Chapter 7

2044 Words
Kyle Enrico Salvador ─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── Kinabukasan ay maaga akong nagising. Wala sa tent ang mokong kaya't lumabas na ako para makapaghilamos. Sa mahabang panahon, ngayon lang ulit ako nakatulog ng mahimbing sa gabi at magising sa umaga. Parati kasing baliktad ang mundo ko. Gising ako sa gabi at tulog naman sa umaga. Susulitin ko talaga ang bakasyon ko para umasal na isang normal na tao. "Morning, Kyle!" Kumaway sa akin si Junjun na ngayon ay nakaupo malapit sa firepit sa tabi ng tent namin. May tatlong pirasong tuyong sanga malapit dito at ilang tuyong dahon. Wala pa ring tao sa paligid. Dahil siguro ay napaka-aga pa. Isang Morning lang ang sagot ko sa kanya at dumiretso ako ng banyo para maglinis ng mukha. Pagkatapos non ay umupo ako sa fire pit malapit kay Junjun. "Look what I found!" sabik na sabi ng bata—este multo pala. Tinuro niya sa akin yung mga sanga at dahon na nakita ko kanina. Napataas lang ako ng kilay hudyat ng pagtatanong ko. "Nakuha ko sila doon sa may gubat, and I managed to get three!" ang masayang kwento ni Junjun sabay turo sa kung saan. "E ano ba yan?" tanong ko. "Ano ka ba? Panggatong mo 'to!" Seryosong tumingin sa akin ang multo na para bang ito ang pinaka-obvious sa mundo. Anak ng pucha. Panggatong? Tatlong patpating kahoy? Baliw ba to? "And here," dagdag ni Junjun habang nakaturo sa ilang tuyong dahon. "I heard dried leaves can start a fire too. Good thing magaling akong mag-blow." Mabuti na lang at hindi pa ako nakakapagtimpla ng kape, kundi ibubuga ko talaga yon sa pagmumukha niya. Napakunot ang noo kong tinanong, "Ano?!" Parang asong nauulol na tumawa si Junjun at halos mahulog na siya sa kinauupuan niya. "What? I said inihipan ko yung mga dahon papunta dito. You know, blow." pagpapaliwanag nito. Umakto pa ito na parang nagb-blow—as in umiihip. "Ewan ko sa'yo." tumayo ako para kunin ang tatlong kawawang patpat ni Junjun at isinama iyon sa fire pit. Kumuha rin ako ng ilang panggatong sa silong di kalayuan para magpainit ng tubig. "I'm just so happy, Kyle. Dati, yung mga office chairs lang or keyboards yung napapagalaw ko sa building niyo. But now, I can do much more. Although konti pa lang yung kaya ko, but it's already an improvement." Ang kwento ni Junjun habang nagkakape ako. Pagkatapos kong magpakulo ng tubig ay tumambay muna kami doon sa b****a ng tent namin. Maaga pa naman at alas-10 pa kaming naka-schedule mag-hike. "Basta gagamitin mo sa tama yang ability mo, wala akong pake kahit bundok pa yang buhatin mo." ang sagot ko habang nags-scroll sa f*******:. Nakita ko mula sa peripheral vision ko na parang nag-pout ang gago. Anong inaarte nito? "Sorry na nga about what happened sa grocery store. I swear hindi ko na uulitin." Tinaas ni Junjun ang kanang kamay niya tanda ng pangangako niya. "Hmmm... Past is past. At alam ko naman na mabuti ang intesyon mo." ang sabi ko at ibinaba ang kanang kamay niyang nakataas. "I'm a good spirit, then! Is that right?" Natatawa na lang akong napailing at pumasok sa loob ng tent para maghanda. 9:30 AM. Maaga kaming pumunta ni Junjun sa registration area bago mag-hike. Doon namin imi-meet yung guide namin. Mag-isa lang kasi ako na nag-book kaya sama-sama sa isang group yung mga wala ding kasama. Iba talaga ang mga treatment kapag single. Niyaya ko si Alan pero hindi siya makakasama kasi naghahabol siya sa perfect attendance bonus at ayaw niyang umabsent at sa mga panahong ito lumalabas ang pagiging mukhang pera nito. Pero ayos lang yon, kapag nandito yon, hindi ko makakausap ng ayos si Junjun, at baka akalain non ay naalog ang utak ko matapos yung aksidente. Baon ko din ang isang bag na may lamang first aid kit at kung anu-ano pang essentials. Hinugot ko doon ang dinala kong sunscreen. Hindi naman sa takot akong mangitim, pero takot akong magka-skin cancer sa sobrang tirik ng araw. "Need help?" narinig kong bulong ni Junjun sa tabi ko habang pinapahid ko yung sunscreen sa kaliwang braso ko. Gaya ng nakasanayan, may nakapasak na naman na earphones sa tenga ko. Disguise para di magmukhang baliw. "Tumigil ka." Inirapan ko lang ang multo at saka pinahiran ang kabilang braso ko. "Fine. It's your loss, not mine." Kung hindi lang talaga maraming tao dito ay inihambalos ko na sa gung-gong na to tong sapatos ko. Kay aga-aga, baliw na naman. Sinamantala ko ang pagkakataon na ito para magtanung-tanong sa mga guide. Sa tingin ko kasi baka matagal na sila dito at umaasa ako na mamumukhaan nila si Junjun. Ngunit lahat sila hindi at pag-iling lang ang sagot. Nagtanong din ako sa mga tindera sa paligid, at gaya ng iba, hindi din nila kilala yung lalaki sa picture. Mukha mang walang pag-asa, pero di ako sumuko. Di man makatulong itong picture ni Junjun, baka sakaling may maalala siya kapag nasa tuktok na kami ng bundok. Nakapunta na naman siya doon at least once sa buhay niya. Kaya sana ma-trigger nito ang mga ala-ala niya. Naisip ko na din na gamitin ang mga netizens para makilala kung sino si Junjun. Pwede kong i-post yung picture niya at baka sakaling may makakilala. Pero naisip ko na dahil wala naman akong kahit anong koneksyon sa kanya at sa buhay niya, baka pagsuspetsyahan ako ng pamilya ni Junjun at mapagbintangan pang ako ang pumatay. Bahala na. Pagsapit ng alas-10, nagsimula na kaming mag-hike. Anim kami sa grupo: si Mang Ben na guide namin, may dalawang lalaki ang solong pumunta at yung isa pang dalawa ay magkakilala, at siyempre ako. Kung ibibilang niyo si Junjun, pito kami. Pero ako lang ang nakaka-alam non. Sinundan ko lang yung mga kasamahan ko pati na yung trail. Medyo maluwag ito kesa sa inaasahan ko. Si Junjun naman ay tahimik lang na sumusunod sa akin. Minsan nasa tabi ko, minsan din nasa likod. Dalawang beses ko pa nga siyang nakita na nasa taas ng puno e. Nung tinangka ko siyang senyasan para bumaba, nakita ako ng isa kong kasama kaya sabi ko parang may nakita akong unggoy doon sa puno. Tinignan niya ang direksyon ni Junjun sa puno kanina pero wala siyang nakita. Ako lang kasi ang nakakakita sa unggoy na to. Makalipas ng 20 minuto, narating namin ang isang patag na lugar at nagpahinga saglit. Maraming tao ang nandoon dahil marami ring mga naglalako ng kung anu-ano. Sinamantala ko din ang pagkakataon na ipagtanong si Junjun. Gaya ng inaasahan ko, negative na naman. At pagkatapos pa ng ilang minuto ay nagpatuloy na kami sa paglalakad. Mas lalong naging makipot ang sunod na daan. Mas dumami rin ang bato kaya medyo mahirap na'ng lumakad. At dahil nasa hulihan ako ng linya, tinignan ko ang mokong sa likod. "Hi!" ang pagbati niya at kumaway pa. Ang mas nakakaloko, bukod sa isa siyang multo at hindi nakakaramdam ng pagod, nakita kong nakalutang ang mga paa niya sa lupa. Ni hindi niya kailangang maglakad para sumunod sa amin. Bwiset. Ako itong nahihirapan sa mga pinaggagagawa namin. Hindi ko pinakita ang pagka-inggit ko at patuloy pa rin sa paglalakad. Pero kahit paano ay may silbi naman ang powers niya, o kung ano pang tawag jan. Kagaya nung kailangan naming gumamit ng lubid para makaakyat sa susunod na burol. Sobrang tarik ng daanan at kailangan ng pagkakapitan. Inalalayan ni Junjun ang likod ko hanggang sa maka-akyat ako sa kabila. Ilang saglit pa ay narating namin ang base camp. May mga maliliit na tindahan doon na pwedeng pagbilhan ng makakain. May mga lamesa din na gawa sa kawayan kung saan pwede kumain. Pumwesto kami ni Junjun sa dulo ng mahabang lamesa na may iilan pa lamang ang nakaupo. Puno na kasi yung iba. Nandito din yung dalawang magkaibigan na kasama ko sa grupo namin, pati ang ilang turista mula sa ibang grupo na nauna sa amin. Sa kanan ko ay may umupo na lalaki na sa tingin ko ay guide. Habang kumakain, nagk-kwento naman siya ng mga karanasan sa pagh-hike. Tahimik lang akong nakikinig habang yung iba ay nakikipag-usap din. Nalaman ko na 10 years na pala siyang guide dito. Kinuha ko ang picture ni Junjun at ipinakita sa kanya. "May namumukhaan po ba kayong ganto, tay?" tanong ko. Taimtim na tinignan ni tatay yung litrato at nilapit-layo ito sa harap niya. Siguro ay malabo na ang mga mata nito at sinusubukan niyang aninagin ang mukha sa picture. "Parang pamilyar 'tong batang ire." sagot niya. Nagkatinginan kami ni Junjun na ngayon ay sana harap ko—nakapwesto siya sa likod ng tao na nakaupo sa harap ko. Lumapit sa pwesto namin si Junjun. "Really? Tell me!" ang sabi niya na kala mo ay may makakarinig sa kanya. "Sino po siya?" "Eh... di ko na alam kung kailan, pero matagal ko na'ng di nakikita ang batang ire." Tumigil si manong na parang nag-iisip. Sa di malamang dahilan ay parang may kaba akong nararamdaman. Masasagot na kaya ang tanong namin? "Lagi 'tong kasama nung pamilya na bumibisita at nagdo-donate dito sa park. Napakabait ng batang yan at nakapaka-gwapo pa.." Nakita kong lumapad ang ngiti ni Junjun matapos niyang marinig ang sinabi ni manong. "See? Not only handsome, I'm also kind." Hindi ko pinansin si gago kasi wala namang kwenta ang lumalabas sa bunganga nito. "Alam niyo po ba ang pangalan niya?" Kailangang makakuha ako ng maraming impormasyon para naman may saysay yung pagod ko dito. Lalo rin ako nagkaroon ng pag-asa na malalaman din namin ang tungkol kay Junjun. "Hindi ko tanda e. Pero kung hindi ako nagkakamali, nung huli ko siyang nakita, may mayamang babae ang sumundo dito sa kanya. Medyo nagkaroon pa nga ng gulo." Tinignan ko ang mukha ni Junjun. Wala akong makitang ekspresyon dito. Hindi ko rin alam kung anong iniisip nito. "E kilala niyo po ba yung pamilya na kasama niya?" Ayon kay manong, kilala nila ang pamilya bilang mga Sy. Matagal na silang donor doon. Ang pera ay para mapanatili ang maintenance ng park at hiking spot pati na rin allowance ng mga volunteers. Isang beses sa isang taon bumibisita ang pamilya para din magbakasyoon doon. Noong nakaraang taon daw ay hindi niya nakitang bumisita ang mga ito. Ganoon din ngayong taon. Tantya niya, mga tatlong taon na niyang di nakikita yung binata. Sino ang mga Sy? Hindi kaya kamag-anak ng gung-gong na to si Henry Sy? Tahimik na nakasunod si Junjun sa akin. Medyo nakayuko ang ulo nito kaya hindi ko makita ang ekspresyon nito. Naglalakad na rin siya kagaya namin at hindi na lumulutang. Hindi rin siya naglilikot na parang unggoy kanina. Ilang sandali at pawis rin ang lumipas, at narating na namin ang rock formation. May pila kaming naabutan papunta doon sa may tuktok na pinakabato. Tinanong ko si Junjun kung gusto pa ba niya umakyat, at tinanguan lang ako. Kaya ito ngayon, nakapila kami. Mga 20 turista lang ang pinapaakyat nila at a time tapos binibigyan ng oras para mag-picture taking. Nasa gilid ko si Junjun habang nakapila kami at hindi naman umiimik. Ano kayang nangyari rito? Hindi ko rin kasi siya makausap kasi ang daming tao sa paligid. Kahit ata bulong ay maririnig nila. Di na ako makapaghintay na magtanong kaya ang ginawa ko ay sinukbit ang isang earphone sa tenga ko at nagpanggap na may tinatawagan. "H-Hello, Junjun?" ang may pag-aalinlangan kong pagtawag. Shit. s**t. Ano ba 'tong ginagawa ko? Kokonyatan ko tong si Junjun mamaya pagbaba. Narinig kong napatawa ng kaunti si Junjun. Hinarap ko siya at diretsang tinanong, "May naaalala ka na ba?" Tumingin si Junjun ng diretso sa mga mata ko. Kitang-kita ko ang light brown na mga mata nito. Kahit gaano pa kataas ang sinag ng araw, wala akong makitang liwanag at buhay sa mga ito. Dahan-dahang tumango is Junjun at saka ngumiti. Pero nararamdaman ko na hindi siya masaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD