Chapter 11

4719 Words
"Kuya Khaki, where are we going?" Rannasha asked Khaki. Mahigit isang oras na rin binabaybay nila Rannasha ang kalsada. Hindi niya alam kung saan sila pupunta dahil alam niyang hindi pa ito ang daan pabalik ng manila. Khaki turned to Rannasha and smiled. "To my mommy. I want to see her." Khaki replied to Rannasha. Biglang naguluhan si Rannasha sino ang mommy na tinutukoy nito? "To your mommy? Kay tita Finna?" Tanong ni Rannasha. "No, to my real mother." "Hindi si tita Finna ang totoo mong mommy? Paano nangyari yun?" Puno ng katanungan sa boses ni Rannasha. "Long story Rannasha." Wika ni Khaki. Tumango nalamang si Rannasha ayaw niya na mag tanong ng kahit ano, tungkol sa ina ng lalaki. Baka kasi hindi komportable si Khaki pag-usapan ang personal na buhay nito. Bago tumuloy sa bahay ng kanyang ina ay, dumaan muna sila sa isang flower shop upang bilhan ng sunflower ang ina. Paboritong bulaklak ito ng kanyang ina. Lumiko ang sasakyan sa kaliwang kalsada medyo paakyat ang lugar. Ngunit hindi naman ito nakakatakot daanan. Ilang sigundo ang lumipas ay narating nila ang isang gate na may katamtamang laki. Bumusina ang driver ni Khaki unti-unting bumukas ang gate isang matandang lalaki ang nag bukas nito. Dahan-dahan pumasok ang kotse sa loob ng pavilion. Nang huminto ang sasakyan unang bumaba si Khaki at inalalayan makababa si Rannasha. Pumikit si Rannasha at ninamnam ang sariwang hangin. Rinig na rinig niya ang bawat huni ng iba't-ibang uri ng ibon, na animo’y nag aawitan. "Ang ganda naman dito, at ang fresh pa ng hangin." Aniya ni Rannasha. Hinawakan ni Khaki ang kamay ni Rannasha at tinangay patungo sa pinto ng isang malaking bahay. Hindi man ito kasing laki ng kanilang mansion pero masasabing maganda ito. Sa pinto ng bahay ay may isang babaeng nakatayo roon at tinatanaw na sila. Kumaway ang babae kay Khaki hindi mawari ang ngiti nito sa labi ng makita si Khaki. Bahagyang kumunot ang noo ni Rannasha ng makalapit sila, dahil halos makalbo na ang buhok ng babae. Payat na payat na rin ito na kulang na lang ay lumabas sa kanyang balat ang buto nito sa braso. Nakaramdam ng awa si Rannasha para sa babae. Namumutla ang labi nito at nanunuyo na, ang mga mata nito na lubog na dahil sa sobrang payat ng mukha. Siguro kung wala itong sakit ay masasabi ni Rannasha na magandang babae ito. Ngumiti ang babae kay Rannasha nag aalalangan pa ito, kung lalapit kay Rannasha o, hindi. Kusang lumapit si Rannasha sa babae at yumakap dito ng mahigpit. Nabigla ang babae hindi nito inaasahan ang pagyakap ni Rannasha sa kanya. "Hello po, ako po si Rannasha." Nakangiting sabi ni Rannasha sa babae." "Kamusta ka naman iha? Ako nga pala si Kilda." Pakilala ng babae. "Okay lang po ako." Sagot ni Rannasha. "Halika pasok ka iha, mag kwentuhan tayo." Nakangiting inakay ng babae si Rannasha papasok ng sala. Si Khaki ay naiwang nakatanga sa pinto dahil hindi manlang siya pinansin ng kanyang ina. Ano siya hangin? "Ma, I'm here too." Aniya ni Khaki. Pero parang walang narinig ang kanyang ina. "Maupo ka iha, gusto mo ba ng juice or cake." Kahit hirap ang babae mag salita ay pilit itong nakikipag-usap kay Rannasha. "Hmmm... Okay lang po hindi pa naman ako nagugutom." Nahihiyang wika ni Rannasha. Naglakad si Khaki palapit sa dalawa tumabi ito sa kanyang ina at inakbayan sabay bigay ng sunflower sa ina. Humalik si Khaki sa pisngi ng kanyang ina. "Hindi ko alam na may bago kana palang anak. Don't you miss me? " Nagtatampong wika ni Khaki. "Hmnp! Nagtampo ka naman agad. Syempre namiss kita. Masaya lang ako kasi may kasama kang pumunta dito." Turan ng ina ni Khaki. "She is Rannasha, my girlfriend." Nakangising sabi ni Khaki. Parehong gulat ang reaksiyon ng mukha ni Rannasha at ina ni Khaki. "Ano? Hoy ikaw na bata ka. Anong girlfriend? Ang bata niya pa masyado. Umayos ka nga Khaki." Bigkas ni Kilda at marahang hinampas sa braso si Khaki. "What? Soon to be girlfriend." Tumatawang sabi ni Khaki at kumindat kay Rannasha. Namula ang mukha ni Rannasha dahil sa ginawang iyon ni Khaki. "Bakit Ma,, ayaw mo ba sa kanya? She's so kind and she's my dream girl. Bata pa lang nililigawan ko na yan." Bulong ni Khaki sa tainga ng ina. Pinanlakihan ni Kilda ng mata si Khaki. "Wala akong sinabing ayaw ko sa kanya. Kung siya ang makakatuluyan mo sa huli, mas magiging masaya ako. Pero bata pa siya, hintayin mo ang tamang panahon para sainyong dalawa. Ang pag-ibig hindi minamadali. Tandaan mo anak, ang pag-ibig na minadali, matatapos din ng madali." Mahinang turan ni Kilda sa anak. "I know ma, at alam ko naman ang limitasyon ko pagdating sa babaeng mahal ko." Sabi ni Khaki pero ang mga mata nito ay nakatuon kay Rannasha. Napayuko na lamang si Rannasha dahil naiilang siya. Dahil inabutan ng tanghali si Rannasha sa bahay ng ina ni Khaki ay doon na sila nag tanghalian. Si Khaki ang nagluto ng ulam. Niluto ni Khaki ang paboritong ulam ng kanyang ina. Habang abala si Rannasha sa pag-ikot-ikot sa garden. Si Khaki at ang kanyang ina ay nasa balkonahe at masinsinang nag-uusap. "Ma, please pumayag ka ng ipagamot kita sa america. Baka doon ay may lunas at gamot para sa sakit mo. Marami na akong pera kaya na kitang ipagamot, gagaling ka na." Naiiyak na sambit ni Khaki. Hinawakan ni Kilda ang kamay ni Khaki. "Anak, kahit saan bansa mo pa ako dalhin hindi na ako gagaling. Kahit sino pang magagaling na doctor ang gumamot sa akin hindi na hahaba ang buhay ko. Tanggap ko na, na mamatay ako sa sakit na ito. Siguro ito na ang karma sa lahat ng maling bagay na gawa ko. Lalo na sa asawa ng daddy mo. Kahit alam kong may asawa na si Kaven, ay nakipag-apid parin ako sa kanya. Tama lang na mangyari ito sa akin, muntik konng masira ng pamilya ng ama mo. Lahat ng kasalanan at mali kong nagawa no’on ay pinagsisihan ko sa mahabang panahon. Pero, isa lang hindi ko pinagsisihan, ang magkaroon ng anak na tulad mo. Labis ako nagpapasalamat sa diyos na binigay ka niya sa akin. Mahal na mahal kita Khaki, lagi mong tatandaan na kahit mawala man ako, ay mahal na mahal kita anak." Tumulo ang luha ni Kilda. Mahigpit na niyakap ni Khaki ang kanyang ina. At humagulgol na parang isang batang paslit sa balikat ng ina. "Ma, please... Huwag kang mag salita ng ganiyan. Wala akong pakialam kahit maubos ang perang inipon ko, basta maipagamot kita. Mas magiging masaya ako kapag kasama kita." Umiiyak na turan ni Khaki. "Ilaan mo na lamang ang pera mo sa future mo. Sa magiging future niyong dalawa ni Rannasha. Napapagod na rin akong labanan ang sakit na ito. Pagod na pagod na rin ako anak. Gusto ko ng mag pahinga." Mariing naikuyom ni Khaki ang kamao niya dahil sa binigkas ng ina. Alam naman niya sa kanyang sarili na walang lunas ang sakit ng kanyang ina. Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa na gagaling ito. Ngunit ito na mismo ang sumusuko sa sarili nito. Ayaw niyang sukuan ang kanyang ina, kaya nga mas pinili niya sa puder ng ama. Upang makapag-aral at makapag-trabaho sa company ng kanyang ama. No’ong nag aaral pa lamang si Khaki ang pera na ibinibigay ng kanyang ama, pang allowance niya sa isang buwan ay tinatabi niya at iniipon para makabili ng gamit para sa kanyang ina. Kaya labis ang sakit na nararamdaman niya ngayon dahil sumusuko na ang kanyang ina. "Huwag ka ng umiyak at malungkot diyan. Lahat ng tao ay sa kamatayan napupunta. May isa lang akong hiling sa iyo anak, ipangako mo sa akin na isang babae lang ang mamahalin mo. Ipangako mo din sa akin na magiging masaya ka anak." "I promise..." Tipid na sabi ni Khaki. "Hmm... Tama na ang drama." Tinapik ni Kilda ang balikat ni Khaki at tumingin sa dereksiyon kung nasaan si Rannasha. "Napakaganda niyang bata." Aniya ni Kilda. "Yes, she is stunning." Bigkas ni Khaki. "Take care of her, iho. Sige na umalis na kayo baka abutan kayo ng dilim sa daan. Mahirap bumyahe pag gabi. Thank you for visiting me." "Pakiramdam ko tinataboy mo na ako mama." Nakasimangot na wika ni Khaki. "Hindi kita itinataboy anak baka kasi gabihin kayo pabalik ng manila." Nag paalam na si Khaki at Rannasha kay Kilda. "Babalik po kami dito tita kaya mag pagaling ka po. Mag bobonding tayong dalawa." Nakangiting sabi ni Rannasha at yumakap kay Kilda. "Thank you iha, mag iingat kayo sa byahe. Saka nga pala pagpasensyahan mo ang ugali nito ni Khaki. Medyo malakas ang topakin ito." "Sanay na po ako sa ugali ni kuya Khaki, na madalas nagsusungit kapag tinotoyo." Turan ni Rannasha. "Anak huwag mo naman sinusungitan si Rannasha." Aniya ng ina ni Khaki. "Nagsusungit lang naman ako kapag nag seselos." Mahinang wika ni Khaki. Inihatid ni Kilda hanggang garahe si Khaki at Rannasha. "Manang Felisidad, ikaw na po ang bahala kay mama. Call me if there's a problem here." Bilin ni Khaki sa ginang. Si Felisidad at ang asawa nito ang kasama dito ni Kilda. Habang ang babaeng nurse na apo ni manang Felisidad ang personal nurse ni Kilda. "Sunie, Please take good care of my mom, don't leave her alone." Sabi ni Khaki kay Sunie ang personal nurse ng kanyang ina. "Makaka-asa ka, sir Khaki na aalagaan ko si ma'am Kilda. Huwag kang mag alala." Tugon ng babae. "Anak, naman. Hindi mo na kailangan pang mag bilin kay manang Felisidad at Sunie. Inaalagaan nila ako dito ng mabuti. Huwag mo ako masyadong isipin dito, yung sarili mo ang isipin mo. Mag iingat ka lagi sa manila, at ingatan mo rin si Rannasha." Sambit ni Kilda. "Call me when you need something. Don't forget to always take your medicine. Just give me a call, I'll come here. Promise me you'll take care of yourself." Bilin din ni Khaki sa ina. "Pakiramdam ko tuloy parang isang batang paslit ako nito. Kaya ko ang sarili ko anak. Huwag mo na ako alalahanin." Muling wika ng ina ni Khaki. "Kami na ang bahala sa iyong ina iho hindi namin siya pababayaan. Mag-iingat kayo pabalik ng manila." Turan ni manang Felisidad. "Thank you manang." Humarap si Khaki sa ina at muli itong niyakap. "I love you Ma." "Mahal na mahal din kita anak. Sige na umalis na kayo. Rocky, dahan-dahan lang sa pagmamaneho, ingatan mo ang anak ko at si Rannasha." Bilin ni Kilda sa driver ni Khaki. "Opo ma'am." Sagot ng driver. "Ba-bye po tita Kilda." Kumaway si Rannasha mula sa loob ng sasakyan habang umaandar ito dahan-dahan palabas ng garahe. Inabutan na ng dilim sa daan sila Rannasha. Alas-otso na ng gabi kaya naisipan muna nilang dumaan sa isang restaurant upang kumain. Pagkapasok na pagkapasok palang nila Rannasha sa pinto ng isang restaurant, ay naagaw na agad nila ang atensiyon ng isang grupo ng mga kalalakihan na naroon sa bandang dulo ng mahabang lamesa. Siguro kung bibilangin ay nasa sampung mga lalaki iyon. Ang atensiyon ng mga ito ay hindi kay Khaki, kundi kay Rannasha. "Holy s**t! Tingnan niyo mga pare. Ang ganda nung dalagitang kasama ng lalaking iyon." Turo ng isang lalaki sa dereksiyon nila Khaki. "Wow! Oo nga, sariwang-sariwa at inosente." Sang-ayon naman ng isa pang lalaki. "Huwag n'yong sabihing kikidnapin niyo ang batang iyan. Hindi niyo pagkaka-kitaan yan, masyado pang bata." Saad ng isang lalaking nakatingin rin kay Rannasha. "Pare, ganiyan kabata ang gustong-gusto ng mga kliyente natin. Inosente at sariwa, ganiyang babae ang kinababaliwan ngayon ng mga kliyente natin. Malaki ang kikitain natin sa batang yan." Saad muli ng isang lalaki. "Oo nga naman. Batang-bata at napakaganda. Pwede natin siyang ibenta sa mga kliyente natin." Sang-ayon naman ng isa pang lalaki. "Mga gago ba kayo! Wala sa usapan natin ang mga minordi-edad. Bata pa yan! Hindi ako papayag!" Galit na wika ng lalaki. "Hoy Zekie! Business partner tayo dito at magkakaibigan. Desisyon ng isa, desisyon ng lahat. Kaya wala kang magagawa!" Aniya ng lalaking tumatayong leader sa grupo. "Aalis na ako sa grupo ninyo! Tama na, ayaw kong ma-ulit muli yung ginawa ninyong pangingidnap sa sampung babaeng kinulong ninyo sa warehouse." Sabi nung Zekie at tumayo na sa kina-uupuan nito. "Zekie! Bumalik ka dito!" Mariing tawag ng isang lalaki doon kay Zekie. "Hayaan mo na ang sira-ulong yun. Huwag niya lang tayo ilalaglag o isusumbong sa pulis. Kilala mo ako Randie, masama akong magalit. Kaya pagsabihan mo iyang pinsan mong hilaw na manahimik kung ayaw niyang iburol ng maaga." Wika ng leader nila. "Babalik din yun si Zekie. Walang pera yun, paano niya papakainin ang sosyal niyang nobya." Aniya ni Randie. "Tuloy ang plano, sundan natin sila at kunin ang babae." Sabi ng leader. Dahil medyo marami ang kumakain sa loob ng restaurant ay doon sila dinala ng waiter sa isang table na malapit lang sa pwesto ng mga kalalakihan. Ito lang kasi ang bakante na table at upuan. Pinaghila ni Khaki si Rannasha ng upuan upang maka-upo ito. "Baby, you stay here, I'll just go to the men's room." Paalam ni Khaki kay Rannasha matapos mag order ng kanilang kakainin. "Okay kuya Khaki." "Don't leave her alone." Bilin ni Khaki sa secretary at driver niya. Nagpunta si Khaki sa men's room hindi para umihi. Kundi sagutin ang kanina pang tumatawag sa cellphone niya. "Yes?" [ "Boss, nahanap na namin yung warehouse kung saan dinadala yung mga babae na kinikidnap at binibinta nila. Pero ang problema ay tanging mga babae lang ang naririto at ibang mga tauhan, ang naabutan namin. Wala sila dito." ] Wika ng lalaki sa kabilang linya. "Fvck! Kailangan niyo silang mahanap. May atraso ang mga hayop na yun sa pamilya namin. Tumawag kayo ng mga pulis at i-report ang lugar na yan. Umalis agad kayo diyan kapag malapit na dumating ang mga pulis. Understand!" [ "Yes sir." ] "Hi beautiful girl." Lumapit ang isang lalaki sa table nila Rannasha. Nakangisi ang loko habang titig na titig sa mukha ni Rannasha. "Anong kailangan mo?" Tanong ng driver ni Khaki doon sa lalaki. Tumayo ito at nilapitan ang lalaki. "Anong kailangan mo?" Muling tanong ng driver doon sa lalaki. "Pwede ko ba makilala ang magandang dilag na kasama ninyo? Ang ganda kasi gusto ko lang makipagkilala." Nakangising sabi ng lalaki. "Kung ako sa'yo sir, umalis ka dito at bumalik sa pwesto niyo. Binabalaan na kita." Turan ng driver ni Khaki. "Ang angas mo ah, tinatakot mo ba ako?!" Medyo galit na wika ng lalaki. "Hindi ho, kita tinatakot sir, sinasabi ko lang na mas maganda siguro kung babalik ka doon sa pwesto ninyo. Baka kasi bumalik na yung boss ko at makita ka dito." Malumanay na sabi ng driver ni Khaki na si Rocky. "Makikipagkilala lang naman ako, masama ba!" Medyo galit na wika ng lalaki. "Is there a problem?" Baritonong boses ni Khaki mula sa likuran ni Rocky. Bumaling si Rocky kay kay Khaki. "Boss gusto daw makipagkilala kay ma'am Rannasha. Namimilit eh, kanina pa." Tumingin ang lalaki sa kulay asul na mga mata ni Khaki. "Sa akin ayaw mo makipagkilala?" Seryosong sabi ni Khaki at kasing lamig ng yelo ang titig nito sa lalaki. "Pare, gusto ko lang makipagkilala sa kapatid mo. Hindi mo naman siguro mamasamain." Wika ng lalaki at ngumisi. "She is not my sister and I don't allow her to talk to ugly people like you. So go back to where you came from." Seryosong sabi ni Khaki. Kumuyom ang kamao ng lalaki hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Khaki. Tumalikod ang lalaki at naglakad pabalik sa pwesto kung nasaaan ang mga kaibigan niya. "Putangina! Yabang ng lalaking yun ah, humanda siya sa akin mamaya." Galit na bigkas ng lalaki. "Are you ok, baby girl? Want to move to another restaurant?" Malumanay na tanong ni Khaki kay Rannasha. "No, okay lang ako kuya Khaki. Nakakahiya naman nakapag order na tayo ng pagkain." "Are you sure?" Paninigurado ni Khaki. Tumango nalang si Rannasha at ngumiti. Ilang minuto ang lumipas ay umalis na rin ang grupo ng mga lalaki. Medyo nakahinga ng maluwag si Rannasha dahil wala na ang mga ito maiiwas sa gulo si Khaki. Nang matapos kumain sila Rannasha ay nilisan narin nila ang restaurant. Pero hindi nila alam na may panganib na naka-abang sa kanila. Habang binabaybay nila ang madilim na highway ay nakaramdam ng kaba si Rannasha. Hindi niya alam kung bakit bigla nalang siyang kinabahan. Medyo madilim ang kalsada dahil walang gaanong ilaw. "Boss, kanino ko pa napapansin ang itim na van na yan sa likuran natin. Parang sinusundan tayo." Sabi ni Rocky pero ang mata nito ay nakatingin sa rear view mirror ng sasakyan. "Bagalan mo ang pagmamaneho mo paunahin mo sila." Utos ni Khaki sa driver. Binagalan nga ito ni Rocky pero ganun din ang ginawa ng van sa likod. Bahagyang binilisan ni Rocky ang pagmamaneho, ganon din ang ginawa ng van sa likuran nila. "Kuya Khaki, natatakot po ako." Biglang sabi ni Rannasha at yumakap sa braso ni Khaki. "Don't worry Rannasha, I'm here." Turan ni Khaki at pinatakan ng halik sa buhok si Rannasha. Maya-maya'y nilagpasan sila ng Van. Medyo nawala ang kaba sa dibdib ni Rannasha. Ngunit bigla nalang napa-preno si Rocky dahil may sasakyan na nakaharang sa unahan nila. "Fvck!" Mariing mura ni Khaki. "I-atras mo ang sasakyan Rocky." Utos ni Khaki sa driver. Ambang i-aatras na ni Rocky ang kotse pero biglang may marahang bumunggo sa likuran ng sasakyan nila. "Kuya Khaki!" Takot na sigaw ni Rannasha at mahigpit na yumakap sa katawan ni Khaki. "Kuya Khaki, natatakot na po talaga ako." Umiiyak na si Rannasha dahil sa takot. "Rocky, may dala ka ba diyan?" Tanong ni Khaki sa driver niya. Si Rocky ay hindi lang driver ni Khaki kundi personal bodyguard niya din ito. Matagal na itong nag tatrabaho sa kanyang ama. "Meron boss." Inabot ni Rocky ang isang baril kay Khaki. Samantalang ang secretary ni Khaki ay nanginginig na rin sa takot. "Sir, ayaw ko pa pong mamatay. May sampung kapatid pa akong pinag-aaral." Bigkas nito. "Huwag ka mag-alala kapag namatay ka, ako mag papaaral sa sampung kapatid mo." Saad ni Khaki. "Ho? Sir naman, ayoko pa nga mamatay plano ko pa mag asawa." Muling sabi ng secretary ni Khaki. Biglang may kumatok sa bintana ng driver seat at backseat kung saan nakaupo si Khaki. Ayaw sana buksan ni Khaki ang bintana ng sasakyan pero nakita niyang may hawak na tubo ang lalaki. "What?!" Matigas na tanong ni Khaki doon sa lalaki. Pamilyar ito sa kanya, ito yung lalaking lumapit kay Rannasha kanina. "Bumaba ka." Utos ng lalaki kay Khaki. "And why?" Galit na tanong ni Khaki. "Bababa ka, o pasasabugin ko ang ulo mo." Humugot ng baril ang lalaki mula sa likuran nito at tinutok sa ulo ni Khaki. "Oh my God! Kuya Khaki. Pwede ba, huwag mong tutukan ng baril sa ulo si kuya Khaki!" Sigaw ni Rannasha. "Bakit, gusto mo ikaw." Wika ng lalaki at itinutok kay Rannasha ang baril. Naalarma si Khaki kaya binuksan niya ang pinto at bumaba. "Ikaw! Bumaba ka rin!" Sigaw ng lalaki kay Rannasha. Dinala sila Khaki sa medyo madilim na bahagi sa gilid ng kalsada. Kaya kahit may dumaan ng mga sasakyan ay hindi sila mapapansin. Lalo na at wala masyadong ilaw sa highway na ito. "What do you want?!" Mariing tanong ni Khaki sa lalaki. "Siya." Turo ng lalaki kay Rannasha. "Ibigay mo siya sa amin at makaka-alis ka ng buhay dito. Pero kapag nag matigas ka, dito na ang magiging libingan mo, kasama ng driver at secretary mo." Saad ng lalaki. Matalas na tiningnan ni Khaki ang lalaki. "Patayin niyo muna ako bago niyo makuha si Rannasha!" Sigaw ni Khaki. Tinawagan ng lalaki ang leader nila. "Pare, nagmamatigas. Anong gagawin natin dito." Saad nito. Bumaba ang lalaki mula sa loob ng sasakyan na bumunggo mula sa likuran nila. "Ibibigay mo ang babaeng kasama mo, o papatayin ko kayong lahat. Kasama ng babaeng iyan! Mamili ka, bata." Sabi ng lalaking leader. "Dadaan muna kayo sa bangkay ko bago niyo siya mahawakan!" Biglang sinipa ni Khaki sa tiyan ang lalaking may hawak na baril. Pero agad ring may pumalo sa batok niya kaya napaluhod si Khaki sa lupa Nakaramdam siya ng pagkahilo pero hindi niya ito pinansin at pinipilit na makatayo. "Boss!" Sigaw ni Rocky. Hindi masakluluhan ni Rocky si Khaki dahil nakatali ang kamay niya mula sa likod ng zip tie handcuffs, ganoon din ang secretary ni Khaki. "Kuya Khaki... Ano bang ginawa namin sainyo! Bakit niyo sinasaktan si kuya Khaki" Umiiyak na sabi ni Rannasha. "Aww... Kawawang dalaga. Halika rito!" Biglang hinila ng lalaki si Rannasha sa buhok nito at kinaladkad papunta sa sasakyan. "Rannasha...! s**t! Try to hurt her f*****g scumbag. I will f*****g kill you!" Sigaw ni Khaki. "Ngayon panoorin mo kung paano ko bibinyagan ang magandang dalagitang ito." Nakangising sabi ng lalaki. "No! Ugh! f**k!" Mura ni Khaki hindi siya masyadong maka-kilos dahil tinututukan siya ng baril ng anim na lalaki. "Kuya Khaki... Tulungan mo ako!" Umiiyak na sigaw ni Rannasha. Bukas ang pinto ng sasakyan at ang ilaw kaya nakikita ni Khaki ang ginagawa ng lalaki kay Rannasha. "Ahhh! Wag po maawa ka." Umiiyak na nag mamakaawa si Rannasha sa lalaki. Dahil pinupunit na ng lalaki ang dress na suot niya. "Manahimik ka!" Sinampal ng lalaki si Rannasha. Biglang dumilim ang paningin ni Khaki ng makitang sinaktan ng lalaki si Rannasha. Gusto niya ng pumatay ng tao ng dumampi ang kamay ng lalaki sa hita ni Rannasha at hinihimas ito. Lalo pang umalsa ang dugo niya ng hinalikhalikan ng lalaki ang leeg at dibdib ni Rannasha. Tanging iyak nalang ang nagawa ni Rannasha. Habang binababoy siya ng lalaki. Nang mapansin ni Khaki na wala sa kanya ang atensiyon ng anim na lalaki, ay bigla niyang hinugot sa likod niya ang baril na sinuksok niya kanina sa pantalon niya. "Mamatay kayong lahat ngayong gabi!" Mariing wika ni Khaki at binaril sa dibdib ang lalaki. Pagkatapos ay hinila niya ang isang lalaki at ginawang manangga upang Hindi siya tamaan ng bala. Isa-isang pinag-babaril ni Khaki ang kasamahan nung lalaking bumababoy kay Rannasha. "Hoy, bata. Nakalimutan mo yatang may kasama ka pa." Saad nung lalaking lumapit kanina kay Rannasha doon restaurant. Tinutukan ng baril ng lalaki sa ulo si Rocky, habang ang isang lalaki naman ay nakatutok ang baril sa secretary ni Khaki. Kahit nag babarilan na ay parang walang pakialam ang lalaking leader dahil patuloy parin ito sa paghalik sa leeg ni Rannasha. Gamit ang mata ni Khaki ay suminyas siya kay Rocky at sa secretary niya na yumuko. Nakuha naman agad ng dalawa ang gustong ipahiwatig ni Khaki kaya sabay silang yumuko. Mabilis na binaril ni Khaki ang dalawang lalaki sa noo ang tama ng dalawa. Mabilis nag lakad si Khaki sa sasakyan kung nasaan si Rannasha. Hinila ni Khaki ang lalaki palabas ng sasakyan, bumulagta ito sa kalsada. Nagulat pa ito ng makita si Khaki nagtataka siya kung paano napabagsak nito ang mga kasama niya. Nilingon niya ang mga kasama niya na lahat ay nakabulagta sa kalsada. "Pa--pa--paano mo-mo na-na patumba ang lahat ng kasama ko?" Nag kakanda-utal-utal ang lalaki sa pagsasalita. Katakot-takot na ngisi ang binigay ni Khaki sa lalaki. Itinukod ni Khaki ang isang tuhod sa semento upang magpantay ang dalawa."Simple lang, dahil isa akong Montenegro." Inilapit ni Khaki ang dulo ng baril sa gitnang pagitan ng hita ng lalaki. "Alam mo bang kaya kong tanggalan ka ng kaligayahan, at kayang-kaya din kitang tanggalan ng buhay!" Nanginginig sa takot ang lalaki sa sobrang takot nito ay naihi ito sa pantalon. "Now, feel my punishment for you!" Saad ni Khaki at binaril ang lalaki sa pagalalaki nito. Napahiyaw ang lalaki sa sobrang sakit umagos ang masaganang dugo mula roon. Muling binaril ni Khaki ang lalaki sa magkabilaang tuhod nito. Lalo itong napasigaw sa sakit. "Kuya Khaki, tama na..." Mahinang sambit ni Rannasha. "What's the feeling, huh? Now, face your death." Bigkas ni Khaki. "Huwag! Wag mo akong patayin... Maawa ka." Nagmamakaawang sabi ng lalaki. "Even mosquitoes can't land on his skin. Then you just slap her. I love that girl very much. My respect for her is higher than your dreams. She is more important to me than my life!" Bigkas ni Khaki at idiin ang dulo ng baril sa noo ng lalaki. "Kuya Khaki... Huwag mong gawin yan." Mahinang wika ni Rannasha at marahang umiiling. Parang hindi kilala ni Rannasha ang Khaki na nasa harapan niya ngayon. Tumulo ang luha niya siya na naman ang dahilan kung bakit ganito si Khaki. "Kuya Khaki, please... Huwag mong gawin yan." Muling wika ni Rannasha kahit nanginginig ang buong katawan ni Rannasha ay pinipilit niyang makababa ng sasakyan. "A demon like you shouldn't be living in this world. Don't worry, I will send you to hell. Say goodbye to your life, and say hi to Lucifer. Happy trip." Bigkas ni Khaki at umalingaw-ngaw ang malakas na putok ng baril sa buong paligid. Nanigas ang katawan ni Rannasha sa nasaksihan. Ang kaninang panginginig ng katawan niya ay domoble pa lalo. Tumulo ang luha ni Rannasha nanghihina ang tuhod niya. Bumagsak ang katawan ni Rannasha nawalan ito ng malay. "Boss, sige na umalis na kayo, dalhin mo si ma'am Rannasha sa hospital. Kami na ang bahala ni Shernan dito hindi ka pwedeng maabutan ng mga pulis dito." Saad ni Rocky. "Ayaw ko mag pa-iwan dito." Protesta ng secretary ni Khaki. "Gago! Maiwan ka dito Shernan paano ko ipapaliwanag sa mga pulis ang lahat ng ito." Turo ni Rocky sa mga katawan na nakahandusay sa kalsada. Sa hospital. Galit na galit si Styles naglalakad sa pasilyo ng hospital papunta sa kwarto kung nasaan si Rannasha. Kasama ni Styles si Xyrish at Reydon. Dumating din si Finyx at si Kaven kasama si Finna. Malakas na binuksan ni Styles ang pinto ng silid. Sa halip na si Rannasha ang lapitan ni Styles ay kay Khaki siya dumeretso. Malakas niya itong sinuntok sa mukha, nawalan ng balanse si Khaki kaya natumba ito sa sahig. "Kapag ikaw talaga ang kasama ni Rannasha napapahamak siya!Bukas na bukas ay dadalhin na namin siya sa amerika!" Sigaw ni Styles habang duro-duro si Khaki. Pinunasan ni Khaki ang dugo sa gilid ng labi niya. "Sorry kuya Styles." Nakayukong sabi ni Khaki. "Styles! Hindi ko nagugustuhan ang pakikitungo mo kay Khaki! Hindi kasalan ni Khaki ang nangyari sa kanila. Huwag mo naman isisi kay Khaki ang lahat mag pasalamat ka nga dahil iniligtas ni Khaki si Rannasha. Ang importante ay ligtas at walang nangyari sa kanilang dalawa." Turan ni Finna at nilapitan si Khaki. "Okay ka lang ba?" Tanong ni Finna kay Khaki. Kahit hindi naman anak ni Finna si Khaki ay mahal niya ito bilang isang tunay na anak. Kahit minsan naiinis siya kay Khaki dahil bunga ito ng pagkakamali ni Kaven. "Okay lang po ako, lalabas lang po Ako, excuse me po." Saad ni Khaki. Nang palabas na si Khaki sa pinto ay nagkatinginan si Khaki at Reydon. Nahihiyang yumuko si Khaki. "I'm sorry." Bigkas ni Khaki at lumabas ng pinto. Sumandal si Khaki sa dingding at sinandig din niya ang kanyang ulo tumingala siya at mariing napapikit. "Thank you for saving my daughter's life. I know how much you love my daughter. Thank you very much, and you didn't let anything bad happen to her." Napamulat ng mata si Khaki at bumaling sa totoong ama ni Rannasha. Marahan siyang tinapik ni Reydon Scherrer sa kanyang balikat Hindi ba ito galit sa kanya? Tulad ni Styles? "I love Rannasha very much. So even my life I can give to her." Bigkas ni Khaki. "I know and thank you." Saad ni Reydon bago tumalikod at muling pumasok sa kwarto. "I'm so proud of you son. Alam mo bang yung grupong napatay mo ay sila yung sumunog sa bahay ng lolo at lola mo. Sila din yung mga sindikato na nangunguha ng mga babae at dinadala sa japan at ibinibenta." Bungad ng kanyang ama na si Kaven. "Wala akong pakialam sa kanila Dad, si Rannasha ang iniisip ko ngayon. Paano kung magising siya at kamuhian niya ako, dahil pinatay ko sa harapan niya ang hayop na yun." Problemadong wika ni Khaki. "Matalino si Rannasha at alam kong maiintindihan niya ang ginawa mo." Turan ng kanyang ama. "I hope so." Bigkas ni Khaki. ~~~~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD