Chapter 12

2029 Words
Kyle Enrico Salvador ─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── Napaaga ng isang araw ang uwi namin ni Junjun sa Maynila. Sinabi ko na lang kay mama na kailangan na ako sa trabaho kahit hindi naman totoo. Hinatid ako nina papa sa terminal at bago ako makaalis, hinigit ako ni Warren sa isang tabi dahil may itatanong daw siya. "Kuya," panimula niya. Mariin siyang nakakapit sa pulsuhan ko at taimtim na nakatingin sa aking mga mata. "Hindi pwedeng hindi ko 'to itanong bago ka umalis. Kuya... may dinala ka ba ditong... isang nilalang." Ilang saglit din kaming nagtitigan ni Warren. Na-blangko ang utak ko. Paanong... Nung bata pa ang kapatid ko, palagi namin tong naririnig na nagsasalita mag-isa na tila may kausap na di namin nakikita. Pag tinatanong naman namin kung sino kausap niya, hindi naman sumasagot. Nung nag-elementary siya, lagi siyang nagsusumbong na nakakita siya ng nakakatakot na bagay. Sinasabi ko na lang na guni-guni niya yon at wag na pansinin. Noon ay akala ko nagbibiro lang to kasi hindi naman ako naniniwala sa mga multo. Pero ngayon, mukhang may espesyal na kakayahan nga ang kapatid ko. "Nakikita mo rin ba sya?" ang tanong ko. Umiling-ilang lang si Warren. "Hindi ko nakikita. Pero nararamdaman ko. Minsan din naaaninag ko ang anyo niya pero hindi ko masabi kung ano ba yon." binitawan ni Warren ang pagkakahawak sa akin saka niya pinag-krus ang mga braso. Nakataas ang kanyang kilay at sinabing: "Nung isang araw sa kwarto, nung nakita kitang may ginagawang kung ano sa kama mo, medyo naaninag ko siya na nakahiga sa ilalim mo, pero malabo at agad ding nawala. Kaya nagtataka ako kung nakikita mo ba siya o di sinasadyang nasama siya rito." "Sinama ko siya dito. Nakikita ko siya at nakaka-usap." "Bakit?" "Dahil kaibigan ko siya." ang sagot ko ng walang pag-aalinlangan. Walang pasabing sumulpot si Junjun sa tabi ko. Inakbayan niya ako at tumingin sa akin habang may nakakalokong ngiti sa labi. "Hi~!" Kinawayan niya si Warren kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin na nagpatindig ng balahibo namin. "Kuya...?" Halo-halong emosyon ang nakapinta sa mukha ng kapatid ko. Takot. Gulat. At pagtataka. Gusto kong tumawa ng malakas pero sinarili ko na lang dahil baka magmukha akong tanga. "Wag kang matakot, mabait siya. At saka aalis na rin naman kami. Di mo na sya makikita." "That's right. Akong bahala sa kuya mo." Nag-thumbs up pa ang gagong si Junjun. Medyo masama ang tingin sa akin ng kapatid ko. Hindi ko alam kung sa akin ba siya nakatingin o sa nilalang sa tabi ko. "Basta mag-iingat ka kuya. P-Pag may problema ka... nandito lang kami." Halos pabulong na lang si Warren sa huling parte ng sinabi niya. Kahit kailan talaga, itong kapatid ko. "Naks naman, binata na tala ang bunso namin." pabiro kong sinabi at sinundot pa ang kili-kili niya. Tinampal naman ni Warren ito palayo. "At oo, mag-iingat ako. Mag-ingat rin kayo dito, ingatan mo sina mama at papa. Kung may kailangan kayo, sabihin niyo lang sa akin." Nang makalapag na kami sa Maynila, dumiretso na ako sa bahay. Buong biyahe kong hindi nakita si Junjun. Naalala ko yung mga dati kong pagluwas noon. Mag-isa akong aalis, mag-isa rin akong babalik. Pero ngayon, nakasama ko si Junjun. Memorable din yung bakasyon ko sa probinsya. May mga nakakatuwang nangyari, at meron ding hindi. May pagkakaibigang nabuwag, meron ding pagkakaibigang umusbong. Dahil doon, marami akong natutunan sa buhay at na-realize sa sarili ko. "We're here!" Sumulpot bigla si Junjun at binagsak ang sarili sa sofa ng bahay ko. Nilagay ko muna ang mga bag ko sa kwarto, nagbihis at bumalik sa sala. Nandoon pa rin ang mokong at ngayon ay nakabukas na ang TV. "I missed this! Sa probinsya kasi konti lang yung channels." ang sabi nito nang maramdaman niyang umupo ako sa katabing sofa. "Hmm... Magpahinga muna tayo. Tapos mamaya, magluluto na ko ng hapunan natin." ang sabi ko. Hapunan natin. Hindi ako sanay na lumalabas yon sa bibig ko. Ilang taon na ako dito sa Maynila simula noong nag-college ako. Sa mga taong yon, madalas akong mag-isa sa bahay. May taon na kasama ko ang dati kong girlfriend, pero di ko natatandaang nagluto ako para sa kanya. At heto. Nagawa kong magluto ng hapunan para sa isang multo. Pero syempre ako rin ang kakain nito. "Kyle, ano? Subuan mo ko!" Nagbalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang inis na boses ni Junjun. Nakahalukipkip ito at medyo naka-pout pa. Ang OA talaga nito. "Saglit lang ho mahal na prinsipe. Di makapag-hintay?" ang biro ko sabay naglagay ng kanin at ulam sa kutsara. Chicken curry ang niluto ko kasi wala lang. Madali gawin e. "Bagal mo! Gusto ko na'ng sumubo!" Hindi nakawala sa paningin ko ang pagbaba ng tingin ni Junjun sa katawan ko. Napakahayop talaga. Bastos na naman ang lumalabas sa bunganga nitong kupal na to. "Sige, ituloy mo pa yan. Hindi na kita pakakainin kahit kelan." ang pagbabanta ko. "What?!" "What-what ka dyan? Heto, para matahimik ka na." Sinubo ko sa kanya yung malaking bulto ng kanin at ulam. Nagtataka siguro kayo kung anong nangyayari sa pagkaing "kinain" ni Junjun kung hindi naman talaga niya yon nakakain. Well, ako rin yung kumakain. Basta yun na yon. Bahala kayo mag-isip kung paano. "But honestly, ang sarap ng luto mo. Sino nagturo sa'yo?" tanong ng kumag. "Si mama. Pero mga basic lang tinuro niya dati. Natutunan ko na lang yung iba nung mag-isa na lang ako sa bahay." Nakita ko ang pagbabago sa mukha ni Junjun. Mas nanamlay ang mga mata nito. Hindi na rin ito kumibo hanggang sa matapos akong kumain. Naalala na naman niya yon. Habang naghuhugas ng plato ay nakita kong tumagos si Junjun sa pader papuntang kung saan man. Malamang ay magpapahangin ito at mag-iisip-isip. Nung nasa probinsya kami, biglang may ala-alang pumasok sa isip ni Junjun. Isang di magandang memorya. Sa ala-alang yon, nakita ni Junjun sa sinasaktan siya ng isang babae habang sinasabi ang mga salitang "walang hiya ka!" Hindi makita ni Junjun ang mukha nito, pero sa ala-ala, tinawag niya itong nanay. Hindi niya rin alam kung bakit ba siya sinasaktan nito. Walang tigil siyang humihing ng tawad pero parang di siya naririnig nito. Ang babaing ito, siya rin ba yung sumundo kay Junjun sa hiking spot dati? "Junjun? Nasan ka?" Nasa kwarto ako ngayon, nakahiga at nagpapahinga. Medyo matagal na rin nung lumabas si Junjun at di ko pa siya nakita. Balak ko sanang kausapin siya tungkol sa ala-ala niya, para makapagplano kami kung ano ang susunod na gagawin. Nararamdaman ko na malapit na kami sa katotohanan. Malapit na siyang umuwi sa tahanan niya sa kabilang buhay. Ni anino ni Junjun (kung meron man), walang nagpapakita. Nasan na kaya yon? "Jun?" Umihip ang malakas na hangin. "I like it when you call me Jun." Pag-kurap ko ay nakita ko ang mukha ni Junjun na malapit sa aking mukha. Naramdaman kong naka-upo siya sa bandang tiyan ko habang ang dalawang kamay naman niya ay nakatukod sa gilid ng ulo ko. Sino ba naman ang hindi mabibigla sa ganong compromizing position? Kaya ito, tinampal ko ang pagmumukha ng gagong si Junjun. Bumagsak siya sa gilid ko habang sapo-sapo ang mukha. Pero imbis na umiyak o dumaing sa sakit, patawa-tawa pa to. "Hayop ka. Anong trip mo ha?! Subukan mo pa yan, di lang yan ang aabutin mo." Sumandal ako sa ulunan ng kama at humalukipkip. Iniisip ko yung mga desisyon ko sa buhay at tanging pagsisisi lang ang naramdaman ko dahil tinanggap ko pa tong hayop na to. "Relax! Gumaganti lang ako. Pinatungan mo rin kaya ak—“ Hindi ko na hinyaan pang matapos ang sasabihin nitong gago na'to dahil alam kong puro kabalastugan lang ang lalabas don. Tinakpan ko ang bibig niya at si Junjun naman ay tila may bulate sa pwet na nagpapapadyak at gusto kumawala. "Kung di mo ititikom yang bibig mo, tatanggalin ko yang dila mo. Umayos ka." Masamang tingin ang binato ko sa kanya bago ko tinanggal ang kamay ko sa bunganga niya. "Meanie." Parang bata pang umismid ang loko. "You called me." Umupo ako ng naka-criss-cross at ganoon din ang ginawa ni Junjun na nakaupo naman sa harap ko. "Gusto ko lang malaman kung anong naiisip mo tungkol doon sa naalala mo nung nasa probinsya tayo." Muli na namang nagbago ang itsura ni Junjun. Minsan hindi ko alam kung paano niya napapalitan ang emosyon niya ng ganong kadali. Minsan masaya siya, pero biglang magpo-poker face yung mukha niya. Minsan madaldal, pero bigla na lang tatahimik. "And don't leave, please. Alam kong di maganda yung naalala mo, pero nandito naman ako para tulungan ka." Tumango si Junjun at saka nagbuntong hininga, "I'm just sad that my life was not as fun as what I thought it would be. Hindi ko akalain na sasaktan ako ng mismong magulang ko." Bakas ang kalungkutan sa boses niya. Bihira ko lang marinig ito na ganto kaya alam ko na totoong nasasaktan siya. "Wala pa talaga akong idea kung anong nangyari sa'yo noon. So far, ang clues natin ay galing ka sa pamilyang Sy, at posibleng yung mama mo din yung babae na sumampal sa'yo don sa hiking spot." "It's possible. But why?" "Yan din ang tanong ko. Wala ka bang naalalang iba na pwedeng dahilan kung bakit nagalit ang mama mo?" "I don't know, man. Pero naaalala ko, mas lalong nagalit si mom nung sinabi ko that I just want to be myself." Napakamot ng ulo si Junjun. Nagtataka rin ang mukha nito. "What did I mean by that?" "Baka may tinatago ka sa kanila." Nagkatitigan kami ni Junjun. Walang gumalaw. Walang nagsalita. Be yourself ika nga nila. Ilabas kung ano ang totoong ikaw. Huwag mabuhay sa likod ng maskara na hindi naman ikaw. Ano ba ang totoong ikaw, Junjun? "Kung wala kang naaalalang iba, hayaan mo na. Subukan natin ang ibang paraan para makaalala ka ulit. Makakakuha din tayo ng ibang clue." ang sabi ko at pumuwesto na para humiga sa kama. Sumasakit ang ulo ko kakaisip sa mga gantong bagay. Naramdaman kong humiga rin sa tabi si Junjun. May malawak na pagitan sa aming dalawa pero ramdam ko pa rin mula sa aking likod ang lamig mula sa kanya. "Kyle." pagtawag niya. Ang tono ng boses na yon. Parang deja vu ito nung nasa probinsya kami at biniro niya ako ng buntis ako at ikaw ang ama. Hinanda ko na yung sarili ko sa kung anong walang kakwentahang sasabihin niya. "Do you think, maybe... I was a bad person when I was alive? You know, parang bully or something." Hindi ako nakasagot agad. Hindi ko kayang husgahan si Junjun nung nabubuhay pa siya dahil wala na naman itong naalala bilang isang kaluluwa. Kung ang kilos ay aksyon niya lang ngayon ang pagba-base-han ko, without a doubt, masasabi kong mabuti siyang tao. Medyo may pagkapilyo ito minsan, pero nakapa-sensitibo rin nito sa mga bagay. Gaya nga ng sabi ko, alam niya ang tama sa mali at handa siyang kumilos pag may hindi siya nakikitang kanais-nais. "Ewan ko. Mahalaga ba 'yon?" Dahil di ko alam ang sasabihin, sinagot ko na lang siya ng tanong. "Of course, what if I became like this because I was a horrible person? Paano kung may ginawa akong masama noon?" "Well, nangyari na ang nangyari. Unahin natin hanapin ang pamilya mo," ang sagot ko na lang dahil mabigat na ang talukap ng mata kl at lalamunin na ako ng antok. "I think I'm not ready yet..." Narinig kong mahina niyang sabi bago ako tuluyang iwan ng mundo ng mga gising.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD