Kyle Enrico Salvador
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
Tatlong araw matapos kong tarantaduhin ang live call monitoring, nakatanggap ako ng notice sa magiging meeting ko kasama ang site director.
Naka-suspend ako sa tatlong araw na 'yon kaya naman marami akong oras kasama si Ezekiel. Sa bahay, naikwento niya sa akin ang mga ala-alang pumasok sa isip niya. Walang kasing linaw ang bawat pangyayari sa buhay niya. Natandaan niya ang lahat, mula sa pamilya niya, mga karanasan mula pagkabata, hanggang sa relasyon niya sa kanyang kaklase sa college na nagngangalang Luigi Robles.
Ikinuwento niya kung paano sila nagkakilala, paano sila pilit na pinaghiwalay ng pamilya nila, hanggang sa huli nilang pagkikita sa hiking spot na siyang pinuntahan din namin noon.
Lahat ng ito ay matapang na kinuwento ni Ezekiel. Nanginginig pa ang boses nito sa tuwing inaalala ang kanyang masasakit na nakaraan. Sa buong oras na yon, buong buo ang atensyon ko sa kanya at pinaparamdam ko na nandito ako sa tabi niya sa pamamagitan ng paghawak ng mahigpit sa kamay nito. Nasasaktan ako sa mga kinuwento niya. Hindi ko sukat akalain na may mga magulang na kayang gawin iyon sa anak nila.
Ang huling puzzle piece na lang ang hinahanap namin. Kung paano namatay si Ezekiel.
Nang naka-recover na ang aming mga emosyon, bumalik na sa dati si Ezekiel. Nagagawa na din niyang magbiro na parang walang nangyari.
"I feel like I can finally see the end. Lord, kunin niyo na po ako." Pinagdaop ni Ezekiel ang kanyang mga palad na parang magdadasal. Magkatabi kaming dalawa sa harap ng kitchen counter habang hinihintay uminit ang pinapakulo kong tubig.
Nagsalubong naman ang kilay ko nang makita kung ano ang ginagawa nung isa. "Sigurado ka bang si Lord ang kukuha sa'yo?"
Tumaas ang kilay ng lalaki sa tabi ko na parang hinahamon ako. Mas lumapit pa siya sa akin. "Siguradong-sigurado. Isasama pa kita." Hinapit niya ang bewang ko at bumulong. "Dadalhin kita sa langit."
Whiiiiiiiiiiiiiiiiiii...
Mabuti na lang at sumipol na ang takure. Tinulak ko si Ezekiel palayo at saka tumalikod para patayin ang takure. Nag-iinit na naman at pisnge at tenga ko. Naririnig ko naman ang pagtawa ng lalaki sa likod ko na para bang nakakatawa yung ginawa niya.
Nagpunta kaming park nung hapon na para magpahangin at mag-unwind. Sabi kasi ni Ezekiel nare-relax daw siya kapag pumupunta siya sa park para makapag-isip-isip at parang nawawala yung mga problema niya.
Pagbalik sa bahay, as usual, kakanin naman tong isa. Hindi ako nakapamili kaya simpleng hotdog lang ulam namin ngayon. Salamat at hindi naman nagreklamo si Ezekiel, yun nga lang, imagine-in niyo yung mga biro na ginagawa niya habang kumakain.
Kahit na ganon, masaya akong makita so Ezekiel na tumatawa. Sana palaging ganito. Sana palagi kaming ganitong dalawa.
Sa ngayon, magkatabi kaming nakahiga ni Ezekiel sa kama ko. Nakayakap ito sa akin at nakahilig ang ulo sa dibdib ko.
"Your heart's beating so fast." ang sabi niya.
"Normal lang 'yan," ang sagot ko naman. Sino ba naman ang hindi bibilis ang puso kapag ganito ang sitwasyon mo kasama ng taong gusto mo? "Buhay pa ako e."
Sinampal ko naman ang bibig ko matapos ko yong sabihin. Sarkastikong biro dapat yon pero alam kong offensive iyon para kay Ezekiel na patay na.
"I'm sorry, ibig ko sabihin—“
Tumawa naman ng malakas ang lalaki sa bisig ko dahilan para hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin.
"Nah, you're fine. Alam ko ang ibig mong sabihin. Don't worry about it." Naramdaman kong mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Nung buhay pa siguro ako, palagi rin siguro mabilis ang heartbeat ko dahil may tao akong nagugustuhan."
Naalala na naman niya yung dati niyang boyfriend nung nabubuhay pa.
Parang may kung anong tinik na kumapit sa puso ko nang maisip ko kung paano nakuha ng iba ang pag-ibig ni Ezekiel. Parang kumikirot ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.
Nagseselos ba ako? Marahil. Pero wala naman akong karapatang magselos. Hindi naman talaga naging akin si Ezekiel kung tutuusin. Isa lang akong ordinaryong tao na tinutulungan ang isang espirito na makatawid sa kabilang-buhay. Hanggang doon lang naman ang pwedeng kahantungan ng relasyon namin ngayon.
Kating-kati ako sabihin sa kanya na gusto ko siya. Na hindi mapaglagyan ang nararamdaman ko sa tuwing magkasama kaming dalawa, magkahawak kamay, magkayakap. Gusto kong titigan ang madilim na karagatan sa mga mata niya habang binubuhos ko ang emosyon ko sa kanya. Gusto ko siyang hagkan ng walang pag-aalinlangan. Gusto ko siyang maangkin.
Gusto ko siyang makasama habang buhay.
Pero aalis din siya.
Ayaw ko man ay gusto ko na'ng palayain si Ezekiel dito sa mundo. Ayokong makitang nalulungkot ito at nasasaktan. Hindi kaya makita ng puso ko na nahihirapan siya. Mahirap man para sa akin, pero gusto ko na siyang magpahinga.
Hindi siya deserve ng mundong ito. Hindi siya nababagay dito sa impyerno ng mga nabubuhay. Deserve niyang sumaya. Ang anghel na tulad niya ay nababagay sa lugar kung saan walang sakit, walang pagkamuhi, at walang panghuhusga. Isang lugar kung saan malaya niyang magagawa ang gusto niya, at mahalin ang kahit sinong nasa puso niya.
"Sana ol." dinaan ko na lang sa biro ang nararamdaman ko.
"Sus, e may girlfriend ka naman dati e."
"Anong kinalaman non dito?"
"Well, I'm sure bumilis din ang t***k ng puso mo nung kasama mo siya."
Oo, bumilis ang t***k ng puso ko para kay Marian noon. Minsan nga parang nags-slowmo pa ang paligid kapag nakikita ko siya. Totoo ang pag-ibig ko sa kanya, hindi ko naman ikakaila iyon. Pero lumipas na lahat ng nararamdaman ko matapos ang ilang taon. Maluwag sa dibdib kong tinanggap ang kapalaran naming dalawa.
"Siguro nga." ang tipid kong sagot. Di ko kasi alam kung anong isasagot sa kanya.
"Bakit ba kayo naghiwalay?" ang tanong ni Ezekiel habang kinukutkot ang tela ng damit ko.
"Mmm... Gaya mo, pinaghiwalay din kami. Ayaw sa akin ng pamilya niya dahil hindi naman ako mayaman tulad nila."
"What the fvck? Just because dukha ka, pwede na nilang gawin yon?"
Bigla naman akong natawa sa mga salita niya.
Kinutusan ko ang ulo niya na siya namang dinaing niya. "Dukha ka dyan? 'Sakit mong magsalita ah. Ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin, Don Ezekiel Sy?" ang pagbibiro ko. Tawa naman ng tawa 'tong isa.
"Joke lang. But seriously, rich people should stop being full of themselves." Sandaling tumigil si Ezekiel sa pagsasalita, bago muling nagpatuloy. "I like your family so much. Kahit di nila ako nakikita, I can see how much your parents love you and your brother. Gusto ko din yung bahay niyo sa province. Maliit lang pero cozy, ang sarap tumira. Plus, you also have that gorgeous beach. If I can, I'd like to visit there again."
Pinipigilan kong tumulo ang mga luha na nagbabadyang kumawala sa mga mata ko. Mas kumurot ang puso ko dahil naaalala ko na naman na baka konting araw na lang ang imamalagi ni Ezekiel dito sa mundo. Bilang na lang ang araw na makakasama ko siya at mayayakap ng ganito. Kumukurot ang puso ko dahil hindi ko na siya makakasama sa susunod na umuwi ako ng probinsya. Hindi ko na siya makakasama gumala sa bayan o maglakad sa dalampasigan.
Kung ganong simpleng buhay ang gusto ni Ezekiel, gusto ko iyong ibigay sa kanya. Pero paano ba?
"Mmm... P-Pumunta ulit tayo don." Hanggang panaginip na lang ang ilusyon kong ito.
"Kyle," narinig kong tinawag niya ako. "You've already done so much for me. Wala na akong hihilingin pa. Naging masaya ako bago ako tumawid. Hinding-hindi ko ito makakalimutan. And maybe if I get reincarnated, I'll still be able to remember you."
Hindi na ako nagsalita pa. Tatraydorin ako ng boses ko kapag nagsalita ako. Niyakap ko ng mahigpit si Ezekiel at binaon ang ulo niya sa dibdib ko. Ayokong makita niya akong umiiyak. Ayokong makita niya kung paano nadudurog ang puso ko ngayon.
Sinuklian naman niya ako ng isa ring mahigpit na yakap. Wala na'ng nagsalita sa aming dalawa. Ninamnam namin ang katahimikan ng paligid at ang sandali na kasama namin ang isa't-isa.