Kyle Enrico Salvador
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
Sabi nila, wag tayong maging work-a-holic at magpaalipin sa trabaho. Ang pera, makukuha mo sa maraming paraan (basta legal). Pero pag tinamaan ka ng sakit kakasubsob sa trabaho mo, di mo na yon mababalik. Gagastos ka pa. At saka madali tayong mapapalitan ng mga boss natin kapag nawala tayo.
Kaya ito ako ngayon, pa-relax-relax lang.
Kasalukuyan kaming bumibyahe ni Junjun ngayon papunta doon sa hiking spot. Mabuti na lang ay ipinahiram ni Alan ang kotse niya, ang hassle kasi mag-commute. May lisensya din naman ako kasi mayvjeep kami sa probinsya at baka ako ang magmana.
Kahit dalawang lalaki kami dito, ako lang naman ang magbubuhat ng mga bag na dala namin. Ano naman ang silbi nitong multo na to?
Nag-usap na kami ni Junjun tungkol sa nadiskubre kong picture niya. Hindi man naka-focus sa kanya ang picture at pawang nahagip lang, mas ayos na rin iyon kesa wala. Hindi ako makakapag tanung-tanong ng wala akong hawak na kahit ano. Impossible rin namang picture-an ko 'tong gago dahil isa nga siyang espirito.
Ang sabi naman niya, wala siyang naaalala kahit titigan niya ang picture. Walang kahit anong memoriya ang bumalik sa kanya. Pero namangha siya dahil ang gwapo niya daw talaga noong nabubuhay pa ito.
"Matagal pa ba tayo?" narinig kong tanong ni Junjun.
Nakaupo siya ngayon sa likod na passenger seat. Kung sa normal na pagkakataon, dito sa tabi ko siya pauupuin. Ayokong magmukhang driver ng gagong to, no. Pero dahil multo naman siya at ako lang ang nakakakita, wala akong pake kahit sa gulong pa siya umupo.
"Medyo malapit na." sumagot ako at muling tumingin sa Waze. 30 mins na lang daw bago dumating sa destination.
Ipininagkrus niya ang dalawang braso niya at dadan-dahang inihiga ang sarili sa likod na passenger seat. Medyo malawak naman ang likod at kasya ang pandak na katulad niya.
"Do you think we'll find something here?"
Hindi ko makita ang mukha ni Junjun dahil hindi na ito kita sa rearview mirror habang nakahiga ito. Pero ramdam ko ang magkahalong saya at excitement sa boses niya.
Isang araw bago kami bumiyahe, dinala ko siya sa isang park malapit sa office. Baka kasi sakaling napadpad siya rito noong nabubuhay pa ito at baka magbalik ang ala-ala nito kapag nakita niya ng lugar.
Tahimik lang na nakaupo si Junjun sa tabi ko sa isang bench. Tanaw namin ang mga bata na naglalaro ng habulan sa di kalayuan. Buhay na buhay ang paligid dahil sa mga tawa at hiyawan nila. Mayroong mga magulang na nakatanaw din sa di kalayuan at kinukunan ng picture ang mga anak nila habang naglalaro.
"Ano, may naaalala ka ba?" mahina ko siyang tinanong. Nakasuot ako ng wireless earphones para naman kunwari ay may kausap ako sa phone at hindi ako magmukhang may problema sa utak.
"Hmmm... wala e." ang sagot ng multo. Sa mga naglalarong mga bata nakabaling ang paningin niya. "Pero sana nung nabubuhay ako, ganyan din ako kasaya kagaya nila."
Ibinalik ko ang paningin ko sa mga naglalarong bata. Alam kong gusto na'ng makatawid ni Junjun sa kabila, pero nahihirapan siya dahil wala siyang maalala sa nakaraan niya. Kahit ako ang nasa kalagayan niya, gugustuhin ko na lang ding tumawid na kesa manatiling nakatali sa isang lugar.
"Mukha ka namang mayaman, kaya sigurado akong masaya ka rin noong buhay ka pa. English-ero ka pa nga e. Baka isa kang mahal na prinsipe." biro ko. "Pilipino ka ba?"
Medyo may ibang lahi kasi ang mukha niya. May pagka-chinito at kulay light brown ang mga mata nito na maganda sana e kung may buhay. Meron siyang mahaba at malagong pilik-mata. Napakatangos din ng ilong nito.
Mahinang tumawa si Junjun at hinampas pa ang balikat ko. Namumuro na talaga itong multo na to.
"I wonder what my family looks like. Alam kaya nila na... ganto na ako?" napabuntong hininga ang multo.
Parang multong may amnesia itong si Junjun. Akala ko dati, alam pa ng mga espirito ang nakaraang buhay nila kaya sila nagkakapaghiganti sa mga nang-api sa kanila noon. Sa teleserye lang pala yon. Swerte pa nga kung nagka-amnesia lang ang gago. Pero heto, may amnesia na nga, pumanaw pa sa mundo.
Hindi ko na lang siya sinagot dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong klaseng pamilya o buhay ang meron siya.
Tinapik ko na lang si Junjun sa likod nang masiguro kong walang nakatingin sa amin.
"You have arrived at your destination, on the left."
Bumalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang Waze na magsalita. Nakita ko mula sa rearview mirror ang mabilis na pagbangon ni Junjun mula sa pagkakahiga nito. Lumingon ito sa kaliwa upang tanawin ang lugar.
Agad naman akong bumaba para magtanong kung tama ba ang napuntahan namin. Pagkatapos kong makumpirma ay, pumunta ako sa reception desk para kumpirmahin ang ni-reserve kong kwarto sa camping site. Halos 10 km ito mula sa hiking spot. Dito nags-stay ang mga turista na magh-hike din o di kaya ay gusto lang mag-camping. Si Junjun ang pumili nito dahil daw mukhang maganda sa picture.
Di ko rin sinayang ang pagkakataon na magtanong-tanong dahil baka suki ng lugar na to si Junjun dati at baka may makakilala sa kanya. Nilabas ko ang cropped photo niya at pinakita iyon sa reception. Sabi niya ay wala siyang matandaang guest na ganoon ang itsura. Kung meron man, ay hindi na rin niya ito maalala dahil sa dami ng nakakasalamuha niya araw-araw.
Nagpasalamat ako at binuhat ang mga bag papasok sa campsite. Nakita ko naman nakasunod lang sa akin si Junjun at tahimik na nagmamasid sa paligid.
Isang tent na nasisilungan ng nipa na bubong ang ni-reserve ko. Iyong buong kubo sana ang pipiliin ko dahil malawak ito at saka may kama. Pero ang tent ang pinagpilitan ni Junjun na i-book ko kasi mukhang advanture daw pag natulog sa tent. Saka ang mahal daw ng kubo, mas okay na itong tent dahil sa mata ng mga tao, mag-isa lang naman ako. May sense naman ang sinabi niya kaya naman pumayag ako.
Ang di ko lang inasahan ay hihiga rin ang gagong si Junjun kasama ko dito sa loob ng tent. Sa bahay kasi ay doon lang siya sa sala, o di kaya sa garden humihiga.
Hapon na nang makarating kami dito sa camping site kaya di na muna kami tumuloy na mag-hike. Delikado kasi at pagabi na. Pagkatapos kong kumain sa malapit na eatery sa labas ay bumalik na ako ng tent para makapagpahinga. Bigla namang tumagos sa tent si Junjun at nahiga sa tabi ko. Napamura pa ako dahil sa sobrang gulat. Ginagawa na naman ng animal na 'to ang mga galawang multo niya.
"Excited na ako bukas mag-hike!"
Narinig ko ang excitement sa boses ni Junjun at alam kong nakangiti siya kahit di ko tignan ang mukha niya. Nakatagilid akong nakahiga at nakatingin sa isang sulok ng tent. Si Junjun naman ay nasa likod ko doing god knows what. May malaking distansya sa pagitan naming dalawa pero ramdam ko pa rin ang lamig na nanggagaling sa kanya kasabay pa ng lamig ng panahon sa labas.
Mas itinaas ko pa ang kumot ko para mainitan ako.
"Matulog ka na at baka di ka makabangon agad. Iiwanan kita." Napatawa naman si Junjun sa biro ko.
"Ikaw ang matulog. I'm just fine like this." sagot nito.
Hindi pa talaga ako inaantok pero pinikit ko pa rin ang mga mata ko. Napaka-komportable sa loob ng tent at malamig din ang panahon. Sigurado akong makakatulog ako agad.
Maya-maya'y narinig ko ang isang boses na humihimig. Mahina lamang ito na parang nagpapatulog ng sanggol. Malumanay ang boses nito na at parang nakaka-hypnotize. Powers ba 'to ng mga multo?
"Saan mo natutunan yan?" ang tanong ko nang hindi siya nililingon.
"What?"
Bumaling ako sa likod ko, at ipinuwesto ang sarili paharap sa kanya habang mahigpit pa rin ang pagkakabalot ko sa sarili ng kumot.
"May kinakanta ka kanina. Ano yon?"
"Oh, that. I don't know... I just remembered that tune nung nasa park tayo."
Napabalikwas ako at napaupo sa kinahihigaan ko. Sumunod din si Junjun na naupo at may pagtatakang tumingin sa akin.
Tinignan ko siya ng madiin, "At di ba sabi ko sayo, kapag may naalala ka, sabihin mo kaagad sa akin? Bakit di mo sa akin sinabi to?" Medyo napataas ang boses ko. Loko-loko kasi tong gago na to e.
Halata namang nagulat si Junjun. Umusog ito palayo sa akin.
"Chill!" Itinaas niya ang dalawa niyang kamay sa gilid ng ulo niya. "Yung tune lang talaga yung biglang pumasok sa utak ko. Nothing else. No images, no memories. So I didn't think na makakatulong yon."
Binato ko na lang sa kanya yung extrang unan and as expected, tumagos lang siya dito. Humiga ako at bumalik sa dati kong pwesto patalikod kay Junjun.
"Kahit gaano pa kaliit at ka-walang kwenta yang naalala mo, sabihin mo sa akin. Para naman malaman ko kung may patutunguhan ba tong pinaggagagawa natin."
"I'm sorry, okay? I promise magsasabi ako agad."
"Bahala ka. Kung ayaw mong tulungan kita, e di wag. Pabor yon sa akin."
Narinig kong mahina pang tumawa ang gago. Nainis ako at binato pa yung isang maliit ng unan sa kanya. Wala kong pake kung di siya tamaan non.
"Okay, my fault. But I promise, di na yon mauulit. Sasabihin ko sayo agad."
Hindi na ako kumibo pa. Nakaka-badtrip kasing ganito. Pakiramdam ko, ako lang ang nag-eeffort para makatawid tong gago na'to sa kabila. E ako ba ang tatawid? Hindi ba't mas kailangan niya ng tulong ko para makalayas na siya dito sa mundong ibabaw?
"Tulog ka na ba?" tanong ng multo.
Katahimikan lang ang sumagot sa kanya.
Ilang minuto din ang lumipas. Walang kumikibo ni gumagalaw sa aming dalaw.
"Sorry and thank you." sabi niya na parang pabulong. May saglit na paghinto bago siya muling nagsalita. "Thank you for helping me, and staying with me."
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at di na sumagot pa. Sa 25-years kong nabubuhay sa mundong ibabaw, hindi ko akalaing magagawa kong makipag-usap sa multo, at heto, katabi ko pa nga.
Mas lalong lumamig ang simoy ng hangin. Hindi ko na narinig pang nagsalita si Junjun. Wala ring kahit anong kaluskos akong narinig. Tanging ang ingay lang ng mga insekto na nanghaharana sa gabi ang naging musika ko hanggang makatulog ako.
Bago ako tuluyang kainin ng antok, naramdaman ko ang isang malamig na braso na humawak sa likod ko.
Hindi ko alam kung guni-guni ba ito o panaginip lang.