─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ── "Like what you see?" Napabalikwas si Kyle nang marinig ang boses ni Ezekiel. Nakita rin niya na nakabukas na ang mga mata nito habang mariing nakatingin sa kanya. "H-Hindi, ano kasi... may lamok sa mukha mo. Papatayin ko sana." ang pagdadahilan ni Kyle. Tumawa naman ang multo at maayos na umupo sa kama. "Sure, sure." At isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa mga labi nito. "But you forgot that I'm a ghost at hindi ako dinadapuan ng lamok." Napaubo ang binata na tila nabulunan sa sariling laway. Ramdam niya rin ang init na umaakyat sa mukha niya at kahit hindi siya tumingin sa salamin, alam niya na namumula siya. "E may lamok naman talaga e. Bahala ka nga." Pinilit pa ni Kyle ang palpak niyang kasinungalingan na kahit siya ay hindi maniniwala, at tsaka tumay

