─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang huling magkita nina Kyle at Ezekiel. Araw-araw nagpupunta sa labas ng gate si Kyle at nakikiusap na makita si Ezekiel. Nakisuyo si Ezekiel kay Jace na kung pwede ay sa bahay muna siya mag-trabaho ng ilang araw while he's dealing with something. Alam niya kasi na pupuntahan siya ni Kyle sa trabaho at hindi pa siya handang makita ito. Tinatagan niya ang puso niya. Nandoon pa rin ang galit sa kanyang puso pero may maliit na parte doon na nag-aalala siya kay Kyle. Umulan man o sa katirikan ng araw, naroon siya at nag-aabang. Mahal na mahal niya si Kyle kaya mas masakit para sa kanya na malaman na kasinungalingan lang pala ang lahat. Hindi siya galit dahil nagsinungaling ito na magkaklase sila noon. Nagagalit si Ezekie

