─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── "Urgh..." "Masakit ba?" "Medyo... basta dahan-dahan lang..." "Okay, di ko bibiglain." "Teka, Kyle... wag mo bilisan... di ko kaya..." "Sige, bagalan lang natin... ayan... okay na..?" "Okay na..." "Igagalaw ko na ha..." "Urgh...teka, masakit!" Hinampas ni Ezekiel ang kamay ni Kyle na naka-alalay sa balikat niya. Nanginginig ang tuhod niya at tagaktak ang pawis sa maamo niyang mukha. Dahan-dahan niyang hinahakbang ang mga paa at sa bawat paggalaw niya ay nararamdaman niya na parang dinudurog ang mga buto nito. Tumigil naman si Kyle sa paglalakad at hinayaan na mag-adjust ang binata na ngayon ay nasa therapy upang masanay muli itong maglakad. Mahigpit ang pagkakakapit niya sa katawan ni Ezekiel para masiguro na hindi ito mahuhulog o madadapa. "Relax ka l

