"Hello...?" nakakunot ang noong sinagot ni Zarah ang tawag mula sa isang di pamilyar na numero. Kasalukuyan siyang nagluluto ng pancit canton nang matanggap ito.
"Where can I pick you up tonight baby?"
Lumukot ang kaniyang mukha nang marinig ang nasa kabilang linya.
"Sino to?" nakataas ang kilay na tanong niya.
"I'm your knight baby. Kaya just tell me where you are."
Ngumisi ang ito at rinig na rinig niya.
"Hey, manong! Wrong number yata itong natawagan mo." pagkatapos sabihin iyon ay mabilis na pinindot ni Zarah ang end call button at pahagis na inilagay muli sa ibabaw ng lamesita ang aparato.
Babalikan na sana niya ang nakasalang na pancit canton sa rice cooker nang muling tumunog iyon.
"Manong, hindi kita kilala. Hindi ako nangangailangan ng knight in shining armor."
"I am just mesmerized. Masyado ka kasing maganda. Puwede bang magkita tayo ngayon-----"
Napailing na lanh ang dalaga. Naisip niyang buang siguro ang tumatawag kaya hindi na siya nagsalita pa at diretsong ini-off ang cellphone.
Binalikan na niya ang niluto at hinango iyon. Nilagay niya ang mga sangkap sa mainit na noodles at hinalo ng maigi. Hanggang sa puwede na niya itong kainin. Lumabas siya ng silid at umupo sa maliit na terasa. Inaliw niya ang sarili sa panonood ng mga sasakyanh dumadaan habang kumakain ng mainit na pancit canton na pinarisan niya ng C2.
Pagkaraan ng halos isang oras ay babalik na sana siya sa kaniyang silid ng tawagin siya ng isa sa kaniyang mga boardmates na nasa baba.
"Zarah...may bisita ka."
"Sino?" sigaw niyang nakakunot ang noo.
Bago paman nakasagot ang babae ay nakita niyang biglang dumating si Zach. Nakasuot ito ng basketball uniform at may dala-dalang backpack.
"Zach? Anong ginagawa mo rito? Teka, bababa ako."
Patakbong bumalik sa silid si Zarah at nagsuot ng bra. Pagkatapos ay bumaba siya at sinalubong ang binata.
"Hey! Gabi na hoy... anong ginagawa mo rito sa boarding house?"
"Zang, may basketball kami ngayon. Puwede bang samahan mo ako. Manood ka naman kahit isang beses lang."
Ngumiti ng mapakla si Zarah.
"Zachary..."
"Sige na. Hindi ko naman na ipipilit pa ..ang alam mo na. Pero sana don't push me away. Kahit kaibigan na lang."
Gumuhit sa mukha ng dalaga ang naiiritang ngiti. Makulit rin kasing isang to.
"Okay-okay. Sige-sige. Hintayin mo ako. Tatawagan ko si Joan para naman may katabi ako sa panonood ng laban ninyo."
"Sure!" Ngumiti ng malapad si Zach.
"Hintayin mo ako. Magbibihis muna ako."
"Sige. Take your time."
--------------------------
"Hoy! Nasan ka na ba? Magsisimula na ang laro!"
Nakangisi lang si Voltaire habang
pinapakinggan ang nasa kabilang linya.
It's Floyd over the phone. Kanina pa ito tumatawag sa kaniya pero di niya sinasagot kasi busy ang kaniyang linya.
"Nandito pa ako sa kalye nagtatrabaho." natatawa niyang wika. Pagkuway kumunot ang kaniyang mukha nang makitang palabas ng eskinita si Zarah kasama ang isang matangkad na lalaki na nakaunipormeng pangbasketball.
Nagtataka kayo kung bakit natunton niya ang tinitirhan ng dalaga? Well, ginamit lang naman niya ang kasanayan niya. While the call was connecting, he traced her location. As simple as that! Just a piece of cake. Parte na iyon ng kaniyang plano. It's been a week already ang he's now starting his undercover mission.
Pokpok ba talaga to? Tsk! She's so casual. Hmm...boyfriend niya ba tong patpatin na to. Wala man lang ka muscle-muscle.
"Voltaire!"
"Oo na. Pupunta na ako dyan. Ano bang ikinapuputok ng butse mo dyan? I'll be there to save your ass, dude. Basta ba bigyan mo lang ako ng malaking komisyon ."
"Yeah! Yeah! Whatever, nasaan ka na ba?"
"Papunta na!"
Kinambyo niya ang makina ng sasakyan at sinimulang patakbuhin ang sasakyan. He slow downed when he passed in front of them. Ibinaba niya ang bintana ng sasakyan at tinanaw ang dalaga. Nakatayo ito at ang kasama na waring naghihintay ng masasakyan. Parang nagslow-mo sa kaniyang paningin ang sandaling iyon.
"Maria Zarah Barrameda I'll bring you over my bed once more." he whispered her name while passing by. Di niya mapigilan ang hagudin ito mula ulo hanggang paa. She's so simply beautiful. Nakasuot ito ng jogger pants at white tshirt. Nakapusod ang buhok at sling bag. Honestly may parte ng critical thoughts ni Voltaire ang kumukwestiyon kung ano ba nga talaga itong klase ng babae. He saw them getting in a cab from the side mirror of his car. He grinned.
--------------
"Okay ka lang dito?" nakangiting tanong ni Zach kay Zarah habang nasa hanay ng bench sila sa loob ng isang gymnasium.
"Oo, sige na. Parating rin naman si Joan. Tinawag ka na ng coach ninyo oh."
Ninguso ng dalaga ang tinutukoy.
"Salamat. Thanks for coming with me."
Tumango lang si Zarah at umupo na. Lumingon-lingon siya sa paligid. Ang daming taong naroon. Doon pa niya nalaman buhat sa announcer na isa palang exhibition game iyon sa pagitan ng mga barangay sa lungsod. Hired lahat ng manlalaro at isa si Zachary doon.
Ngumiti siya nang makitang kinawayan siya ng binata bago pa ito pumasok sa game area para sa warm up. Narinig niyang sinambit ng announcer ang apilyido ni Zachary at ang numero ng suot nitong jersey.
Ilang minuto ang lumipas ay naroon na ang lahat ng manlalaro mula sa dalawang kupunan.
------------------
"Hoy! Ang talent fee ko ha!" natatawang wika ni Voltaire nang bigyan siya ng bola ni Floyd. He would play tonight as the team captain.Paglipas ng maraming taon, hindi niya inaasahan na magiging kapitan ng barangay pala ang kaibigan niya. Unang term pa raw ito ng kaibigan kaya unang beses rin nitong sumali sa liga.
"Ipanalo mo muna, bago mo ako singilin." anito at umupo sa bench katabi ng coach ng grupo nila.
Tumawa lang si Voltaire at tinalikuran ang kaibigan. Nagdribble siya papasok ng basketball court pagkatapos ay tumira ng isang tres.
Damn! Wala pa rin siyang kupas paglipas ng mga taon. Na-shoot lang naman niya ang bola ng walang mintis. Dumagundong ang isang bahagi ng gym na puro taga Baranggay 23 kung saan tumatayong kapitan si Floyd. Ang tinis ng mga tili ng bakla at kababaihang nanonood. Sunod-sunod na tumira si Voltaire at lahat ng iyon ay PUMASOK!
Paglipas ng limang minuto ay nagsimula na ang laro. Nakahanay na sa gitna ng court ang dalawang kupunan at nakahanda sa agawan ng bola.
Sa hudyat ng referee ay iti-noss nito ang bola sa ere at walang preno-prenong tinalon iyon ng dalawang team captain.
Voltaire got the edge because he's taller than the other. Kay taas rin nitong tumalon kaya ito ang nakakuha ng bola. Sa puntong iyon ay nagkalat na ang lahat ng manlalaro sa court. Kaniya-kaniyang depensa at opensa para makapuntos.
Dinribble ng binata ang bola at patakbong tinahak ang ring. Kaagad siyang hinarang ng team captain ng kalaban ngunit mabilis siyang kumilos at sinubukan pang linlangin ang kalaban sa pamamagitan ng pagtira ngunit kaagad siyang sumibat mula sa mga kamay nito at patakbong lumapit sa ring. He jumped and made a lay-up. Score 2:0 in favor of Barangay 23. Nagtilian ang mga nanonood na mga taga barangay.
"Hey!"
Napalingon si Zarah nang may kumalabit sa kaniya mula sa gilid. Tutok na tutok kasi siya sa laro. Medyo na-carried away siya. Hindi niya namalayan ang pagdating ni Joan.
"Hoy baday! Ang tagal mo." paangil niyang wika nang lingunin ito.
Ngumisi lang si Joan at inabutan siya ng isang plastic na lamang malamig na soda.
"Thanks! Bakit ang tagal mo?"
"Hindi kasi talaga ako pinayagan ni Lola. Pinilit ko pa ng pinilit. Gabi na raw kasi."
Tumawa si Zarah.
"Sabihin mo kay Lola Benilda na hindi ka na bata."
"Kay haba nga diskusyon namin no, mabuti na lang at napapayag ko rin sa huli."
"Mabuti naman. Bago pa lang naman nagsimula ang laro. Infairness, nakakatuwa rin pala manood ng basketball."
"Ay te, ngayon ka pa? Taga-saang mundo ka ba?"
"Hahaha! Ano ka ba! Siyempre akala ko lalaki lang ang natutuwang-----"
"WOW! WOW! SINO YUN? TRES YUN! AHHH ANG GALING!"biglang tili ni Joan na ang mata ay naroon na pala sa laro. Biglang pumait ang mukha ni Zarah at itinuon na lang rin ang sarili sa laro.
"Hoy! Si Zach ang i-cheer mo! Gaga!"
"Sino ba ang lalaking yon?" kinikilig na bulalas nito pagkatapos simipsip ng cola.
"Taga-Barangay 23 yan. Team Captain nila------"
"Bes, Oh My! ANG GUWAPO NIYA----"
"HOY!!!! HOY!!!! Maghunus-dili ka, sapakin kita dyan."
Tumaas ang kilay ni Zarah at pinandilatan ang kaibigan na wala sa.kaniya ang atensiyon.
Nagpatuloy pa ang laro at sa puntong iyon ay naka-shoot ng isang tres si Zach. Mabilis pa sa kidlat na napatayo si Zarah at napatili. Tumingin sa kaniya ang binata at nagthumbs up siya rito. Ang score ay 12:14 in favor of Barangay 23 pa rin. Agresibo ang bawat kupunan. Giriian at gitgitan ang nangyayari sa loob ng court. Hanggang sa biglang nadapa si Zach.
"Foul!" sigaw ng referee.
"Anong nangyari?" tanong ni Joan kay Zarah.
"Itinulak siya ng kalaban. Tss.."
Maya-maya ay binigyan si Zach ng chance na makapag-free throw.
"ZACH...KAYA MO YAN!"
Ang mga wikang iyon ay nahagip ng pandinig ni Voltaire dahilan upang saglit niyang lingunin ang pinanggalingan n'on.
Right there and then, he saw Zarah smiling and cheering up someone.
"Huh! Let's see kung hanggang saan mo iche-cheer ang totoy na yan." He grinned.
Pumito ang referee at pinakawalan ni Zach ang bola. Dalawang magkasunod na free throw, lahat pasok! Di napigilan ng dalaga ang mapasuntok sa hangin dahil sa nakita.
Sa pagkakataong iyon, nasa kamay ni Voltaire ang bola. Agresibo siyang nagdribble at hindi nagpatinag sa mga kamay na humaharang sa kaniya. Nang maipit siya sa dalawang lalaking dumidepensa ay napilitan siyang magshoot sa labas ng malaking curve. PASOK! Muling umugong ang buong gym. Mahigpit at napaka-init ng labanan. Hanggang sa tuluyan na ngang lumipas ang ilang quarters at natapos ang laro sa score na 93-106, panalo ang Barangay 23.
Pagkatapos ng laro ay nagmamadaling bumaba aa bench si Zarah at Joan para batiin si Zach. Kahit hindi nanalo ang grupo nito, nagpakita naman ng di matatawarang husay ang binata.Lalo pa't nakashoot ito ng iilang tres.
Eksaktong umapak ang isang paa ni Zarah sa semento ng court ay may sumalubong sa kaniyang isang lalaki. Player ito ng Barangay 23. Ang kanilang Team Captain.
"Hi!" nagpahid ng pawisang kamay si Voltaire at ngumiti sa dalaga.
"Hello, congrats po sa inyo." alanganing wika niya. Hindi siya makadaan dahil nakaharang sa maliit na lagusan ang matangkad at malaking bulto.
"Thanks by the way, I'm Ethan Gonzaga."
Kumunot ang noo ng dalaga. Ang alam niya Mondragon ang nasa likuran ng suot nitong jersey. Nang mapansin ito ng binata ay kaagad siyang kumambyo.
"Dala ko kasi apilyido ng mama ko. But my father's surname is Gonzaga, taga Andrew's University nga pala ako." He lend his palm to her.
"Ah.." kaswal na sambit ng dalaga sabay tanggap sa kamay nito.
Napalunok siya na makita ang balbon nitong mga braso at mga ugat na bakat na bakat.
"Ayoko ng magpaliguy-ligoy pa Ms. Barrameda pero crush kita."
Ngumiti ng nakakaloko ang binata.
"Paano mo nalaman ang-----"
"Matagal mo na akong stalker sa facebook."
Naningkit ang mga mata ni Zarah sa narinig. Stalker? Totoo pala yun? Hindi naman siya artista o anu pa man.
" Ah..."
"Ahem..." umubo si Joan. Naroon sa labi nito ang nakatagong panunudyo. Sinamaan niya ito ng tingin.
"Ah,,.pwede ba kaming makidaan?"
What? Damn! Hindi ba siya makikiipagflirt sa akin?
He was caught off guard.
"Ha? Ah eh.. I'm sorry . Oo nga pala."
aniyang napakamot sa ulo sabay tabi.
"Salamat." pagkawika non ay parang robot lang na nilagpasan siya ng dalaga ngunit yung isa alam niyang kinikilig ng sobra kanina pa.
"Te-teka, ..." he grabbed Zarah's arm.
Nilingon siya ng babae at nagtatakang tiningnan siya.
"Would you mind if I will ask you a date? ...hmm tomorrow?"
For the first time, ngayon pa siya sa buong buhay niya nahihiyang makipaglandian sa isang babae.
"I'm sorry Mr. Gonzaga. Strict ang parents ko..." she chuckled.
Namula ang mukha ni Voltaire. Sheeeyyyytt!! Napahiya siya.
"Joke lang Mr. Gonzaga. Boyfriend ko yung three-pointer ng kabilang grupo."