─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ─── "Kita tayo mamaya, baby. I love you. Ingat ka ha." Napangiti ni Kyle sa malambing na boses ni Ezekiel sa kabilang linya. Pasado alas-3 ng madaling-araw, nasa pantry siya para mag-'lunch'. Si Ezekiel ay nasa bahay at nagising lang mula sa pagtulog dahil na-miss niya bigla si Kyle kaya tumawag nito. Hindi mapigilan ang ngiti ni Kyle dahil napaka-cute talaga ng baby niya. "Love you too baby. Matulog ka na, aga pa oh. See you later. Ingat ka din sa biyahe mamaya." ang sagot ni Kyle. Pagkababa ng tawag, inubos ni Kyle ang kinakain at pinalipas ang oras hanggang matapos ang lunch break niya. "TL, paano po gagawin dito?" Pagkapasok niya sa prod, sinalubong siya ng ahente niya na nagpapaturo ng process. Masaya namang tinuruan ni Kyle ito bago siya nagpunta sa sari

