─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── Kanina pa nakatitig si Ezekiel sa kanya habang kumakain sila. Hindi ito gaanong nagsasalita at nagkkwento gaya ng palagi nitong ginagawa. Mukhang matamlay rin ito at wala sa usual niyang sarili. Ngumingiti ito pero alam ni Kyle na hindi totoo ang mga ngiti na iyon. Nilagay ni Kyle ang likod ng palad niya sa noo ni Ezekiel. "May sakit ka ba, baby? Mag-half day ka kaya muna?" ang nag-aalala nitong tanong. Napaigtad si Ezekiel nang nagtama ang kanilang balat at ang aksyon na ito ay hindi nakatakas sa mga mata ni Kyle. Lalo itong nag-alala sa boyfriend niya dahil hindi naman ito ganto. "May problema ba? May masakit ba sa'yo? Ihahatid na kita pauwi." Bakas ang pag-aalala sa boses ni Kyle na ikina-guilty naman ni Ezekiel. Hindi dapat siya maghinala sa boyfriend

