─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── Tahimik na nag-iintay si Ezekiel sa tapat ng office ni Kyle bago mag alas-8 ng umaga. Ito na ang naging routine nila sa mahigit isang taon nilang pagsasama. Nagta-trabaho na si Kyle sa isang call center malapit lang sa office building nina Ezekiel na nasa loob din ng parehong business district. Bago pumasok sa trabaho si Ezekiel, hinihintay niya ang uwian ni Kyle ng 8AM tapos sabay silang mag-aalmusal sa paborito nilang coffee shop, tatambay ng konti, at bago mag 9AM, ihahatid siya ni Kyle sa opisina nila. Baliktad ang mundo at ang schedule nila pero kinaya nila. Sinisiguro nila na may oras sila para sa kanilang dalawa, and at the same time, oras din para sa kanya-kanya nilang sarili. Ilang saglit matapos pumatak ang 8AM, natanaw ni Ezekiel ang boyfriend nit

