Nasa parking lot sila Rannasha kasama si Xyrish at Styles. Pagkatapos nilang kumain ng dinner ay napagdisisyunan na ni Styles na bumalik na ng manila. Nasa labas pa si Styles at kinakausap si Angelecca habang si Rannasha ay nasa backseat. Ilang sandali lang ay pumasok na rin si Styles sa driver seat.
Nang umikot ang kotse nahagip ng mga mata ni Rannasha si Khaki at Cassy sa medyo madilim na parte ng parking lot, kung saan naka park ang kotse ni Khaki. Kumuyom ang palad ni Rannasha dahil sa nakita. Si Khaki ay hinalikan ni Cassy sa labi.
"Tsk! Maharot daw ako. E, sa kanya, ano kaya ang magandang itawag? Maharot na Malandi! Sasampalin ko talaga ang babaeng yan kapag nagkita ulit kami!" Galit, pero pabulong na turan ni Rannasha.
.
"Are you okay, Rannasha? Are you saying something ?" Mahinahon na tanong ni Xyrish kay Rannasha mula sa front seat ay nilingon nito si Rannasha.
"Wala po mommy. Bigla po kasi sumakit mga mata ko." Alibi ni Rannasha at matamis na ngumiti sa ina.
Natapos ang isang buwan na bakasyon ni Rannasha. Hindi na nasundan ang pagkikita nila ni Khaki. Ngayon ay pabalik na siya sa america upang ipagpatuloy ang pag-aaral doon.
Iniabot niya ang isang maliit na red envelope sa tauhan ng kanyang ama.
"Ano po ito Madame?" Tanong ng lalaki.
"Pwede po bang pakibigay yan kay kuya Khaki."
"Masusunod, Madame." Yumuko ang lalaki sa harapan ni Rannasha tanda ng pagbibigay respeto sa dalaga.
"Salamat po."
Umakyat si Rannasha sa hagdan paakyat ng private jet. Pag-aari ito ng kanyang ama.
"Have a safe flight, Madame." Pahabol pa ng lalaki.
Dating gawi, tulad ng umalis noon si Rannasha ay tulala na naman si Khaki. Nakaupo siya sa swivel chair at nakatanaw sa labas ng glass wall ng kanyang opisina. Kanina pa nagsasalita si Maverick pero hindi niya ito pinapansin.
"You know pare, babalik din yun si Rannasha. Ano ba, nagmumokmok ka na naman diyan. Bakit kasi hindi mo nalang ipahanap kung saan ang address nakatira si Rannasha. Para mapuntahan natin siya. Kayang-kaya mo naman ipahanap si Rannasha."
"Hindi pwede. May usapan kami ni Mr. Scherrer. Maghihintay ako kay Rannasha kahit gaano katagal. Iyon ang ipinangako ko kay Mr. Scherrer. Ayokong pati sa totoong ama ni Rannasha ay ma-bad shot ako. Bad shot na nga ako kay kuya Styles, kaya hindi ako gagawa ng isang bagay na makakasira sa tiwala na binigay sa akin ni Reydon Scherrer." Sagot ni Khaki sa kaibigan.
"Naks! So, close na pala kayo ni Mr. Scherrer ? Totoo pala yung balitang naririnig ko. Lagi daw kayo mag kasama tuwing weekend, nag go-golf kayong dalawa. Sige lang dude magpa-good shot ka sa future father-in-law mo." Nakangising wika ni Maverick sabay tapik sa balikat ni Khaki.
Tanghali na kaya naisipan ng dalawa na sabay kumain. Pagalabas ni Khaki sa opisina lumapit sa kanya ang secretary niya.
"Sir, may envelope na dumating kanina, para sa'yo." Aniya ng secretary at inabot kay Khaki ang maliit na envelope.
"Please put it on my desk. I'll check later when I get back." Utos ni Khaki sa lalaki.
"Kay Miss Rannasha yata galing ito sir, nakasulat sa labas ng envelope na basahin mo agad ito." Wika ng lalaki.
"Akin na." Mabilis na kinuha ni Khaki ang nasabing envelope.
"Basta galing kay Rannasha, ang bilis kunin." Mahinang sabi ni Maverick.
"Syempre, galing sa baby ko ‘to." Bigkas ni Khaki at binuksan ang maliit na sobre.
"What's that? Love letter? Ang sweet naman ni Rannasha." Saad ni Maverick.
Binuklat ni Khaki ang long white paper hindi mawala ang ngiti sa labi ni Khaki, dahil akala niya ay mahaba ang nakusalat roon pero. . .
"Putangina! Akala ko pa naman nakakaiyak at nakakakilig ang nakasulat diyan. Ang long paper pero iyan lang pala ang nakasulat." Humagalpak sa tawa si Maverick.
‘ I saw you and Cassy kissing in the parking lot, that night. When I come back, I will slap that girl, in front of you. If you don't stay away from her, I will be looking for a boyfriend here. And I will ignore you. Yes, I love you. But I won't chase you.’ Iyon ang nakasulat sa liham na mula kay Rannasha. Sa papel ay may nakaipit pa itong larawan ni Rannasha. Nakasimangot at naka-dirty finger ang dalaga sa larawan na iyon.
Napangisi at napa-iling na lang si Khaki talagang nag bago ang ugali ni Rannasha.
"Kakaiba din pala mag selos si Rannasha. Nagpapadala ng sulat with picture, naka dirty finger pa. Pambihira ka pare hinalikan mo si Cassy? Naku minus ten ka ngayon kay Rannasha."
"Hindi ko hinalikan si Cassy, siya ang humalik sa akin. Nabigla nga din ako sa ginawa niya." Sagot ni Khaki sa kaibigan.
"Lagot ka pagbalik ni Rannasha. Baka hindi ka na sagutin nun. Si Mr. Scherrer na lang ang ligawan mo total mukhang magkasundo naman kayo." Tumatawang sabi ni Maverick.
"Gago!" Mura ni Khaki kay Maverick.
~~~~~~~
Five years passed
Mabilis lumipas ang mga taon ngayong araw darating si Rannasha mula sa america. Kasama niyang umuwi si Levent ang pinsan niya na ilang taon niyang kasama sa america.
Alas singko ng hapon nagpunta si Maverick sa penthouse ni Khaki. Pagdating niya sa bahay ng lalaki ay tulog pa raw ito sabi ng dalawang kasambahay. "Ang animal, tulog pa rin hanggang ngayon." Bigkas ni Maverick habang paakyat sa hagdan.
Malakas na kinalabog ni Maverick ang pinto ng kwarto ni Khaki. Naka-lock ito kaya hindi siya makapasok. "Hoy! Pare gumising ka na. Ngayon daw darating si Rannasha!" Sigaw ni Maverick sa labas ng pinto.
Kahit may hangover pa si Khaki ay mabilis siyang bumangon ng kanyang kama. Mabilis niyang hinayon ang pinto at pinagbuksan ang maingay niyang kaibigan.
"Fvck you man! You're so noisy. You don't have to shout. I'm not deaf, okay." Inis na angil nito kay Maverick.
"Tangina pare, may hangover ka pa? Ilang bote ba ng alak nilaklak mo kagabi? Anong oras ka na umuwi?" Nakangising saad ni Maverick.
"Ulul! Sino ba kasama ko kagabi? Diba kayo ni Indigo. Mga hayop kayo nilasing nyo ako, pagkatapos iniwan mo rin ako kagabi. Kung hindi pa sisibol ang araw hindi pa ako iuuwi ni Indigo kanina. May meeting pa naman ako ngayong araw." Asik ni Khaki kay Maverick.
"Teka, saan ka nga pala nagpunta kagabi? Bigla ka nag laho na parang bula." Tanong ni Khaki kay Maverick.
"I don't know. Naalala ko kagabi may kasama akong babae. Pero nang magising ako kanina wala na siya sa tabi ko." Naguguluhan na sagot ni Maverick.
"Saan ka natulog, sa hotel ?" Tanong ni Khaki.
"Yes, pero kasi. Namali ako ng pasok ng kwarto. Sa sobrang kalasingan ko hindi ko alam na ibang kwarto pala ang napuntahan ko. Tapos. . ."
"Tapos?"
Tanong ni Khaki sa sasabihin ni Maverick. "Something happened between me and that girl. Last night." Mahinang sabi ni Maverick. Napaupo si Maverick sa kama ni Khaki at napahilamos.
Kahapon ay dumalo ng engagement party si Khaki at Maverick. Sa susunod na buwan ay ikakasal na ang kaibigan nila na si Indigo. Ang engagement party ay ginanap sa isang hotel resort.
Hindi na nagulat si Khaki sa sinabi ng kaibigan sanay na siya sa gawain nito.
"And so what, if you had s*x with that girl. Not a big deal. Haven't you been doing that for a long time? To have s*x with your girls. Anong nakakagulat dun?" Khaki said to Maverick with sarcasm in his voice.
"s**t! You do not understand me!" Sigaw ni Maverick at muling napahilamos sa kanyang mukha.
"Talagang hindi kita maiintindihan. Ang laki mong tanga! Samahan pa ng kalibugan mo sa katawan! Simula highschool kilala ko ugali mo, Maverick. Babaero ka! Hindi naman kawalan sayo kung may nangyari sa pagitan ninyong dalawa ng babaeng yun. She gave herself to you. So that means she liked it too." Aniya ni Khaki. Bigla siyang naistress sa kaibigan nawala yata ang hangover niya sa alak.
"Sana nga ganun ang nangyari, pero. . . Hindi. Yes I admit I was drunk last night. But I know what I did."
"What do you mean?" Tanong ni Khaki sa kaibigan.
"I forced her to have s*x with me. I'm confident, that I was the first man she had s*x with. She is still a virgin." Wika ni Maverick bahagyang sumilay ang pilyong ngiti sa labi.
"For god sake! You raped her. Tapos nagagawa mo pang ngumiti. Gago ka talaga!" Sigaw ni Khaki at nilapitan ang kaibigan at kwenelyuhan. Tatlong beses niya itong sinuntok sa mukha bago niya ito binitawan.
"Thank you for your punch. Now I woke up to the stupidity I did." Saad ni Maverick.
"Tarantado ka talaga!" Singhal ni Khaki.
Nang bahagyang kumalma si Khaki ay tumabi siya kay Maverick na ngayon ay nakaupo sa sahig at nakayuko. Umiiyak ito habang hawak ang itim na wallet. Kinuha niya ang nag iisang larawan ni Atarah.
"Six years have passed, but I can't forget her. I missed her so much! You know, while I was kissing that girl last night. I saw Atarah. Her eyes, her lips. Her beautiful face. So I couldn't stop myself. I can't get her out of my mind. I don't know what to do with myself. Mababaliw na ako. Kasalanan ito nung hayop na gumahasa kay Atarah. Dahil sa kanya nagpakamatay ang nag-iisang babaeng mahal ko." Umiiyak na turan ni Maverick.
Kung kanina ay galit na galit siya sa kaibigan. Ngayon ay awang-awa siya kay Maverick. Matagal ng patay si Atarah, pero hindi parin nakalimutan ni Maverick ang dalaga. Ang buong akala niya ay kahit paano ay nakalimutan na ni Maverick si Atarah dahil bumalik ito sa pagiging makulit at palangiti na tao. Pero hindi pa pala dahil sa puso nito ay patuloy itong nasasaktan at nangungulilala.
"Atarah has been dead for a long time, Maverick. It's time to forget her, I know it's hard, but there's nothing we can do. We are here on earth to continue our lives. When you stay in the past, you can't leave. Do you want Atarah to be sad because she sees you crying because of her? Tuloy lang buhay pare. God has a plan for you. Masyado ka kasing babaero kaya hindi binigay ng diyos si Atarah sayo. Hindi raw kasi kayo bagay, si Atarah anghel. Demonyo ka raw kasi." Biro ni Khaki.
Bahagyang tumawa si Maverick sa huling sinabi ni Khaki. "Gago."
Muling sumeryoso ang dalawa at ilang sigundong katahimikan bago muling nagsalita si Khaki. "Hindi mo ba maalala ang mukha ng babaeng yun? Wala ba siyang naiwan na gamit doon sa kwarto, or palatandaan kung sino siya?" Tanong ni Khaki .
"I found a calling card under the bed. At sigurado akong sa kanya ang singsing na naiwan sa bedside table."
"What the Fvck ! Singsing? Putangina ka pare hindi kaya si, Bellissa ang babaeng yun?" Saad ni Khaki. Dahil kung magkataon na si Bellissa ang babaeng yun. Sigurado malaking gulo ito sa pagitan ni Indigo at Maverick. Ikakasal na si Indigo at Bellissa.
Parehong best friend ni Khaki si Indigo at Maverick hindi niya alam kung sino ang kakampihan sa dalawa.
"That's impossible. Because Bellissa left last night with her friends. At isa pa medyo matangkad si Bellissa. The girl I was with last night. Her body is petite. And I know she's not as tall as Bellissa." Aniya ni Khaki.
"Kung ganon, unano ang nakasiping mo kagabi." Natatawang sabi ni Khaki.
Matalas siyang tiningnan ni Maverick.
"Alam mo ikaw minsan wala kang kwentang kausap. Ang seryoso ng pinag-uusapan natin tinatarantado mo." Bigkas ni Maverick.
"Joke lang. Pinapatawa lang kita baka kasi maihi ka sa nerbyos. Kung hindi si Bellissa, sino ?"
May dinukot si si Maverick mula sa bulsa ng maong niyang pantalon. Ang calling card na napulot niya kanina. Inabot niya ito kay Khaki. "Si Aslan? Si Aslan ang nakasiping mo kagabi?" Natatawang sabi ni Khaki.
"Gago! Wala ka talagang kwentang kausap!" Angil ni Maverick kay Khaki.
"Binibiro ka lang. Playboy Vs Womanizer. Babaero si Aslan pero matindi magmahal yun ng babae. You're lucky. Si Aslan yung boyfriend, pero ikaw yung naka-score. Good luck." Wika ni Khaki at dumeretso sa banyo. Si Aslan ay kaibigan din nila Khaki pero, hindi ito masyadong close sa grupo nila dahil hindi ito mahilig sumasama sa mga lakad nila, may sarili kasi itong mundo. Si Aslan ay pinsan ni Indigo.
"This house is for you. This is my gift to you, anak." Wika ni Reydon kay Rannasha.
"Really, papa? Oh my gosh! Thank you papa. Masyadong malaki ang place na ito para sa akin. Pero ayos lang dahil dito muna titira si Amella kasama ko. Okay lang sayo papa?" Bigkas ni Rannasha at yumakap ng mahigpit sa ama.
"Mabuti naman kung ganun. Maganda nga yun para may kasama ka sa bagong bahay mo. This house is yours, so you decide who you let in. You are the queen in this house. " Bigkas ni Reydon.
"Salamat papa."
"You're welcome, my princess. By the way, I'm leaving, I have a meeting tonight at six o'clock. Let's meet later at your daddy Styles' mansion."
"Okay po papa, ingat po."
"Rannasha." Tawag ni Reydon kay Rannasha. "Yes po, papa?"
Parang may nais sabihin si Reydon kay Rannasha, pero nagdadalawang isip ito kung sasabihin ba niya o hindi. Ngumiti ito kay Rannasha at umiling.
Ilang sandali ang lumipas ay may nag doorbell sa labas ng gate. Tatayo na sana si Rannasha mula sa pagkaka-upo sa sofa ng lumabas ang katulong mula sa pinto ng kitchen.
"Ako na magbubukas iha." Aniya ng babae at dali-daling lumabas ng pinto.
"Amella!" Bulalas ni Rannasha ng makita ang kaibigan.
Mabilis humakbang si Rannasha palapit sa kaibigan at niyakap ito ng mahigpit. Simula ng makilala ni Rannasha si Amella doon sa burol ni Atarah ay naging magkaibigan ang dalawa. Hindi na wala ang kanilang komunikasyon kahit nasa amerika si Rannasha ay patuloy silang nag-uusap ni Amella.
"Pasensya ka na ha, ngayon lang ako dumating. Dumaan pa kasi ako sa quiapo binisita ko yung dating bahay namin doon." Wika ni Amella.
"Okay lang, ano ka ba. Kaninang alas kwatro lang din ako dumating. Ngayong araw ka rin lang ba lumuwas ng manila?" Tanong ni Rannasha.
Yumuko si Amella at marahang umiling. "Kahapon pa ako lumuwas ng manila. Dumalo ako sa isang engagement party kagabi." Saad ni Amella.
"Talaga? Sino kasama mo?"
"Yung fiance ko." Tipid na sagot ni Amella.
"Sayang may fiance ka na. Ipapakilala ko pa naman sana sayo si Levent, yung pinsan ko. Anyway, i missed you, Amella . Marami akong pasalubong sayo halika doon tayo sa kwarto ko." Masiglang sabi ni Rannasha at inagaw sa kamay ni Amella ang bag na dala niya. Hinila niya si Amella patungo sa hagdan.
"Kuya Victor, please take Amelia's two suitcases to her room. Thank you kuya Victor."
Si Victor ay kanang kamay ni Reydon pero ngayon ito ang personal butler at bodyguard ni Rannasha.
"Ouch!" Daing ni Amella ng humakbang siya paakyat ng hagdan.
Nagtatakang tumingin si Rannasha sa kaibigan. "Amella, okay ka lang? What hurts you?" Nag aalalang tanong ni Rannasha sa kaibigan.
"Huwag mo ako intindihin Rannasha, masakit lang ang balakang ko. Nadulas kasi ako kagabi sa banyo bumagsak ang pang-upo ko." Wika ni Amella at ngumiti at pinilit humakbang.
"Kaya mo ba? Gusto mo ipakarga kita kay kuya Victor?"
"Hahahaha !" Malakas na tumawa si Amella dahil sa tinuran ni Rannasha.
"Frieny, ang OA mo. Nakakapaglakad pa ako hindi ako baldado. Hindi ko kailangan si kuya Victor." Tumatawang sabi ni Amella.
"Are you sure na okay ka lang ? Kasi kung hindi mo kaya maglakad, pwede ka mag stay dito sa bahay." Saad ni Rannasha kay Amella.
"Ano ka ba, balakang lang masakit sa akin. Kaya ko maglakad Rannasha, hindi pwedeng wala ako doon sa pa-welcome party ng daddy mo para sa'yo. Ngayon pa nga lang tayo makakapag-bonding ng bonggang bongga. I can handle myself." Matamis na ngumiti si Amella.
"Masakit balakang mo pero magtatakong ka pa." Nakataas na kilay na sita ni Rannasha kay Amella.
"Wala naman akong isusuot na iba. At isa pa dress ang suot ko, girl. Hindi naman pwedeng mag sapatos ako." Katuwiran ni Amella.
"May stiletto ako dito one inch lang ang taas. Ito ang isuot mo." Sabi ni Rannasha at hinalungkat ang malaking maleta niya na pulos stiletto heels ang laman.
Hindi na nag abalang mag lagay ng make-up sa kanilang mukha si Amella at Rannasha. Lipstick kaunting wisik ng pabango.
"Ang ganda natin Frieny!" Masayang sabi ni Rannasha.
V-neck Full Sleeves Wine Bodycon Velvet short dress ang suot ni Rannasha fitted ito sa katawan niya. Kaya hubog na hubog ang magandang katawan ni Rannasha.
"Ang sexy mo girl." Turan ni Amella habang nagsusuklay ng mahabang buhok niya sa harapan ng malaking wall mirror.
"Mas sexy ka." Sagot ni Rannasha.
"Papayagan kaya tayo ni tito Reydon at ni Tito Styles na pumunnta sa bar ng ganito ang suot natin? Baka paluin tayo ng mga sinturon ng mga yun." Sabi ni Amella at bahagyang tumawa.
Nang makarating sila sa mansion ay wala pa gaanong tao. Tanging kaibigan at kamag-anak ng kanilang pamilya ang naroon sa malawak na pavilion ng mansion.
Lahat ng makasalubong ni Rannasha ay binabati siya. Pumasok muna sila sa loob ng mansion.
"Daddy, mommy." Tawag niya kay Styles at Xyrish.
"Ate Rannasha!" Sigaw ng isang batang lalaki na nasa edad sampung taong gulang na.
"Rain, wow! Ang tangkad mo na. Mas matangkad ka pa sa akin." Niyakap ni Rannasha ang panganay na anak ni Styles at Xyrish.
"I missed you, ate Rannasha." Malambing na sabi ni Rain at muling yumakap kay Rannasha.
"I missed you too, Rain. Si Shunrise?"
"Tulog na siya." Sagot ni Rain.
Nang mag alas otso ay nag umpisa na ang pagdiriwang. Si Amella ay nag paalam kay Rannasha na pupunta sa banyo. Kaya lumabas na si Rannasha dahil tinatawag na siya ni Styles at Xyrish.
Dumating din si Brent kasama ang kakambal nito. Ilang minuto ang lumipas ay dumating si Levent sinalubong ito ni Rannasha.
"Levent." Yumakap at humalik sa pisngi ni Rannasha si Levent. "Ang sexy masyado ng dress mo, baka kurutin ka sa singit ng lover boy mo. Is he here now?" Pabulong na tanong ni Levent sa tainga ni Rannasha.
"I don't know, I haven't seen him yet. I just came out." Sagot ni Rannasha at bahagyang lumayo kay Levent. Inilibot ni Rannasha ang kanyang paningin sa paligid. Huminto ang kanyang mga mata sa bandang sulok kung saan nakapwesto ang round table. Medyo madilim ang bahagi ng kinaroroonan ng apat na lalaki. Hindi masyado natatamaan ng liwanag ng ilaw ang parteng iyon. Pero hindi naging hadlang ang dilim para hindi niya makilala ang lalaking nakasimangot at ang mga mata nito ay matalim na nakatitig sa lalaking kasama niya ngayon. Napalunok si Rannasha ng magtagpo ang kanilang mga mata.
"I have seen him. I will go to him. Stay here. " Aniya ni Rannasha kay Levent.
"Wait, won't you take me with you and introduce him?" Pigil ni Levent kay Rannasha.
"Mamaya na, ang sama ng tingin niya sayo. Baka sakalin ka niya ng wala sa oras." Saad ni Rannasha at iniwan si Levent.
Nakasalubong ni Rannasha ang waiter na lalaki may dala itong round tray na may mga laman na alak at wine. Kinuha niya ang isang kupita glass na may lamang wine. Habang palapit siya sa dereksyon nila Khaki ay sinisimsim niya ang wine sa kupita glass. Nilamon na siya ng kaba lalo ng masilayan niya ng malapitan ang gwapong mukha ni Khaki. Kung kanina malakas ang moob niya, ngayon ay nangangatog ang dalawang tuhod niya dahil sa kaba.
"Parang sumobra yata sa gwapo ang isang ito." Saad ni Rannasha sa kanyang isipan.
"Hi guys. Can i joined?" Matamis na ngumiti si Rannasha.
"Sure. . ." Wika ni Maverick.
At dahil wala ng maupuan ay pumunta si Rannasha sa harapan ni Khaki. Nabigla ang ang mga kaibigan ni Khaki ng umupo si Rannasha sa hita ni Khaki.
Si Khaki naman ay parang kakapusin sa hininga.
Bahagyang nilapit ni Rannasha ang kanyang bibig sa tainga ni Khaki at bumulong. "I missed you, kuya Khaki. Did you miss me too?"
"Of course, my baby girl. I missed you too, so much." Mahinang turan ni Khaki.
Ngumisi si Rannasha at biglang hinalikan si Khaki sa labi mabilis lang iyon. Pero parang tinamaan ng kidlat si Khaki dahil sa ginawa ni Rannasha. Tumiim ang labi ni Khaki gusto niyang gantihan ang simpleng halik na iyon. Pero hindi pwede, kailangan niyang pigilan ang sarili. Dahil baka bigla siyang barilin ni Styles.
"Ang sakit niyo sa mata." Reklamo ni Maverick.
Saglit na nagpaalam si Rannasha dahil may tatawagin lang daw ito.
"Pare, hinog na, pwede mo ng mapitas." Sabi ni Maverick at ngumisi ng nakakaloko.
"Tarantado." Asik ni Khaki kay Maverick.
~~~~~~`