Chapter 8

3682 Words
"Rannasha. I am asking you. Where did you go?" "Uhmm, daddy ikaw po pala. Ni-check ko lang po kung nakasarado ba ng mabuti ang gate dito sa likod." Palusot ni Rannasha at bahagyang ngumiti sa ama. Tumaas ang makapal na kilay ni Styles dahil sa alibi ni Rannasha. "Really, huh? Kung ganun bakit galing ka sa labas ng gate? At narinig ko may kausap ka mula sa labas." Usisa ni Styles kay Rannasha. Hindi na nakasagot si Rannasha at yumuko nalamang ito. Narinig ni Rannasha ang pagpakawala ng malalim na hininga ng kanyang ama. Ayaw niyang tumingin sa mukha nito dahil tiyak na galit na naman ito. Lalo na kapag malaman nito na si Khaki ang kasama niya kanina. "Rannasha, who are you talking to outside?" Bigkas muli ng kanyang ama. "Pusa po daddy. May baby cat po kasi sa labas ng gate, kawawa naman kaya kinausap ko muna." Napakamot ng ulo si Rannasha dahil sa kabobohang dahilan n'ya. "Pusa? Or baka tigre ang kina-usap mo." Saad ni Styles. "Natututo kana mag sinungaling sa akin Rannasha." Dagdag pa ni Styles. Mariing kinagat ni Rannasha ang labi n'ya. Bigla siyang nakonsensya dahil sa pagsisinungaling niya. "Sorry po daddy, hindi na po mauulit. Sorry po kung nagsisinungaling ako." Malungkot na sabi ni Rannasha at lumapit kay Styles at yumakap dito. "Sorry po." Naiiyak na sabi ni Rannasha. "Rannasha, kahit hindi kita totoong anak. Kahit hindi ka nanggaling sa akin, mahal na mahal kita bilang isang tunay na anak ko. Alam ko na wala akong karapatan kontrolin ang buhay mo. Pero Rannasha, sana mag-iingat ka, ayokong nasasaktan ka at gusto lang kita protektahan. Hindi kita pinagbabawalan makipagkita kay Khaki. Kung gusto mong makipagkita sa kanya, mag paalam ka ng maayos, sa amin ng mommy mo. Dalaga ka na anak, kaya ingatan mo ang sarili mo. Malaki naman ang tiwala ko sa'yo, pero sa Khaki na iyon wala!" Mahabang litaniya ni Styles. "Bakit po ba daddy bigla nalang uminit ang dugo mo kay Kuya Khaki? Wala naman po siyang ginagawang masama, lalo na sa akin. Lagi niya nga akong pinagtatanggol kapag may gustong manakit sa akin. Pag si kuya Khaki ang kasama ko, feeling ko ay safe na safe ako. Kaya Daddy huwag ka na pong magalit kay kuya Khaki. He's your cousin." "May magagawa ba ako? Kahit naman pagbawalan kita, sasama at pakikipagkita ka parin kay Khaki. Matigas iyang ulo mo, kaya hindi ako mananalo sayo. Halika ka na dahil kanina ka pa hinahanap ng mommy mo, pati si Vance iniwan mo sa table niyo." Kinabukasan. Habang nag aalmusal si Rannasha ay tumunog ang cellphone niya. Mensahe mula kay Khaki ang una niyang nakita. Pinigilan niya ang sarili na huwag ngumiti. Kasabay niyang nag aagahan si Styles at Xyrish. Pasimple niyang binasa ang message ni Khaki. From Khaki: " Baby girl, I'm here outside your gate." "What are you doing there?" Tugon ni Rannasha sa mensahe ni Khaki, agad naman nag reply si Khaki. From Khaki: " Waiting, and picking up my princess." Kinagat ni Rannasha ang laman ng pisngi niya. Hindi naman siya manhid at tao parin naman siya, na nakakaramdam ng kilig. Hindi niya maitatanggi na nakakaramdam siya ng kilig para kay Khaki. Simula ng mag trese anyos siya ay nagka-crush na siya kay Khaki. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang Khaki Montenegro. Mabait, maalaga, sweet, at bukod doon gwapo ito kahit sinong babae naman siguro ay magkakagusto sa binata. Nakatanggap ng message si Rannasha pero hindi ito galing kay Khaki. Mula kay Xyrish nanggaling ang message, binasa niya ito. "If you have finished eating breakfast. You can go, darling. Don't worry, Khaki called me, and asked for permission to pick you up. Enjoy and be careful, darling." Iyon ang mensaheng mula kay Xyrish agad siyang tumingin sa ina. Matamis siyang ngumiti rito at nag tipa sa kanyang cellphone. "Thank you mommy." "Are you done eating?" Tanong ni Styles kay Rannasha. "Yes po daddy. Ngayong araw po ang outing namin, ng buong campus. Bye mommy, bye daddy." "Sino ang magsusundo sayo ngayon? Or who is with you?" Puno ng pag-uusisa ang boses ni Styles. "Mga classmate ko po and si Atarah, daddy." Sagot ni Rannasha. "Vance won't pick you up today? Who did you pick up today?" Muling tanong ni Styles kay Rannasha. "Si kuya Khaki po ang sundo ko ngayon. Daddy, please... I want to be with him. Malapit na akong umalis matagal ko siyang hindi makikita, please... Daddy, pumayag ka na po. I promise I will be a good girl." Nagsusumamong wika ni Rannasha. Nagpakawala ng malalim na hininga si Styles. Hinawakan ni Xyrish ang kamay ng asawa at simpleng ngumiti rito. "Come on, Styles, pumayag kana. Malapit ang loob ni Rannasha kay Khaki, hayaan mong makapag bonding ang dalawa." Pangungumbinsi ni Xyrish sa asawa. "No." Tipid na usal ni Styles. Bumagsak ang balikat ni Rannasha dahil sa tinuran ng ama. Malakas naman na binatukan ni Xyrish si Styles. "What the f--" Magrereklamo pa sana si Styles ng pinandilatan siya ng mga mata ni Xyrish. "Ano mumumurahin mo ako! Hoy ikaw sumusobra kana Styles ha, parang hindi ka naman dumaan sa ganyang level. Ang harot mo nga no‘on eh. Kapag hindi mo pinayagan si Rannasha, hindi ka tatabi sa akin ng isang taon." Pananakot ni Xyrish sa asawa. "Ano? Ako pa ang hinamon mo ng ganiyan. Baka ikaw hindi maka-tiis diyan at magmakawa sa’kin, to pleasure you. Hindi ka nakakatulog ng wala ako sa tabi mo Xyrish Eve. Ikaw din manunuyo ka." Wika ni Styles. "Gago! I can pleasure myself with my fingers. Eh, ikaw? Anong kayang mong gawin sa sarili mo, paano mo mapapaligaya ang katawang lupa mo. Bahala ka magkapaltos iyang mga palad mo sa kaka-masturbate!" Inis na saad ni Xyrish. Si Rannasha ay nakatanga lang sa dalawang nagtatalo. Hindi niya alam kong ano ang pinagtatalunan ng dalawa. Ni-hindi nga siya maka-relate sa mga pinag-uusapan ng mga magulang niya. "Hmm... aalis na po ako." Paalam ni Rannasha sa dalawa, kahit alam niyang hindi siya narinig ng mga ito. "Bahala nga kayo riyan, matatanda na kayo." Mahinang usal pa ni Rannasha bago lumabas ng dining room. Patakbong lumabas si Rannasha sa pinto ng mansion bitbit ang black leather backpack niya. Laman nito ang iilang damit na pamalit ni Rannasha. Dahil medyo malayo ang gate sa mansion ay hiningal pa si Rannasha dahil sa ginawang pagtakbo niya. Binuksan ng security guard ang gate upang makadaan siya. "Thank you po manong." Pasalamat niya sa matandang security guard. Agad naman nilapitan ni Khaki si Rannasha ng pamansin ang namumuong pawis sa noo nito. Kinuha niya ang panyo sa suot na maong na jeans. Pinunasan niya ang pawis ni Rannasha sa noo at leeg ng dalaga. "Hindi mo naman kailangan tumakbo, kaya ko maghintay ng matagal dito sa labas. Pinagpawisan ka tuloy." Usal ni Khaki habang pinupunasan ng panyo ang pawis sa leeg ni Rannasha. "Eh, baka kasi mainip ka po. Mainipin ka pa naman at baka sungitan mo na naman ako." Usal ni Rannasha. "Yeah, mainipin ako. Pero kung ikaw naman ang hihintayin ko, kahit tumirik pa ang buwan. Maghihintay ako sa'yo, kahit gaano pa katagal." Kinikilig naman si Rannasha sa sinabi ni Khaki. "You're blushing baby girl. Mukhang kinikilig ka? Saka kana kiligin kapag nasa tamang edad ka na." Usul ni Khaki at bahagyang ginulo ang buhok ni Rannasha. "Kuya Khaki, huwag mo naman guluhin ang buhok ko. Pinaghirapan ko kayang plantsahin ang buhok ko para maging unat lang." Nakangusong reklamo ni Rannasha. "You know, baby girl, I love your curly hair. So, you don't need to straighten your hair. You're more beautiful with your curly hair. Let's go, baka maiwan ka nila. Huwag ka ng matulala riyan, alam kong gwapo ako." Nakangising usal ni Khaki at sabay pisil ng marahan sa baba ni Rannasha. "Kuya Khaki, pwede mo ba akong samahan sa outing namin. Wala kasi si Atarah. Nag message siya sa‘kin na hindi raw siya makakasama. Alam mo naman na wala ako masyadong kaibigan sa school." Wika ni Rannasha. "Okay baby girl. Basta ikaw." Mabilis na sagot ni Khaki. Plano lang sana sunduin at ihatid ni Khaki si Rannasha sa Anderson, dahil may importante siyang meeting ngayon. Pero mas importante sa kanya si Rannasha, kaya ipagpapaliban niya muna iyon. Nag message si Khaki sa secretary niya na kanselahin ang lahat ng appointment niya ngayong araw. Buti nalang at may extra t-shirt at jeans si Khaki sa compartment ng kotse niya. Kaya hindi niya po-problimahin ang isusuot niya kinabukasan. Nang makarating si Khaki at Rannasha sa Anderson University ay nakahanda ng ang mga bus na sasakyan ng mga estudyante. Si Khaki ang may bitbit ng leather backpack ni Rannasha. Lumapit naman si Vance kay Rannasha at binati ng good morning ang dalaga. "Good morning, beautiful young lady." Matamis ang ngiti sa labi ni Vance. Napa-ismid ng labi si Khaki at parang gusto niyang tirisin itong si Vance. "Walang maganda sa morning!" Mahinang bigkas ni Khaki narinig ito ni Vance kaya binalingan siya ng binatilyo at ngumisi ito sa kanya. "Akala ko hindi ka sasama sa outing ng natin. Kanina pa nga ako naghihintay sayo dito." Muling sabi ni Vance. "Akala ko nga din hindi ka kasama." Mahinang bigkas din ni Khaki. "Pwede ba akong sa bus n'yo sumakay? Para may kausap ka at hindi ka ma-bored sa byahe." Aniya ni Vance. "Senior high school ka diba? Bakit hindi ka sumama sa mga ka-klase mo. Wala bang gulong ang bus na sasakyan mo? At pinipilit mo ang sarili mo na sumabay kay Rannasha." Iritableng sabi ni Khaki kay Vance. Hindi niya talaga mapigilan ang sarili na huwag ma-buwisit sa lalaking ito. Ang akala niya dati si Brent ang bu-buwisit sa kanya. Mali pala, dahil may isang ungas na umaaligid kay Rannasha. Si Vance pala ang magpapakulo ng dugo niya. "Bakit ba nangingialam ka Mr. Montenegro? Sino ka ba sa buhay ni Rannasha!" Medyo napalakas ang boses ni Vance kaya naagaw nila ang atensiyon ng ibang estudyante at pati iilang guro na nandito sa malawak na parking lot, ay na patingin sa dereksiyon nila. Tumiim ang bagang ni Khaki at matalas na tiningnan si Vance, hindi naman nag patalo si Vance. Nang pamansin ni Rannasha ang tensiyon sa pagitan ni Khaki at Vance ay pumagitna na siya. "Kung makabakod sa kanya, parang... Tsk! Kayo ba? Girlfriend mo ba si Rannasha?!" Dagdag muli ni Vance. Nanlalaki ang mga mata ni Rannasha dahil sa salitang sinabi ni Vance. "Tama na yan, baka kung saan pa mapunta ang pag-uusap niyo. Kuya Vance, please... Ayos lang po ako. Go back to your friends, they are waiting for you. Kasama ko naman si kuya Khaki, siya ang guardian ko ngayon. Huwag mo na ako isipin nandito naman si kuya Khaki para samahan ako. Kuya Khaki let's go na po, pumasok na tayo sa bus." Pagyaya ni Rannasha kay Khaki. Before Khaki entered inside the bus. He gave Vance a deadly look. Naglakad pabalik sa mga kaibigan niya si Vance. Badtrip siya dahil hindi niya makakasabay ngayon si Rannasha. Gusto pa naman niya makasama ang dalaga papunta sa hacienda Del Valle. Doon kasi ang destinasyon nila. "O pare, bakit naman ganiyan ang mukha mo. Parang nilukot na papel. Mukhang bantay sarado ng Montenegro na iyon si Rannasha." Wika ng isang kaibigan ni Vance. "Bakit naman kasi kay Rannasha naka-focus ang atensiyon mo, baby pa yun. Ayon si Foryn patay na patay sa'yo, hindi mo pinapansin. You avoiding her. Maganda siya, sexy at mabait din naman. Ayan tuloy nag sawa kakahabol sa'yo. Ngayon pinopormahan na ng kuya mo." Sigunda naman ng isa pang kaibigan ni Vance. "Eh, ganiyan naman talaga si Foryn. Lahat ng lalaki gusto niyang patusin. Bagay nga sila ni kuya, babaero at malandi! Perfect combination." Inis na sabi ni Vance. "Huwag mong pagsasalitaan ng ganiyan ang kakambal ko. Magkaibigan tayo Vance, pero pag kapatid ko ang ininsulto mo. Babasagin ko iyang mukha mo." Seryosong wika ni Felip. "You don't know her very well. So, you have no right to insult my sister. Ikaw palang ang lalaking nilalandi niya." Sabi muli ni Felip at tinawag si Foryn upang pumanhik sa bus. "Bro, kung si Khaki Montenegro lang naman ang magiging karibal mo kay Rannasha. Please, stop. Huwag mong saktan ang puso mo. Maaring sa negosyo malamangan mo ang mga Montenegro. Pero sa babaeng mahal nila. You can't win with him. You can't beat Khaki Montenegro. Payong kaibigan lang naman." Saad ni Ken at tinapik ang balikat ni Vance. "f**k him! He's so arrogant, sarap basagin ng pagmumukha!" Wika ni Khaki ng makaupo sa upuan. "Hayaan mo na siya kuya Khaki huwag mo ng patulan. Mabait naman iyon. Siguro hindi lang kayo magkasundo." Aniya ni Rannasha. "Hindi talaga kami magkakasundo kapag lagi siyang umaaligid sa'yo!" "Kuya Khaki, pati po ba ito pagtalunan pa natin? Kaibigan ko si kuya Vance, natural lalapit siya sa akin." "I'm jealous Rannasha that's why I'm acting like this!" Mahina ngunit may diin sa salitang binigkas ni Khaki. "Sorry po, pero hindi kita boyfriend kaya, wala kang karapatan mag selos diyan." Saad ni Rannasha tsaka bumungisngis. "Damn it!" Mura ni Khaki at sumimangot ng husto. Humalukipkip ang lalaki at pumikit nalamang. Sinandal niya ang ulo sa upuan plano niyang matulog dahil biglang sumakit ang ulo niya. Mahirap talaga mag selos lalo na kapag wala kayong level. Walang level ang relasyon. "Tsk! I forgot, nasa level zero palang pala kami ni Rannasha. Pero kung makapag selos ako parang gago lang." Wika ni Khaki sa kanyang isipan. Habang nakapikit si Khaki ay malayang pinagmasdan ni Rannasha ang mukha ni Khaki. "Grabe napaka-perpekto talaga ng mukha niya." Mahinang bigkas ni Rannasha pero narinig ito ni Khaki. "Baka matunaw ako." Nakangising wika ni Khaki at biglang bumaling kay Rannasha. Natutop ang labi ni Rannasha ng muntikan na siyang mahalikan ni Khaki sa labi. Isang pulgada nalang at dadampi na ang labi ni Khaki. Hindi makagalaw ang katawan ni Rannasha parang siyang naging bato, langhap na langhap niya ang mabangong hininga ni Khaki. Parang na hypnotized si Khaki sa ganda ng mga mata ni Rannasha. Ang mapupungay na mga mata nito. "Ahem!" Agad na lumayo si Rannasha kay Khaki at tumingin doon sa lalaking tumikhim. Si Brent pala may hawak na bouquet of white roses. "What do you need Fetus?" Si Khaki ang nagtanong kay Brent. "I just want to talk to Rannasha. I want to apologize to her." Sambit ni Brent. "Okay. Then talk to her, and apologize to her." Wika ni Khaki. "But I want to talk to her, just the two of us." Hirit pa ni Brent. Tumayo si Khaki mula sa pagkaka-upo at hinarap si Brent. "You want to talk to her, don't you? You can talk to her while I'm here. Go ahead, talk to her. Don't be shy, I won't listen to what you have to say to her." "Tsk! Tabi na nga diyan kuya Khaki. Hayaan mo kami makapag-usap. Halika Brent doon tayo sa dulo ng bus." Turo ni Rannasha sa pinakahuli ng mga upuan ng bus. "Why there?" Tanong ni Khaki kay Rannasha. "Kasi tsismoso ka po." Turan ni Rannasha. "Hey, Fetus. Who will you give that flower to?" Tinutukoy ni Khaki ang bulaklak na hawak ni Brent. "This is for Rannasha." Sagot ni Brent. "Okay give it to me." Wika ni Khaki at akmang kukunin ang bulaklak, pero i agad ito inilag ni Brent. "And why?!" Inis na sabi ni Brent. "Huwag mo akong angasan Fetus, kung ayaw mong ibalik kita sa pagiging semilya. Allergic siya sa bulaklak, lalo na kung galing sa'yo." "Huh? Hindi naman ako allergic sa bulaklak." Sabad ni Rannasha sa sinabi ni Khaki. Walang nagawa si Brent ng kunin ni Khaki ang bulaklak na hawak niya. "Epal talaga!" Sambit ni Brent at hinila na si Rannasha patungo sa pinakadulo ng bus. Nakatanaw lang si Khaki sa dereksiyon nila Rannasha at Brent habang pinipitas isa-isa ang petals ng white roses. Ang talas din ng mga titig ni Khaki kay Brent. "Does she like me? Or she doesn't like me." Bigkas ni Khaki habang iniisa-isang pinipitas ang petal ng white rose. "She doesn't like me? Damn it!" Inis na binalibag ni Khaki ang bungkos ng tangkay ng bulaklak sa sahig ng bus, nag kalat din ang mga petals sa ilalim ng upuan. Inis na yumuko si Khaki at isa-isang pinulot ang mga petals at ang bungkos ng tangkay na inihagis niya kanina. "Kuya Khaki ano---" Hindi naituloy ni Rannasha ang kanyang sasabihin ng mapatingin siya doon sa pinupulot ni Khaki. "Oh my god! Kuya Khaki, What did you do with my flowers?" "What? Ang tagal niyo kasi mag-usap ng fetus na iyon. Naboring ako kaya pinatas ko isa-isa ang mga petals." "Ay grabe ka, ang lakas ng tama mo sa utak kuya Khaki. Pati ba naman yung mga bulaklak na walang kalaban-laban sa'yo, pinag-tripan mo." Hindi makapaniwala si Rannasha at napasampal nalang sa sariling noo. "Don't worry, I will buy you a flower shop. Gusto mo isang farm pa ng mga bulaklak." Mayabang na saad ni Khaki. Natameme nalang si Rannasha dahil sa kayabangan ni Khaki. Nang matapos pulutin ni Khaki ang mga petals ay tumayo siya at nag lakad papunta sa kinauupuan ni Brent. "Oh, yung bulaklak mo. Ang bilis malanta, diligan mo nalang." Inabot ni Khaki ang hawak niya. Hindi ito tinanggap ni Brent. Kaya ibinagsak niya nalang ito sa harapan ni Brent. "Minsan napapa-isip ako may mga saltik talaga ang mga Montenegro. Lalo na ang Khaki Montenegro na yan, ang lakas ng tama sa ulo!" Galit na sambit ni Brent. "Tsk! Hayaan mo na bro, kahit ano naman gawin mo. Wala kang pag-asa kay Rannasha. Tingnan mo sila, ang sweet nilang dalawa. Ngayon pa lang binabakuran na ni Khaki si Rannasha." Wika ng kakambal ni Brent. "Let's see." Tipid na sabi ni Brent. Ilang oras ang naging byahe nila bago makarating sa Hacienda Rancho Del Valle. Pero si Khaki at Rannasha ay hindi pa nakakababa sa bus. Tulog na tulog kasi ang dalaga habang nakahilig ang ulo nito sa balikat ni Khaki. Ang kamay ni Rannasha ay mahigpit nakayakap sa braso ni Khaki. "Hey, sleeping beauty. Wake up, we're here." Bahagyang hinaplos ni Khaki ang pisngi ng dalawa upang magising ito. Dahan-dahan naman nag mulat ng mga mata si Rannasha. "Sorry kuya Khaki, nakatulog ako. Nangalay ba ang balikat mo?" "No, I'm ready to be your pillow while you sleep." Turan ni Khaki at matamis na ngumiti kay Rannasha. "Kuya Khaki naman huwag ka masyadong mag pakilig diyan. Hindi ko alam kong kikiligin ba ako o hihikab." Biro ni Rannasha. "Wow! Ang ganda naman dito!" Bulalas ni Rannasha ng makababa sa bus. "Ang lawak pala ng Rancho Hacienda Del Valle. Parang katulad ng Hacienda Scherrer." Aniya ni Rannasha at nilibot ang buong paningin sa malawak na rancho. "Scherrer?" Naka-kunot noo na tanong ni Khaki. "Hmm... You remember the man I was with the night you came from the mansion. He's Reydon Scherrer, my biological father. Isang beses ay dinala niya ako sa rancho na pagmamay-ari niya." Wika ni Rannasha. "Papa mo pala yun, akala ko kasi matandang manliligaw mo, pinagselosan ko pa naman yun." "Luh, adik lang. Pati ba naman ang totoong tatay ko pinagseselosan mo pa. Isusumbong kita pagdating niya." "Huwag, baka ma-bad shot iyon sa akin. Overheating na nga sa akin ang daddy mo." Saad ni Khaki. "So, siya pala talaga dapat ang suyuin ko, hindi si kuya Styles. Dahil siya ang totoong ama mo." Dagdag pa ni Khaki. "Silang dalawa kamo ang susuyuin mo. Good luck sa'yo kuya Khaki sa panliligaw mo sa dalawang papa ko." Iniwan ni Rannasha si Khaki napakamot nalang ng batok si Khaki. Hindi lang pala si Styles ang dapat problemahin niya, kundi pati ang totoong ama ni Rannasha. Napahilamos ng mukha si Khaki ng maalala ang pagtulak niya kay Rannasha nung gabing iyon. Nakita ni Mr. Scherrer ang ginawa niya. "Oh, fvck! I'm dead!" Anas ni Khaki. "Attention everyone! Dahil alas kwarto na ng hapon ay bukas nalang tayo pupunta sa green falls. Sa mga gustong sumakay sa kabayo, you can ride a horse. But, you shouldn't go too far because it's late afternoon." Wika ng professor na kasama nila. Hindi lahat ng estudyante sa Anderson ay dito nagpunta. Ngunit ang iba ay sa bagyo at boracay, yung iba naman ay sa surigao. "Sayang wala si Atarah." Malungkot na turan ni Rannasha. "Nandito naman ako. Do you want to ride?" Biglang sumulpot si Vance sa likuran ni Rannasha. "Kuya Vance." "Buti nalang at dito sa Rancho Hacienda Del Valle pinili ng team mag punta. Nakikita at nakakasama pa kita." Nakangiting sabi ni Vance. "Ang perpekto at ang gwapo ni kuya Vance. Pero kapag si kuya Khaki ang nasa tabi ko ay natutuliro ako. Iba ang dating sa akin ni kuya Khaki. Bakit ganun? Siguro dahil crush ko siya?" Wika ni Rannasha sa kanyang sarili. "Do you want to ride?" Muling tanong ni Vance. "Hmm... Natatakot kasi akong sumakay ng kabayo. Baka mahulog ako." Aniya ni Rannasha. "I am here, to catch you, Rannasha." Mahinang sabi ni Vance. "And I'm here to punch you asshole!" Galit na turan ni Khaki at matalim na tinitigan si Vance. "Asungot!" Anas ni Vance. "Garapata!" Wika naman ni Khaki. "Bakit kaya hindi ka nalang mag basketball kasama ng mga ka-team mo. Ako ang kasama ni Rannasha, kaya ako din ang makakasama niya sumakay ng kabayo. She's mine!" Matigas na litaniya ni Khaki sa huling binigkas niya. Nabigla si Rannasha ng hapitin siya ni Khaki sa baywang niya. "And you, young lady. Nalingat lang ako saglit nawala ka na agad sa paningin ko. Ako ang kasama mo, kaya sa akin ka lang tumingin, at sa akin ka lang sasama. I should be the only one with you. Let's go, let's ride the horse together, baby girl." Nang-aasar na ngisi ang ibinigay ni Khaki kay Vance. "I'm win!" Usal ni Khaki pero hindi niya ito isinaboses. "Fvck you Montenegro!" Mahinang bigkas ni Vance at nag dirty finger pa ito kay Khaki. "Fvck you too Buenaventura!" Mariing usal din ni Khaki na may halong pang-aasar na ngisi sa labi. ~~~~~~~~~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD