Chapter 13

3653 Words
Sa opisina. Abalang nag-uusap si Khaki at ng kanyang secretary sa loob ng opisina. Biglang may kumatok sa pinto at dahil bukas at medyo naka-awang ang pinto ay nakita ni Khaki ang nasa labas ng pinto. Si Amaro ang secretary ng kanyang ama. "Come in. Do you need anything, Mr. Zarosa?" Tanong ni Khaki sa lalaki. "Sir, I just want to give it to you." Sabay abot kay Khaki ang isang envelope na may katamtamang laki. Kumunot ang noo ni Khaki at tinanggap ang envelope. "What is this? Who gave it?" Nagtatakang tanong ni Khaki. "I don't know. Inabot lang rin sa akin yan ng guard kanina doon sa lobby." Sagot ni Amaro. "Thank you." Pasalamat ni Khaki at binuksan na ang envelope. Pagkakita palang ni Khaki nang unang picture ay nagtagis na agad ang bagang niya. Tumiim ang labi niya sa inis at galit. Napansin naman ito ng secretary niya kaya nagtanong ito. "Sir, okay ka lang ba?" Mariing naikuyom ni Khaki ang kanyang kamao ngayong oras parang gusto niyang manapok ng tao. "Lumabas ka!" Matigas na utos ni Khaki sa secretary niya. Tumalilis naman palabas ng opisina ang lalaki sa takot na baka siya pa pagbalingan ng inis ni Khaki. "Fvck!" Mura ni Khaki at nilukot ang mga picture gamit ang isang kamay niya. "Simula bata pa lang nililigawan ko na si Rannasha, tapos hahalikan lang siya ng hinayupak na lalaking iyon? I'm sure itong mga picture na‘to? galing kay kuya Styles. Sa palagay niya magigiba niya ang pagmamahal ko kay Rannasha. Tsk! nagkakamali siya. Damn it Rannasha! Sa oras na umuwi ka dito itatanan na talaga kita!" Inis na wika ni Khaki at padabog na tumayo mula sa pagkaka-upo sinipa niya pa ang swivel chair. Sa lakas ng pagkakasipa niya dito ay natanggal pa ang isang gulong ng swivel chair. Nang makalabas si Khaki ay pabalya niyang sinarado ang pinto ng kanyang opisina. Lahat tuloy ng mga babaeng empleyadong naglalakad sa pasilyo ay napatingin kay Khaki. "What! What are you looking at! Go back to your work!" Singhal niya sa mga ito. Tarantang nagsi-alisan ang mga ito at kanya-kanyang nagsipasukan sa mga kani-kanilang opisina. Kinagabihan. Sa Phoenix Bar tumuloy si Khaki naroon na rin ang mga kaibigan niya siya nalang ang wala. Tuwing gabi ay nagpupunta si Khaki sa nasabing bar upang magpagpag ng kanyang stress at pagod dahil sa pagtatrabaho. Ngayon nandito siya upang magtanggal ng sama ng loob. Oo masama ang loob niya dahil sa mga larawan na dumating kanina. Nagdadamdam rin siya kay Rannasha, bakit gano‘on nalang pagbigyan ang lalaking iyon para halikan siya sa pisngi. Kahit pisngi lang iyon nagseselos siya mag pasalamat ang lalaking iyon dahil wala siya roon kung hindi baka dinurog niya na ang mukha ng lalaking yun. Nang maupo si Khaki sa single couch ay may babaeng kumalong sa hita niya. Nabigla pa siya pero hindi na siya nagreklamo hinayaan niya lang ito umupo sa hita niya. Hinanap ng mga mata ni Khaki si Maverick pero parang wala pa ito. Nasaan kaya ang magaling niyang kaibigan. Maya-maya'y dumating si Maverick nakasimangot ito ang mukha nito ay hindi maipinta. Pansin ni Khaki ang labis na lungkot sa mga mata ni Maverick, ano kaya ang problema ng kaibigan. Hindi siya sanay na ganito ito, kilala niya itong masayahin. Kinuha ni Khaki ang wine glass na may lamang alak at nilagok iyon. "You look stressed, baby." Aniya ng babaeng naka-upo sa isang hita ni Khaki. Pinulupot ng babae ang dalawang braso nito sa leeg ni Khaki. "Yeah." Tipid na sagot ni Khaki. "May alam akong gamot diyan." Nakangising sabi ng babae. "And what is that?" Tanong ni Khaki. Bahagyang inilapit ng babae ang bibig nito sa tainga ni Khaki at bumulong. "So, ano, gusto mo ba?" Naglalaro ang pilyang ngiti sa labi ng babae. "Sorry miss, my virginity is only for the woman I love. I reserved it for my girl." Aniya ni Khaki sa babae. Puno ng pagkagulat sa mukha ng babae. Nainsulto ito sa sinabi ni Khaki pero, naroon ang paghanga niya para kay Khaki. "That girl was lucky." Sambit ng babae at tumayo na mula sa pagkaka-upo mula sa hita ni Khaki. "Tangina pare, virgin ka pa!" Humahalakhak na sabi ng isang kaibigan ni Khaki. Hindi ito makapaniwala sa narinig mula kay Khaki. "Happy? I'm not like you, thirsty for women." Khaki said to his friend with a sarcastic voice. "Tsk! I just enjoy my life in this world." Bigkas ng lalaki. "Do you have a problem? Why are you crying, Maverick? You can tell us." Nag-aalalang tanong ni Indigo kay Maverick. Doon muling nag angat ng tingin si Khaki at pinagmasdan si Maverick. Umiiyak nga talaga ito at panay lagok ng alak sa basong hawak nito. "Si Atarah. . ." Umpisa ni Maverick at humagulgol ng iyak si Maverick. "Why, what happened to Atarah?" Biglang tanong ni Khaki at napatuwid ng upo. "Wala na siya!" Mahinang bigkas ni Maverick. "Anong wala? What do you mean she's gone? Umalis din ba siya?" Sunod sunod na tanong ni Khaki. Umiling si Maverick at muling nilagok ang natitirang alak sa basong hawak nito. "Iniwan na ako ni Atarah. And it's my fault. She is dead. She killed herself because of me!" Malakas na hinagis ni Maverick ang basong hawak niya at kumalat ang pira-pirasong bubog at ibang parte ng baso sa sahig. "What! What the Fvck! How?" Naguguluhang tanong ni Khaki. Puno ng pag-aalala si Khaki ngayon para kay Rannasha. Paano kung malaman ito ng dalaga, tiyak na malulungkot at magluluksa iyon. Matalik na kaibigan ni Rannasha si Atarah at kung tutuusin ay parang magkapatid na ang dalawa. "She confessed her feelings for me. And even though I loved her, I rejected it because she was young and that was the right thing. I spoke harsh words to her, and Atarah couldn't take it. I hurt her feelings, and because of me, she committed suicide. f**k!" Bigkas ni Maverick at muling humagulgol sa iyak. "Mahal na mahal ko si Atarah, bakit ba nangyari ito! Ito siguro ang kabayaran sa lahat ng kasalanan na gawa ko. I can't forgive myself!" Muling sambi ni Maverick. Tumayo si Khaki at dinamayan ang kaibigan. "Huwag mo sisihin ang sarili mo, wala kang kasalanan. Hindi natin alam ang totoong dahilan kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon. Siguro nga ay hindi kayo ang para sa isa't-isa. May dahilan ang diyos kung bakit ito nangyari. Mag pakatatag ka, nandito lang kaming mga kaibigan mo." Turan ni Khaki at inakbayan ang kaibigan na patuloy na umiiyak. "Mababaliw ako pare sa kaka-isip kay Atarah, mahal na mahal ko si Atarah. Alam mo yun, pero bakit nangyari ito?" Bigkas ni Maverick sa kalagitnaan ng pag-iyak nito. "I don't know. Just don't blame yourself for what happened to Atarah. Okay?" Muling wika ni Khaki. Nakarating naman kay Rannasha ang nangyari sa matalik na kaibigan. Ibinalita ito sa kanya ng kanyang tito Zyndrix, ang kapatid ni Xyrish. Panay ang iyak ni Rannasha habang hawak ang bracelet na ibinibigay sa kanya no’on ni Atarah. Gusto niyang umuwi sa pilipinas, ngunit hindi pwede dahil exam nila ngayong linggo at kailangan niya mag review hindi biro ang pag-aaral abroad. Istrikto pa naman ang school na pinapasukan niya. Isa pa abala rin siya sa pagmomodelo dito, kinuha si Rannasha ng isang malaking kompanya dito sa America bilang modelo at endorser ng mga mamahaling brand ng bag at damit. "Daddy please. . . kahit isang araw lang po. Gusto ko makita si Atarah kahit sa huling pagkakataon." Kausap ni Rannasha si Styles awang-awa naman ito kay Rannasha. Kaya tinawagan ni Styles si Reydon na ngayon ay nasa Thailand. Ang alam ni Styles asawa ng pinsan ni Reydon ang may ari ng nasabing school. Dahil sa tulong ni Reydon ay agad naka-uwi si Rannasha sa pilipinas. Nangmakarating siya ay sa chapel dumeretso si Rannasha kung saan nakaburol si Atarah. Ngayong araw din na ito ay napagplanuhan nila Khaki na magtungo sa burol ni Atarah upang makiramay sa pamilya ng dalaga. "Bakit mo ginawa ito Atarah." Turan ni Rannasha habang hinahaplos ang salamin ng kabaong ng matalik na kaibigan. "Diba nangako tayo sa isa't-isa na sabay natin aabutin ang mga pangarap natin. Sabi mo sa akin maghihintay ka sa pagbalik ko, pero ang daya mo dahil iniwan mo ako. Umalis ka ng hindi nagpapaalam sa akin. Pasensya ka na ha, kasi hindi ako makakadalo sa libing mo. Sana masaya ka sa kapalarang pinili mo. At kung nasaan ka man ngayon sana maligaya ka. Mahal na mahal kita best friend. Hinding-hindi kita makakalimutan lagi kang nasa isip ko at ang alaala mo, ay hindi mabubura sa puso ko. Hanggang sa muli nating pagkakita, aking kaibigan." Sa huling pagkakataon ay humagulgol si Rannasha at niyakap ang kabaong ni Atarah. Nabigla si Rannasha ng may kamay na humawak sa balikat niya. Kahit basang-basa ng luha ang kanyang pisngi ay nilingon niya ito. Natulala si Rannasha ng makita ang mukha ng taong nasa likuran niya. Muli niyang binalik ang mga mata sa loob ng kabaong ng kaibigan at pinagkatitigan ang mukha ni Atarah. Muli siyang bumaling sa babaeng nasa tabi niya ngayon. Kung sa ibang pagkakataon at lugar siguro niya nakita ang babaeng ito ay, aakalain niyang si Atarah ang nasa harapan niya. Kamukhang-kamukha kasi ito ni Atarah, iyon nga lang ay medyo may pagkamorena ito. Parang caramel ang kulay ng balat nito, kumpara kay Atarah na maputi ang balat na parang labanos. Pero kahit ganun ay makinis ang kutis nito kahit hindi gaano kaputian. Medyo may pagkaka-iba din ng kaunti sa mukha ni Atarah at nitong babae. Si Atarah kasi ay maamo ang mukha, ang babaeng nasa harapan niya ngayon ay matapang ang dating ng mukha nito. Parang may pagkamaldita ang awra at ang mga mata nito ay mapupungay. "Ako si Amella, kapatid at kakambal ni Atarah. Ikaw ba si Rannasha? Ang matalik na kaibigan ni Atarah, sa school na pinapasukan niya." Tanging tango lang ang naisagot ni Rannasha dahil gulantang parin siya dahil may kakambal pala si Atarah. Ni minsan ay hindi nababanggit sa kanya ni Atarah na may kakambal ito. "Alam mo bang sa tuwing umuuwi siya sa probinsya ay laging ikaw ang bukang-bibig niya. Lagi ka niya ikinikwento sa akin, kung gaano ka kabait. Kaya kita nilapitan dahil may gusto akong itanong sa'yo. Kilala mo ba si Maverick? Ang alam ko kasi ay naninilbihan si Atarah bilang katulong sa lalaking iyon, kapalit sa pagpapagamot kay lola." Bahagyang kumunot ang noo ni Rannasha, nagtataka siya kung bakit tinatanong ng babaeng ito si Maverick. "Bakit, may kinalaman ba siya sa pagkamatay ni Atarah? Siya ba ang dahilan kung bakit nagpakamatay si Atarah?" Parang may kung anong umusbong na galit sa puso ni Rannasha. Malapit ang loob niya kay Maverick tinuring niya itong nakakatandang kapatid. At isa lang hinihiling niya sana ay walang kinalaman si Maverick sa pagkamatay ng kanyang kaibigan. "Kasama siya sa pinaghihinalaan ko na isang dahilan kung bakit nagpakamatay si Atarah. Bago kasi mawala si Atarah, ay nabanggit niya sa akin ang pangalan ng Maverick na iyon. Umiiyak siya ng mga oras na kausap ko siya sa cellphone, nabanggit niya sa akin ang tungkol kay Maverick. Ang sabi niya ay mahal na mahal niya si Maverick, pero sinaktan daw ng lalaking iyon ang damdamin niya. Hindi niya iyon matanggap pero diba, masyado naman yatang mababaw ang dahilan na iyon para wakasan ang buhay niya. May isa pa siyang inamin sa akin, buntis daw siya. Pagkatapos ng pag-uusap namin nung gabing iyon, kinabukasan nakarating na lang sa amin ang isang masamang balita, na patay na si Atarah. Sa tuwing kinakamusta ko siya ay lagi niyang sinasabi na, okay lang siya. Pero lingid sa kasalanan ko may tinatago pala siyang mabigat na problema. Hindi niya sa akin sinabi sa akin kung sino ang nakabuntis sa kanya. Kilala ko si Atarah hindi yun marunong maglihim sa akin, at alam kong hindi niya kayang magpakamatay ng ganun-ganun lang. Gulong-gulo ang isip ko, hindi ko alam kung sino ang hihingian ko na tulong. Hindi ko alam kung kanino ako lalapit. Malakas ang kutob ko may foul play na nangyari. Rannasha pakiusap. Gusto ko malaman kung ano ang itsura ng Maverick na iyon." Huminga ng malalim si Rannasha bago kunin sa bag niya ang kanyang wallet. Kinuha niya ang nag iisang picture ni Maverick sa loob ng wallet niya. "Halimbawa. . . kung wala talagang foul play na nangyari? Paano kung nagpakamatay nga si Atarah at si kuya Maverick ang dahilan. Anong gagawin mo, Amella." Aniya ni Rannasha. "Kung ang Maverick na iyon ang dahilan kung bakit tinapos ni Atarah ang kanyang buhay. Mag babayad siya! Hinding-hindi ko siya mapapatawad!" Mababakasan ng galit ang boses ni Amella. "Huwag ka mag-alala Amella tutulungan kita, hihingi ako ng tulog sa papa ko. Aalamin natin ang totoo." Sambit ni Rannasha matapos ibigay ang picture ni Maverick kay Amella. "Salamat Rannasha, sana’y maging mag kaibigan din tayo." Sambit ni Amella. "Miss Rannasha, halika na kailangan na natin umalis. Tumawag na ang papa at ang daddy mo, kailangan mo ng bumalik sa Los Angeles." Saad ng bodyguard na kasama ni Rannasha. "Mag papaalam na rin ako sa'yo Amella. Kailangan ko ng umalis. Mag pakatatag ka at sana mangibabaw pa rin ang kapatawaran sa puso mo." Niyakap ni Rannasha si Amella bago tumayo. "Mag iingat ka sa flight mo pabalik ng Los Angeles. Maraming salamat Rannasha, na kahit malayo ka at busy ay umuwi ka, para kay Atarah. Ngayon ay uuwi rin ako sa probinsya pero babalik din ako bukas." Maayos nag paalam si Rannasha sa Lola at papa ni Atarah, nag bigay din ng kaunting tulong si Rannasha sa pamilya ng kaibigan. Pagkatapos mag paalam sa isa't-isa si Rannasha at Amella, ay lumabas na ng chapel si Rannasha. Saktong tumigil ang itim na van sa harapan ni Rannasha. Pinagbuksan siya ng pinto ng bodyguard niya. Nang makasakay si Rannasha sa van ay dumating naman ang kotse ni Khaki sa bandang likuran ng van nag park ng sasakyan si Khaki. Kasama ni Khaki ang tatlong kaibigan niya. Kahit hindi kilala ng mga ito si Atarah ay sumama na ang mga ito upang personal na makiramay. Si Maverick naman ay kay Indigo sumabay. Bago tuluyan umusad paalis ang van ay nakita pa ni Rannasha ang ng isang lumang jeep owner na huminto sa bandang unahan nila. Sumakay doon si Amella. Muling nalungkot si Rannasha sa tuwing mapapatitig siya sa mukha ni Amella, naalala niya si Atarah. ~~~~~~~ "Ano! Papa naman alam mong hindi ko kayang hawakan ang negosyo mo. Ayos lang sa akin na mag trabaho ako sa kompanya mo. Pero ang hawakan ang iligal na negosyo niyo ni lolo, i'm sorry pa, but I can't. Gusto ko ng tahimik na buhay papa." Bigkas ni Khaki. Nandito siya ngayon sa opisina ng mansion ng kanyang ama. Pinatawag siya nito upang ipaalam kay Khaki, na sa kanya ipinapasa ang ng kanya lolo at papa ang negosyong, naging dahilan ng gulo sa pagitan ng Montenegro at Deogracia. "Hindi mo pwedeng tanggihan ito Khaki. Dugo ng Montenegro ang nananalaytay sa mga ugat mo, at kahit tumanggi ka ay wala kang magagawa. Ikaw ang napipisil ng lolo mo na mag managed ng negosyo natin." Ma-awtoridad na wika ni Kaven. "Bakit hindi na lang si kuya Finyx ? O yung ibang pinsan ko. Bakit ako pa ? Tahimik na buhay ang gusto ko papa, okay lang sa akin kahit hindi mo ako bigyan ng pwesto sa kompanya." "Tatahimik lang ang buhay mo kung patay ka na. Tatanggapin mo ba ang alok ko, or si Rannasha ang pahihirapan ko." Seryosong sabi ni Kaven sa anak. "Pa . . . I know you can't do that!" "Are you sure I can't do it? Kung si Rannasha ang dahilan kung bakit ayaw mong tanggapin ang inaalok namin ng lolo mo. Ako na mismo ang gagawa ng paraan para hindi kayo magkatuluyan." Sumeryoso ang mukha ni Khaki sa tinuran ng ama, si Rannasha na ang pinag-uusapan ngayon. At kahit sarili niya kaya niyang isakripisyo para kay Rannasha. "Fine!" Inis na sabi ni Khaki at lumabas na ng opisina ng kanyang ama. Hindi niya pwedeng suwayin ang ama kilala niya ito, may isang salita ito. Baka totohanin nito ang binitawang salita. Ayaw niyang maipit si Rannasha, kaya kahit labag sa loob niya ay tatanggapin niya ang alok ng ama. "I'm sorry, son. Mga Mondragon ang pumili sa'yo at wala akong magagawa." Mahinang bigkas ni Kaven sabay lagok ng alak sa baso. In the following months. Nakadapa si Khaki sa isang single bed. "Tapos na po boss." Sabi ng isang lalaking nag tattoo kay Khaki. Bumangon si Khaki at bahagyang nag inat ng dalawang braso. Halos matakpan ang buong likod ni Khaki dahil sa dalawang malaking dragon na naka-tattoo sa likod niya. Malinis at maganda ang pagkaka-tattoo ng dragon sa likod ni Khaki, itim at pula ang kulay ng tattoo ni Khaki. Ang itim ay simbolo ng Montenegro at ang pula ay simbolo ng Mondragon. Pero ang pinaka-nagustuhan ni Khaki ay ang tattoo niya sa gilid ng leeg niya. Ang pangalan ni Rannasha, ngunit hinango ito sa letra ng Spanish kaya si Khaki lang ang nakaka-alam kung ano ang ibig-sabihin ng tattoo niya. Several months passed. One month semester break ngayon nila Rannasha kaya plano niyang umuwi ng pilipinas. "Hindi ka ba uuwi ng pilipinas? Kung gusto mo, sumabay ka na sa akin. One month ang semester break natin." Wika ni Rannasha sa binatang kaharap niya. "I do not want. I will only go back there when I graduate from college. The day passed quickly. For me, a month is just a day. The clock ticks fast." Saad nito. "Pero mag isa ka lang dito sa bahay. Hindi ka ba maiinip? isang buwan akong mawawala." Turan ni Rannasha. "Always take care and enjoy your vacation. Don't mind me here, I have a lot to do, so I won't be bored." Sagot ng lalaki at kinurot ang pisngi ni Rannasha. "Sige, ikaw ang bahala. Sabi mo e, kung sabagay marami ka naman pera kayang-kaya mo umuwi ng pilipinas, kung gugustuhin mo." Sa malawak na pribadong paliparan naka-abang ang isang private plane. May logo pa ito ng aplyido ng kanyang ama. ‘ Scherrer ’ iyon ang mga letrang naka-ukit sa katawan ng private plane. Sa ibaba ng hagdan nag hihintay ang kanyang ama. Hindi pa man bumababa si Rannasha ay nakangiti na si Reydon. "Papa!" Bulalas ni Rannasha at masiglang bumaba sa kotse at patakbong tinungo ang ama at yumakap ng mahigpit. "I miss you so much po." Naluluhang sabi ni Rannasha. "I miss you too, my princess." Sagot naman ni Reydon sabay halik sa tuktok ng ulo ni Rannasha. "How's Levent?" Tanong ni Reydon sa anak ng makasakay sila sa plane. "Hayon, panay ang English. Dumudugo na nga ang ilong ko e, sa araw-araw na nag-uusap kami. Durog na yata yung utak ko. Pero mabait siya papa. Iyon nga lang parang may sariling mundo, minsan masungit. Ayaw niya nga sumama niyayaya kong umuwi ng pilipinas, pero ayaw niya talaga." Wika ni Rannasha. "Hayaan mo na yung pinsan mo, ganun lang talaga ugali nun." Bigkas ni Reydon. Apat na araw na si Rannasha sa pilipinas, pero ito siya nasa kuwarto niya nag mumokmok at nagbabasa ng libro. Tok ! Tok ! Tok ! Mula sa pagkakadapa sa kama ay mabilis bumangon si Rannasha upang pagbukasan ng pinto ang taong kumakatok sa labas ng pinto ng kanyang kwarto. "Mommy, may kailangan ka po ba?" Matamis na ngumiti si Xyrish kay Rannasha. "Tumawag kanina ang tita Ella mo. Naghahanap daw ng endorser at Modelo na babae si tita Angelecca mo. Do you want? para hindi ka naiinip dito." Wika ni Xyrish. biglang sumigla ang katawang tao ni Rannasha. Sa wakas makakalabas din siya sa apat na araw na nandito siya sa mansion, para siyang binuburo. "Kailan po mommy?" "Ngayon kailangan mo pumunta sa opisina ng tita Angelecca mo, at- - -" "At ako ang kasama mo." Putol ni Styles sa sasabihin ni Xyrish. "Akala ko ba, aalis ka ngayon? And why are you still here?" Mataray na tanong ni Xyrish sa asawa. "Yeah, aalis nga ako. Sasamahan ko si Rannasha sa opisina ni Angelecca. Balita ko kasi nandun din yung sniper. Babantayan ko lang yung anak natin, mahirap na." Saad ni Styles. "Anong sniper pinagsasabi mo diyan? Ikaw Styles kung kailan nagkaka-edad ka na kung ano-ano iniisip mo, lumalala ka na. Ako ang sasama doon kay Rannasha." Giit ni Xyrish. "Ako ang sasama kay Rannasha, period!" Matigas na sabi ni Styles. Napabuntong hininga na lang si Rannasha dahil sa pagtatalo ng kanyang mga magulang. "Sana pala doon na lang ako nag stay sa mansion ni papa. Parang wala akong kalayaan dito. O kaya dapat pala hindi na lang ako umuwi." Mahinang sabi ni Rannasha ngunit narinig ito ni Styles at Xyrish kaya tumigil ang dalawa sa pagbabangayan. Pero kahit nag drama si Rannasha ay wala siyang nagawa. Dahil si Styles ang kasama niya ngayon papunta sa White Cosmetics Company. "Bakit naman ganiyan ang dress na suot mo, anak." Turan ni Styles habang nag mamaneho. "Kay mommy po itong dress pinasuot niya sa akin." Walang ganang sagot ni Rannasha. Napasampal sa sariling noo si Styles. Talagang inaasar siya ni Xyrish, paano naroon din si Khaki. "Kaya ko naman po mag-isa pumunta doon sa opisina ni tita Angelecca, bakit sumama ka pa daddy." Aniya ni Rannasha. "Nandun din si Khaki at ayaw kong malapitan ka niya." Deretsong sabi ni Styles. Tumalon sa saya ang puso ni Rannasha, makikita niya si Khaki? Excited na siya na makita muli si Khaki. "Bakit ganiyan ang ngiti mo? Hindi halatang masaya ka." Puna ni Styles kay Rannasha. "Namiss ko po kasi si kuya Khaki, daddy." Sagot ni Rannasha. "Ang tanong namiss ka din kaya niya? Balita ko kasi sari-saring babae ang kasama nun." Bigkas ni Styles. Sumimangot ng husto si Rannasha kahit kailan panira talaga ng moment ang kanyang daddy. ~~~~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD