Chapter 25

1570 Words
P R E V I O U S L Y : Hindi napigilan ni Kyle si Ezekiel nang bigla itong tumakbo patungo sa direksyon ng dalawang bagong dating. Ni hindi dumapo ang tingin nila dito na siyang inaasahan naman dahil multo si Ezekiel. Pero kahit si Kyle na nakasunod sa multo ay tila hindi rin nila nakikita. "Kyle, block their way." utos ng multo. "Huh?" nagtataka man kung bakit pero sinunod pa rin niya ito. Iniharang nito ang sarili sa dadaanan ng dalawa. At parang isang hangin, tumagos sila kay Kyle at nagpatuloy sa paglalakad. "Just like what I thought," ang seryosong wika ni Ezekiel. "We are inside my memory three years ago." Dumiretso ang dalawang bagong dating sa elevator at bago pa man mag-sara ito, hinila ni Ezekiel si Kyle para pumasok sa loob. Pinindot ng isang lalaki ang 10th floor button. Walang nagsasalita sa kanila, pero mahigpit ang pagkakahawak ni Ezekiel sa kamay ni Kyle. Baka dito na nila malalaman ang katotohanan. Trigger warning : homophobia, violence, blood ─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── ↢↢↢ Nakapunta si Ezekiel sa North Star building sa tulong ng isang lalaking may mabuting loob na nakasalubong niya. Pero ngayon ay nahaharap siya sa isang problema. Wala siyang ID badge para makapasok na loob ng building. Kailangan kasi ng access badge bago makapunta sa elevator. Naghintay ang binata. Isang oras. Dalawang oras. Maraming naglalabas-masok sa building pero ni isa ay walang gustong tumulong sa kanya magpahiram ng access badge. Naiintindihan naman niya dahil security protocol ito at wala siyang magagawa. Hindi rin naman siya makakuha ng visitors' pass dahil wala itong dala na kahit anong ID. Pagsapit ng ng alas-7 ng gabi, sa kabila ng pagod at gutom, natanaw ni Ezekiel ang secretary ng ama na papasok sa building. "Mr. Belmonte!" ang pagtawag niya dito. Nakita naman siya ng sekretarya at gumuhit sa mukha nito ang pagkagulat. Kahit kailan ay hindi pa niya nakikita ang anak ng boss niya sa lugar na ito. "Sir Ezekiel. Nandito po pala kayo." ang bati niya sa binata. "Pumunta po ba kayo para kay Mr. Sy?" "Yes. Can you bring me to him?" Hindi nabigo si Ezekiel dahil dinala naman siya ng sekretarya sa 10th floor kung saan naroon ang opisina ng ama. Hinintay muna niya matapos ang naabutan niyang meeting bago siya pumasok sa loob. Nagulat ang ama nang nakita ang anak niya sa loob ng opisina dahil kahit kailan ay hindi ito nadalaw dito. Pero mas ikinagulat nito ang estado niya ngayon. "You look like a mess right now." ang wika ni Mr. Sy, habang isinasalin ang kape mula sa coffee-maker na nasa gilid ng mesa niya. "I believe hindi alam ng mom mo na nandito ka. Have you eaten? What do you like?" Hindi pinansin ni Ezekiel ang tanong ng ama, bagkus ay dumiretso ito sa kanyang pakay. "Call off the wedding. I won't marry to anyone." ang pagdedeklara niya. Inaasahan na ng ama na ito ang pakay ng anak. Kalmado itong naupo sa upuan niya at humigop ng kape. "You and I both know that that's not gonna happen." "Please, dad. I will do anything. Itigil niyo lang 'to." Sa pagkakataong ito, lumuhod na si Ezekiel sa harap ng ama. Lahat ay gagawin niya para lang matigil ang kasal na binabalak nila. Pero walang kahit anong emosyon ang mukha ng ama. Tila bakal ang puso nito sa harap ng kaawa-awang kalagayan ng anak. "Please. I'm begging you." "You shouldn't have involved yourself with a man in the first place. You know that's not gonna work in our family. Dapat nakinig ka sa amin noon pa man." "I love him, dad. We love each other. Masama ba yon?" Nag-init ang ulo ng ama sa mga sinasabi ng anak. Pabagsak niyang binaba ang tasa sa mesa na halos ikabasag nito. Hindi niya alam kung saan siya nagkulang sa pagpapalaki sa anak at umaasal ito ng ganto ngayon. "You can love any woman, and I don't care about her status in life! But being with a man?! You're being a disgrace to our family and we will never allow that!" "Then disown me! Take everything away from me! Mamahalin ko ang sinomang gusto kong mahalin. Magmamahal ako ng lalaki kung gusto ko!" "Don't test me Ezekiel..." may halong pagbabanta sa boses ng ama. "I know where that Luigi Robles and his family lives in Canada. Subukan mo pa ako, at tignan mo kung saan pupulutin yang lalaki na yan." Alam ni Ezekiel na hindi lang hanggang sa salita ang ama nito. Gagawin niya talaga ang sinabi niya kung gusto niya dahil kaya niya. Sa sandaling ito, nablangko ang utak ng binata. Halong galit sa ama at pag-aalala para kay Luigi ang nararamdaman niya. "Dad, please. Why are you doing this to me?" "We are just doing what's best for you." "You don't know what's best for me. In fact, you never cared about me! Wala kayong kwentang ama!" Nagsisimulang magdilim ang paningin ng nakatatandang Sy. Tumataas ang dugo niya sa kalapastanganan ng anak. "You're going to get married, and you can't do anything about it, son." "Dad! Please! You can't do this to me! Hindi ako papayag! I'd rather die than marry someone I don't have feelings for!" "My decision is final, Ezekiel!" "I'll kill myself, dad! I swear! Hindi ko kakayaning mabuhay kung wala si Luigi!“ Sa oras na ito, hindi na napigilan ng ama ng sumasabog niyang galit. Dinampot niya ang pinakamalapit na bagay sa kamay niya at ibinato iyon sa direksyon ng anak. Hindi nakailag ang binata sa papalapit na table name plate na gawa sa salamin at metal. Napakalakas ng tama nito sa kanyang ulo dahilan para matumba siya. Nag-black out ang paningin niya habang tila umiikot ang paligid at naramdaman nito ang basang bagay na umaagos mula sa ulo nito. Dugo. Nabahiran ng kanyang dugo ang pangalan ng ama na nakaukit sa name plate. "You'll kill yourself, huh?" Isang malakas na sipa sa kanyang dibdib ang pinakawalan ng kanyang ama dahilan para mahirapan siyang makahinga. Pilit na na sinasalag ni Ezekiel ang sunod-sunod na pagsipa sa kanya pero wala rin itong nagagawa dahil tila hindi niya magalaw ang katawan niya. Mukha ring desidido ang ama na patayin siya at hindi naririnig ang mga daing niya. Parang sinapian ng demonyo si Mr. Sy sa inaasal niya ngayon. Kung may anong nag-trigger sa kanya para saktan ang anak. Hindi siya tumigil sa pagsipa at pagsuntok sa katawan na nakahandusay sa sahig ngayon. "Mr. Sy!!" Bumukas ang pinto at lumantad ang sekretarya niya na may mga hawak na papeles. Nabitawan niya ang mga ito nang makita ang tagpo sa loob ng kwarto. Duguan at nakahandusay sa sahig si Ezekiel habang nahuli niya sa akto ang amo na sisipain ito. Hindi na rin gumagalaw ang binata sa sahig kaya naalarma ito. Dali-dali niyang pinigilan ang amo at tinulak ito palayo sa binata. "Mr. Sy, anong ginagawa niyo?!" Alam nito na walang puso ang amo pagdating sa negosyo. Maraming itong negosyo at hindi ito nagdadalawang-isip na ligpitin ang kahit sino mang makakasagabal sa kanya. Saksi rin siya sa ilan sa mga ito. Pero hindi niya lubos na maisip na magagawa niya ito sa kanyang anak. Sa tagal ng pagt-trabaho niya para sa business man, ngayon lang siya nakaramdam ng suklam dito. Tila nahimasmasan naman si Mr. Sy at kumalma ang sarili. Nakita niya ang sekretarya na nakaluhod sa tabi ng duguan at hindi gumagalaw niyang anak. Napatingin ito sa kanyang kamao na duguan din. Unti-unting nag-sink in sa utak niya ang mga bagay. Agad na nagpatawag ang nakatatandang Sy ng mga tauhan para ilabas si Ezekiel. Mahigpit niya ring ibinilin na dapat ay walang makakita sa kanila habang binababa ang katawan ng anak. Nanginginig naman ang mga kamay ng sekretaryang si Mr. Belmonte habang nililinis ang kwarto mula sa bubog at bakas ng dugo ni Ezekiel. Kinabukasan ay nagpasa na ito ng resignation letter sa amo at ito na ang huling beses na nakatapak ito sa loob ng North Star building. Lahat ng balita at usap-usapan tungkol sa pangyayaring ito ay hinarang ng team ni Mr. Sy. Ang mga empleyadong di sinasadyang nakita ang pagbaba sa katawan ng binata ay tinanggal sa trabaho at binayaran ng malaking salapi kapalit ng pagtahimik nila. Pero siyempre, hindi makakaligtas ang mga nakalusot na usap-usapan tungkol sa pangyayaring ito dahil na likas na pagka-chismoso at chismosa ng mga Pilipino. Palihim lang itong pinag-uusapan ng mga ahente at empleyado ng kompanya. Sari-saring haka-haka ang lumitaw sa tunay na pangyayari. May iba na nagsasabing naipit daw ito sa elevator. Ang sabi naman ng iba ay ahente ito na nagpakamatay dahil sa stress. Dahil pasa-pasa na ang kuwentong ito, walang nakaka-alam kung kanino ito nanggaling o kung totoo ba ito. Tatlong taon na ang nakalipas, halos nakalimutan na ito ng mga empleyado sa building, at ang mga di umano'y saksi ay nagsialisan na rin. Ang kwentong ito ay ilan lamang sa mga maraming bersyong kumakalat kung sino ang kaluluwang nagpaparamdam sa building nila na kilala sa pangalang Junjun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD