Chapter 9

2438 Words
Kyle Enrico Salvador ─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── Kinaumagahan, nagising ako dahil sa liwanag na tumama sa mata ko. Pagkatapos kong makita sa cellphone ko na alas-7 pa lang ng umaga at wala na yung kapatid ko sa kwarto, muli kong binalot ang sarili sa malambot kong kumot para ituloy ang tulog ko. "Hey, wake up!" "Wake up!" "Rise and shine, pogi." May malamig na bagay ang dumampi sa pisngi ko. Hindi pala dampi, mahinang sampal pala. "Ano bang kailangan mo?" tanong ko sa asungot na si Junjun. Sakto naman na kapapasok lang ng kapatid ko sa kwarto nang marinig niya ako. "Problema mo, kuya?" tanong ng bunso kong kapatid na si Warren na nagtapon sa aking ng masamang tingin. Palihim akong umirap sa direksyon ni Junjun na ngayon ay nagpipigil ng tawa na akala mo'y may makakarinig sa kanya. "Ha? Wala, nananaginip ata ako kanina." Bumangon na ako dahil paniguradong hindi na naman ako makakabalik sa tulog muli. Inayos ko ang kama ko at saka nag-ayos ng sarili bago lumabas ng kwarto. Nasa sala sina mama at papa na nag-aalmusal. Merong isang supot ng mainit na pandesal na nakapatong sa maliit na mesa sa gitna at pareho silang may hawak na tasa ng kape. "Morning ma, pa." bati ko at tumabi sa upuang pang-isahan na nasa sala pagkatapos kumuha ng isang tinapay. Di makakaligtas sa paningin ko ang pagkatakam at pagdila ni Junjun sa ibabang labi nito. Umiral na naman ang kasibaan ng damuho. "Nga pala 'nak. Mamaya samahan mo sina Aling Sitang mamaya sa palengke at sumabay ka na'ng mamili. Heto ang listahan ng ipapamiling rekado para sa handa natin bukas." Iniabot ni mama ang gusot na dilaw na papel na may nakasulat na mga rekado. Gusto ni mama na sumabay ako kina Aling Sitang mamili dahil para maturuan ako mamili ng magandang klaseng karne at iba pang pangsahog. Hindi kasi ako magaling mamili non. Mamaya din kasi ay pupunta sa kabilang isla sina mama. Ewan ko kung anong gagawin nila don. "Okay ma." Pasado alas-otso nang sunduin ko si Aling Sitang sa bahay nila. Matagal ko na'ng kilala ang pamilya nila mula pagkabata kaya hindi naman ako nahihiya sa kanila. Parang pangalawang nanay din ang turing ko sa kanya. Nakita ko ang ale na lumabas na may bitbit na bayong. Nagmano ako dito saka kinuha ang bayong at nilagay ito sa loob ng tricycle. "'Nak, nandito na si Kyle o. Tara na!" ang pagtawag ni Aling Sitang. Isang dalaga ang lumabas sa pinto ng bahay nila. Hindi ito katangkaran na tantya ko ay hanggang balikat ko lang. Itim at tuwid ang mahaba nitong buhok. Bilugan ang mga mata niya at tuwid ang mga kilay. "Eto ang kababata mo Kyle, si Alicia. Sayang at di kayo nagpang-abot nung huli ka ditong dumalaw." sabi ni Aling Sitang. Nagkatinginan kami nung babae. "Leng-leng?" bulalas ko. "Excuse me? Wag mo kong tawagin niyan. Ali na ang nickname ko." Napatingin ako kay Le—Ali. Hindi ako makapaniwala na siya yung kalaro ko nung mga bata pa kami. Dugyutin kaming mga bata noon at hindi naiiba 'tong si Ali. Inaasar pa namin siya na Leng-leng beleleng kasi lagi magulo ang buhok nito na puro kuto. Kahit ganon ay kasama pa rin namin siya lagi sa takbuhan at isa siya sa mga pinakamabilis tumakbo, dinaig pa ang mga lalaki. Hindi ako makapaniwala na dalaga na siya ngayon. "Sorry," nahihiya akong napakamot sa likod ng ulo, "nakasanayan lang. Pero sige, Ali na ang itatawag ko." Nakarating kami sa palengke makalipas ang ilang minuto. Gamit namin ang tricycle ni papa at ako ang nagmamaneho. Bata pa lang kasi ako ay naturuan na ako ng papa ko. Pati rin pagmamaneho ng jeep ay itinuro niya. Nilibot namin ang palengke bitbit ang aming bayong. Si Aling Sitang ang nakakakabisado ng mga suki niya na maganda ang paninda kaya naman sumunod lang ako. Nakasunod naman sa akin si Junjun na tahimik na nililibot ng paningin ang palengke. Isang beses nakita ko na para pa siyang nandiri doon sa mga karne ng baboy na nakasabit sa isang stall. Arte. Hindi ko rin siya kinakausap dahil kasama ko si Aling Sitang at Ali at baka marinig nila ako. Ang dami ring tao sa palengke kaya wala akong lagkakataon na kausapin ang di nila nakikita. Pero kahit na ganon, panay turo naman ang ginagawa ng mokong. Nagtataka tuloy si Aling Sitang kung bakit ako bumili ng maliliit na chocolate na hugis ice cream, isang balot ng chichiryang tigpi-piso, isang garapon ng gummy worms at dalawang balot ng mikmik. Sinabi ko na lang na paborito ito ng kapatid ko at gusto kong pasalubungan. Sorry Warren. Nalaman ko kasi kahapon na nalalasahan ni Junjun kung anuman ang kainin ko. Siguro ay gawa ito ng spirit contract. Kaya sinubukan namin kung malalasahan niya yung menudo na hapunan namin. Nung wala nang tao sa kusina ay palihim akong kumuha ng natirang ulam sa kaldero gamit ang kutsara at isububo iyon kay Junjun. "Hmmm! Yummy! Galing kong sumubo no!" Nagpantig ang tenga ko kaya hinampas ko ng kutsara ang bumbunan niya. Kaya heto, inaabuso niya ang kabaitan ko at kung anu-ano ang pinapabili. Sasakit na naman ang tiyan ko nito. Matapos namin mabili ang nasa listahan ay nagyaya si Aling Sitang na kumain sa Mang Inasal. Pa-thank you daw niya iyon sa akin dahil hinatid at tinulungan ko silang magbitbit ng pinamili. Tumanggi ako nung una pero napilitan din. Hindi lang si Aling Sitang ang namilit, pati itong demonyong si Junjun ay nagpumilit din. Tiba-tiba ang mokong kasi unli rice na nga, malaki pa yung manok. Ilang beses ko siyang palihim na sinubuan. Itataas ko lang yung kutsara ko habang ang siko ko ay nakapatong sa lamesa, tapos igigilid ko yung kutsarang may kanin at ulam para masub—makain ni Junjun. Hindi naman naglalaho yung pagkain sa kutsara, pero sabi niya ay nalalasahan niya at parang nakakain niya din. Hindi rin naman kaduda-duda yung set up namin na yon kasi para lang akong normal na nikikinig nina Aling Sitang at Ali at mabagal na kumakain. Nag-catch up din kami ni Ali dahil matagal kaming hindi nagkita. Kwento niya, sa kalapit probinsya siya nag-college at doon din siya nagttrabaho. Bumibisita lang siya sa mama niya kung may oras or okasyon. Pagkatapos non ay bumalik na kami ng bahay. Hinatid ko na rin sina Aling Sitang sa kanila. "Thank you Kyle." pasasalamat ni Ali. "Wala yon." "Hindi ka pa naman uuwi bukas diba?" tanong niya. "Hindi pa naman. Sa makalawa pa ko uuwi." Limang araw kasi kami ni Junjun dito. Pagkatapos ng long vacation ay kailangan ko na ulit pumasok. Nabubutas na din ang bulsa ko dahil sa kumag na yon. "Okay. See you bukas sa fiesta." ang sabi ng kababata ko bago bumalik sa bahay nila. "See you." Kumaway ako at pinagmasdan siya hanggang makapasok siya sa loob ng kanilang bahay. "See you, pogi." Nagpantig na naman ang tenga ko sa malakas na pagtawa ng damuhong si Junjun. Simamaan ko siya ng tingin at bumalik para paandarin yung tricycle. Sa bubong naka-upo ang gago kasi malamig daw. Pagbalik ng bahay ay excited akong niyaya ni Junjun na kumain ng gummy worms kasi gusto niya daw ma-try. Kumain ako ng isa at naglagay ng ilang piraso sa platito at nilagay sa hapag para mag-isa na lang na kumain si Junjun. Pabalik na sana ako ng sala nang marinig kong sumigaw ang gago. Hindi niya daw makain yung gummy worm na nasa platito. Sinubukan niyang paliparin ito para isubo pero nalalaglag lang. Sinubukan din niyang kumain direkta sa plato pero wala rin. Ano kayang problema nito? Kinuha ko ang isang gummy worm at kinagat ang kalahati. Yung kalahati naman ay isinubo ko kay Junjun. Nanlaki naman ang mata niya na tila isang batang binigyan ng candy. "Finally! I can taste it now!" Kailangan pala na mula sa kamay ko manggagaling yung pagkain para malasahan at makain niya ito. Kapag kasi iniwan lang ito na parang alay, ay hindi niya nalalasahan. Ang arte naman pala nito. Kinagabihan, pagkatapos kong maligo ay pumasok na ako sa kwarto para magpahinga. Maaga kasi ang gising ko dahil tutulong ako sa paghahanda para sa pyesta bukas. Medyo mainit ang panahon ngayong araw at kahit gabi na ay mainit pa rin. Mabanas tapos hindi nadadaan sa electric fan yung init kasi apoy yung binubuga ng fan namin. Manipis na sando lang at saka boxers ang suot ko para presko. Nasanay kasi ako na kapag nandon ako sa bahay ko sa Maynila ay minsan hindi ako nagdadamit tutal ako lang naman mag-isa. "Ang sexy mo, pogi ah." Nagtayuan ang balahibo ko nang may bumulong malapit sa tenga ko. Nakaupo ako sa gilid ng kama habang nagse-cellphone kaya hindi ko namalayan ang pagsulpot ni Junjun sa likod ko. Alam ko kasi ay nasa sala siya at nilalaro ang sisiw bago ako maligo. "Gago ka ba?!" ang galit kong tanong sabay hambalos sa kanya ng unan. Tumawa lang yung loko at umupo doon sa paana'ng sulok ng kama ko. "m******s ka ba, ha?" Mas lalo pa siyang natawa nung nakita niya ang nanlilisik kong mata. Anong bang problema nito? Bigla akong kinatok ni papa mula sa labas at tinanong kung sino daw yung kaaway ko. Ang palusot ko ay naglalaro lang ako ng mobile games. Mabuti rin ay wala pa ang kapatid ko dito sa kwarto. Nasa computershop daw at naglalaro. Dalawa yung kama dito, isa sa akin at isa sa kapatid ko. Kapag wala ako ay nasosolo niya ang kwarto na 'to. Hinayaan na ako ni papa. Ako naman ay humiga na dahil gusto ko na ding magpahinga. Habang nandito kami sa probinsya, sa labas lagi natutulog tong si Junjun. Sabi niya sa sala daw siya o kaya minsan natutulog siya sa tapat ng beach. Hindi ko rin maintindihan kung natutulog ba talaga siya since multo siya o humihiga-higa lang. Ayoko ko na ring itanong, wala naman akong pake. Kaya di ko alam kung anong trip nito at dito siya sa tabi ko humiga. Hihilahin ko sana siya paalis dahil maliit lang ang kama ko. Pero nang maramdaman ko yung lamig na galing sa katawan niya, at nakaramdam ng presko, hinayaan ko na lang. Wala namang masama sa dalawang mama na nagsisiksikan sa maliit na papag e. "Kyle, may sasabihin ako sa'yo." Seryosong sabi ng multo. Pareho kaming nakatitig sa kisame ngayon habang magkatabi na nakahiga. "Hmm?" Hindi agad sumagot si Junjun. Ilang saglit pa bago niya sabihin... "Buntis ako at ikaw ang ama." Bumangon ako at pinuntirya ng leeg ng gago, "Put*ngin* mo Junjun, masasakal na kita." Hinawakan ko ang leeg niya na parang sinasakal ito. Nagpupumiglas naman ang gago habang natawa. "Waaaah! Choke me daddy!" Parang uod na binudburan ng asin ang gung-gong na gustong makawala sa pagkakasakal ko. Napaupo ako sa taas niya para di siya makagalaw pa. Pag tinuluyan ko kaya 'to, anong mangyayari dito? Ano 'to, double dead? Minsan natatakot ako na baka r-word-ist tong kumag na to nung nabubuhay e. Napakabastos ba naman ng utak at bunganga! Pag nalaman ko lang talaga na masamang nilalang to nung nabubuhay pa, ako mismo ang tatawag kay satanas para sunduin siya. Tyak ko na hindi na niya kailangang tumawid pa dahil hihilahin siya ni satanas pababa. "I give up! I give up! Hahaha!" "Give up-give up ka dyan. Mamatay ka na!" "No! Patay na ko!" Tumigil sa paggalaw si Junjun at seryosong tumingin sa mata ko. "Patay na patay sa'yo! Hahaha!" Kaya mas lalo ko siyang sinakal. "Naaah! Joke lang! I'm sorry, I'm sorry!" Sinasakal ko pa rin si Junjun na sa tingin ko ay parang kiliti lang sa kanya habang naka-upo ako sa gitna niya nang biglang... "Anong ginagawa mo jan kuya?" Araw na ng piyesta. Maaga kaming nagising para magluto ng mga handa at mag-gayak ng bahay. Kasalukuyang tumutugtog ang golden hits sa radyo. Aligaga rin ang mga kapitbahay namin sa kanya-kanya nilang preparasyon. May program kasi mamaya dito sa maliit na village namin kaya busy ang lahat. Pagkatapos ay may program din sa plaza mamayang gabi kaya pupunta kaming buong pamilya. At kung nakamamatay man ang tingin, ay malamang kasama ko na si Junjun na kailangang tumawid sa kabilang-buhay. Paano ba naman, kanina ko pa napapansin na masama ang tingin ni Warren sa akin. Kagabi kasi, nahuli niya ako na sinasakal si Junjun. Pero sa mga mata niya, nakasampa ako sa unan ko at mukang may di kaaaya-ayang ginagawa. Napabalikwas ako at umupo ng ayos sa kama. Si Junjun naman ay patuloy pa rin sa pagtawa. Gago talaga. "Ano kase, nagppractice ako mag-CPR. May training kasi kami dati non kaya tina-try ko kung naaalala ko pa." Kung gaano mas humagalpak ng tawa si Junjun, mas naging masama naman ang tingin ni Warren sa akin. Matalinong bata ang kapatid ko, hindi to basta-basta naloloko kahit noong mga bata pa kami. Parang nababasa mo sa mukha niya ang mga salitang gina-gago mo ba ako? pero di ko na lang pinansin. Nagdadasal na lang ako na sana ay palampasin niya ito. "'Nak, tawag ka ni Alicia, nandoon sa labas." Nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko si papa na nakasilip sa bintana. Binitawan ko ang hinihimay kong malunggay at lumabas para kausapin si Ali. "Hi Ali!" ang bati ko. Nakita ko si Ali na nakatayo sa tapat ng gate namin na gawa sa kawayan. "Kyle!" ang balik niyang bati. "Free ka ba mamayang gabi?" Mamayang gabi? Wala naman akong gagawin, sasamahan ko lang sina mama manood ng program sa bayan. "Wala naman. Pupunta kaming bayan. Sasabay ba kayo ni Aling Sitang?" ang tanong ko. "Uhm, sige. Saka mamaya rin, magpapasama sana ako sayo." Tumango ako at pumayag. Pagkatapos non ay nagpaalam na siya umalis. Saan kaya magpapasama yon? "Don't go with her." Narinig ko ang mahinang boses ni Junjun sa likod ko. ─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── "Then let's see the sunset together, forever." "Forever?" "Oo, forever. Ikaw lang at ako." "Is that a promise, ☐☐☐?" "Promise." "Don't leave me. I think I'm going to die without you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD