Chapter 14

3805 Words
"Holy cow!" Biglang nabigkas ni Khaki ng makita ang babaeng pumasok sa pinto ng opisina ni Angelecca. Muntik pa siyang masamid sa kapeng iniinom niya. Parang nag slow motion ang paligid dahil sa kagandahan ni Rannasha. Ilang sigundo rin natulala si Khaki. Totoo ba ang nakikita niya? o baka nananaginip lang siya. Si Rannasha ba talaga ang dalagang nag lalakad papalapit sa dereksiyon nila. Matamis nakangiti si Rannasha kay Khaki habang naglalakad ito palapit sa kanila. Nang medyo malapit na si Rannasha ay tumayo siya upang salubongin ng yakap si Rannasha. Sobrang namiss niya ang dalaga at gusto niya itong yakapin ng mahigpit. Pero ng akma sana niyang yayakapin si Rannasha ay biglang sumulpot na parang kabuti si Styles mula sa likuran ng dalaga. Hindi niya ito napansin kanina saan dumaan ang lalaking ito. Sa halip na si Rannasha ang yakapin ni Khaki ay dumeretso siya kay Styles. "Hey, kuya Styles long time no see, i miss you, huh." Wika ni Khaki at niyakap si Styles. "Tsk! kunwari ka pa ako ang yayakapin mo, pero ang totoo si Rannasha naman talaga. Kung hindi mo lang ako nakita, at hindi ako kasama ng anak ko, i'm sure parang linta kanang naka-kapit sa anak ko. Kilala ko na ang liko ng bituka mo Khaki, halang yang laman mo. I warning you, huwag mong babalakin, na isama ang anak ko sa mga collection mo. Kung gusto mo pang makita ang sikat ng araw!" Mahinang wika ni Styles na may halong pag babanta kay Khaki. "Tsk! Why you gonna be so rude, Don't you know i'm handsome too." Bigkas ni Khaki. Nagtatakang lumingon si Rannasha kay Khaki at sumimangot siya ng husto. Ang buong akala niya ay siya ang yayakapin ni Khaki. Nakita ni Khaki ang pag ismid ng labi ni Styles. Hindi alam ni Khaki kung bakit labis ang galit sa kanya ni Styles. Dati naman ay pinagkakatiwala ni Styles si Rannasha sa kanya. Lalo na no’ong bata pa si Rannasha. Nag bago lang si Styles simula ng magdalaga si Rannasha. Kaya simula no’on ay bad shot na siya kay Styles. At isa pang dahilan ay yung mga nangyari nung nakaraang taon? Kung sabagay ay hindi niya masisisi si Styles laging nalalagay sa kapahamakan ang buhay ni Rannasha kapag siya ang kasama ng dalaga. Naupo na lang muli si Khaki sa dati niyang inuupuan. Habang abalang nag uusap si Styles at Angelecca ay pasimpleng tinitigan ni Khaki si Rannasha. Nahuhuli naman siya ni Rannasha na nakatitig, kaya si Rannasha ay napapayuko nalang. Napangisi si Khaki dahil namumula ang magkabilang pisngi ni Rannasha. Dumako ang mga mata ni Khaki kay Styles ang sama ng tingin nito sa kanya. Kaya agad sumeryoso ang mukha ni Khaki. "What! pag susuutin niyo ng bikini two piece si Rannasha, at pag katapos makikita ng lalaking ito ang katawan ng anak ko!" Biglang sabi ni Styles at pagkatapos ay tinuro si Khaki. Napataas naman ang kilay ni Khaki. Pero dahil gusto niyang bwusitin pa lalo ang masungit niyang pinsan, ay nginisian niya ito ng nakakaloko na may halong pang-aasar. Nakakamatay na tingin ang pinukol ni Styles kay Khaki. Bakit ba masyadong mahigpit si Styles pagdating kay Rannasha. O baka naman iniiwas lang ni Styles sa kanya si Rannasha. "Ahmm, kasama kasi sa photo shoot iyon." Malumanay na wika ni Angelecca. "No, hindi ako papayag!" Muling sigaw ni Styles. Hindi nagustuhan ni Khaki ang pagsigaw ni Styles parang sinisigawan na nito si Angelecca. Gusto niya ng magsalita dahil hindi na maganda ang inaasal ng pinsan. Kahit mas matanda si Styles sa kanya ay kaya niya itong sipain sa mukha. Mabuti na lang ay dumating si Ellieoth ang asawa ni Angelecca. Total ay mamayang ala-una pa ang pictorial at doon sa tagaytay gaganapin ay bumalik muna si Khaki sa opisina niya. Dahil may importanteng meeting pa sila ng mga board directors. Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ni Khaki habang nag me-meeting sila sa loob ng boardroom. "What do you think, Mr Montenegro." Wika ng isang may edad na lalaki. Ngunit hindi binigyan pansin ni Khaki ang sinabi ng matanda. "I don't think this young man is paying attention to what we are talking about. He seems to be thinking about something else, besides this important meeting." Turan pa ng isang lalaking nakatingin kay Khaki. "Ahem! Mr. Montenegro, we are here in the boardroom to discuss the company's problem. Not for us to watch your daydreaming. We are wasting our time." Saad ni Mr. Vargas. "We're just wasting time. We don't have time to watch you smile by yourself like you're out of your mind." Giit pa ng isang matandang lalaki. "Para kaming nakikipag-usap sa isang baliw!" Sigunda pa ng isang lalaki. Nawala ang ngiti sa labi ni Khaki at napalitan ng malamig at seryosong expression ng mukha. "You are all too old for this job. It's only a few years before you all retire. Would you like me to promote your early retirement from this company?" Kalmadong sabi ni Khaki ngunit mababakasan ang pakseryoso sa boses ng binata. Nagkatinginan ang ilang lalaki at napayuko dahil sa binigkas ni Khaki. "Kahit ngumiti ako ng mag-isa dito, wala kayong pakialam! Maybe this is the right time for you all to retire. You are all too tired to work. So you all are stealing money from my company. Do you think I don't know what you are doing here? I'm not stupid!" Malakas na sigaw ni Khaki at malakas na sinuntok ng isang kamao niya ang mahabang black wooden table. Napasinghap ang lahat dahil sa takot. "If you all think that I am like my father, you are mistaken. I'm kind, but I'm not a saint! I can kill you all here in the boardroom! Lahat kayo ay walang awa sa ating mga empleyado, nagawa pa ninyong nakawin ang kanilang sahod. With the amount of money you all have, you can't all be satisfied. You are too hungry for money!" Parang lalabas ang mga eardrum ng taong naroon sa loob ng boardroom. Pakiramdam nila ay maiihi sila sa nerbyos. Akala nila ay kaya nilang paikutin at linlangin ang katulad ni Khaki. Pero. . . Nagkamali silang lahat. "If I were all of you, I would leave this company." Malumanay na sabi ni Khaki. "Hindi kami aalis sa kumpanyang ito!Have you forgotten, we have shares in this company? You can't just kick us out of here. We also have rights in this company." Matapang na sabi ni Mr. Vargas. Matalim na tiningnan ni Khaki si Mr. Vargas. "Did you forget to? You stole more money from the company, compared to your shares. You all make a choice, leave this company, or this place will be your grave." Matalas na tiningnan isa-isa ni Khaki ang mga lalaking naroon. Nangangatog ang tuhod ng mga ito habang humahakbang palabas ng boardroom. "Tsk! Ang ganda-ganda ng araw ko, na sira lang." Aniya ni Khaki at naupo sa swivel chair. Alas onse pa lang ay plano na ni Khaki gumayak papuntang tagaytay. Pero biglang dumating si Cassy, ang feeling girlfriend ni Khaki. "What are you doing here? Cassy?" Nakasimangot na tanong ni Khaki sa dalaga. "I'm here because I miss you. Don't you miss me?" Ma-arteng sabi ni Cassy. "Bakit naman kita mamimiss? Are we in a relationship? As far as I know, you are not my girlfriend." Hindi intensiyon ni Khaki saktan ang damdamin ng babae, pero mas mabuti ng sabihin niya ang salita iyon. Ayaw niya itong paasahin dahil wala siyang plano makiparelasyon sa kahit kaninong babae. Tanging si Rannasha lang ang babaeng gusto niya, at mamahalin niya. Wala ng iba. "Oy. . . Khaki! Sige na isama mo na ako. Promise hindi na kita kukulitin. Basta isama mo lang ako kung saan ka pupunta." Pangungulit ni Cassy. "Okay, as long as you promise me. Don't make a scene there. Rannasha is there, I don't want her to be jealous of you. Understand Cassy!" Matigas na wika ni Khaki. "Okay. Anong laban ko sa Rannasha na yun, mahal mo yun e,." Bigkas ni Cassy pero patago itong ngumisi. Palabas na ng pinto ng kanyang opisina si Khaki ng salubungin siya ng secretary niya. "Sir, may dumating kaninang envelope para daw po ito sa’yo." Inabot ng lalaki ang envelope kay Khaki. Napakunot ang noo ni Khaki kung ano ang laman ng brown envelope. Kinuha ito ni Khaki at binuksan habang naglalakad. Kinuha niya ang laman nito, mga larawan. Isa-isang tiningnan ni Khaki ang mga picture. Nagtagis ang kanyang bagang sa galit. Ang huling larawan na hawak ni Khaki ay yung magkayakap si Rannasha at Levent sa labas ng pinto ng isang mansion. Nakahalik pa ang lalaki sa noo ni Rannasha. Tumiim ang labi ni Khaki tuluyan na talagang nasira ang araw niya. "Fvck! Who is that fvcking guy!" Mariing wika ni Khaki. "Khaki! Please wait for me!" Pasigaw na wika ni Cassy dahil iniwan siya ni Khaki. Sa tagaytay. Nakaupo si Khaki sa black folding chair at hinihintay nila ang pagdating nila Rannasha. Nakabusangot ang mukha ng lalaki na parang hindi na maipinta. Gusto niyang konprontahin ang dalaga at tanongin kung sino ang lalaking kayakap nito. Pero pinangungunahan siya ng kaba at takot sa maaring malaman niya mula kay Rannasha. Baka hindi niya kayanin. Samantalang si Cassy ay hindi makalapit kay Khaki dahil baka sungitan siya ng lalaki at mapahiya pa siya. Ilang minuto lang ay dumating na sila Rannasha kasama si Xyrish at Styles. "Okay, dahil nandiyan na si Rannasha ay mag uumpisa na tayo." Bigkas ng baklang photographer. Habang inaayusan si Rannasha ng baklang make-up artist napalingon siya kay Khaki. Nahuli niya itong nakatitig sa kanya pero naka-kunot ang noo ng lalaki. Nagtataka si Rannasha parang galit ito sa kanya base na rin sa titig nito sa kanya. Nag-iwas nalang ng tingin si Rannasha kay Khaki dahil hindi niya kayang labanan ang mga nakakapaso nitong titig. Parang tumatagos sa buo niyang pagkatao. Nang matapos ayusan si Rannasha ay nagpalit na siya ng bikini two piece. Ito ang una niyang susuotin habang si Khaki ang suot ay, Men's Short Swim Trunks. Halos mabilis yata ang leeg ni Rannasha. Sinusundan niya ng tingin ang bawat pagkilos ni Khaki. Dumapo ang mata niya sa malapad na likod ni Khaki. Napakunot ang noo niya sa tattoo na naroon sa likod ni Khaki. "May tattoo siya sa likod? Dati ay wala naman siyang kahit anong tattoo sa kanyang katawan. Bakit siya nagpa-tattoo?" Tanong ni Rannasha sa kanyang sarili. "Khaki, water?" Tanong ni Cassy kay Khaki. "Thanks, Cassy." Nakangiting wika ni Khaki. Nairita si Rannasha sa nasaksihan naiinis siya dahil nakikipag-nginitian si Khaki sa ibang babae. At isa pa bakit ba may kasama itong babae? Girlfriend ba ito ni Khaki? Totoo ba ang sabi ng kanyang daddy na maraming nagiging babae si Khaki. Nahuli ni Khaki ang matalim na tingin ni Rannasha sa kanya at kay Cassy. "Hi Rannasha." Bati ni Cassy kay Rannasha na nakangiti na halatang plastic ang ngiting iyon. Tinaasan ng kilay ni Rannasha si Cassy at inirapan. Napangisi si Khaki sa ginawang iyon mukhang nagseselos ang dalaga. "Ay . . . Taray pala ng magiging girlfriend mo, Khaki. Inirapan ako?" Hindi makapaniwalang bigkas ni Cassy. Ngumisi lang si Khaki at napa-iling ng kanyang ulo. Parang may nagbago sa ugali ng dalaga, mukhang naging mataray yata ito. Nag-umpisa na ang photoshoot magkatabi si Rannasha at Khaki. Hindi makapag concentrate si Rannasha dahil naiirita siya sa pagmumukha ni Cassy. Panay kasi ang kaway nito kay Khaki, at si Khaki naman ay ginagantihan ng matamis na ngiti ang bawat pagkaway ni Cassy. "Tsk! Bakit kaya hindi na lang siya ang dalhin mo dito sa unahan at kayong dalawa na lang ang mag partner at magpapictorial. Total yung atensiyon mo nasa kanya!" Mariing wika ni Rannasha kay Khaki. Napatitig si Khaki sa mukha ni Rannasha natutuwa siya sa reaksiyon ng dalaga. Nagseselos ba ito? "Galit ka ba?" Mahinang tanong ni Khaki kay Rannasha. "Oo! Kasi ako yung kaharap mo, pero sa kanya ang atensiyon mo!" Galit na sagot ni Rannasha. "Ikaw nga nagpapahalik sa iba!" Halos pabulong na bigkas ni Khaki kaya hindi iyon naintindihan ni Rannasha. "What did you say?" Tanong ni Rannasha. "I said. Are you jealous, baby girl?" Nakangising turan ni Khaki. "Ako, magseselos? Never po!" Masungit na sabi ni Rannasha at inirapan si Khaki. "Lalo ka palang gumaganda kapag nagsusungit." Mahinang bulong ni Khaki. "I miss you so much." Dagdag pa ni Khaki. Naiilang tumingin si Rannasha kay Khaki pero mabilis siyang nag-iwas ng tingin, dahil nakatitig sa kanya ang binata. Ang mga ganitong titig ni Khaki ang hindi kayang salubungin ni Rannasha. Pakiramdam niya ay pati kaluluwa niya ay matutunaw sa napaka-init na titig na iyon. Bigla tuloy siyang nailang kaya bahagya siyang dumistansya ng kaunti sa lalaki. "Rannasha, idikit mo pa lalo ang katawan mo kay Khaki. At ikaw naman Khaki hawakan mo ang baywang ng kapares mo. Jusmeyo! hindi tayo matatapos nito kung nag iilangan at nag iinarte kayong dalawa!" Inis na turan ng baklang photographer. Kanina pa niya kinukuhanan ng picture si Khaki at Rannasha pero hindi niya ito makuhanan ng maayos dahil kanina pa niya nakikita ang mga ito na nagbabangayan. Hindi tuloy makuha ng mga ito ang tamang anggulo na gusto ng photographer. "Did you hear what he said? Come near me and listen to my heartbeat." Mahinang bigkas ni Khaki at hinawakan si Rannasha sa baywang at bahagyang inilapit ang sarili kay Rannasha. Ilang beses napalunok si Rannasha nang dumampi ang balat ni Khaki sa kanyang balat. Mas lalong nakaramdam ng pagka-ilang si Rannasha ng hindi sinasadyang mapatingin sa matigas na tiyan ni Khaki. "Don't look at my beautiful abs. Your daddy looks at me badly." Mahinang bigkas ni Khaki. Bumaling si Rannasha sa ama at nakita niyang masama ang tingin nito kay Khaki. Kulang na lang ay kainin ng buo ni Styles si Khaki. "Bakit kailangan pang hawakan ng lalaking iyan, ang baywang ng anak ko. Pwede naman silang kuhanan ng larawan, na hindi nag didikit ang mga katawan nila." Reklamo ni Styles. "Mr. Kingston, hindi naman mabubuntis ang anak mo, dahil lang hinawakan siya ni Khaki my boy. Masyado ka over protective kay Rannasha." Maarteng saad ng bading. "Ahmm . . . mas maigi siguro pag pahingahin muna natin sila." Buti na lang ay nag salita si Angelecca kaya natigil ang bangayan ni Styles at ng bakla. "Rannasha, halika." Tawag ni Angelecca kay Rannasha. Lumapit si Rannasha kay Angelecca at alanganin na ngumiti. "Ok ka lang ba? Gusto mo ba i-cancel muna natin ang pictorial na ito. At sa ibang araw nalang natin ipag patuloy." Malumanay na saad ni Angelecca. "Naku, ok lang po ako tita Angelecca, don't mind me po. Ang ina-alala ko lang ay si Daddy, ang sama kasi ng tingin niya kay kuya Khaki." Maagap na wika ni Rannasha. Iyon na lang ang sinabi niya kahit hindi naman talaga ang daddy niya ang dahilan kung bakit hindi siya komportable. "Huwag mo isipin iyang daddy mo, hindi naman makakapalag yan nariyan ang mommy mo. Sige pahinga ka muna, puntahan ko lang si tito Ellie mo." Paalam ni Angelecca kay Rannasha. "Okay po tita Angelecca." After fifteen minutes break ay nag umpisa muli ang photoshoot. "Ok, very good, ngayon naman ay ilapit ang mukha niyo sa isa't-isa." Utos ng baklang photographer. Nag-aalangan na ilapit ni Khaki ang mukha niya kay Rannasha. Ang sama na kasi ng tingin ni Styles sa kanya baka ipa-salvage na siya nito. Sa tankad ni Khaki ay buti na lang mataas ang hells na suot ni Rannasha at nakatungtong pa ito sa may box nagawa sa kahoy, kaya halos mag pantay sila. Kung hindi siguro ito naka suot ng heels at nakatungtong sa box ay baka hindi umabot si Rannasha kili-kili niya. Sa height ng dalaga ay hindi naman ito maliit sadyang matangkad lang si Khaki. "Kailan ka ba tatangkad, ang liit mo kasi." Pabulong na biro ni Khaki kay Rannasha. "Hmnp! Porket pang-kapre ang height mo ini-insulto mo na ang height ko." Nakangusong sabi ni Rannasha. Napansin ni Rannasha na nakatingin si Cassy sa dereksyon nila kaya nilapit niya ng husto ang mukha niya kay Khaki. Nakita niyang umirap si Cassy sa kanya kaya nginisian ito ni Rannasha. Gabi na ng matapos ang photoshoot. Dahil kanina pa puputok ang pantog ni Rannasha ay nag paalam siya kay Xyrish na pupunta ng comfort room. Pagkatapos umihi ni Rannasha ay naghugas siya ng kamay sa lababo. Naghilamos na rin si Rannasha upang matanggal ang make-up niya sa mukha, medyo nangangati na rin kasi siya. Maigi na lamang ay nailagay niya kanina sa bag ang liquid facial wash na madalas niyang gamitin. After she washed her face, she started to wipe her face with a tissue. Pagkatapos nun ay naglagay na lang siya ng lip balm sa kanyang labi. Sabi sa kanya ni Levent ay hindi rin maganda sa babae ang laging mag lagay ng make-up sa mukha. Kahit pa sabihin na mamahaling brand ang make-up ay nakakasira din sa skin ng mukha. Inaayos ni Rannasha ang gamit niya sa bag ng may biglang tumikhim sa loob ng washroom. Mula sa reflection ng salamin ay nakita niya si Khaki nakatayo sa labas ng isa mga pinto ng toilet cubicle na gawa sa glass. "Ku - -kuya Khaki? Ba--bakit ka nandito?" Nanginginig ang boses ni Rannasha hindi naman sa natatakot siya kay Khaki. Pero parang may nag bago sa pagkatao ng lalaki at hindi niya alam kung ano iyon. "I'm here because I want to tell you something." Seryosong wika ni Khaki at humakbang palapit kay Rannasha. Agad umikot paharap si Rannasha ng makitang humakbang si Khaki. "Anong sasabihin mo kuya Khaki?" Seryosong tanong din ni Rannasha kay Khaki. Kinakabahan siya sa maaaring sasabihin ni Khaki, baka ipagtapat ni Khaki na girlfriend nito si Cassy. “After the rain is falling. Naging putik ang lupa.” Parang nag loading yata ang utak ni Rannasha sa tinuran ni Khaki. "Huh?" Iyon lang ang lumabas sa bibig ni Rannasha habang nakatitig kay Khaki. Pinagti-tripan ba siya nito? Nang makabawi si Rannasha ay akma na sana siyang aalis. Pinagti-tripan mo yata ako kuya Khaki." Sambit ni Rannasha. "Wait, where are you going? We are not done talking yet." Pigil ni Khaki sa braso ni Rannasha at hinila pabalik sa kinatatayuan nito. Bahagyang yumuko si Khaki at itinukod ang dalawang kamay sa sink ng lababo. Ang siste ay na-corner ni Khaki si Rannasha, kaya wala ng lusot ang dalaga, hindi na siya makakawala. "Your height is cute. Mukhang hindi ka na yata tatangkad." Nang-aasar na sabi ni Khaki. "Hmnp! Sinundan mo lang ba ako dito para asarin kuya Khaki? Kung yan lang ang sadya mo, lalabas na ako." "Bakit ba ang sungit mo? Nandito ako para itanong kung sino yung lalaking laging nagnanakaw ng halik sa pisngi mo. Akala mo ba hindi ko alam." Biglang nagbago ang reaksyon ng mukha ni Khaki. Kung kanina ay nagagawang magbiro nito, ngayon naman ay galit. Ang bilis talaga mag palit ng mood nito, kahit no‘on pa man ay moody talaga itong si Khaki. Mabilis mag bago ng mood. "Sinong lalaki ang tinutukoy mo?" Puno ng pagtatakang tanong ni Rannasha sa binata. "Tsk! Kunwari ka pa hindi mo alam ang tinutukoy ko. Ano boyfriend mo na ba yun!" Naguguluhan si Rannasha sino ba ang tinutukoy nito? Sinong lalaki. "Hindi ko naman kasi talaga alam ang sinasabi mo. At isa pa, waka akong boyfriend." Giit ni Rannasha. "Really?" May kung anong dinukot si Khaki mula sa bulsa ng maong niyang pantalon. "Now, explain to me, who this man is!" Tinatapat talaga ni Khaki ang larawan sa harapan ng pagmumukha ni Rannasha. Bahagyang nabigla si Khaki ng makita ang larawan. "Wait, why do you have that? Where did you get that picture?" Tanong ni Rannasha. "It doesn't matter where I got it. Answer my question. Who is this man? Is he your boyfriend?" Tanong ni Khaki at mas lalong nilapit ang mukha sa dalaga. "Why do you want to know? At isa pa hindi ko sasabihin sa'yo kung sino siya." Nakataas kilay na wika ni Rannasha. "Damn it Rannasha! Alam mo bang halos mag-iisang taon na akong nagseselos sa lalaking yan! Bigyan mo ako ng sagot. Sino siya!" Galit sambit ni Khaki. "Bahala ka po, hindi ko sasabihin. Ikaw nga e, nakikipagngitian sa Cassy na yun. Kahit nasa harapan mo ako si Cassy ang pinapansin mo." Nagtatampong wika ni Rannasha. "Ikaw naman ang mahal ko. Si Cassy kaibigan ko lang yun. Hindi kita ipagpapalit sa kahit kanino, Rannasha. Kaya ko mag hintay ng ilang taon para maging akin ka. Ang hindi ko lang matanggap may lalaking yumayakap sa'yo. Hinahalikan ka pa sa pisngi, sa ulo. Sino siya sa buhay mo?" "Secret . . . Hindi ko sasabihin." Pang-aasar pa ni Rannasha kay Khaki. Bakit ito lang ba may kayang asarin siya, marunong din siyang bumawi. Tumiim ang labi ni Khaki mas lalo niya pang nilapit ang kanyang mukha sa mukha ni Rannasha. Isang dangkal na lang ang layo ng kanilang mga mukha. "You are my first love, Rannasha, and I will not allow you to end up with someone else. You are mine only. I should only be your first love, be your first boyfriend, and I will also be your last boyfriend. Understand, baby girl ?" Saad ni Khaki at biglang hinalikan si Rannasha sa labi. Nabigla si Rannasha sa ginawa ni Khaki hindi niya inaasahan na hahalikan siya ni Khaki. Naitukod ni Rannasha ang dalawang kamay niya sa sink ng lababo. Biglang nanglambot ang mga tuhod niya kailangan niya may makapitan baka bigla siyang himatayin. Naubos yata ang lakas niya dahil sa mapagparusang halik ni Khaki. Huminto si Khaki sa ginagawa nanatiling nakalapat ang labi niya sa labi ni Rannasha ng mag salita siya. "That's my punishment for you. And it's my kiss that reminds you that you are mine. I love you and I miss you, baby girl." Turan ni Khaki bago lumabas ng washroom. Naiwan na nakatulala si Rannasha para siyang nakalutang sa ere. Tinakasan na yata siya ng hininga kasi kahit paghinga ay nakalimutan niya. "Ang bata mo pa pero nagpapahalik ka na. Ang harot mo!" Sabi ni Cassy ng makalabas sa isa sa mga toilet cubicle. Nandito pala ang babaeng ito tiyak na lahat ng mga sinabi ni Khaki ay narinig ni Cassy, kaya galit na galit ang babae kay Rannasha. Ang boses ni Cassy ang pumukaw kay Rannasha. Bumaling siya kay Cassy tinaasan niya ito ng kilay. Ano bang problema nito sa kanya. "Bakit inngit ka po ba? Kasi ako hinahalikan ni kuya Khaki, tapos ikaw, hindi. Humaharot man ako pero kay kuya Khaki lang. Kung naiinggit ka, halikan mo ang dingding." Mataray na sabi ni Rannasha at iniwan si Cassy sa loob ng washroom. "Aba't- -, may pagkamaldita na rin pala ang batang iyon." Inis na inis si Cassy kay Rannasha. ~~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD