito. Kahit kailan ay hindi siya naging komportable sa tuwing makakausap niya ito, lalo na kung pribado.
Sumama naman ang mukha ni Ezekiel sa nakikitang ginagawa ng babae. Nararamdaman din niya ang naiilang na kilos ni Kyle.
"Urgh, this b*tch..." ang mahinang utal niya sa sarili bago pinagalaw yung swivel chair na nasa tabi ni Kyle. Tumama ito sa ginang na siya namang ikinalayo niya sa binata.
Alam naman ni Kyle na si Ezekiel ang may pakana nito kaya nag-mental note siya na lulutuan niya ito ng kahit ano pag-uwi nila.
Bumalik naman ang OM sa dating upuan nito sa malayo at saka tinuloy ang pagle-lecture sa ahente. Maya-maya pa'y pumasok muli ang TL niya na mukhang may hindi magandang balita.
Binalita nito na up for NTE yung ginawa ni Kyle ayon sa Quality. Yung site director daw mismo ang magre-review ng kaso niya.
Ikalululngkot ng normal na ahente ang balitang ito, pero ibahin niyo si Kyle. Masaya pa ito dahil mukhang naaayon sa plano niya ang lahat.
"Tee, ako na mismo ang kakausap sa site director. Iwan mo na sakin 'to, akong bahala."
"Ikaw bata ka, hindi pwede. Ako na bahala kumausap don." ang sabi ng TL.
"Sige na po. Para madepensahan ko ng ayos yung sarili ko." Ang pagkukunwaring pagmamakaawa nito. Kapag kasi lumabas sa investigation na intensional yung ginawa niya, termination ang parusa. Hindi naman siya nababahala dito, ang importante ay makausap niya ang site director. "Kapag hindi, malamang matatanggal ako."
Sinadya niyang i-emphasize yung salitang "matatanggal" at siniguro niyang maririnig din ito ng OM niya. Sa oras na iyon, gagamitin niya ang kahit anong pwede niyang gamiting alas. Sigurado siya na hindi gugustuhin ng OM nila na matanggal siya.
Tumikhim namang ang babaeng OM para tawagin ang atensyon nilang dalawa. Naging alerto naman si Ezekiel dahil baka landiin na naman nito si Kyle.
"If that's what you want, I'll see if I can find a way. Basta masiguro lang na hindi ka matatanggal."
Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Kyle para sa OM niya. Labag man to sa loob niya, wala siyang magagawa dahil dito nakasalalay ang plano niya. Hindi siya pwedeng matalo dito.
Nakita naman ni Ezekiel ang pagngiti ng binata. Napataas ang kilay nito at hindi makapaniwala sa nakita.
"At talagang ikaw pa ang lumalandi ngayon, ha, Kyle?" ang tanong ng multo sa sarili niya. Humalukipkip ito at mas lalong lumapit lay Kyle habang tinitignan ng masama ang OM.
"Thank you po. Basta makausap ko lang ang site director, ako na po ang bahala magpaliwanag."
Hintayin mo ako Gilberto Sy.