─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── "Hello. Are you Kyle?" Isang lalaki ang lumapit kay Kyle na kasalukuyang nag-aabang sa harap ng ospital. Matangkad ito na may kulay brown na buhok na bagay sa kulay ng balat nito. Nakasuot ito ng gray na tshirt at maong na pants. "Hello, ako nga. Luigi?" "Hey. Thanks for waiting." nilahad ni Luigi ang palad nito kay Kyle. "Nasabi na ni Mrs. Sy na sasamahan mo raw ako kay Ezekiel." Mapait ang ngiti ni Kyle pero ayaw niyang ipahalata kay Luigi ito. Nakipag-kamay siya rito at saka inayang pumasok na sa loob. "Nasa likod na garden si Ezekiel, nagpapahangin siya doon. Kagagaling lang niya kasing theraphy." ang kwento ni Kyle habang naglalakad sa hallway. Narinig niyang nagbuntong hininga si Luigi na nakasunod sa likod niya. "It's been a while. Masaya ako na ma

