Chapter 24 + Hiatus

2810 Words
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── Kumakain sa 4th floor canteen si Kyle, at nasa harap niya ang tila natatakam na si Ezekiel. Ngayong araw siya pinatawag upang makipag-usap sa site director. Hindi alam ng binata kung ano ang ginawa ng OM nila, pero nagawa nitong mag-arrange ng meeting sa pagitan lang nilang dalawa ng direktor. "Sasama ka ba sa akin mamaya?" ang tanong ni Kyle na nagpapanggap na may ka-tawagan sa phone dahil maraming tao sa canteen ngayon. "I don't know. Hindi kasi ako nakaka-akyat sa 10th floor." ang walang-ganang sagot naman ng multo. Nasa 10th floor ang opisina ng site director at dito rin siya pupunta. Ngayon lang nalaman ni Kyle na may lugar pala na hindi kayang puntahan ni Junjun dito sa building. Akala kasi nito ay nakakatagos ito sa kahit saan. Ayon kay Junjun, sa tuwing susubukan niyang pumunta ng 10th floor, bumabalik lang siya sa ground floor. Kahit ns sumabay siya sa elevator paakyat ng palpag na iyon ay hindi rin niya kaya. Hindi niya rin kayang tumagos sa mga pader nito. Sa tagal niyang naninirahan sa gusaling ito, tanging ang 10th floor lang ang hindi niya nagagawang puntahan. Hindi rin niya alam kung bakit, kaya naman hinayaan niya na lang. Tutal, malaya naman niyang maikot ang ibang parte ng malaking building. "Subukan lang natin. Kasama mo na ako. Baka maka-akyat ka na dahil may spirit contract na tayo ngayon." ang suggestion ni Kyle. Nagawa kasi ng multo na makalabas sa building na ito simula ng nagkaroon sila ng kontrata. Kaya naman hindi impossible na ganito rin ang mangyari sa pag-akyat nila ng 10th floor. Kasalukuyang nasa loob ng elevator sina Kyla at Ezekiel. Nagkataong walang ibang tao at tanging silang dalawa lang ang nandon. Pinagmasdan nila kung paano unti-unting umaakyat ang elevator patungo sa kanilang destinasyon. Saglit lamang iyon pero para sa dalawang binata, tila napakatagal nilang tinitigan ang pagpapalit ng pulang numero mula sa display. 5 6 7 8 9 10 Naramdaman nila ang paghinto ng elevator ngunit nagtataka sila kung bakit hindi ito bumubukas. Pinindot ni Kyle ang open button pero walang nangyari. Pinindot pa niya ito ng ilang beses pero bigo silang mabuksan ang pinto. "Bakit ngayon pa nasira 'to?" ang inis na sambit ni Kyle. "Let's just call for help." Tinuro ni Ezekiel ang alarm button ng elevator. Agad naman itong pinindot ni Kyle ngunit sa di inaasahang pangyayari, biglang bumaba ang elevator. O mas tamang sabihin na bumulusok itong pababa. Ang display naman sa taas ay tila nagloloko rin dahil hindi tama ang mga numerong lumalabas dito. Napakapit sila ng mahigpit sa kamay ng isa't-isa at napapikit habang nararamdaman na tila hinihila ang kanilang mga lamang loob sa sobrang lakas ng pwersang humihila sa kanila pababa. Sh!t. Katapusan na ba namin? Ang tanong ni Kyle sa kanyang sarili. Hinila niya si Ezekiel at mahigpit na yumakap dito. 10 4 9 5 1 7 10 3 2 8 4 UG Matapos ng tila walang hanggang pagbulusok, dinilat nila ang mga mata nila nang marinig ang mahinang ding ng elevator. Bumukas ang elevator at tumambad sa kanila ang pamilyar na ground floor ng building. Tinignan muna ni Kyle ang display sa itaas na nagsasabing UG at tsaka tiniyak na buo pa silang dalawa bago lumabas ng elevator. Magkakapit pa rin ang kamay nila ni Ezekiel habang naglalakad palabas. Walang tao sa ground floor lobby na ikinapagtaka nila. Kahit na ang security guard na 24/7 nakabantay sa istasyon nito ay wala rin. Hindi maganda ng pakiramdam ni Kyle dito. Hindi muna bumalik ang dalawa sa elevator dahil sa takot na magloko na naman ito. Sa halip ay magkasama nilang nilibot ang ground floor, nagbabakasakali na makahanap ng tao. Nakakabingi ang katahimikan ng gusali ngayon. Kahit anong ingay ay wala silang naririnig. Kahit na ang ingay sa labas ay wala rin. Pumunta sila sa double door ng gusali para subukang lumabas, pero nagulat sila dahil may invisible na harang ang pumipigil sa kanila para magpatuloy lumabas. Kahit nakabukas ang dalawang pinto nito, hindi nila magawang makatapak sa labas. Ilang beses binangga ni Kyle ang pader na hindi nila nakikita pero bigo nitong mabuwag ang malakas na pwersa na naghihiwalay sa kanila mula sa labas. Kinabahan si Ezekiel dahil napaka-pamilyar ng pakiramdam na ito. Ganitong-ganito ang tagpo na ilang beses na niyang naranasan. Napabitaw siya sa kamay ni Kyle na parang napaso, at humakbang ito palayo sa binata. "Ezekiel? Anong..." Labis na pagtataka ang makikita sa mukha ni Kyle. Hindi nito alam kung bakit ganito ang kinikilos ng lalaki. "Kyle..." Nanginginig ang boses ni Ezekiel at halo-halong emosyon ang naglalaro sa mukha nito. Hindi niya alam kung paano ang sasabihin sa binata. "Kyle... na-na-trap ata tayo dito sa building... kagaya naming mga kaluluwa..." Nanlamig ang buong katawan ni Kyle matapos marinig ang sinabi ng lalaki. Naging blangko ang utak nito. "Anong ibig mong sabihin?" may halong pagkataranta ang boses ni Kyle. Hindi siya makapaniwala na posibleng... "P-Patay na rin ba ako?" Hindi kaagad nakapagsalita si Ezekiel. Hindi niya rin alam ang dahilan. Hindi niya alam ang isasagot. Everything doesn't make sense. Si Kyle lang ang tanging susi para makalabas siya sa gusaling iyon, pero kahit si Kyle ay na-trap din kasama niya. Nararamdaman niya na nagbabadya ang luha sa mga mata niya pero pinipigilan niya ito dahil alam niyang matatakot si Kyle kapag nakita siya nitong duguan. "I-I don't know, Kyle. I'm sorry." Parang napako sa kinatatayuan niya si Kyle. Hindi siya makapaniwala na nangyayari ito. Iniisip niya kung paano siya namatay. Hindi kaya namatay siya noong bumagsak ang elevator? Posible iyon. "I'm so sorry, Kyle. Nadamay ka pa..." Narinig niya ang panginginig sa boses ni Ezekiel na nakatayo sa harap niya. Nakayuko ito at tila nanginginig ang mga balikat. Kumurot ang puso niya sa tagpong iyon dahil hindi niya maaatim na makita si Ezekiel na malungkot. Bumuntong-hininga si Kyle bago niya hinila palapit ang multo na kasalukuyang nagpipigil ng luha. Niyakap niya at ito at ganon din naman ang ginawa ni Ezekiel. Binaon nito ang mukha sa balikat ni Kyle at hindi na niya napigilan ang mga dugong luha na nag-uunahan tumulo mula sa kanyang mata. "Just stay like this, Kyle. Don't look at me." ang bulong ng multo sa binata. "I look horrible." Hinimas ni Kyle ang likuran ng multo at dinama ang katawan nito. Iniisip niya na kung ganto talaga ang kahahantungan niya, wala na siyang magagawa. There's no reason to cry over spilt milk. Sa huli ay ito rin naman ang patutunguhan ng buhay niya. Ang mamatay. Pero ang ikinapagtataka niya, naalala pa niya ang lahat ng bagay sa buhay niya. Ang sabi ni Ezekiel dati ay nagising siya isang araw sa building na ito at ni isa ay wala siyang naaalala sa nakaraang buhay niya. Marahang tinulak niya si Ezekiel para tignan ang mukha nito habang mariin pa ring nakakapit ang mga kamay niya sa braso nito. "Kyle naman!" Dali-daling pinunasan ni Ezekiel ang duguang mukha. Napangiti naman ang binata at saka tinulungan ang multo na punasan ang mukha nito. Gamit ang hinlalaki ay pinalis niya ang bakas ng dugo sa makinis na mukha ni Ezekiel. "You stilk look beautiful." ang bulong niya rito. Napaangat ang ulo ng multo at may pagtatakang tinignan ang binata, "What's that?" "Wala. Sabi ko, baka hindi pa ako patay." Ang may ngiting sabi ni Kyle. "Hindi ba sabi mo sa akin, wala ka nang naaalala paggising mo dito sa building?" "That's right..." ang nagtatakang sagot ni Ezekiel. "Well, naaalala ko pa ang lahat. Wala akong nakalimutan." Naaalala ko pa yung araw na dumating ka sa buhay ko, pati ang araw na tumibok ang puso ko para sa'yo. Nanlaki naman ang mga mata ni Ezekiel nang ma-realize na tama nga ang sinabi ng binata. Lahat ng multo dito sa building ay walang naaalala sa mga naging buhay nila. "Then does that mean you're still alive? Hindi ka pa spirit kagaya ko?" ang sunod-sunod na tanong ng multo na may halong excitement. Tumango si Kyle at saka muling mahigpit na niyakap si Ezekiel. "Tama. Hindi ko rin alam kung anong nangyari, pero mukhang hindi pa ako patay." "That's a relief." Naupo ang dalawa sa waiting area ng ground floor na malapit sa entrance. Mula sa puwesto nila ay tanaw nila ang labas na mukhang desyerto rin dahil walang tao ang naglalakad o kahit anong ingay ang nagmumula rito. Napagdesisyunan nilang maghintay ng ilang saglit kung ano ang mangyayari. Hindi nila alam kung paano sila napunta sa sitwasyon na ito, kaya hindi rin nila alam kung paano makakabalik. Nakahilig ang ulo ni Ezekiel sa balikat ni Kyle habang nilalaro-laro ang mga daliri nito. Napakapayapa ang nararamdaman niya ngayon. Parang sila lang ang tao sa mundo kaya hinihiling niya na sana ay laging ganito. "Kyle, I have something to tell you." ang sabi niya rito. Tutal ay umabot na sila sa ganito at malalim na rin ang pinagsamahan nilang dalawa, naisip niyang umamin sa binata tungkol sa ginawa niya dati. Maaaring bilang na lang ang sandali nilang dalawa at hindi makakaya ng konsensya niya kapag hindi siya rito humingi ng tawad. "Mmmm?" ang matipid na sagot ni Kyle habang pinagmamasdan ang kamay ng multo na nakakapit sa kamay niya. "Do you remember that thing I told you about? Yung consequence kapag hindi mo ako tinulungan sa spirit contract?" ang mahinang tanong ni Ezekiel. "Oo naman. Bakit?" "Sorry. I lied about it. H-Hindi yon totoo." ang pag-amin nito. Kinakabahan ito sa magiging reaksyon ng binata. "I mean, you're not gonna die kung hindi mo ako tutulungan." Nagsalubong ang kilay ni Kyle matapos marinig ang pagtatapat ng lalaki sa tabi niya. Pero ano yung mga aksidente dati? Hindi niya alam ang sasabihin sa oras na ito. Dapat ba itong matuwa? Makahinga ng maluwag? O magalit? "I did those things, and made them look like accidents. Kahit yung... pagbangga ng truck, I made it lose control. It almost hit you and I panicked." Nagbabadya na namang tumulo ang luha niya habang inaaalala ang mga kalokohang pinaggagagawa niya dati. Hindi naman niya papatayin si Kyle, gusto lang niya itong takutin dahil sa desperasyon niya. "But I swear, Kyle, I never wanted you dead. I'll never hurt you. I just wanted to scare you a bit. Remember, nag-away pa tayo non?" Pino-proseso ni Kyle ang mga sinabi ni Ezekiel. Halos sumabog ang utak nito sa mga impormasyong nalaman. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Ano ang una niyang dapat maramdaman? Dapat ba siyang magalit? "Pinagsisisihan ko lahat yon. And I felt really bad when I pulled that truck stunt on you. Nagsisisi ako na nagawa ko 'yon sa iyo dati. I really can't imagine kung..." Sa oras na iyon, tuluyan nang tumangis ang multo. Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang mga palad para hindi makita ni Kyle ang itsura niya. Binalikan naman ni Kyle yung araw na muntik na siyang mabangga ng truck. The last thing I remembered was a hand grabbing me and pulling me off that deadly spot. Naalala ko ang walang buhay nitong mga mata. Hindi ito kumikinang kagaya ng mga mata ng isang buhay na tao, sa halip ay mga pulang likido ang tumutulo mula sa mga ito. "I'm sorry, Kyle..." (refer to chapter 4) "Anong nasa utak mo noon para magawa iyon?" Natatakot sumagot si Ezekiel dahil may diin ang bawat salitang binitiwan ng binata. Hindi rin makatingin ang multo sa katabi nito kaya hindi niya alam kung ano ang ekspresyon nito. "I'm sorry. Back then, gusto ko lang na tulungan mo ako because I thought you're not gonna do it since we fought over something." Nanginginig ang boses ni Ezekiel habang tinatago pa rin ang mukha sa mga palad. "Look, if you want to beat me to death, now is your chance. Tatanggapin ko lahat ng suntok mo. Afterall, I deserve it." "At bakit ko gagawin yon?" Aminado si Kyle na nakaramdam siya ng galit. Pero matapos magpaliwanag ni Ezekiel, nanaig ang awa niya rito. Isa lang siyang kaluluwa na desperadong makawala dito sa mundo. Desperado nga itong malaman ang pangalan niya para mabuo ang spirit contract sa kanilang dalawa, syempre gagawin nito ang lahat para makatawid sa kabila. Ito siguro ang goal ng lahat ng ligaw na kaluluwa sa mundo: ang makahanap ng kapayapaan at katahimikan. Naiintindihan niya kung bakit ito nagawa ng multo kaya naman humupa ang kaunting galit na muntik na'ng umusbong sa kanyang puso. "Okay na, wag ka nang umiyak. Nangyari na yon, at tsaka buhay pa naman ako." ang pag-aalo ng binata kay Ezekiel. Sinubukan niyang tanggalin ang kamay na nakatakip sa mukha nito. "Are you mad?" ang tanong ng multo na halos pa-bulong. "Medyo." Napa-angat ang ulo ni Ezekiel at tumingin sa mata ng binata para muling humingi ng tawad. "I'm so sorry." "Apology accepted. Ngayon, wag ka na'ng umiyak." napatawa si Kyle at saka pinunasan ang pulang luha ng multo. Halos mag-panic ang multo dahil nakalimutan niya na mukha pa pala siyang di kanais-nais. Sabay na napatawa ang dalawa. Masaya sila na nagkaayos sila sa kabila ng nangyari. "We're here. This is the North Star building." "Thank you so much." Napatigil sila sa pagtawa nang may marinig na boses na nanggaling sa entrance. Nagulat sila dahil tila habang-buhay na ang nakalipas mula ng may narinig sila sa paligid nila. Dahil kita ang labas mula sa kinauupuan nila, agad nilang natanaw ang tao sa labas. Or more precisely, mga tao. Dalawang lalaki ang nakita nilang nakatayo mula sa labas. At kamukhang-kamukha nila ito. Hindi agad sila nakapagsalita sa nakita dahil pino-proseso nila ang mga nangyayari. Dalawang pares ng lalaki ang kasalukuyang nandito: dalawa sa labas at dalawa sa loob. Agad silang tumakbo papunta sa mga lalaki sa labas, ngunit gaya kanina, nandito pa rin ang pader na hindi nila nakikita. Sinubukan nilang tawagin ang atensyon nila pero tila hindi sila naririnig nito. Umalis na si "Kyle" habang si "Ezekiel" naman ay naiwan sa labas ng building. "Sh*t! That's me, right?" ang tanong ni Ezekiel. Halata ang pagkagulat sa boses nito. "At ako din yung isa..." sambit ni Kyle. Ito ang tagpo sa buhay ni Ezekiel na hindi pa niya naaalala. Ang una nilang pagkikita ni Kyle. Tumakbo siya papunta sa likod ng front desk at hindi siya nabigo nang may mahanap siyang kalendaryo. 20XX. This was three years ago. Nakasunod sa kanya si Kyle at nakita rin nito ang hawak ng multo. Bumalik ba sila tatlong taon na ang nakalipas? Walang anu-ano ay biglang humangin ng malakas. Nagsara ang double glass door ng building at napuno ng maliwanag na ilaw ang labas. Tinakpan naman ng dalawang lalaki ang mata nila mula sa nakasisilaw na liwanag. Hinawakan ni Kyle ang kamay ni Ezekiel dahil natatakot ito na baka ito ang liwanag na sumusundo dito. "Mr. Belmonte!" narinig nila ang boses ni "Ezekiel" mula sa labas Muling minulat ng dalawa ang mga mata. Sa pagkakataong ito, nakabukas na muli ang pinto. Wala na ang liwanag kanina bagkus ay ibang tagpo sa labas ang tumambad sa kanila. May kausap si "Ezekiel" na isang lalaki sa tapat ng building. "Sir Ezekiel. Nandito po pala kayo. Pumunta po ba kayo para kay Mr. Sy?" "Yes. Can you bring me to him?" Nanglaki naman ang mata nila nang makita ang dalawang tao sa labas na pumasok sa loob ng building. Hindi napigilan ni Kyle si Ezekiel nang bigla itong tumakbo patungo sa direksyon ng dalawang bagong dating. Ni hindi dumapo ang tingin nila dito na siyang inaasahan naman dahil multo si Ezekiel. Pero kahit si Kyle na nakasunod sa multo ay tila hindi rin nila nakikita. "Kyle, block their way." utos ng multo. "Huh?" nagtataka man kung bakit pero sinunod pa rin niya ito. Iniharang nito ang sarili sa dadaanan ng dalawa. At parang isang hangin, tumagos sila kay Kyle at nagpatuloy sa paglalakad. "Just like what I thought," ang seryosong wika ni Ezekiel. "We are inside my memory three years ago." Dumiretso ang dalawang bagong dating sa elevator at bago pa man mag-sara ito, hinila ni Ezekiel si Kyle para pumasok sa loob. Pinindot ng isang lalaki ang 10th floor button. Walang nagsasalita sa kanila, pero mahigpit ang pagkakahawak ni Ezekiel sa kamay ni Kyle Baka dito na nila malalaman ang katotohanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD