─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── Nagpakawala ng malalim na buntonghininga si Ezekiel bago ito kumatok sa office ni Jace. "Good luck to me." ang bulong niya sa sarili. Pagpasok niya sa loob, ang unang tumambad sa kanya ay ang mesa ni Jace at nakita niya ang manager na nakatalikod na nakaupo sa likod ng table. Lumalabas ang pagiging mahilig sa luxury items nito dahil kahit ang swivel chair ay napaka engrande at may malaki at malawak na back rest. "Good morning, Jace. You called me?" ang kinakabahang bati ni Ezekiel. Hindi sumagot si Jace kaya mas lalo siyang kinabahan. Tiyak na galit na galit ito. Worth million dollars ang project na ito at talagang pinagtrabahuhan at pinaghirapan ng bawat isa. Ilang oras ng meetings at OTs ang nilaan nila para ma-approve ang project na ito kaya naman naiinti

