"Maaabutan kaya natin ang sunset?"
"Hindi ko alam. Abangan natin?"
"Hmmm... I hope we can see the sunset together. That would be nice."
Kyle Enrico Salvador
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
Kanina pa ako nags-scroll sa f*******: at tumitingin sa mga tao na may apelyidong Sy. Dahil napaka-common nito, napakahirap maghanap. Tinitignan ko kung baka may kamukha si Junjun na maaaring kapamilya niya. Tumitingin-tingin din ako ng mga photos at nagbabakasakali na muli siyang mahahagip ng camera.
Nagpunta rin pala ako sa management office nung park para tanungin kung sino ang pamilyang Sy na donor daw ng hiking park. Pero hindi nila ako binigyan ng kahit anong impormasyon dahil daw pribadong impormasyon daw iyon at para na rin sa privacy ng pamilya. Tinanong ko yung ibang guide kung kilala ba nila ang pamilyang Sy, pero hindi rin nila talaga kilala dahil natatanaw lang nila ito kapag napapadalaw. Ang alam lang nila ay isang mayamang pamilya ito na nakatira sa Maynila.
Kasalukuyan akong nasa kwarto ko sa probinsya. Pagkatapos kasi naming mag-hike ni Junjun ay dito kami dumiretso. Alam niya din na may balak akong umuwi sa amin. Kaya't sa ayaw at sa gusto niya, sumama siya sa akin. Unless gusto niyang manatili sa office building namin, wala namang problema.
Simula rin noong nag-hike kami. Hindi masyado kumikibo itong gago. Kung hindi siya nawawala, nakikita kong madalas siyang tulala. Hindi rin ito masayahin gaya ng dati.
Alam ko na malalim ang iniisip nito.
Nung tinanong ko si Junjun kung anong naalala niya. Isang malungkot na ngiti ang sinagot niya sa akin at sabing,
"I saw a woman's hand and slapped me really hard. That's it. Yun lang naalala ko."
Hindi niya nakita ang mukha nung babae. Nung nakaakyat naman kami sa rock formation, sinabi rin niya na wala siyang dagdag na naaalala kahit na anong gawin niya.
Tanging yung pagsampal lang sa kanya ang pumasok sa isip niya.
Ano kayang nangyari? Bakit yun lang ang naalala niya? Anong impact ng pangyayaring iyon sa buhay niya?
Sumuko na ako kaka-scroll sa mga Sy ng f*******:. Chinarge ko muna ang phone ko at saka lumabas ng kwarto.
Naabutan ko ang bunso kong kapatid na nasa sala at naglalaro ng Mobile Legends base sa naririnig ko. Hindi niya ako pinansin at patuloy pa rin sa paglalaro. Si mama naman ay nasa kusina at abala sa pagluluto. Saglit kong niyakap si mama at nagpaalam na lalabas lang ng bahay.
Malapit pala ang bahay namin sa dagat. Hindi man tourist destination itong beach sa amin, malinis naman ito at tahimik. Dito ako lumaki kaya marami akong ala-ala sa lugar na ito. Ito rin ang takbuhan ko noong teenager pa lang ako kapag gusto kong mapag-isa at mag-isip isip. Medyo emo ako non e.
Naupo ako sa ilalim ng puno ng buko di kalayuan sa dagat. Malilim dito dahil napapaligiran ng mga puno.
Mula doon ay natanaw ko si Junjun na naglalakad-lakad sa dalampasigan. Nakarolyo ang mga pantalon nito at nakayapak. Nakayuko rin ito habang pabalik-balik na binabaybay ang maliliit na alon na humahampas sa tabing-dagat. Minsan tinatanaw nito ang kabuuan ng dagat, pero maya-maya pa'y maglalakad ulit ito.
Mukha siyang isang normal na tao sa paningin ko. Isang buhay na tao.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin si Junjun. Sino nga ba siya at bakit siya namatay? Anong uri ba siya ng tao noon? Saan siya nakatira?
Maraming tanong ang bumabagabag sa akin. Pero higit sa lahat, gusto kong malaman: bakit ako? Bakit ako ang nasa sitwasyon na ito? Pinili ba ako ni Lord sa misyon na ito?
Medyo nahihilo na ako sa paikot-ikot na paglalakad ng mokong kaya naman di ko na napigilan na tumayo at pumunta sa kung nasaan siya.
"Lalim ng iniisip mo ah." panimula ako. Tinabihan ko siya sa paglalakad.
"Kyle, you're here!" ang sabi niya nang mapansin niya ako.
Totoo yung mga ngiti niya ngayon, hindi gaya noong nasa hiking spot kami. Mas lalo pa siya lumapit sa akin habang naglalakad.
"Hmmm... May problema ka ba? Alam mo naman na ako lang ang tanging mapagsasabihan mo niyan sa ayaw at sa gusto mo." ang pabiro kong sabi. Pero totoo naman. Ako lang ang makaka-usap niya maliban na lang kung may iba pang multo dito na di ko nakikita.
Malapad na ngumiti si Junjun sa akin at tumanaw sa kalayuan ng dagat, "Wala. I was just trying to remember my past. Curious din ako, kaya nagko-concentrate ako."
"Wag mong pilitin ang sarili mo. Kung wala, edi wala. Sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka."
Kung pwede lang, marahil ay kuminang na ang mga mata ng gung-gong matapos niyang marinig ang sinabi ko.
"Really?! Kahit ano?"
Hindi ko gusto ang hilatsa ng mukha nito ni Junjun ngayon, pero wala sa sarili akong napa-tango.
Minsan lang naman 'to.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak ngayon. Ang batang si Junjun ay nagyaya na magpunta ng bayan para gumala. Sabi niya ay nabo-bore na siya doon sa bahay dahil hindi niya ako makausap. Maliit lang kasi ang bahay namin at saka salo kami ng bunso kong kapatid sa kwarto kaya naman iniiwasan ko din na kausapin siya. Baka akalain ng pamilya ko ay nasisiraan na ako ng bait at hindi na ako makabalik ng Maynila.
Naglakad-lakad kami sa bayan na ngayon ay abalang-abala dahil sa padating na piyestahan sa makalawa. Saktong-sakto talaga ang pagluwas ko dahil matagal na rin akong hindi nakakadalo sa mga gantong event. May mga makukulay na banderitas na ang nakasabit tapos maraming nagtitinda ng mga souvenirs.
Habang nag-iikot-ikot kami ay panay naman ang turo ng kumag na si Junjun sa mga nakikita niya. Panay pa-rinig ng "Wow, that looks yummy!" o di kaya "I want to try that." itong si mokong.
Binibili ko naman yung mga nagugustuhan niya basta pasok sa budget. At dahil hindi naman niya makakain o magagamit iyon, ako na lang ang kumain tapos dinescribe ko na lang yung lasa. Mukhang satisfied naman si gago kasi panay turo na lang siya ng kung anu-ano.
Halos masuka na ko sa dami ng kinain ko kaya naman nagyaya ako na umupo muna sa plaza. Hawak ko yung mga pinabili niya na keychain na hugis pagong, pamaypay na may painting ng kung ano, pati sisiw na kulay blue. Oo, pinabili rin niya. Ewan ko kung anong pumasok sa isip nito. Sabi ko ay fake lang yung kulay na yon at kukupas din pagtanda ng sisiw pero nag-tantrums lang ang bata. Gusto niya daw masubukan mag-alaga ng sisiw.
"Thanks for today, Kyle. I had so much fun." ang narinig kong sabi ni Junjun na nasa tabi ko. Naka-upo siyang pa-criss-cross habang nagmamasid sa mga tao na nage-enjoy sa plaza. Ako naman ay hawak-hawak ang popsicle stick na mango flavor na huling pinabili ng damuho.
"Wala yon. Nalibang din naman ako. Saka nabusog." ang sabi ko sabay dila doon sa ice cream. Napatingin lang sa akin si Junjun. Ay di pala. Doon siya sa ice cream naka-tingin. As usual, kasangga natin ang wireless earphone at ang non-existing caller para di masabihang baliw.
Hindi ko alam kung saan nanggaling 'tong pagka-matakaw ni Junjun kahit na isa siyang multo. Sabi niya base daw doon sa kaibigan niyang multo, hindi naman daw totoo yung mga alay-alay kaya di rin naman nila nakakain yon. Hindi pa rin kasi nakakaranas 'tong mokong makatanggap ng alay kaya hindi niya rin sigurado.
Mabilis din siyang maaliw dito sa mga bagay sa mundo. Kagaya ngayon, kung anu-ano ang pinamili, ultimo sisiw napag-tripan.
"Kyle," narinig kong pagtawag niya. Umayos sa pagkakaupo si Junjun at dahan-dahan na dumikit sa akin. Naramdaman ko naman yung kilabot sa balat ko.
"'Nu 'yon?"
"Pwede pa-dila?"
Hindi ko natuloy ang gagawin ko sanang pagdila sa ice cream matapos kong marinig si Junjun.
"A-Anong pa-dila?"
"That," tinuro niya yung pagkain sa kamay ko. "Let me have a taste of your popsicle."
Hindi ko alam kung dahil ba sa wordings ni Junjun, o baka ako lang talaga yung bastos, pero kinilabutan ako. Pwede namang sabihin na gusto niya humingi.
"Ayoko nga. Tama bang makipag-share ng pagkain sa multo?" tanong ko, saka nilayo sa kanya yung popsicle.
"Damot. Konti lang e." Aba't nag-pout pa ang mokong!
Tinignan ko siya ng masama at 'tong gago, nag-puppy face lang. Mukhang asong ulol.
"Hindi pwede."
"Please." Pinagdaop pa niya yung mga palad niya, "Just once. After that I'll rest in peace."
"Manigas ka."
"Sige na, pogi."
Pinipigilan kong tumawa sa sinabi niya. Paano ba naman, hindi bagay sa kanya. Naririnig niya kasi kanina yung mga tindera sa bayan na nagtatawag sa akin na "pogi, bili na, mura lang".
Pero siyempre, magpapasalamat tayo sa mga nakaka-recognize ng ating kakisigan.
Minsan lang naman 'to.
Kinawit ko yung siko ko sa sandalan nung bench na kinauupuan namin at nilapit yung popsicle sa kanya habang ako'y nakatingin sa unahan. Hindi naman mukhang kadududa-duda tong pwesto ko sa harap ng mga normal na tao. Mukha lang akong nagpapahinga na nakasandal sa bench.
Lumaki ang ngiti ni Junjun bago niya nilabas ang dila niya niya at hinagod yon sa popsicle ko.
Ibig kong sabihin dinilaan niya yung mango flavored na popsicle stick sa kamay ko.
"Sarap naman." ang sabi niya sabay dila sa ibabang labi niya. Umayos na siya ng pagkaka-upo at ganon din naman ako. "Thanks once again. Di ko makakalimutan to."
"Walang anuman." May parang kumurot sa dibdib ko.
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
"Then let's see the sunset together, forever."
"Forever?"
"Oo, forever. Ikaw lang at ako."
"Is that a promise, ☐☐☐?"
"Promise."
"Don't leave me. I think I'm going to die without you."