─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── Ang huling message ni Kyle ay three days ago. 'Ezekiel Sy, alam kong hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal mo. Pero tandaan mo na mahal na mahal na mahal kita. Ikaw ang pinaka-iniingatang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko. Masaya ako at nakilala kita.' "Marian, I need to see Kyle right now." "Hindi ba siya sumasagot? How about you text him?" "I need to see him. f**k! Hindi ko alam yung address niya." Aligaga si Ezekiel habang paikot-ikot na naglalakad sa kwarto niya. Wala siyang idea kung taga-saan si Kyle. Palagi niyang sinasabi na taga-malapit lang ito pero hindi niya nababangggit kung saan eksakto. Wala rin siyang pagkakataon para bumisita sa bahay nito. Nakasanayan na nila na sa bahay ng mga Sy tumambay dulot ng naging recovery period ni Ezekiel

