"How's Finyx? Balita ko lima na raw ang anak ng gago."
"He's fine, saka buntis ngayon si ate Ella, kaya mag aanim na ang anak nila." Sagot ni Khaki kay Orion.
"Hanep, bilis ng gago. Mukhang taon-taon binubuntis si Ella. Takot na takot maagawan ng iba." Tumatawang wika ni Orion.
Tapos nag pag-usapan ni Khaki at Orion ang plano nilang itayong negosyo sa manila. Kaya ngayon ay pinag-uusapan nila ang kanilang buhay-buhay.
"So, ikaw, may girlfriend ka na ba? Imposibleng wala, dahil nananalatay ang dugong Montenegro sa'yo. Tiyak na habulin ka rin ng babae." Aniya ni Orion.
"Wala akong girlfriend." Sagot ni Khaki.
"Really? That's impossible." Hindi makapaniwalang turan ni Orion.
"Wala ka man lang nagugustuhan?" Tanong ni Orion kay Khaki.
"Kuya Khaki, pwede ba akong sumama kay nanay Merly, doon sa likod ng mansion. I want to see the puppies." Masiglang sabi ni Rannasha.
Lumingon si Khaki kay Rannasha ayaw niya sanang pumayag pero nag salita si nanay Merly.
"Sige na iho, payagan mo na, kami lang naman ang naroon sa likod ng mansion." Aniya ng matanda.
"Fine, bumalik ka agad dito Rannasha." Saad ni Khaki.
"Thank you kuya Khaki." Dumukwang si Rannasha at pinulupot ang dalawang braso niya sa leeg ni Khaki, mula sa likuran. Pinatakan ng halik ni Rannasha sa pisngi si Khaki.
Umalis na si Rannasha kasama ang matandang si Merly. Si Orion naman ay kakaiba ang mga titig nito kay Khaki. Titig na may panunukso at puno ng malisya.
"Oh.... come on, kuya Orion. Don't look at me like that." Wika ni Khaki at lumagok ng kape sa tasa.
"Now I see why you don't have a girlfriend yet. The way you look at her, I know you love her." Sambit ni Orion at ngumisi ng nakakaloko kay Khaki.
"Malisyoso ka masyado Mr Del Valle." Nakangising pabirong sabi ni Khaki.
"But I'm right, right? Don't deny it, I see the brightness of your eyes, like the stars in the sky. Masarap nga naman mahalin ang mas bata kaysa sa atin. Masarap i-baby, diba. Pero minsan sasakit din talaga ang ulo mo dahil sa katigasan rin ng ulo nila." Wika ni Orion.
"Bakit sumasakit ba ang ulo mo dahil sa asawa mo? Kasi si kuya Finyx, araw-araw sumasakit ang ulo niya dahil kay ate Ella. Pakiramdam nga nun eh, sampung taon ang dinadagdag sa edad niya bawat araw. Pero kahit araw-araw silang nag babangayan. Makikita mo sa mga mata nila kung gaano nila kamahal ang isa't-isa." Nakangiting sabi ni Khaki.
"Yung asawa ko, lagi akong nilalayasan sa tuwing nag-aaway kami. Lahat ng mga anak namin ay dala niya kapag umaalis siya. It's my fault because I'm too possessive and jealous. Kung pwede ko nga lang siya ikulong sa kwarto, or ibulsa sa kapag lumalabas kami. Biruin mo, taon-taon binubuntis ko siya para lang dumami anak namin. Pero putangina kahit marami na anak namin, may mga lalaki parin lumalapit sa kanya. Kaya minsan, iyong asawa ko na yun ang sarap---"
"Ang sarap i-ano ha? Kasalanan mo yan dahil nag asawa ka ng maganda."
Naputol ang sasabihin ni Orion ng may biglang sumabat na babae.
"Iyang asawa ko, ang sarap niyang pagsilbihan. Sa umaga ako nagluluto ng almusal niyan. Sa tanghali pinagluluto ko din yan ng tanghalian. Sa gabi pinapaliguan ko at binibihisan yan. Ganon ko siya kamahal. Minamasahe ko rin iyan hanggang sa mag-umaga, hanggang sa tumirik ang mga mata niyan--- aray ko!" Daing ni Orion ng batukan siya ng asawa.
"Gago ka! Gusto mo iyang mata mo ang tumirik. Sinisiraan mo ba ako sa ka-meeting mo?" Asik ng babae kay Orion.
"Sinisiraan? Hindi, pinupuri nga kita eh, hindi kita kayang siraan my loves." Sabi ni Orion.
"My loves mo iyang mukha mo. Oh bantayan mo itong anak natin dahil pupunta lang ako ng farm." Saad ng babae at binigay kay Orion ang isang taong gulang nilang anak na lalaki.
Parang gustong matawa ni Khaki dahil sa nasaksihan. "Putangina! Kuya Orion. Under ka ng asawa mo?" Bigkas ni Khaki at humalakhak ng napakalakas.
"Sige, susundan ko lang si Rannasha. Baka bumalik ang asawa mo at pati ako madamay sa galit nun." Natatawang sabi ni Khaki.
Tumayo na si Khaki at muling nag paalam ng maayos kay Orion.
"Daddy!" Sigaw ng isang batang lalaki tumatakbo ito papalapit sa puwesto nila.
"Sinuntok ako ni kuya dito sa mukha." Umiiyak na sabi nito.
Mga ilang sigundo pa ay may dumating pang limang batang lalaki. Sa tantiya ni Khaki ay sunod-sunod lang ang mga edad nito. Muling may dumating pang isang lalaki siguro ito ang pinaka panganay sa lahat.
"Hanep, buti nalang mayaman ka kuya Orion, may karapatan kang mag parami." Biro ni Khaki kay Orion.
"Halika, punta tayo sa likod ng mansion." Kinarga ni Khaki ang batang umiiyak at nagtungo na sa likod ng mansion kung saan naroon si Rannasha.
"Oh my god! Ang cu-cute nila. Kung pwede ko lang i-uwi ang isa sa kanila."
"Pwede mo naman i-uwi. Ito si Ulap, ibibigay ko sa'yo." Nakangiting saad ni Cloud.
Masyadong malapit si Rannasha at Cloud sa isa't-isa, kaya si Khaki ay nakaramdam na naman ng selos.
"Ang ganda naman pala ng pangalan ng tuta mo. Ikaw si Cloud, tapos siya si Ulap. Bagay kayo." Bigkas ni Khaki.
"Kuya Khaki..." Inis na saway ni Rannasha sa sinabi ni Khaki.
Lumapit si Khaki sa kinatatayuan ni Rannasha at Cloud. Hinapit ni Khaki si Rannasha sa baywang at hinila papalapit sa kanya.
"You want a dog, I'll buy you one." Saad ni Khaki kay Rannasha.
Napatingin si Rannasha sa batang karga ni Khaki. Medyo nawala ang inis ni Rannasha ng makita ang bata.
"Hi, baby boy. I'm ate Rannasha. What's your name?"
"I'm Inverno." Pakilala ng bata.
"Inverno, ang ganda naman ng pangalan mo. Halika punta tayo doon." Kinuha ni Rannasha mula kay Khaki si Inverno at umalis.
Naiwan si Khaki at Cloud sa likod ng mansion.
Pinagkatitigan ni Khaki ang mukha ni Cloud. Pansin niyang malaki ang pagkakahawig nito sa asawa ni Orion.
"Pakiusap lang, marami na akong karibal kay Rannasha. Huwag ka ng dumagdag pa." Turan ni Khaki bago tumalikod.
"Parang takot na takot kang maagaw si Rannasha sa iyo." Bigkas ni Cloud.
Lumingon si Khaki kay Cloud. "Yes, I admit I'm afraid. Because I love her. I'm afraid of losing her because I love her so much." Sagot ni Khaki at umalis na.
Dahil nasa green falls ang mga ka-klase ni Rannasha ay nagtungo rin sila roon ni Khaki upang masulit niya na rin itong outing nila, dahil mamayang hapon ay babalik na sila sa manila.
Nang makarating sila sa green falls ay naupo si Khaki sa malaking bato. Ang mga ka-klase ni Rannasha at iba pang estudyante ay masaya ng naliligo sa falls.
"Kuya Khaki, pakihawak po." Binigay ni Rannasha ang towel na hawak niya kay Khaki.
Pero hindi napag handaan ni Khaki ang sunod na ginawa ni Rannasha.
Bigla kasing hinubad ni Rannasha ang suot nitong t-shirt. Tanging longline brallete nalang suot ni Rannasha pang itaas, at itim na maong na short pang ibaba. Medyo may ka-iksian din iyon dahil halos makita ang pisngi ng maumbok na pang-upo ni Rannasha.
"Yey! Hoooo!" Sigaw ni Rannasha at tumalon sa tubig. Hindi na nakapag reklamo ang binata dahil ilang segundo pa siyang natulala.
"What the Fvck! Bakit ganun ang suot nya? Hindi ko napaghandaan yun ah." Bigkas ni Khaki ng matauhan mula sa pagkakatulala.
"Kuya Khaki! Halika ka na po dito, maligo ka narin." Tawag ni Rannasha kay Khaki.
Tumayo si Khaki at hinubad ang suot nitong t-shirt. Lahat ng babaeng naroon ay napatingin kay Khaki mapa-estudyante o, guro na babae.
"Hala! Ang yummy ng katawan!" Impit na tili ng isang teacher na babae.
"I wish he will be my boyfriend. Khaki is a very handsome man. Ang hot niya pa." Nangangarap na sabi ng babaeng medyo malapit kay Rannasha. Kilala niya ang babae pinsan ito ni Louisville.
Biglang nairita si Rannasha hindi niya alam kung bakit.
"Why is she here, ba? Dapat doon siya sumama kay Louisville." Iritang sabi ni Rannasha.
"Kahit mangarap ka pa diyan, wala ka parin pag-asa. Malas mo lang, kasi si kuya Khaki may minamahal na." Mataray na saad ni Rannasha at narinig naman ito ng babae.
"Tsss! Alam mo ikaw, panira ka. Wala akong pakialam kung may mahal na siyang iba. Hindi ko naman hinihingi opinion mo. Alam mo ikaw, matagal na akong naiimbyerna sa pagmumukha mo!" Inis na sabi ng babae at lumingon-lingon sa paligid.
Plano na sana ni Khaki sumunod kay Rannasha pero biglang dumating ang secretary niya at isang driver. Tinawagan ni Khaki kagabi ang secretary niya na mag punta dito sa Hacienda Rancho Del Valle. Inutusan niya ito na dalhin dito ang mga papeles na kailangan pirmahan ni Orion. At dahil ayaw niya ng sumakay sa school bus, pabalik ng manila. Sinabihan niya rin ang secretary na kunin ang kotse niya sa Anderson University at mag sama ng isang driver. Gusto pa masulit ni Khaki ang natitirang oras na makasama si Rannasha.
"Do you have all the papers I need? Did you also bring the paper that needs to be signed by Mr. Del Valle?"
Tanong niya sa lalaking secretary niya. "Yes, sir." Sagot naman ng lalaki.
"Hawakan niyo ang bruhang batang yan, at sumunod kayo sa akin." Utos ng babae sa tatlong kaibigan nito.
Nagtungo ang babae sa medyo malalim na parte ng tubig. Masama ang tingin nito kay Rannasha. Medyo tago ang bahaging ito, kaya hindi mapapansin sila Rannasha.
"Hoy! Anong balak mong gawin dito? Don't tell me, sasaktan mo." Wika ng isang babae.
"Eh, ano? Wala naman tayo sa university. At isa pa hindi naman yan mag susumbong, diba Rannasha. You're a good girl, right. " Nakangising sabi pa ng babae.
"Ayokong sumali diyan sa kagagahan mo Fryne ha, yari ka talaga kay Louisville kapag nalaman niya ang ginagawa mo. " Aniya ng isang babae.
"Bakit mag susumbong ka? Ako ang kaibigan mo Ricca. Hindi si Louisville, pinapaalala ko lang sayo." Mataray na sabi ni Fryne at pinanlakihan ng mata ang kaibigan.
"Bahala ka sa buhay mo! Good luck sayo kapag nalaman ito ni Khaki." Wika ni Heather.
Galit na umalis si Heather gusto man niyang tulungan si Rannasha pero hindi niya magawa. Hindi niya kayang kalabanin si Fryne, tulad ng mga Montenegro mayaman ang pamilya nito at makapangyarihan. Baka magulat nalamang siya wala ng negosyo ang kanyang papa at mama.
"Now tell me Rannasha. Sino ang babaeng tinutukoy mo na mahal ni Khaki." Tanong ni Fryne kay Rannasha.
"Hindi ko sasabihin, manigas ka!"
Matapang na sagot ni Rannasha kay Fryne. "Ganun! Lunurin nyo!" Matigas na utos ni Fryne sa dalawang kasama nito.
"No! We can't!" Giit ng dalawa.
"Hindi n'yo kaya? Well, ako kaya kong gawing misirable mga buhay niyo, kasama ng mga magulang niyo. Do you like?" Pananakot ni Fryne sa mga kaibigan.
"I'm sorry, Rannasha. " Sabay na bigkas ng dalawa.
"Teka--"
Hindi na natapos ni Rannasha ang sasabihin ng ilublob siya ng dalawa sa tubig.
Parang babawian ng hininga si Rannasha, dahil sa tagal ng pagkakalublob niya sa ilalim ng tubig.
"T-tama na i-i can't breathe!" Hirap na sabi ni Rannasha ng iahon siya ng dalawa.
"Fryne! Okay na ba? Enough na siguro ito. Wala siyang ginagawang masama sa'yo. Baka anong mangyari sa kanya." Saad ng babae.
"Kaya nga, nakalimutan mo ba, isa siyang Kingston. Malapit rin siya sa mga Montenegro, tiyak na mayayari tayo nito kay Khaki." Sabat rin ng isa pang babae.
"Do you think I care? I am not afraid." Wika naman ni Fryne.
"Kahit malaman mong isa akong Scherrer. Kapag nalaman ito ng papa ko, malalagot kayo!" Galit na sabi ni Rannasha.
Biglang binitawan ng dalawang babae ang magkabilang braso ni Rannasha.
Ngumisi si Fryne at tinaasan ng kilay si Rannasha. "Hindi mo ako masisindak sa pananakot mo. Wala rin akong pakialam kung isa kang Scherrer or Kingston. Ang gusto kong malaman, kung sino yung babaeng minamahal ni Khaki."
"Paano kung sabihin kong, ako." Sagot ni Rannasha.
"Impakta!" Sinampal ni Fryne si Rannasha ng ubod ng lakas pumutok ang gilid ng labi ni Rannasha. Tumulo ang luha ni Rannasha dahil sa sakit ng sampal na natanggap niya.
"Ambisyosa! Hindi papatol si Khaki sa isang bata! Lalo na sa tulad mo, na pinulot lang ng mga Kingston sa putikan! Isa kang basurang kumapit sa mga Kingston!" Mariing wika ni Fryne at hinila ang buhok ni Rannasha at muli niyang inilublob ang mukha ni Rannasha sa tubig.
"You're going to die, b***h!" Nang-gigigil na sambit ni Fryne at mas lalo pang idiniin ang ulo ni Rannasha upang lalong lumubog ito.
Habang ginagawa iyon ni Fryne ay may iilang tao ang nakakita at isa na roon si Vance.
"Fryne!" Sigaw ni Vance at mabilis na lumusong sa tubig.
Naalarma rin ang ibang pang tao roon at nakiusyuso sa nangyayari. Nakita rin ni Brent ang ginagawa ni Fryne kaya naisipan niyang lapitan si Khaki.
Si Khaki lang may kakayahan na pumigil kay Fryne.
"Hoy gurang si Rannasha pinagtulungan nila Fryne." Sumbong ni Brent kay Khaki.
"What?!" Galit na sabi ni Khaki at mabilis humakbang pababa patungo sa kinaroroonan ni Rannasha.
"Mamatay kanang impakta ka! Matagal na akong naiirita sa'yo!" Sigaw ni Fryne.
"Enough Fryne!" Awat ni Vance at pilit na hinihila si Fryne sa braso pero ayaw mag pa-awat ni Fryne.
Habang abala si Fryne sa paglublob ng mukha ni Rannasha sa tubig ay biglang may humila sa braso niya.
Nanlalaki ang mga mata ni Fryne ng si Khaki ang nasa harapan niya. Parang dinurog ang puso ni Khaki ng masilayan ang mukha ni Rannasha.
Matalim na tinitigan ni Khaki si Fryne kulang nalang ay patayin niya ito sa tingin.
"Even mosquitoes can't bite her skin. Then you will only hurt her. Who gave you permission to hurt her! You hurt my girl!" Galit na sigaw ni Khaki. Nag tagis ang kanyang bagang.
"Khaki believed me.
She started it. She slapped me." Paliwanag ni Fryne.
"Why should I believe you? Who are you? I know my girl, she doesn't like to fight. She is not like you!" Wika ni Khaki at malakas na sinampal si Fryne. Dahil sa lakas ng sampal na natanggap ni Fryne mula kay Khaki ay nawalan ito ng malay. Mabuti nalang at nasalo ni Vance ang katawan ni Fryne.
"No one can hurt the girl I love. Whoever tries to hurt Rannasha. I will deliver you to hell."
Khaki slowly walked closer to Rannasha. Bahagya siyang umuklo at binuhat si Rannasha na parang bagong kasal silang dalawa.
"Are you okay, baby?" Puno ng pag-aalala sa boses ni Khaki. Pinulupot ni Rannasha ang dalawang braso niya sa leeg ni Khaki. Inihilig niya ang kanyang ulo sa dibdib ni Khaki at nag simulang humikbi.
Nang makarating sila sa white house dinala ni Khaki si Rannasha sa silid na tinutuluyan niya. Sumunod naman sa kanila ang secretary ni Khaki bitbit ang bag ni Rannasha.
"Why did you let them hurt you? Dapat lumalaban ka Rannasha, lalo kapag naaargabyado ka. Hindi masamang lumaban lalo na kung sinasaktan ka nila. Huwag mo paiiralin ang kabaitan mo, dahil aabusuhin ka lang nila. Matuto kang ipagtanggol ang sarili mo dahil hindi sa lahat ng oras ay lagi tayong mag kasama. Lalo na ngayon na aalis ka at malalayo ka sa akin. Paano kung i-bully ka sa school na papasukan mo sa america. Sino mag tatanggal sayo?"
"Hindi mo naman kasi ako katulad na matapang, na kayang sagupain lahat. Ayaw ko ng gulo kuya Khaki, kaya mas pinipili nalang hindi lumaban." Aniya ni Rannasha.
Bahagyang diniin ni Khaki ang cotton na may alcohol sa gilid ng labi ni Rannasha. "Ouch! Kuya Khaki, masakit po." Reklamo ni Rannasha.
"Iyang masyadong pagiging mabait mo, gagamitin nila yan sayo para saktan ka. Ang gusto ko lumaban ka Rannasha! Naiintindihan mo ba!"
"Hindi naman ako kasing tapang mo kuya Khaki. Pwede ba huwag mo akong turuan maging basagolera." Saad ni Rannasha.
"Hindi kita tinuturan maging basagolera, hindi mo kailangan maging matapang. Ang kailangan mo lumaban." Wika ni Khaki.
"Mag bihis ka na, dahil aalis na tayo mamaya." Aniya ni Khaki matapos gamutin ang sugat sa gilid ng labi ni Rannasha.
"Uuwi na tayo?" Tanong ni Rannasha.
"No, may pupuntahan tayo." Sagot naman ni Khaki.
"Where?" Pangungulit ni Rannasha.
"Secret."
Nag tungo muna si Khaki sa mansion ni Orion kasama ang secretary niya dala ang mga papeles.
Si Rannasha naman ay nag pa-iwan sa white house. Naririto siya ngayon sa garden nakatayo sa tabi ng fountain. Hinihintay niya ang pagbalik ni Khaki.
"Rannasha."
Humarap si Rannasha kay Vance at simple itong nginitian. Hindi naman siya nakaramdam ng pagkailang dahil sa pangyayari kagabi.
"Kamusta ang pakiramdam mo Rannasha? Wala bang masakit sayo?" Tanong ni Vance.
"Si Fryne, nagising na ba siya?" Balik tanong ni Rannasha sa halip sagutin ang tanong ni Vance.
"Wala pa rin siyang malay hanggang ngayon. Pero sabi ng prof nila, ay okay naman daw si Fryne. After what she did to you? You still worry about her." Saad ni Vance.
"Still, babae parin siya. Pero hindi ako nag-aalala sa kanya. Nag-aalala ako para kay kuya Khaki. Sa ginawa ni kuya Khaki kay Fryne, baka makasuhan siya. Ayokong makulong si Kuya Khaki ng dahil sa akin." Wika ni Rannasha.
"Walang nakakita sa ginawa niya. Walang mag lalakas loob na mag reklamo. Isang Montenegro si Khaki at kinakatakutan ang angkan nila." Wika ni Vance.
Kumunot ang noo ni Rannasha, bakit nga ba kinakatakutan ang mga Montenegro. Mababait naman ang mga Montenegro, lalo na ang pamilya ni Khaki. Siguro nga ay may mga bagay pa siyang hindi alam tungkol sa mga Montenegro.
"Rannasha, Nabalitaan ko na malapit ka nang umalis papuntang Amerika. Upang mag-aral abroad. Kailan ang alis mo?" Tanong ni Vance kay Rannasha.
"Maybe, next week kuya Vance." Sagot ni Rannasha.
"Malapit na pala, ibig sabihin hindi na kita makikita. I will miss you, Rannasha. Can I hug you? Alam kong ito na ang huling pagkakataon na makikita kita. Okay lang ba na yakapin kita, Rannasha?"
"Hmmm... Okay lang."
Lumapit si Vance kay Rannasha at niyakap ng mahigpit si Rannasha.
"Hindi ka pa umaalis pero miss na kita agad. " Usal ni Vance.
"Mamimiss din kita kuya Vance. Kuya Vance, pwede po ba akong humingi ng pabor sayo?"
"Anong klaseng pabor naman yan? Siguraduhin mong kaya kong gawin."
"Pwede mo bang bantayan si kuya Khaki, para sa akin. Please..."
Biglang napakamot ng ulo si Vance. "Pambihirang bata ka. Ginawa mo pa akong babysitter ng may saltik na Montenegro na iyon. Kaya niya na ang sarili niya." Saad ni Vance.
"Kasi baka pag-alis ko magkaroon siya ng girlfriend." Nakangusong wika ni Rannasha.
"Maganda nga eh, para pagbalik mo liligawan kita." Nakangising sabi ni Vance.
"Ulul! Asa ka!"
Boses ni Khaki mula sa likuran ni Rannasha. Akma sanang lalayo si Rannasha kay Vance, pero bigla muli siya nitong niyakap ng mahigpit.
Biglang na naman nairita si Khaki dahil sa ginawang iyon ni Vance.
"We're leaving, Rannasha." Saad ni Khaki at sabay hawak sa braso ni Rannasha at hinila palapit sa kanya. Matalas ang tingin ni Khaki kay Vance.
"Bakit ba ang kulit mo ha! Walang pwedeng manligaw kay Rannasha!" Mariing sabi ni Khaki.
"Let's go Rannasha." Walang nagawa si Rannasha ng hilahin na siya ni Khaki paalis. Kumaway nalang siya kay Vance.
"Kuya Khaki, galit ka na naman ba? Wala lang iyong pag-yakap sa akin ni kuya Vance. Good bye hug, lang yun." Paliwanag ni Rannasha.
Paano kasi nakabusangot na naman ang mukha nito.
"Masama ang pakiramdam ko Rannasha." Saad ni Khaki na kasimangot parin ang mukha ni Khaki.
"Masama pakiramdam mo?" Tumigil sa paglalakad si Rannasha, huminto rin si Khaki.
Dahil hindi abot ni Rannasha ang noo ni Khaki ay yung leeg nalang ni Khaki ang dinampian ng palad niya.
"Hindi ka naman mainit eh, wala kang lagnat. Ano ba masakit sa'yo?"
"Yung dibdib ko masakit, kumikirot." Sagot ni Khaki.
"Saan banda ang masakit? Mag pa-check-up ka kaya para marisitahan ka ng gamot." Wika ni Rannasha.
"Wala ng lunas ang sakit kong ito, malala na hindi na magagamot." Bigkas naman ni Khaki.
Kinabahan naman si Rannasha dahil sa sinabi ni Khaki.
"Kuya Khaki naman, huwag ka mag biro ng ganiyan. Hindi nakakatuwa." Sabay hampas ng mahina ni Rannasha sa dibdib ni Khaki.
"Hindi ako nagbibiro Rannasha, may sakit na yata ako sa puso. At alam mo kung ano ang pinaka malalang sakit ko?"
"Ano?"
Seryosong tanong ni Rannasha puno ng kaba sa dibdib niya. Hindi niya siguro kakayanin kung malalaman niya na may malalang sakit si Khaki.
"Selos! Ikamamatay ko na ang selos, Rannasha. Kaya pwede ba, lumayo ka sa mga lalaking lumalapit sa'yo. Baka hindi ko kayanin ito, at sundan ka doon sa amerika para bantayan ka lang. Mag kakasakit na ako sa puso sa pag-aalala na baka maagaw ka sa akin ng iba."
Nawala ang kaba sa dibdib ni Rannasha at napalitang ito ng kilig. Kinakabahan na siya dahil akala niya ay totoong may sakit ang lalaki.
"Bakit, papayag ka ba na maagaw ako ng iba? Ngayon pa nga lang, wagas ka nga makabakod sa akin. Lahat ng lalaking lumalapit sa akin sinisindak mo. Sa palagay mo may lalapit pa sa akin. Saka huwag kang mag-alala po dahil kahit nasa amerika ako, ikaw lang iisipin ko palagi."
Nakangiting sabi ni Rannasha at kinurot ang pisngi ni Khaki. Parang napaso ang balat ni Khaki ng dumampi ang kamay nito sa balat niya.
"Maraming gwapo doon sa amerika, baka makalimutan mo ako bigla."
"Bakit naman kita kakalimutan? Ikaw na nga lagi ang laman ng utak ko. Pakiramdam ko ikaw na ang makina ng isip ko. Kasi, ikaw lang ang tumatakbo sa utak ko. Hindi ko na nga ma-kontrol ang isip ko at nararamdaman, kasi ikaw nalang lagi. At isa pa mas gwapo ka naman higit sa kanila. Sabi mo nga diba, Mahal kita. Kaya wala kang dapat ipag-alala. Doon pa lang lamang ka na sa kanila." Kumindat si Rannasha pagkatapos sabihin iyon at tumalikod na.
Hindi mapigilan ng secretary at ng driver ni Khaki ang pamangiti, dahil sa mga sinabi ni Rannasha. Kahit mga lalaki ang mga ito ay kinikilig rin.
"Boss!"
Maagap na nilapitan ng driver at secretary si Khaki dahil bigla nalang ito bumagsak sa lupa at hinimatay.
"Boss, gising. Ayos ka lang?" Nag- aalalang sabi ng driver ni Khaki.
"Miss Rannasha, si sir Khaki nawalan ng malay!" Pasigaw na tawag ng secretary ni Khaki kay Rannasha.
"Normal na po yan ang himatayin siya, ganiyan talaga yan kapag kinikilig. Hinihimatay." Pasigaw na sabi rin ni Rannasha at nagpatuloy sa paglalakad.
~~~~~~~~~~~