Chapter 12

3485 Words
Pak! Malakas na sampal ang dumapo sa kanang pisngi ni Fryne. "Louisville?" Bigkas ni Fryne habang sapo ang namumulang pisngi nito. "Anong ginawa mo kay Rannasha? Did you think I wouldn't know what you did? What did she do to you? To hurt her like that." Saad ni Louisville at pagkatapos ay muling binigyan ng malakas na sampal sa pisngi ni Fryne. "Why are you so angry, You should be happy because I have already avenged you on her? You're also annoyed with Rannasha, right ?because she's always with Khaki." Nakangiwing sabi ni Fryne. "Bruha! Don't hurt Rannasha again. If you hurt her again, I'll banish you to isla morcan. Hindi mo ako katulad Fryne, hindi ako katulad ng mommy at daddy mo. Marunong ako lumaban ng patas." Galit na wika ni Louisville "Kahit naiinis ka sa kanya, pinagtatanggol mo parin siya. Dahil pamangkin mo si Rannasha? Hindi ba't magulang mo ang nagpasabog ng bahay ni Styles at Xyrish. Sila ang dahilan kung bakit namatay ang mommy at daddy ni ate Annastasia. Mga magulang mo ang may kasalanan kung bakit hindi kasama ni Rannasha ang nanay niya ngayon. Pinalabas nila na patay na si ate Annastasia pero ang totoo, buhay siya at tinatago lang ng mga magulang mo. Kinakain ka ba ng konsinsiya mo Louisville? Pinsan mong buo si ate Annastasia kung tutuusin nga para mo na siyang nakakatandang kapatid, kasi magulang ni ate Annastasia ang nag papaaral sa'yo no‘on. Ngayon sabihin mo sa akin, sino ang hindi patas lumaban? Ang mga magulang mo Louisville, dahil kinamkam nila ang lahat ng kayamanan na para kay ate Annastasia." Mahabang litaniya ni Fryne. "Hindi totoo yan! Alam mong hindi totoo yan Fryne! Ang mga magulang mo ang may kagagawan nun, hindi si mommy at daddy. Sa Mommy at Daddy ko lang ibinibintang ang bagay na iyon, pero ang totoo hindi naman talaga sila ang may kasalanan!" Sigaw ni Louisville. "Criminal ang mga magulang mo!" Bulyaw ni Fryne. Malakas na dumapo ang palad ni Louisville sa mukha ni Fryne. Halos mabingi si Fryne sa lakas ng impact ng pagkakasampal ni Louisville sa kanya. "Say that again, I'll bury you alive!" Nakakatakot na bigkas ni Louisville. "May araw ka rin sa‘kin bruha ka!" Mariing wika ni Fryne ng makaalis si Louisville. ~~~~~~~~~ Simula ng magising kanina umaga si Rannasha ay hindi ito umiimik, ni hindi nga nito kinakausap si Styles at Xyrish. Pati ang ama niyang si Reydon ay hindi niya pinapansin. Tulala lang ito at panay tulo ang luha. Labis nag aalala si Reydon sa anak kahit si Xyrish at Styles ay nag aalala sa kalagayan ni Rannasha. Kaya naman tinawagan ni Reydon ang pinakamatalik niyang kaibigan na isang physiotherapist. "She's suffering from Post-traumatic stress disorder. Maaring nakuha niya ito sa nangyari sa kanya. At her age, it will be difficult for her to forget the bad things that happened to her. What I can suggest is that it would be better if she goes on vacation. That will help her somehow forget the bad thing that happened to her." Litaniya ng physiotherapist. Nang makaalis ang physiotherapist na kaibigan ni Reydon ay nag usap sila ni Styles. "Ano ang desisyon mo, Styles?" Tanong ni Reydon. "I intend to bring Rannasha to America. I want her to finish high school and college there. Maybe now is the right time. That's if it's okay with you, Reydon." Aniya ni Styles bago bumaling kay Rannasha. "If it's for the good of my daughter, why not? But I hope you will let me send my men there to watch over my daughter. I want to ensure the safety of my only child." Turan ni Reydon. "Of course, no problem." Sagot naman ni Styles. "When do you plan to bring Rannasha to America?" Reydon asked. "Today." Wika ni Styles. "Does Khaki know? Rannasha is close to Khaki, so he should have known Rannasha was leaving. I can see how much Khaki loves Rannasha and I want him for my daughter. I know Khaki can defend and protect Rannasha." Saad ni Reydon. Kunot noo na bumaling si Styles kay Reydon. "So, are you saying that you are okay with Khaki courting Rannasha?" Hindi makapaniwalang turan ni Styles. "Yes, and I see nothing wrong with Khaki. Nakababatang pinsan mo si Khaki, diba? kaya kay Khaki ko ipagkakatiwala ang anak ko, pagdating ng tamang panahon." Sabi ni Reydon at tinapik ang balikat ni Styles. Hindi na nag kumento pa si Styles at nanahimik na lang. Tanghali na ng ilabas si Rannasha sa hospital. Sa mansion. Habang inaayos ng Yaya ni Rannasha ang gamit at mga damit niya ay mahinahon na kinakausap ni Xyrish si Rannasha. Kahit hindi ito sumasagot si Rannasha ay patuloy itong kinakausap ni Xyrish. "Anak, mamayang gabi na ang alis natin papuntang amerika. Would you like to see Khaki and talk to him? You'll be staying in America for a long time, so you won't see Khaki for a long time." Dahil sa sinabi ni Xyrish ay lalong bumuhos ang luha ni Rannasha. Nasasaktan si Rannasha labis nagdudusa ang kalooban niya ngayon. Ang bigat ng nararamdaman niya gusto man niyang makita at makausap si Khaki kahit sa huling pagkakataon. Pero... alam niyang masasaktan ang lalaki kahit hindi nito sabihin sa kanya alam ni Rannasha na nalulungkot si Khaki sa pag-alis niya. Ayaw niyang makita nasasaktan ito at nalulungkot. Kaya mas mabuti siguro na hindi siya mag paalam kay Khaki. Maski siya ay nahihirapan ngayon hindi pa siya nakakabawi ng lakas, lalo na sa mga naranasan niya doon sa masamang lalaki. Hindi rin mabura sa balintataw at isipan niya ang nasaksihan niya kung paano magalit si Khaki at kung paano nito pinatay ang mga taong gustong manakit sa kanila. Sinisisi niya ang sarili kung bakit ginawa iyon ni Khaki. Nadungisan ang malinis na palad ng binata. Nabahiran ng dugo at ng kasalanan ang pagkatao ni Khaki. At sinisisi ni Rannasha ang kanyang sarili. Umiling si Rannasha kay Xyrish tanda ng pagtututol sa tinuran ng ina. "Sigurado ka? Galit ka ba kay Khaki?" Tanong ni Xyrish kay Rannasha. Tanging iling lang ng ulo ang sagot ni Rannasha at mahigpit na yumakap kay Xyrish. Kinagabihan. Sabay ng pag-angat ng gulong ng private airplane sa paliparan ay nakatanggap ng tawag si Khaki mula kay Maverick. Walang ganang sinagot ito ni Khaki. [ "Pare, alam mo bang ngayong gabi umalis si Rannasha papuntang amerika. Iyon ang sabi sa akin ni Atarah." ] Wika ni Maverick sa kabilang linya. Katahimikan ang namayani sa buong kwarto ng opisina ni Khaki. Mariing naikuyom ni Khaki ang dalawang kamao niya. Hindi niya akalain na tututuhanin ng pinsan niya ang sinabi nitong dadalhin si Rannasha sa america. Hindi na napuntahan ni Khaki si Rannasha sa hospital kaninang umaga dahil alam niyang galit parin sa kanya si Styles. Pero hindi naman iyon ang iniisip niya. Ang inaalala niya kanina ay kung galit si Rannasha sa kanya. Alam ni Khaki na mali ang ginawa niyang pagpatay sa mga lalaking iyon sa harapan ni Rannasha. Pero hinding-hindi ni Khaki pinagsisihan ang pagpaslang sa mga demonyong iyon dahil ginawa niya yun para kay Rannasha . Para sa kaligtasan ni Rannasha. Nahihiya siya magpakita kay Rannasha, iyon ang isa pa niyang dahilan kung bakit hindi siya nagpunta ng hospital kanina. At ngayon pinagsisihan niya iyon, sana pala ay pinuntahan niya si Rannasha. Mahabang taon niya hindi makikita si Rannasha sobrang mamimiss niya ang dalaga. . Nagsasalita pa si Maverick pero pinatayan niya na ng cellphone ang kaibigan gusto niyang mapag-isa ngayon. Kumuha siya ng isang bote ng mamahaling whisky brandy binuksan niya ito at tinungga. Muli siyang naupo sa swivel chair at napahilamos sa kanyang mukha. "Damn it!" Mariing mura ni Khaki tumulo ang kanyang luha sabay muling tumungga ng alak. Habang nagpapakalunod sa alak si Khaki ay nakatitig lang siya sa wallpaper ng kanyang laptop. Picture iyon ni Rannasha matamis ang ngiti ng dalaga sa larawan na iyon. Ang maganda at inosenteng mukha ni Rannasha at kagandahang loob ang bumihag sa puso ni Khaki. Ang babae ito ang lihim niyang minahal simula no’on ng makilala niya ito. Bata pa lang si Rannasha ay espesyal na ang tingin ni Khaki rito. Pero hindi niya inakalang lalalim pala ang pagkagusto niya kay Rannasha, lalo na ng mag dalaga ito. "I will miss you so much." Pabulong na turan ni Khaki at muling nilagok ang brandy na nasaharapan niya. Sa ganoong posisyon nakatulog si Khaki nakasandig sa swivel chair at nakatitig sa screen ng wallpaper ng laptop niya. Hanggang sa panaginip niya ay si Rannasha ang laman nito. Kinaumagahan nagising si Khaki sa tunog ng cellphone niya. May kumakatok rin sa labas ng pinto ng opisina niya. Hindi pinansin ni Khaki ang cellphone niyang tumutunog, ang nasa isip ni Khaki ay baka si Maverick lang ang tumatawag. Ang pinagtuunan niya ng pansin ang taong kumakatok sa labas ng pinto. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at hinayon ang pinto. Pagbukas niya ay yung secretary niya ang bumungad sa kanya. Napakunot ng noo si Khaki anong oras na ba? Bakit ang aga naman yata nitong dumating. "Sir Khaki." Bigkas ng secretary niya. Napansin ni Khaki na malungkot ang mga mata nito. "May problema ba?" Tanong niya sa lalaking secretary. "Kanina pa raw po tumatawag si Sunie sayo, pero hindi mo sinasagot ang mga tawag niya. Nagpunta ako bahay mo pero wala ka kaya dito na ako tumuloy." Aniya ng lalaki. "May kailangan ba si Sunie? Hindi ba niya sinabi sayo? kung ano ang kailangan niya sa’kin." Bigkas ni Khaki at lumingon sa table desk niya kung saan nakapatong ang cellphone niya na muling tumunog. Mabilis siyang humakbang pabalik roon at kinuha ang cellphone at sinagot. "Yes Sunie?" [ "Si--sir K-Khaki, si--si ma'am Kilda po..." ] Halos magkanda-utal-utal si Sunie sa pagsasalita. "Bakit anong nangyari kay Mama?" Pilit na tinatatagan ni Khaki ang kanyang boses kahit medyo kinakabahan siya sa maaaring marinig mula sa kabilang linya. ["Sir Khaki si ma'am Kilda po kasi."] Biglang umiyak si Sunie kaya tinambol ng kaba ang dibdib ni Khaki. "Fvck! Sunie! Pwede bang sabihin mo kung ano ang problema!" Pasigaw na wika ni Khaki. [ "Wala na po si Ma'am Kilda, patay na po siya. Patay na po ang mama mo sir. Kaninang madaling araw pa po." ] Parang tatakasan ng hininga si Khaki dahil sa narinig. Parang biglang dumilim ang kanyang mundo ngayon. Nabitawan ni Khaki ang cellphone niya hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. "Ahhhhhhh! Fvck ! Damn it !" Malakas na sigaw ni Khaki at malakas na sinipa ang swivel chair. "Sir!" Awat ng secretary ni Khaki. Nagwawala kasi si Khaki sa loob ng opisina niya lahat ng bagay na makita niya ay sinisira at binabasag niya. Isa lang yata ang hindi niya kayang basagin ang laptop na naroon sa table desk. Nang mapatingin si Khaki sa screen ng laptop niya at makita ang picture ni Rannasha ay bahagyang kumalma siya. "Tawagan mo si Rocky ipahanda mo ang sasakyan. Uuwi tayo ng Santa Veronica." Utos ni Khaki sa secretary niya. "Yes sir." Dumating si Khaki sa bahay ng kanyang ina. Nanghihina ang tuhod niya habang humahakbang palapit sa bangkay ng kanyang ina na nakahimlay sa malaking kama nito. "Iwan niyo muna ako." Turan ni Khaki kay manang Felisidad at kay Sunie. Naupo si Khaki sa gilid ng kama sa tabi ni Kilda. Umiiyak siya na parang isang batang paslit. Marahan niyang hinaplos-haplos ang buhok ng kanyang ina. "You are now free from your pain. I hope you are happy wherever you are now, mama. I'm proud to have you as my mom. Thank you very much for all your sacrifices for me. I love you so much, mama." Masakit man para kay Khaki ang pagkawala ng kanyang ina, ngunit dapat niya itong tanggapin. Pinatakan ng pinong halik ni Khaki sa noo ang ina bago nilisan ang silid na iyon. Nakarating na rin kay Kaven at Finna ang nangyari sa ina ni Khaki. Kahit ayaw ni Kaven mag punta sa Santa Veronica ay wala siyang nagawa dahil pinilit siya ni Finna mag tungo roon. Sa bahay lang binurol si Kilda dahil ito rin ang huling hiling nito no’ong nabubuhay pa. Nais ni Kilda kapag namatay siya dito iburol, iyon din ang habilin nito kay Khaki. Pangatlong araw ng pinaglalamayan si Kilda at bukas ay ililibing na ito. Nakaupo si Khaki sa isang mahabang wooden chair nilapitan siya ni Finna at naupo sa tabi niya. "Iho, sabi ni manang Felisidad ilang araw ka na raw hindi kumakain ng maayos. Alam kong nalulungkot ka sa pagkawala ng iyong ina, pero huwag mo pababayaan ang sarili mo. Sa palagay mo ba ay matutuwa ang iyong ina? hindi ko man mapantayan ang pagiging ina ni Kilda sa‘yo pero. . . naririto ako para damayan ka. Huwag kang mahihiyang lumapit sa akin. Anak ka ni Kaven, kapatid ka ni Finyx kaya anak na rin ang turing ko sa‘yo." Tumingin si Khaki kay Finna at tipid na ngumiti. "Sa laki ng kasalanan ni mama sa‘yo, bakit ang bait mo pa rin sa‘kin? dapat nga ay magalit ka at kamuhian ako. Nag bunga ako sa isang pagkakamali." Na sabi ni Khaki at umiwas ng tingin kay Finna. "No‘ong malaman ko nabuntis ni Kaven ang mama mo, galit na galit ako sa mama mo. At nung kunin ka ni Kaven at patirahin sa bahay, ay inis na inis ako sa‘yo. Dahil sa tuwing nakikita ko ang mukha mo, na aalala ko lang ang nagawang kasalanan ni Kaven. Nag bunga ka man sa pagkakamali pero. . . Huwag mong isipin na isa kang kasalanan. Wala kang kasalanan sa pagkakamaling nagawa ni Kilda at Kaven." Wika muli ni Finna. Lumipas ang mga buwan si Khaki ay nagluluksa pa rin sa pagkawala ng kanyang ina. Pero kahit paano ay nalalabanan niya ang kalungkutan. Nasa opisina si Khaki at tulala sa screen ng laptop niya, isa pa ang nagpapabigat ng kalooban niya ang pag alis ni Rannasha. Wala siyang contact sa dalaga nag utos siya ng isang tauhan niya upang mag punta sa america at hanapin ang address kung saan nakatira si Rannasha, ngunit ay wala itong napala. Malaki ba talaga ang pagka-disgusto ni Styles sa kanya para kay Rannasha at kailangan ilayo sa kanya ang dalaga? kung sabagay, ay hindi niya masisisi si Styles ito ang tumayong ama ni Rannasha ng mahabang panahon kaya alam niyang pinoprotektahan lamang nito si Rannasha. Dahil sa pagkakatulala ni Khaki ay hindi niya napansin ang pagpasok ni Maverick sa opisina niya. "Tulala ka na naman. Alam mo masyado mong nilulunod ang sarili mo sa pagtatrabaho. Masyado ka ng workaholic, hindi mo na nabibigyan ng kasayahan ang sarili mo. Kung iniisip mo si Rannasha, babalik din yun. Halika sumama ka sa akin punta tayo ng Phoenix bar. Ngayong gabi ang opening ng bar ng pinsan ko kaya sumama ka." Ani ni Maverick. "Ikaw na lang, ayoko sumama. Wala ako sa mood para mag saya at mag libang." Walang ganang sabi ni Khaki. "Hoy! You will come with me whether you like it or not. Ano ka ba, pare maraming magagandang bibot doon." Dagdag ni Maverick. Matalim na tiningnan ni Khaki si Maverick. "Gusto mo maging babaero rin ako, tulad mo? E, kung sipain kita ngayon palabas ng opisina ko. Kaya walang tumatagal na babae sa‘yo kasi ubod ka ng babaero. Si Rannasha lang ang gusto kong makita ngayon!" Naiinis na si Khaki dahil sa kakulitan ng kaibigan. "Hindi ako sasama!" Giit pa ni Khaki. "Sasama ka! Hindi pwedeng nagmumokmok ka dito sa opisina mo." Wika ng isang lalaki. Napalingon si Khaki sa lalaking pumasok sa pinto, isa ito sa mga kaibigan niya at best friend niya din ito. Nakabalik na pala ito mula sa England. Ilang sandali ay may tatlong lalaki pa ang pumasok sa opisina niya. Himala at nagparamdam na ang mga kaibigan niya, anong meron? at bumangon ang mga ito sa hukay. "Akala ko patay na kayo dahil hindi na kayo nag paparamdam." Turan ni Khaki at tumayo mula sa pagkaka-upo sa swivel chair. "Grabe ka naman sa‘min. Patay agad, busy lang kami sa mga kanya-kanya naming negosyo. Pero dahil libre kami ngayon mag ba-bonding tayong anim, ngayong gabi. At hindi ka makakatanggi." Saad ng isang lalaki na puno ng tattoo sa magkabilaang braso. "What if I don't want to? You can do something." Masungit na sabi ni Khaki. "Isa ka lang, lima kami. Kung hindi ka madadaan sa dasal. Dadaanin ka namin sa pwersahan. Kaya guys, ano pang hinihintay niyo hawakan niyo na yan." Sambit ni Maverick. Walang nagawa si Khaki kulang nalang ay buhatin siya ng mga kaibigan niya palabas ng opisina niya. Nasa isang VIP room ang mag kakaibigan si Maverick at ang apat niyang kaibigan ay may mga katabing babae. Siya lang ang bukod tanging walang katabing babae sa isang single couch. May isang babaeng maganda ang nagtangkang kumalong kay Khaki pero tinulak lang ito ni Khaki. Hindi sa wala siyang respeto sa babae sadyang ayaw niyang may ibang babae ang dumidikit sa kanya. Tanging si Rannasha lang ang gusto niyang makadikit ng balat niya. "Cherry huwag mo ng tabihan yan. Balita ko nananampal daw ng babae yan. Hayaan mo nalang siya baka maging tabla pa iyang mukha mo." Nakangising wika ni Maverick sa babaeng nakatayo sa bandang gilid ni Khaki. "Pare mukhang tinamaan ka yata sa alaga mo. Sabi ni Maverick in-love na in-love ka raw kay Rannasha, totoo ba?" Wika ni Indigo ang isang best friend ni Khaki. "Tsismoso ka talaga ano?" Angil ni Khaki kay Maverick. Nag peace sign lang si Maverick kay Khaki. "Ang ganda naman kasi talaga ng batang iyon. Kahit sino naman ay maiinlove dun, maganda na mabait pa. Kahit siguro si Maverick ay pwedeng magkagusto kay Rannasha." Sigunda ni Onyx ang kapatid ni Indigo. "Tarantado! May Atarah na ako. At isa pa baka ilibing ako ng buhay ni Khaki. Bawal may magkagusto kay Rannasha o, kahit tingnan nga ay bawal." Ani ni Maverick. "Talagang bawal! Lalo kanang babaero ka. Mahal mo si Atarah pero ng babae ka, anong klaseng pagmamahal meron ka. Kawawa sa‘yo si Atarah kapag niligawan mo." Saad ni Khaki. "Mahal ko si Atarah iba siya sa lahat." Seryosong sabi ni Maverick. "At yung mga babaeng nakakasama ko, libangan ko lang ang mga yun. Isa pa hindi ko na kasalanan na habulin ako ng babae, gwapo kaibigan niyo e. Sila mismo ang kusang lumalapit sa akin." Dagdag pa ni Maverick at ngumisi. Napailing ang mga kaibigan ni Khaki dahil sa kahambugan ng kaibigan. Palibhasa magandang lalaki at maraming nahuhumaling ng mga babae. Iyon nga lang ay hindi marunong magseryoso si Maverick sa babae. Lahat ay iniiwan at pinapaiyak niya lang. "Why are you sad again? Are you thinking about him again? You know, when you always think about someone, they can't sleep. He is also always sad and will always think of you." Wika ng isang lalaki at tumabi kay Rannasha. Ngumiti ang gwapong lalaki lumitaw ang mapuputi at pantay na ngipin nito. Nasa cafeteria sila dahil break time nila. Ngumiti pabalik si Rannasha sa lalaki. "I can't stop thinking about him, I miss him so much. What is he doing now? Is he thinking about me too? Does he miss me too?" Malungkot na sambit ni Rannasha at yumuko. Hinawakan ng lalaki si Rannasha sa balikat. "He might be thinking about you too. And I'm sure he misses you too. Like I said earlier, when you think of him, he thinks of you. And when you miss him, he misses you too. When two people are in love, they feel the same." Bigkas ng lalaki at ngumiti ng pagkatamis-tamis. "Thank you for being there to sympathize with my sadness. At pwede ba mag tagalog ka marunong ka naman mag tagalog e, pinahihirapan mo ako mag english dumudugo ang ilong ko." Biro ni Rannasha sa kausap niya. Malakas na humalakhak ang lalaki at kinurot ang pisngi ni Rannasha. "You're so cute, Rannasha. Sabi nila nakakagwapo raw kapag nagsasalita ng english ang isang lalaki." Tumatawang sabi nito. "Sino naman ang may sabi nun?" Aniya ni Rannasha. "Ako, sariling kasabihan ko yun. Feeling ko ang gwapo ko." Bigkas ng lalaki at muling humagikhik. Napakunot ng noo ang lalaking kausap ng matuon ang mata sa pinto ng cafeteria. "Bakit?" Nagtatakang tanong ni Rannasha at sinundan kung saan nakatingin ang lalaki. "I saw a man standing outside the door of the cafeteria, and he seemed to be taking a picture of us." Bigkas ng lalaki. "Paano mo nasabi? Ikaw ha, mapanghinala ka." Aniya ni Rannasha. "I saw him, he was holding a camera." Giit ng lalaki. Kahit tuloy si Rannasha ay binagabag ang kalooban. "Ma‘am nagawa ko na po ang pinag-uutos mo. Ipapadala ko ito sa iyo sa pamamagitan ng email." Wika ng mesteryosong lalaki. "Good." Bigkas ng babae mula sa kabilang linya. ~~~~~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD