Chapter 5

1843 Words
Tatlong araw na'ng hindi nagpaparamdam si Junjun. Literal na pagpaparamdam talaga ang tawag dahil isang multo ang lalaking iyon. Isang ghoster. He is an actual ghost. Hindi ko na pinagbabantaan pa si Junjun na magpakita sa akin. Una, baka ibang kaluluwa ang matawag ko at magpakita sa akin. Pangalawa, hindi ba't mas maigi na wala na siya para matahimik na muli ang buhay ko? Pagkatapos mawala ni Junjun, bumalik sa dati yung bahay. Wala na'ng mga jump-scares. Wala na'ng nagbubukas ng TV tuwing umaga bago pa man ako magising. Wala na'ng nagbibilad na multo sa garden ko at wala na'ng asungot ang bumubuntot sa akin. Lahat payapa. It was earily silent these past few days pero may bumabagabag sa isip ko. Nakatawid na kaya yon? Ongoing pa rin ba ang spirit contract namin? Otherwise... "Uhh... M-Mamamatay ka. 'Yun yung sabi sa akin ng isang multo." naalala ko ang sinabi sa akin ni Junjun noon. Mamamatay ba talaga ako kapag hindi ko siya tinulungan? Lately, ilang minor accidents ang nangyari sa akin. Muntik na akong masagasaan ng e-bike habang naglalakad ako sa gilid ng daan. Muntik na rin akong matapunan ng kumukulong tubig habang nagpapainit ako sa electric kettle. Kahapon lang, muntik na akong matamaan ng lumilipad na gulong habang nakatambay ako sa tapat ng office namin. Parang kakaiba naman kasi ata yon. Oo, di mo masasabi kung kelan ka maaaksidente. Aksidente nga e. Pero ang weird lang na sunod-sunod yung mga near death experience ko. Talaga bang mamamatay ako kapag hindi ko tinapos ang spirit contract ni Junjun? Ngayon lang nangyari sa akin ang mga kamalasan na to. Wala rin naman akong balat sa pwet! "Tulaley?" Bumalik ako sa sarili ko nang marinig ang boses ng TL ko. Nakasilip siya sa station ko habang nakapatong ang braso at baba niya sa divider. "Sorry, tee." Nagmamadali kong sinagutan ang online training course na pinapatapos sa amin. Nakalimutan ko na kung ano yung binasa ko kasi pindot lang ako nang pindot ng Next para mabilis matapos. "No probs. Let's talk at my station after you finish that, 'kay?" bilin ng TL ko sabay alis pabalik ng station niya. Wala namang naka-schedule na coaching sa akin ngayon. Bakit kaya? Nag-usap kami ni TL about my performance. Three days na daw kasi na pababa ang trend ng scorecard ko. She believes I am not in my usual self kaya ni-recommend niya mag-leave ako for a week. Auto-approve na rin daw yon dahil kinausap na niya ang OM namin. Nagpasalamat ako sa TL ko at masayang bumalik sa trabaho. I'll admit na I was not in my best condition these past few days. Sabi ni Alan lagi daw akong tulala. Sinapak ko naman ang nguso niya dahil napaka-pakialamero niya. Just kidding. Pero syempre, hindi yon dahil kay Junjun. I don't give a damn kung nasaang lupalop na siya ngayon. Good for him kung nakatawid na siya. Kung hindi pa, then I don't care kung di na siya magparamdam ulit. Ito ang gusto ko, di ba? Hindi ko lang alam kung meron pa rin ba'ng spirit contract ang nage-exist sa amin. O di kaya baka nagsara na ang third eye ko kaya't hindi ko na siya nakikita. Kung ano man yon, masaya ako at wala na'ng asungot sa buhay ko. Pagpatak ng 7 AM, nag-log out na ako para makauwi na. Nakatayo ako ngayon sa usual loading zone na pinaghihintayan ko. Ako lang ang naghihintay na pasahero dito ngayon. Matagal din akong naghintay kasi madalang yung jeep o di kaya puno na. Habang naghihintay ay sinuot ko ang wireless earphone ko and opened my Spotify para malibang ako. Marami akong plano ngayon. Since isang may isang linggong bakasyon ako, uuwi ako ng probinsya para dalawin sina mama. Halos isang taon na din kasi nung huli ko silang makita tapos dalawang araw lang. Ang hirap kasi mag-leave sa dati kong pinapasukan. Kaya ngayon, sasagarin ko na yung bakasyon ko. May mga ingay akong naririnig sa paligid pero hindi ko maintindihan. Lakas maka-noise cancellation ng earphones ko. Nakita ko ang isang mama sa kabilang kalsada na nakaturo sa kanan ko at parang sumisigaw sa akin. Sinundan ko ng tingin yung tinuturo niya. Minsan nakakainis panoorin yung mga movie kung saan yung bida ay di man lang umilag nung masasagasan na siya ng sasakyan. Yung uunahin pa niyang takpan yung mata niya sa silaw kesa tumakbo na lang. Pero ako na ang nasa kalagayan na yon, a normal citizen, at hindi bida ng kahit anong pelikula, I silently cursed to myself: s**t, now I know why. Isang rumaragasang 10-wheeler truck ang papalapit sa direksyon ko. Tila nawalan ito ng preno dahil bakas sa driver ang takot at pag-aalala. Hindi ko magalaw ang mga paa ko na parang nakapako sa kinatatayuan mo. I can't even move my finger. Napatitig na lang ako doon sa paparating na truck na pwedeng tumapos sa buhay ko. Tinanggap ko na lang na mamamatay na ako dahil ang bobo ko. May mga plano pa ako e. Hindi ba't luluwas pa ako ng probinsya? Hindi ba't magb-bonding pa kami nina mama? Nanatiling nakapako ang mga paa ko sa pwesto ko. Nilamon ng takot ang buong sistema dahil sa truck na unti-unti sumasakop sa buong paningin ko. May tila malakas na ihip na hangin ang bumalot sa katawan ko. Nagtindigan lahat ng balahibo ko at kakaibang lamig ang dumaloy sa balat ko. The last thing I remembered was a hand grabbing me and pulling me off that deadly spot. Naalala ko ang walang buhay nitong mga mata. Hindi ito kumikinang kagaya ng mga mata ng isang buhay na tao, sa halip ay mga pulang likido ang tumutulo mula sa mga ito. "I'm sorry, Kyle..." Nagising ako sa isang di pamilyar na kwarto. Di na ako nagtanga-tangahan pa at nagsabi ng Nasaan ako? dahil amoy pa lang, alam kong nasa ospital ako. Nakita ko si Alan na kumakain ng apple habang nanonood ng TV. Natanaw ko din na may basket ng prutas na abot-kamay ko ang nakapatong sa bedside table. Hindi pa niya pansin na gising na ako kaya maingat akong kumuha ng maliit na kiat-kiat sa basket at inihagis ito sa kanya. "What the—" Napatayo si Alan sa sobrang gulat. Masamang tingin naman ang isukli ko sa kanya. "Ano ba yan, par?" Napa-tsk siya habang pinipulot ang nahulog na prutas sa sahig. Binalik niya ito sa table at muling bumaling sa akin. "Musta na? Buhay ka pa ba?" "Buhay pa, par." ang sagot ko. Tinulungan niya ako na pumwesto maka-upo sa kama. Nilagyan niya rin ng extrang unan yung likod ko. "Tinawagan mo ba si mama?" Sina mama at papa ang una kong naisip ngayong nasa ospital ako. Alam ko din na magsusumbong itong si Alan sa kanila. Hindi ko alam kung binabayaran ba nila si Alan para mag-report tungkol sa buhay ko, o baka concern lang talaga siya sa akin. "Oo naman. Anong akala mo sa akin?" Lintek. Napakalaki talaga ng bunganga nitong kumag na to. Pagkatapos aking tignan ng doktor ay kinuha kong ang lasug-lasog kong cellphone mula kay Alan at tinawagan si mama. Katakot-takot na pagbubunganga ang inabot ko pagkasabi ko pa lang ng hello. "Ano ka bang bata ka? Hindi ka ba nag-iingat? Ang tanda-tanda mo na! Kaka-selpon mo kasi yan!" Sorry na, ma. Kahit na ganon, sa huli ay nag-aalala niya akong kinamusta at pinaalalahanan na mag-iingat. Sinabi ko na rin na uuwi rin ako sa probinsya sa mga susunod na araw. Nag-usap pa kami saglit ni mama at si Alan naman ay umalis na dahil may pasok pa siya. Pagkatapos non, ako na lang ang naiwang mag-isa sa private room. Buhay pa nga ba ako? After all those strange almost accidents na nangyari sa akin nitong nakaraang araw, sigurado ako na pakay din ng truck na yon na patayin ako. Nanginginig ang buong katawan ko habang iniisip na dahil sa kontrata na yon ay muntik na akong mamatay. Hindi ko ito ginusto. Kaya bakit ko kailangang mamatay? Kailangan ko na'ng tapusin to. "Junjun," Humigop muna ako ng hangin bago muling nagsalita, "I know you're there. Magpakita ka sa akin." Walang Junjun ang sumulpot. Ni walang malamig na hangin ang umihip. Nandito ba talaga siya? Sabi niya kung nasaan ako, nandoon din siya. Alam kong di ako nagkakamali sa nakita ko. Si Junjun ang tumulak sa akin para makaiwas sa rumaragasang truck. Sya yung nagsalba sa akin sa bingit ng kamatayan. Nandito pa siya. At meron pa rin kaming kontrata. Ngayon ay hinahabol ako ni kamatayan. Fvck it. "Sorry na. Alam kong galit ka sa akin. It's my fault. Masyadong pasmado ang bibig ko. Hindi ako nagdahan-dahan sa pananalita." Damn. The only person who can diss me is myself, and no one else. "I'm really sorry. Di na mauulit. Magpakita ka sa akin... please." Binababa ko na ang sarili ko para lang mag-sorry sa isang multo. Dinaig ko pa ang isang jowa na sinusuyo ang girlfriend niya. Kinilabutan ako sa naisip ko. Napasabunot ako na'ng wala pa ring Junjun ang sumusulpot kahit anong pagtawag ko. Ano ba ang gusto ng lalaking 'to? Magpatihaya ako habang umiiyak? "Pramis, di na mauulit. Tutulungan na kita makatawid. In fact, nakakuha ako ng clue para malaman kung sino ka talaga." There's no guarantee na madali kong mahahanap ang tunay niyang pagkatao gamit lang ang picture na nakuha ko. Pero kahit papaano, at least may lead kami, at hindi parang bulag na naghahanap sa dilim. Maya-maya pa'y umihip ang malamig na hangin sa kwarto ko. Naramdaman ko ulit yung kilabot na gumagapang sa balat ko. Napangiti ako. Sumulpot sa paanan ng kamo ko si Junjun. Kagaya pa rin siya noong una ml siyang nakita. Walang buhay pa rin ang mga mata niya na nakatingin sa akin. "Is that true?" ang mahina niyang tanong. Tumango ako. "Nakahanap ako ng possible lead kung sino ka ba talaga. After that, pwede natin kausapin ang pamilya mo sa kung ano bang ang nangyari sayo." Tumatango-tango lang si gago habang nakikinig sa akin. Sa sahig na siya nakatingin na parang bang mas importante iyon kesa sa sinasabi ko. "Pagkatapos nating makita ang pamilya mo, I'm sure magbabalik ang ala-ala mo. Baka maalala mo na din yung unfinished business mo dito sa mundo." "Okay," Ipinagkrus ni Junjun ang mga braso nito at tumingin sa akin. "I'm sorry too." Medyo nakabusangot pa ang gago habang sinasabi yon. Labag pa sa loob niya ang mag-sorry. Parang spoiled brat yung itsura niya. "Oks lang yan. Partners in crime na ba tayo ngayon?" Wala mang kislap ang mga mata, naghugis half-moon naman ito dahil sa laki ng ngitin niya. Creepy tignan, oo, lalo na't di siya kumukurap. Pero ayos lang yon. Utang ko sa kanya ang buhay ko. Ayoko lang mamatay. Hindi ako mapapatay niyang spirit contract na yan. Hindi ngayon, hindi bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD