Kyle Enrico Salvador
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
"Ano Kyle, nagustuhan mo na ba dito sa probinsya? Hindi ka na ba babalik ng Maynila?" pabirong tanong sa akin ni papa.
"Pa naman, hindi ba pwedeng pareho?" saad ko.
Naglalakad kami papuntang plaza. Kasama ko sina mama at papa, pati na rin si Warren. May munting program sa plaza at gustong makisali nina mama dahil may sayawan daw. Si Warren naman, sumama lang to samin papunta, pero maya-maya lang malamang sasama na to sa mga barkada niya.
At si Junjun... hindi ko alam kung nasaan ang lalaking iyon. Pagkatapos sa akin sabihin ni Ali na magpapasama siya, bigla na lang nagbago ang kilos ng gung-gong.
Sabi niya wag daw ako sumama kay Ali. 'Pag tinanong ko naman kung bakit, ayaw naman magsalita. Ilang beses ko na siyang kinulit pero nagtatakbo lang ang loko kung saan.
Magarbo ang gayak ng plaza. Mas magarbo ito kesa noong pumunta kami ni Junjun dito kahapon. Marami ring nag-iimbita para kumain pero magalang namin itong tinanggihan dahil busog na rin naman kami. Mas marami ding mga nagtitinda ng kung anu-ano sa paligid. Tiyak na kung nandito yon si Junjun, panay turo na naman yon ng kung anu-ano.
Nasaan na kaya siya?
"Kyle!" narinig kong may tumawag sa akin.
Nakita ko si Alicia kasama ang nanay niyang si Aling Sitang at ang kapatid niya sa di kalayuan. Kumaway ito sa akin saka pumunta sa kinaroroonan namin.
"Nandito na pala kayo. Dinanaan namin kayo sa inyo, wala namang tao. Nauna na pala kayo." ang sabi ko.
"Sorry na. Si mama kasi nayakag ng mga amiga niya, ayun sumabay na rin kami papunta. Sorry di ko nasabi."
"Oks lang yon, ano ka ba. Saan ka nga pala magpapasama?"
Pabiro akong hinampas ni Ali sa braso at tumawa. Nagmano siya sabay paalam sa magulang ko. Aniya ililibot daw niya muna ako sa lugar bago namin puntahan yung gusto niyang puntahan.
Binaybay namin ni Ali ang kalsada na ngayon ay di mahulugang karayom sa dami ng tao. Akala mo ay may Christmas sale. Di rin hadlang ang madilim na gabi dahil maraming ilaw ang nakapalibot sa daan na nagmistulang umaga na. Bumili rin kami ng mga pagkain na nilalako kung saan-saan.
Kung nandito lang si Junjun, sigurado akong magugustuhan niya 'to.
Nagpunta rin kami sa souvenir shop na malapit. Balak ko kasing pasalubungan yung mga ka-team ko, lalo si TL dahil siya ang nagbigay sa akin nitong bakasyon.
Nagpatulong din si Ali na mamili ng accessories dahil lahat daw ay magaganda. Sa huli ay binili niya yung kwintas na gawa sa maliliit na white na beads tapos may pendant na sunflower.
Habang namimili naman ako ng ibibigay kay Alan, nakita ko ang isang bracelet na gawa sa itim na maliliit na beads. May tatlong palawit ito na bear na transparent.
Bigla kong naalala si Junjun. Parang bagay sa kanya 'to.
Pagkatapos non ay nag-aya ulit si Ali na maglakad doon sa lugar na magpapasama siya.
Nakarating kami sa isang spot di kalayuan sa plaza. Isa itong bar or club na ngayon ko lang nalaman na meron pala dito sa amin. Sabi ni Ali kaibigan niya daw yung may-ari nito at kabubukas lang mga 2 years ago.
Pagpasok namin ay maraming tao. Hinila niya ako doon sa table na may ilang taong nakaupo na. Napag-alaman ko na mga kaibigan pala niya yon.
"Guys, si Kyle, nga pala. Galing siyang Manila." ang pagpapakilala sa akin ni Ali. "Ito pala Kyle yung mga classmates at schoolmates ko sa college dati." At saka isa-isa niyang pinakilala ito.
Medyo nahihiya ako kasi may pagka introverted ako saka hindi ako sanay sa mga gantong lugar. Nakapunta na naman ako sa mga bar dati nung napilit akong sumama sa inuman ng mga ka-team ko. Pero hindi ako gaanong nainom ng alak kasi nasusura ako sa amoy. Ewan ko ba kung bakit gusto inumin yon ng mga tao.
"Hello! Ang gwapo mo naman Kyle."
"Bakla ka. Akin siya! Hi, Kyle. I'm Maymay. Ang mag-maymay-ari ng puso mo."
"Tigilan niyo nga. Pre, pasensya ka na sa mga baliw na to. Ngayon lang nakalabas sa mental."
Napaka-masayahin at welcoming ng mga kaibigan ni Ali kaya naman medyo natanggal yung ilang ko. Umupo kami ni Ali doon sa table kasalo ang mga kaklase niya. Maraming bote ng beer ang nasa lamesa pero meron ding mga pulutan at yun lang yung target ko kasi ayoko ring uminom. Ako kasi ang magmamaneho ng tricycle pag-uwi namin nina mama at papa.
"Wag ka mahiya, Kyle. Sagot namin to, kaya chill ka lang." sabi sa akin nung lalaki na sa pagkakatanda mo ay Edmond ang pangalan.
"Sige. Pero hindi ako masyado nag-iinom. Magd-drive pa kasi ako mamaya." ang depensa ko. Hindi naman ako mahirap makibagay sa ibang tao, pero firm talaga ako sa mga ayaw at gusto kong gawin.
"Don't worry, Kyle. Heto o, light drink lang yan," inabot sa akin ni Ali ang isang bote ng alak, "Kahit yan lang ang inumin mo."
Kinuha ko yung inumin mula kay Ali at ininom ito. Light nga lang ito at parang juice kaya di naman ako nag-aalala na malasing.
Masaya kaming nag-kwentuhan ng mga kaibigan niya. Samu't-saring kwento naman ang baon ng bawat isa at ang tanging ambag ko lang ay makinig. Tinanong nila ako minsan tungkol sa trabaho ko at sa buhay sa Maynila na masaya ko namang sinagot.
Masarap din yung pulutan dito sa bar. Maliban sa classic mani, da best din yung sisig. Ngayon lang ako nakatikim ng ganon kasarap. Bigla ko tuloy naalala si Junjun kasi hindi ko pa siya nakikita. Tyak akong magugustuhan niya to.
Lumingon-lingon ako sa paligid at baka nasa tabi-tabi lang ito. Well, sabi naman niya lagi siyang nandon kung saan ako magpunta... within a certain distance. Di ko lang alam kung bakit minsan nawawala yon o di ko makita.
Habang lumalalim ang gabi, nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko. Medyo mainit na parang gusto kong maghubad. Mabanas din yung hangin kahit na open space yung lugar saka malamig din ang ihip ng hangin ngayon.
Nakakaramdam din ako ng hilo. Parang inaantok ako. Mabigat yung mata ko saka naghahalo-halo na yung mga naririnig ko sa paligid. Napaka-unkomportable. Napaka-init. Kailangang may gawin ako.
Nag-excuse ako sa table namin para mag-CR. Hindi na kaya ng katawan ko ang init. Gusto kong tanggalin ang saplot ko. Kaya kahit nahihilo ay pinilit kong makarating sa CR ng bar. Balak kong maghilamos para ma-presko-han ang sarili.
Nagawa ko namang makapasok sa CR at makapunta sa lababo. Pero di ko inaasahan na bibigay ang mga tuhod ko sa sobrang hilo. Napahandusay ako sa sahig at naramdaman na parang umiikot ang paligid.
Anong nangyayari sa akin? Bakit nagkakaganto ako?
Shit.
Parang may kung anong gumagapang sa balat ko na gusto kong kamutin. Hinimas ko ang aking braso, papuntang leeg, pababa sa dibdib ko hanggang may makapa akong bukol sa gitna ng mga binti ko.
Shit. Anong nangyayari?!
Bumukas ang pinto ng CR at narinig ko ang malakas ng buga ang speakers na nagpapatutog ng bass boosted na EDM sa labas.
"Kyle?" Narinig kong tanong. Si Edmond!
"Kyle? Okay ka lang? Anong nangyari?"
Hindi ko rin alam. Yan ang gusto ko sanang sabihin kaso nilamon na nga dilim ang mata ko kasabay ng pagbigat ng mga talukap ko.
Bago pa man ako tuluyang mapag-harian ng antok, may narinig pa akong isang boses.
"Ed, ano? Dalhin mo na sa taas yan."
☾ ⋆*・゚:⋆*・゚:⠀ *⋆.*:・゚ .: ⋆*・゚: .⋆
May matigas na bagay ang humampas sa mukha ko.
May kung anong kumalabog sa tabi ko.
Nagising ako sa di malamang gulo na nangyayari sa paligid.
"Aaaaaaahhhh!"
Isang matinis na sigaw ang bumungad sa akin pagkamulat ko ng mga mata ko. Nakakaramdam ako ng hilo at parang masusuka pa. Anong nangyari? Pinilit kong bumangon kahit na kumikirot ang ulo ko. Napakainit.
Nakita ko si Ali sa sahig sa paanan ng kama at may takot sa kanyang mga mata. Naaninag ko na binabalot niya ng kumot ang kanyang sarili. Nakasalampak siya doon at binabato ang kahit anong bagay na mahawakan niya patungo sa direksyon ko.
"Wag kang lalapit sa akin!!! Aaaahh!!!"
Binato ni Ali ang isang pares ng sapatos na nahagip ng kamay niya at tinapon iyon sa direksyon ko. Buti na lang at nakaiwas ako, kundi knock out na naman ako.
"A-Ali? Anong nangyayari?" Akmang pupunta na sana ako sa kinaroonan niya nang mapansin ko na wala akong damit pang-itaas. Sa kabutihang palad ay bihis pa naman ang pambaba ko pero nakita ko na nakabukas ang zipper nito.
Bakit kami magkasama sa kwarto ni Ali? Bakit siya natatakot? Bakit ganto ang ayos ko?!
Sari-sari ang mga bagay na pumasok sa isipan ko. Pinipilit kong alalahanin ang mga nangyari kanina at para umabot kami sa ganito. Sobrang nalasing ba ako? Bakit nandito si Ali? May nangyari ba sa amin?
May isang kawawang bagay na naman ang naihagis sa direksyon ko.
"Teka, Ali—"
Patungo sa direksyon ni Ali, walang kaabog-abog ang paglipad ng isang magazine na nakapatong sa bedside table. Tumama ito sa mukha niya na siya naman niyang ikinatili.
"Aaaaaahhh!!!" Tanging takot lang ang nakapinta sa mukha nito.
Napahilot ako sa sentido ko. Nahihilo pa ako at nakakaramdam ng onting init. Ano ba 'to?
Isa na namang magazine ang lumipad sa mukha ni Ali at napasiksik ito sa sulok ng kwarto.
Naririnig ko pa rin ang malakas na EDM music mula sa labas. Ramdam kahit dito sa kwarto ang dagundong ng bass at hiyawan ng mga tao. Kaya marahil ay walang nakakarinig sa mga tili nito.
"How dare you!!"
Junjun?
Ang sakit ng ulo ko.
Tatayo na sana ako para alalayan si Ali. Gusto ko na'ng malaman kung ano ba 'tong mga nangyayari pero sa di inaasahan, muling umikot ang paningin ko.
Inaasahan ko na sa sunod na pagdagundong ng bass ay ang pagbagsak ko sa sahig pero hindi ito nangyari.
Isang nilalang ang biglang sumulpot sa gilid ko; isang matikas na braso ang pumulupot sa bewang ko at dahan-dahang pinaupo ako sa kama.
Junjun.
"Wag kang lalapit sa akin!! Demonyo!"
Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa akin.
Malamig. Napaka-lamig niya.
"Jun... a-anong nangyari?" daig pa ng migrane ang pagkirot ng sentido ko. Marahan ko itong minasahe habang hinihintay ang pagsagot ni Junjun.
"That b***h drugged you!!" Kinilabutan ako nang marinig ang galit na bumabalot sa boses ni Junjun. Hindi siya ganito magsalita. Hindi. "I'm going to fvcking kill her."
Hindi ko hahayaang gawin iyon ni Junjun. Agad kong hinawakan ang nanginginig niyang kamay.
"Sorry, I'm sorry! Hindi ko na uulitin."
Nagmamakaawang umiiyak si Ali. Mas lalo pa niyang niyakap ang sarili niya gamit ang puting kumot. Patuloy din sa pagtulo ng mga luha niya. Nakakaawa ang itsura nito.
"Ali... wag kang matakot."
Totoo bang dinroga mo ako?
"Ano bang nangyari?"
Totoo ba?
Walang pasabing bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mga kaibigan ni Ali na sina Maymay, Thea, Dalton, at Edmond.
"Ali!"
"Maymay..." May munting kislap sa mga mata ni Ali nang makita ang kaibigan.
Patakbong lumapit si Maymay sa kinaroroonan nito. Akala ko ay tutulungan niya ito pero isang malutong sa sampal ang umalingawngaw sa kwarto.
"May, tama na yan." Hinawakan ni Edmond ang braso ni Maymay na parang pinipigilan ito.
Lumapit naman sa akin si Dalton at inabutan ako ng tshirt na napulot niya sa sahig na agad kong isinuot.
"Ito ba, ha?! Ito ba ang sinasabi mong plano mo? Para may kilalaning ama ang magiging anak mo?!"
Plano? Anak? Ano 'to?
"Kumalma ka, May. Doon tayo sa office ni Thea mag-usap. Hayaan mo muna siyang makapag-ayos." ang sabi ni Edmond.
"Isa ka pa, puny*ta ka! Kasabwat ka nitong babaeng to!"
Hindi makatingin si Edmond kay Maymay matapos niyang sabihin ito
"Teka? Ano bang nangyari? Anong plano ba to?"