Lumipas ang isang linggo ay si Vance ang nag hatid sundo kay Rannasha. Si Khaki naman ay halos patayin sa titig si Vance sa tuwing sinusundan niya ang dalawa kung saan ang mga ito magpunta.
Tulala si Khaki sa opisina niya ang mga mata nito ay nakatuon lang sa isang bagay. Doon sa picture frame ni Rannasha na nakapatong sa table wooden desk niya.
"God damn it! I'm going crazy thinking about you, Rannasha." Mariing wika ni Khaki. Napasabunot siya sa kanyang sarili, at muling tumitig sa larawan ni Rannasha.
Pumasok si Maverick sa opisina ni Khaki ng hindi manlang naramdaman ni Khaki ang presensya ng kaibigan.
Tulala sa isang tabi at
hindi mapakali
Ating nakaraan
minumuni-muni
Di lubos maisip bakit
nagkalayo
Kaya ngayon ako'y
isang bigo
Kanta mula kay Maverick. Nakangisi pa ang loko ng maupo ito sa silya.
Matalim na tinitigan ni Khaki ang kaibigan. "Shut the f**k up man!" Angil ni Khaki rito.
"Tsk! Alam bro kaysa sa mag mukmok ka diyan, at sa halip na iwasan mo si Rannasha. Bakit kaya hindi mo nalang lubusin ang natitirang araw na makasama mo si Rannasha. Malapit na siyang umalis." Wika ni Maverick.
"May usapan kami ni ate Xyrish na iiwasan ko muna si Rannasha. Ayoko na pati si ate Xyrish ay magalit sa akin."
"Sa ginagawa mo lalong lalayo ang loob sa'yo ni Rannasha. Huwag mong alalahanin ang usapan n'yo ni ate Xyrish. Ang isipin mo baka pagbalik dito ni Rannasha dito mula sa america ay wala ka ng puwang sa puso niya. Tandaan mo Khaki magandang bata si Rannasha. Ngayon pa nga lang may naghahabol na sakanya. Paano pa kaya pagtungtong niya ng tamang edad, baka marami ka ng maging makaribal. Nakarating sa akin na pinopormahan ni Vance Buenaventura si Rannasha, at hinahayaan mo lang."
"E, gusto niyang makipagkaibigan sa lalaking yon. Anong gusto mong gawin ko? Nagagalit nga sa akin si Rannasha." Frustrated na sabi ni Khaki
"So ano, mag papatalo ka nalang ba sa Vance Buenaventura na yun?"
"f**k no!" Matigas na wika ni Khaki.
"Alam mo mabuti pa sumama ka sa akin mamayang gabi."
"Where?"
Tanong ni Khaki sa kaibigan nito. "Sa bahay nila kuya Styles. Wedding anniversary nila ngayon ni ate Xyrish. Pa-despedida party na rin nila para kay Rannasha." Sagot ni Maverick.
"Bakit imbitado ka ba?"
"Hindi. Pero tinawagan ako ni Rannasha kanina, at inimbitahan niya ako. Pupunta ako at dapat sumama ka."
"Ayoko. Wala akong oras at marami pa akong gagawin dito sa opisina." Pagtanggi ni Khaki sa kaibigan.
"Ulul! I know you want to see Rannasha. So, stop being stubborn." Anas ni Maverick.
May kumatok sa pinto ng opisina ni Khaki. Bahagyang bumukas ito at sumilip ang ulo ng isang lalaki mula sa labas.
"What?!"
Iritadong tanong ni Khaki sa secretary nitong lalaki.
"Sir, miss Rannasha is here." Sabi ng secretary ni Khaki.
Dahil sa narinig Khaki ay bigla siyang napatayo mula sa pagkaka-upo.
"She's here? What is she doing here?" Wika ni Khaki sa kanyang isipan.
"Let her in." Utos ni Khaki.
Tuluyan binuksan ng lalaki ang pinto upang makapasok sa loob si Rannasha. Deretso ang mga mata ni Khaki na nakatitig kay Rannasha.
Napapalunok si Rannasha sa bawat paghakbang niya palapit sa table desk ni Khaki. Nanghihina ang mga tuhod niya dahil sa nakaka-intimidating look na ibinibigay ni Khaki sa kanya.
Namamawis ang dalawang palad ni Rannasha nate-tense siya. Pati buong katawan niya ay bahagyang nanginginig.
Yumuko nalamang si Rannasha dahil hindi niya kaya makipagkatitigan sa lalaki.
"Why are you here?" Masungit na tanong ni Khaki sa dalaga. Bahagyang nasaktan si Rannasha dahil sa tanong na iyon ni Khaki. Hindi ba siya welcome sa opisina ng lalaki?
Huminto si Rannasha sa harapan ng table desk ni Khaki. May kinuha siya sa loob ng sling bag niya. Isang maliit na gold envelope, pinatong niya ito sa table.
"Pinapabigay po ni mommy sayo, imbatasyon para sa wedding anniversary nila ni daddy. Sa mansion gaganapin ang selebrasyon. Mamayang gabi." Aniya ni Rannasha habang nakayuko.
"Ako, wala ba akong imbitasyon diyan?" Biro ni Maverick kay Rannasha. Bumaling ang dalaga kay Maverick at matamis na ngumiti.
"Pwede po bang wala, syempre meron ka rin kuya Maverick. Saka diba tinawagan na kita kanina."
"Pero iba parin kung may imbitasyon ako mula kay ate Xyrish." Saad ni Maverick.
Inabot ni Rannasha ang isang envelope kay Maverick. "Hiningi ko po talaga yan kay mommy para sa'yo kuya Maverick."
"Wow! I feel so special to you."
Nakangising sabi ni Maverick pero ang mga mata nito ay nakatingin kay Khaki, na ngayon ay para siyang kakainin ng buo ni Khaki dahil sa sama ng tingin nito sa kanya.
"Special ka naman talaga sa akin kuya Maverick. Tinuturing na kita na parang nakakatandang kapatid e."
Sa pag-uusap ni Rannasha at Maverick ay tumunog ang cellphone ni Rannasha.
Agad niya itong kinuha sa loob ng bag at sinagot.
"Hello kuya Vance."
Tumaas ang isang kilay ni Khaki sa narinig mula kay Rannasha.
"Ah sige hintayin mo nalang ako diyan sa parking lot. Paalis na rin ako." Muling saad ni Rannasha.
"You better leave, baka na iinip na siya sa paghihintay sayo. Please tell ate Xyrish, thank you. But I can't go tonight." Nakasimangot na sabi ni Khaki.
Mariing kinagat ni Rannasha ang ibabang labi niya. "Sige po, makakarating kay mommy. Bye kuya Maverick."
Nagpaalam na si Rannasha at agad na lumabas sa opisina ni Khaki.
Habang naglalakad siya sa pasilyo papuntang elevator ay nakabusangot ang mukha ni Rannasha.
"Bakit ang lamig ng pakikitungo niya sa akin? May nagawa ba ako, para magalit siya sa'kin? Bakit ba siya nagkakaganun ano bang problema niya! Nakakainis na siya ha, nagpunta nga ako dito para makipagbati sa kanya. Tapos sinusungitan niya lang ako. Minsan naiisip ko baka na-engkanto siya sa batangas dahil simula ng bumalik kami dito ay nag-iba na ang pakikitungo niya sa akin." Inis na wika ni Rannasha.
"Kung ayaw niya pumunta edi wag! Paki ko ba." Muling saad ni Rannasha.
"Hindi nga ako pupunta."
Iyan ang salitang sinabi ni Khaki kay Maverick. Pero ngayon ay naririto si Khaki, naka-upo sa isang silya habang tanaw si Rannasha na masayang nakikipag usap kay Vance.
"Bullshit! Dapat hindi talaga ako nag punta rito. Mamatay ako nito sa selos!" Mahinang wika ni Khaki.
"Tangina ka! Kasalanan mo ito. Mapilit ka kasi, kung ano-anong pang-uupat ang sinasabi mo sa akin."
Angil ni Khaki sa kaibigan na si Maverick. "What? Anong pang-uupat?" Nagtatakang tanong ni Maverick.
"Tanga! Panunulsol parang hindi ka nag-aral." Asik muli ni Khaki kay Maverick.
"Gago! Ang lalim kasi ng tagalog mo. Alam mo naman best in english lang ako." Mayabang na sabi ni Maverick.
"Tsk! Uuwi na ako!" Biglang tumayo si Khaki.
"Hoy tarantado! Hindi pa nga tayo nakikita ni ate Xyrish aalis kana agad. Sige ka magtampo yun sayo." Pigili ni Maverick kay Khaki.
"Wala akong pakialam!" Angil ni Khaki.
"Napaka-kill joy mo naman. Pero sige kapag nakita na tayo ni ate Xyrish, aalis na tayo. Tatawagan ko ang ibang kaibigan natin, punta tayo ng club." Saad ni Maverick.
Huminga ng malalim si Khaki at muling naupo at lumagok na lang ng alak sa basong hawak nito.
Alam ni Rannasha na naririto si Khaki pero hindi siya nag abalang tumingin o puntahan manlang ang puwesto kung nasaan si Khaki at Maverick.
Nag-uusap si Rannasha at Vance ng umihip ang malakas na hangin. Napuying si Rannasha kaya bigla siyang napakusot sa kanyang mata.
"Hey, are you okay?" Nag aalalang tanong ni Vance at hinawakan ang baba ni Rannasha.
"Napuying yata ako." Aniya ni Rannasha.
"Can I see." Sinuri ni Vance ang kaliwang mata ni Rannasha. Bahagyang nilapit ni Vance ang kanyang mukha kay Rannasha at inihipan nito ang mata ni Rannasha.
Saktong dumako ang mga mata ni Khaki sa puwesto ni Rannasha at Vance. Mariing kumuyom ang kamao ni Khaki. Nagtagis ang kanyang mga bagang dahil sa inis. Ngayon ay labis siyang kinakain ng selos.
"Hmmm, okay na kuya Vance." Saad ni Rannasha at lumayo na kay Vance. Ngunit sa pag-atras ng braso ni Rannasha ay nasagi niya ang baso, lahat ng lamang juice ay natapon sa dress na suot ni Rannasha. Pati legs niya ay nabasa ng juice.
"Oh god." Kinuha ni Vance ang panyo sa bulsa ng maong niyang pants at pinunasan ang nabasang legs ni Rannasha.
"f**k it!" Mahinang mura ni Khaki.
Narinig ito ni Maverick kaya tiningnan niya rin ang dahilan kung bakit naiinis na naman ang kaibigan niya ngayon.
Ngumisi si Maverick at marahang tinapik-tapik ang balikat ni Khaki.
"Nag seselos ka? Panindigan mo yung mga sinabi mo sa kanya pare. Wala kang karapatan mag selos, walang kayo. Mamatay ka sa selos." Mahinang wika ni Maverick at mahinang humalakhak.
"Gusto mo bigwasan kita ngayon. Napaka-supportive mong kaibigan, grabe mahal na mahal talaga kita pare. Ang sarap lamusakin ng mukha mo." Nang-gigigil na usal ni Khaki.
"Ito naman hindi kana mabiro. Ayon oh, umalis si Rannasha sundan mo kaya." Sabay nguso ni Maverick sa dereksiyon kung saan nagpunta si Rannasha.
Agad tumayo si Khaki at sinundan nga si Rannasha. Nakita naman siya ni Vance kaya plano niya din sana sundan si Khaki pero biglang sumulpot sa harapan nito si Maverick. "Hey kid, where are you going? If I were you, lalayuan ko si Rannasha. Meron ng nag mamay-ari dun at pinapahinog na lang, umi-epal ka pa." Saad ni Maverick at naupo sa silyang malapit kay Vance.
"Who are you to tell me that?" Seryosong sabi ni Vance.
"I'm Maverick Vasquez. 23 years old from Atarah's heart." Pilosopong sagot ni Maverick.
Sumimangot si Vance at matalim na tinitigan si Maverick.
"Oh come on don't look at me like that kid. Alam kong gwapo ako, pero hindi ako pumapatol sa lalaki. Babae lang ang tipo ko." Nakangising sabi ni Maverick.
"Tss! Bagay nga kayo magsamang magkaibigan. Pareho kayong mga baliw!" Inis na wika ni Vance at tumayo na upang umalis.
"Hey, young man, tell this to your cousin. He would stay away from Atarah if he didn't want to be a sisig!" Mababakasan ang pagiging seryoso sa boses ni Maverick.
"Bakit takot ka rin ba maagawan? Like your friend?" Panunudyo ni Vance. Matalim itong tinitigan ni Maverick.
"Hindi ako natatakot maagawan. I'm afraid of what I can do!" Maverick said with a serious tone.
Sinundan ni Khaki si Rannasha hanggang sa second floor ng mansion. Maigi nalang at walang tao sa sala dahil naroon ang lahat ng katulong sa malawak na pavilion.
Pumasok si Rannasha sa silid nito mabilis humakbang si Khaki papunta sa pinto ng kwarto.
Sampung minuto bago maisipan buksan ni Khaki ang pinto. Dahan-dahan pinihit ni Khaki ang siradura ng pinto, bahagyang sumilip siya upang siguraduhin na nakapag bihis na ang dalaga.
Nakita niyang umupo si Rannasha sa silya sa harap ng malaking salamin. Pumasok si Khaki at dahan-dahan humakbang. Mula sa reflection ng salamin ay nakita ni Rannasha si Khaki. Nagulat siya kaya agad niyang binalingan ang lalaki.
"Ku--kuya Khaki a-anong ginagawa mo dito?"
"Can we talk?" Malumanay na tanong ni Khaki sa dalaga. Tumango si Rannasha bilang sagot.
"Pero hindi pwede dito." Aniya ni Khaki.
"E, saan naman po tayo mag-uusap?" Tanong ni Rannasha.
"Doon sa secret place na dating pinupuntahan natin." Wika ni Khaki.
"Pero--"
Hindi natuloy ang sasabihin ni Rannasha ng may kumatok sa labas ng pinto.
"Rannasha, are you there?" Boses ni Styles sa labas ng silid at muling kinatok ang pinto.
"Mag tago ka." Tarantang sabi ni Rannasha.
"Saan ako magtatago?" Tanong ni Khaki.
Nag-isip si Rannasha at inikot ang buong paningin sa loob ng kwarto.
"Doon sa ilalim ng kama, siguro ay kasya ka naman doon. Bilisan mo na kuya Khaki." Lumapit si Rannasha sa lalaki at bahagyang tinutulak pa ito.
"Okay, fine, you don't have to push me Rannasha."
"Ang bagal mo kasi e, baka makita ka ni Daddy." Reklamo ni Rannasha.
"Rannasha, open this door. Are you talking to someone there?" Medyo pasigaw na sabi ni Styles sa labas ng pinto.
Nagtago si Khaki sa ilalim ng kama ni Rannasha. Halos hindi pa siya magkasya dahil sa laki ng katawan niya.
"Hi Daddy." Alanganing bati ni Rannasha ng mabuksan niya ang pinto.
"Are you with someone inside? I heard a man's voice. I heard you talking to someone." Nakakunot ang noo ni Styles.
"Ah, iyon po ba. Wala yun daddy baka yung narinig mo ay yung boses ng lalaki mula sa tv. Nanonood po kasi ako ng movie." Sagot ni Rannasha.
"Ganun ba." Wika ni Styles at biglang pumasok sa loob ng kwarto ni Rannasha. Nagpunta si Styles sa banyo ni Rannasha at ni-tsek ang loob nito.
Sunod na pinuntahan ni Styles ang terrace sa labas ng kwarto ni Rannasha, binuksan niya din ang kabinet na pinaglalagayan ng mga damit ni Rannasha.
"Daddy, may hinahanap ka po ba?" Tanong ni Rannasha kay Styles.
"Oo, sinusuri ko lang kung may nakapasok na daga dito. Mahirap na baka ngatngatin ang mga damit mo, lalo kana baka kagatin ka." Usal ni Styles.
Mariing kinagat ni Rannasha ang ibabang labi niya. "Daddy naman, wala naman pong daga dito sa bahay. Ang linis-linis kaya ng bahay natin paanong magkakaroon ng daga dito."
Naupo si Styles sa kama ni Rannasha at parang sinasadyang idiin ang pang-upo nito sa kama. "Ang lambot ng kama mo anak." Wika ni Styles.
Napangiwi si Rannasha dahil sa ginagawa ng ama. Tiyak na naiipit si Khaki sa ilalim ng kama.
"Malambot naman po talaga yan daddy, kasi kayo ni mommy bumili niyan." Saad ni Rannasha.
"f**k you kuya Styles!" Mariing mura ni Khaki sa isipan. Ipit na ipit na si Khaki at sakto pa sa mukha niya natuon kung saan naupo si Styles.
"O siya lalabas na ako sumunod ka na hinahanap ka ng mommy Xyrish mo."
Nakahinga ng maluwag si Rannasha ng lumabas ng kwarto si Styles.
"Okay po daddy susunod agad ako."
Mabilis na sinirado ni Rannasha ang pinto. Lumabas naman mula sa ilalim ng kama si Khaki na nakasimangot ang mukha.
"Okay ka lang kuya Khaki?"
"What do you think?" Masungit na sabi ni Khaki.
"Alam mo minsan may sapi talaga yang tataytatayan mo. Ang lakas ng tama." Dagdag ni Khaki.
"Parang ikaw. Malakas din naman tama mo e." Saad ni Rannasha.
"will you come with me or not." Seryosong sabi ni Khaki.
"Pero kasi kuya Khaki---"
"Bawal ka tumanggi sa akin ngayon Rannasha." Wika ni Khaki hinawakan niya ang kamay ni Rannasha at hinila palabas ng kwarto.
"Kuya Khaki si kuya Vance baka hanapin niya ako."
Huminto si Khaki sa paglalakad at ganun din si Rannasha. Seryosong tumitig si Khaki sa mga mata ni Rannasha.
"Is he special to you?" Mababakas ang kalungkutan sa boses ni Khaki. Kita rin sa mga mata nito na nalulungkot ito.
"Yes, he is special to me."
Lumawag ang pagkakahawak ni Khaki sa kamay ni Rannasha. Para may kumirot sa parte ng puso ni Khaki. Ganito na ba siya kainlove kay Rannasha. Nasasaktan siya kahit sa simpleng salitang lumalabas sa bibig ng dalaga.
"He is special to me because he is my friend. That's all." Dagdag ni Rannasha.
"Kaya huwag kang sumimangot diyan kuya Khaki. In my heart, you are still number one." Wika ni Rannasha.
Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa labi ni Khaki, para siyang na babakla dahil sa mga salitang binigkas ni Rannasha.
"If you had to choose between me and Vance. Who will you choose. Vance or me?"
"You, kahit naman po may topak ka at malakas ang sayad mo sa utak. Ikaw parin ang pipiliin ko. Kahit na inaaway mo ako palagi sa'yo parin ako sasama. Mas gusto kita kasama dahil mas masaya ako kapag ikaw ang kasama ko. Kaya umalis na tayo bago pa bumalik si Daddy." Aniya ni Rannasha.
Sa likod ng mansion dumaan si Rannasha at Khaki. Nag text si Khaki sa kaibigan nitong si Maverick na bantayan ang bawat kilos ni Styles. Baka kasi madiskubre nito na umalis si Rannasha.
Message from Maverick : "Hinayupak ka! Ginawa mo pa akong look out."
Mensahe mula kay Maverick tiyak ni Khaki na buwisit na buwisit ang kaibigan sa kanya. Tama lang iyon dahil sa mga katarantaduhan na mga pinagsasabi ni Maverick sa kanya kanina.
Sa secret place nila kung saan madalas no'on mag punta si Rannasha at Khaki. Walang nakakaalam sa lugar na ito kundi ang dalawa lamang.
"Parang dumami yata ang halaman na at bulaklak na nakatanim dito. Saka yung kubo parang medyo lumaki. Ang linis din at halatang alagang-alaga." Wika ni Rannasha.
"Syempre kailangan. Dahil importante ang lugar na ito sa akin at lalo na sa'yo. Bata ka palang hide out na natin ito." Aniya ni Khaki at iginiya si Rannasha patungo sa dalawang flower swing.
"Wow!" Manghang-mangha si Rannasha dahil sa design ng duyan.
Naupo si Rannasha sa isang swing ganun din si Khaki. Biglang naging tahimik si Rannasha at Khaki nag ka-ilangan pa ang dalawa.
"Hmmm, kuya Khaki. Sorry nga pala sa mga sinabi ko sayo no'ong nakaraang linggo. Hindi ko sinasadya at nabigla lang ako." Si Rannasha na ang na-unang nag salita.
"You don't have to apologize. I should be the one to apologize to you, Rannasha. I know that even if you don't say it, you were hurt by what I said to you. I'm sorry my baby girl.
"I hope you give me one more chance.
Alam mong hindi ko gustong nag-aaway tayong dalawa Rannasha. Sana hindi ka galit sa akin." Malumanay na sabi ni Khaki.
"Sa ating dalawa ikaw lang naman itong mahilig mang-away e. Nagagalit ka ng hindi ko alam ang dahilan. Alam mo bang iniisip ko na baka na-engkanto kana kaya ka nagkakaganiyan. Minsan ang hirap i-spelling ng ugali mo kuya Khaki. Ang hirap mong basahin hindi ko alam kung ano tumatakbo sa isip mo. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo. Palagi tayong magkasama pero, nahihiwagaan parin ako sa'yo. You are so mysterious. Siguro nga may mga bagay pa akong hindi alam tungkol sa'yo."
Pinagkatitigan ni Khaki ang side view ng mukha ni Rannasha. "Hindi na mahalaga kung ano ang pagkatao ko Rannasha. "Ang mahalaga ay yung nararamdaman ko para sayo."
Lumingon si Rannasha kay Khaki nakakunot ang noo ni Rannasha habang nakatitig sa mga mata ni Khaki.
"Anong ibig mong sabihin kuya Khaki? Anong nararamdaman mo para sa akin?"
Hindi sumagot si Khaki at tumayo ito nagtatakang tumingala si Rannasha sa mukha ni Khaki.
"Wait, I'll just get something." Nakangiting sabi ni Khaki at nagtungo sa kubo at may kinuha roon.
Lumabas si Khaki bitbit ang isang gitara. Muli siyang naupo sa swing at nag simulang mag gitara.
You know you're everything to me
And I could never see
The two of us apart
And you know I give myself to you
And no matter what you do
I promise you my heart
Natulala si Rannasha ng mag simulang kumanta si Khaki. "Grabe... Nakaka-inlove ang boses niya." Wika ni Rannasha sa isipan.
I've built my world around you and I want you to know
I need you like I've never needed anyone before
I live my life for you
I want to be by your side in everything that you do
And if there's only one thing you can believe is true
I live my life for you
Hindi lubos akalain ni Rannasha na marunong kumanta itong si Khaki. Unang narinig niyang kumanta si Khaki doon sa batangas nung mag away silang dalawa.
I dedicate my life to you
You know that I would die for you
But our love would last forever
And I will always be with you
And there is nothing we can't do
As long as we're together
I just can't live without you and I want you to know
I need you like I've never needed anyone before
Patuloy sa pag gigitara at pagkanta si Khaki. Samantalang si Rannasha ay nakangiting nakikinig sa magandang tinig ni Khaki.
I live my life for you
I want to be by your side in everything that you do
And if there's only one thing you can believe is true
I live my life for you
Oh, I've built my world around you and I want you to know
I need you like I've never needed anyone before
I live my life for you
I want to be by your side in everything that you do
And if there's only one thing you can believe is true
I live my life for you
Whoa-oh, yeah, I live my life for you
Natapos si Khaki sa pagkanta inilapag niya ang gitara sa carabao grass.
"That's my answer to your question earlier." Wika ni Khaki.
"I love you, Rannasha. Not as my niece. I love you as my girl."
Maaligasgas na sabi ni Khaki. Si Rannasha naman ay parang naumid ang dila hindi niya magawang makapag salita. Dahil sa mga nakakawindang na pagtatapat ni Khaki sa kanya. Hindi niya nga alam kung ano reaksiyon ang ipapakita niya kay Khaki. Nag-iinit ang buong mukha niya at para siya sinisilaban. Pinagpawisan tuloy siya ng malapot dahil sa tagpong ito.
"Kuya Khaki..."
Iyon nalamang ang salitang lumabas sa bibig ni Rannasha, ang sambiting ang pangalan ni Khaki.
"I don't need an answer from you, Rannasha. I know you are too young for this such things. But I just want you to know and always remember that I love you very much, Rannasha." Muling sabi ni Khaki.
Hindi makuhang ibuka ni Rannasha ang bibig. Ni hindi niya nga alam kung ano ang isasagot sa mga sinabi ni Khaki. Masyado siyang nawindang sa pagtatapat ng lalaki sa nararamdaman nito para sa kanya. Pero aaminin ni Rannasha may kakaiba siyang naramdaman. Para siyang kinikilig na iwan. Basta hindi niya maipaliwanag, at kung anuman iyon ay sigurado siyang para ito kay Khaki.
Sa ngayon panghahawakan niya ang mga sinabi ni Khaki na mahal siya nito. Masyado pang maaga para sabihin sa lalaki na gusto niya rin ito. Bata pa siya at hindi mga ganitong bagay ang dapat niyang unahin.
Hanggang sa makabalik sila sa likod ng mansion ay nanatiling tahimik si Rannasha. Naiintindihan naman ito ni Khaki dahil bata pa si Rannasha ang importante ay na amin niya sa dalaga ang nararamdaman niya para dito.
"Aalis na ako." Bulong ni Khaki sa tainga ni Rannasha at hinalikan ang gilid ng leeg ni Rannasha. Bago tuluyang sumakay sa kotse si Khaki ay kumindat pa ito kay Rannasha.
"Bye..." Mahinang bigkas ni Rannasha at kusang umangat ang isang kamay niya upang kumaway sa papaalis na sasakyan ni Khaki. Bumusina ang kotse tanda ng pagtugon nito. Pumasok na rin si Rannasha sa maliit na gate ng mansion. Huminga siya ng malalim at kusang napangiti.
"And where did you go?"
Napatalon sa gulat si Rannasha ng sumulpot bigla ang kanyang amain na si Styles.
"Patay..." Iyon nalang nasabi ni Rannasha.
~~~~~~~
The lyrics of the song are not mine.
Song title: I live my life for you
Song by: Firehouse