─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── Nakita ni Kyle si Ezekiel na tumatakbo sa kakahuyan. Parang naglalaro silang dalawa ng taya-tayaan dahil parang bata kung humalakhak ito. "Habulin mo ko Kyle!" Dahil dito, mas binilisan pa ni Kyle ang pagtakbo para tayain ito. Nawala sa paningin niya si Ezekiel dahil sa mga puno pero naririnig pa rin niya ang mga halakhak nito. Hindi siya sumuko at sinundan niya ang direksyon kung saan nanggagaling ang mga tawa ni Ezekiel hanggang sa napadpad siya sa sikretong lugar niya sa probinsya. Sa gitna ng maraming bulaklak, mula sa gilid ng burol ay nakita niyang nakatayo si Ezekiel. Nakatalikod ito sa kanya at mukhang tinitignan ang mga tanawin. "Taya!" Dali-daling tinaya ni Kyle ang lalaki at napatawa pa siya ng parang bata. Pero nagtaka siya nang hindi lumingon o

