Chapter 3

2220 Words
"Hey! " nakangiting bati ni Floyd sa kaibigan nang makitang gising na pala ito. Pagkatapos ng nakakapagod na laro kagabi ay hiniling ni Voltaire na sa bahay na lang ng kaibigan umuwi para matulog. Hindi naman nag-atubiling pagbigyan siya nito sa hiling. Para naman magkaroon sila ng mahabang sandali upang makapagkuwentuhan. Unlike Voltaire, Floyd was a family man already. Sa edad na 25 ay nag-asawa na ito at sa kasalukuyan ay mayroon ng dalawang anak. Nakapag-asawa ito ng accountant na nakilala niya lang noon sa isang summit. "Pasensiya na tinanghali ako ng gising. Medyo nanakit lang yung binti ko." ani Voltaire sabay upo sa kahoy na upuan. Kasalukuyan silang naroon sa terasa ng bahay ng kapitan. "Kape?" "Sure!" Tinawag ni Floyd ang isang katulong niya at inutusan. "Ang laki na ng anak mo noh?" nakangiting wika ng binata nang makita ang three year old na batang lalaki na naglalaro ng maliit na bisekleta sa lawn. "Sobrang likot nga. Minsan masakit sa ulo. Teka, I heard you last night. You're talking to a lady. Sabi mo ikaw si Ethan Gonzaga galing sa Andrews University. Anong drama yun?" natatawang wika ni Floyd habang napapailing. Tumawa lang ang isa. Sa puntong iyon ay dumating ang kape para sa binata. May kasama pa itong mainit na pandesal. Kinuha niya agad iyon at humigop. "Alam mo naman na mahilig talaga ako sa magaganda." He smirked tapos ay nagdekwatro. "Wala ka ba talagang planong mag-asawa? Tumatanda ka na."  "Hmm I'm sorry pero wala pa talaga eh. I just don't know why. I really dont know why. I have this feeling that I don't need any specific woman to be with for the rest of my life. Kung s*x ang iisipin mo, nakukuha ko naman yun anytime I wanted. And that's all. I don't ask for more." Napailing ulit si Floyd. Hindi siya makapaniwala sa isinagot nito. Wala pa rin itong ipinagbago. He's still the Voltaire he knew many years ago. "Anak? Ayaw mo bang magka-anak? Diba na-link ka noon sa isang model ba yun o actress? Nabuntis mo raw." "Si Gerlie ang tinutukoy mo." "Yes. So, totoo yun?" "Wala kaming relasyon noon though we screwed many times. Pero sure naman ako na hindi ko siya nabuntis." "Pina-DNA mo yung bata?" "Hindi na kailangan. Palagi naman akong nagwiwithdraw." "Grabe ka talaga. Yung babae kagabi, type mo yun? Bakit ibang pangalan ang ipinakilala mo?" "Tsk! I don't feel the need to tell my real name. Para naman pagkatapos ko sa kaniya ay wala siyang mahahabol sa akin. Sakit sa ulo yang hahabul-habulin ka ng babae." "Naku! Ewan ko talaga kung anong karma ang naghihintay sayo Voltaire." "Bakit naman ako kakarmahin aber? Look Floyd, gusto nila yung ginagawa ko sa kanila. Isa pa, I dont do it without their consent. May iba pa nga , ako na ang niyaya na gawin namin yun.* "Hindi ko nakita yung mukha ng babae kagabi but I know, maganda yun." "Sinabi mo pa. She has an angelic face. Hindi mo iisipin na may karanasan na pala. Hindi mo maiisip na may kasanayan na sa kama. Parang siya yung type ng babae na tatrabahuin mo talaga dahil walang alam." "So, feeling mo expert siya?" Nagkibit-balikat si Voltaire tapos ay sumubo ng isang pandesal. "Hindi naman. Siguro experiences meron. Kolehiyala eh." "Ah, kaya pala nasabi mo. Nabackground check mo na pala." ."You'll get to know her in the right time kapag mabingwit ko na yon." "Hindi na kailangan. Ayokong malaman kung sino yang mga babae mo." Tumawa ng malakas ang binata. ***************** Pagkatapos ng ilang minutong pagtayo ay sa wakas nakahanap na rin ng bakanteng mesa sina Zarah at Joan sa loob ng cafeteria. Dala nila ang kanilang binayarang pagkain at softdrinks. "Anong oras tayo pupunta sa binding commercial?" tanong ni Joan sa kaniya. May pera na silang pang deposit sa shop kung saan sila magpapa-hardbound ng kanilang thesis paper kaya pupunta sila doon. " Mamayang alas dos na siguro. Uuwi muna ako ng boarding house. Masakit yung ulo ko. Kulang yata sa tulog. Kasalanan talaga to ng basketball na yun." "Hindi ka lang talaga sanay na matagal matulog." "Siguro nga." "Teka, naalala mo ba yung si Ethan, ang gwapo niya noh? Mestisuhin, ang macho pa. Kinilig talaga ako ng sinabi niyang crush ka daw niya. Infairness bagay kayo, he looked older kasi. Hindi pareha ni Zach na talagang baby skin." Napangisi si Zarah. "Hoy, hindi ka ba nagwapuhan doon?" Matagal bago siya sumagot. "By looking at him, halatang playboy. Alam mo naman na nasusuklam ako sa ganiyang uri ng lalaki." .. "Hindi ka man lang ba kinilig?" "Hindi. Nagtaka lang..Paano niya nalaman ang apilyido ko na hindi ko naman yun inilagay sa f*******: ko. "Ate ,stalker nga noh! Ibig sabihin kung makaresearch parang agent." "Puwede ba, wag na natin pag-usapan ang lalaking iyon. He's irrelevant." "Okay-okay. Sige ikaw na lang ang pag-usapan natin. Napapansin ko lang parang ang man-hater mo yata." Zarah chuckled. "Joan, hindi ako man-hater. Ayoko lang talaga sa malalandi na lalaki. Look at me, si Frank, si Drew , si Phil. Lahat naman ng klasmates natin na lalaki kaibigan ko. Ang man hater yun yung hindi talaga nakakikipaghalubilo sa mga lalaki. Do you get it?" "Okay, so anong tawag sayo?" "Wala. Normal lang naman ako." "Pero hindi naman yata normal na wala kang kakilig-kilig dyan sa balat mo." "Kinikilig ako Joan...SA TAMANG LALAKI." "Kaloka to. Ikaw ba yan Gabriela Silang? Gregoria De Jesus? " "Gaga, tapusin na natin tong mga pagkain natin para makauwi na tayo." "Oo na." ********************** "Sapphire Ledesma...paparating na siya..Go!" Narinig ni Voltaire ang hudyat ng kaniyang kasama mula sa suot na earpiece. Kasalukuyan siyang nasa loob ng kaniyang sasakyan at ngumunguya ng bubble gum. Hinihintay ang hudyat na iyon. Patalon siyang lumabas ng kaniyang sasakyan na nakapark sa tapat ng gate ng university. Guwapong-gwapo siya sa suot na tattered jeans at sando. Humantad tuloy ang kaniyang tattoo sa magkabilang balikat lalong-lalo na ang mga nagpupumutok niyang muscles. Tumawid siya ng kalsada at habang papalapit ay nakikita na niya ang babaeng nagngangalang Sapphire. Napangisi siya nang makita ang hitsura nito. Maganda, sexy, matangkad at malaman. Napakalayo nung Zarah kumpara sa isang to. This one was hot. "Excuse me Miss..." ani Voltaire sabay tanggal sa suot na sunglasses. Nakita niyang namangha ang babae pagkakita sa kaniya. "Anything sir?" .The girl smiled. "Do you have a phone?..Puwedeng makitawag? Nahulog kasi dito yung phone ko. Somewhere in this place. I just wanna check if active pa ba yun. Dahil kung hindi yon mag-ring, ibig sabihin napulot na at inangkin na ng iba." He acted like worrying. "Baka po budol kayo ha." seksing tawa ng babae. "Ako? Budol, grabe ka naman. Sige di bale na lang----" "Here! Here's my phone." A victorious grin drew on Voltaire's face. "Thank you." Kinuha niya ang inabot na gadget at idinayal ang cellphone number niya. Actually his phone was there inside his car. Naroon na rin sa puntong iyon ang kasama niyang agent. Ready to hack the woman's contacts, browse history, internet connections and many more. From that start, he will be able to catch those dirty-old-men-eating-young-ladies roaming around the university. Umiling-iling siya at idinayal ulit ang number. Sa pagkakataong iyon he inserted a very small wiretapping device inside the phone's jelly case. "Nag-ring po ba?" "Tsk! Wala na talaga. Hay!" bumuntong-hininga siya at isinauli sa babae ang phone nito. "Thanks." "Walang anuman." "Can I pay you back for the favor?" he asked her smiling. "No, hindi na po kailangan-----" "Huwag mo na akong pino-po. I'm Nathan Salvador and I insist na mag-pizza muna tayo." Itinuro nito ang pizza house na naroon lang din sa tapat ng university. Tumawa ang babae. Halatang kinilig. Nababasa niya yon. "Shall we?" "Sure!" Hinagip niya ang kamay ng dalaga at inalalayan itong makatawid sa kalsada. "Ms. Barrameda, yung ID mo." Napalingon si Joan at Zarah nang marinig ang sinabing iyon ng isang guard. Papalabas na rin sana sila ng gate. "Manong guard, nakita niyo na po?" natutuwang bulalas ng dalaga sabay lapit sa manong. "Opo, may nagsoli po nito..Nakita raw po." "Hay, salamat naman." Hinagkan niya ang ID at isinuot. "Salamat guard ha." ani Joan. "Walang anuman." "Sige po." Tumalikod na sila at tuluyan ng binaybay ang labas ng gate. Mainit na mainit ang sikat ng araw dahil alas dose y media na ng tanghali. Patakbo silang tumawid sa kalsada dahil wala silang payong. Habang naglalakad sa sidewalk ay nahagip ng mga mata ni Joan ang dalawang nilalang na nagtatawanan habang kumakain ng pizza sa loob ng pizza haws. Napansin niya ito dahil transparent ang glass. Lumingon siya at nanlaki ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang hinawakan sa braso si Zarah para pumreno. . "Ano ba?" nagtatakang tanong ng dalaga. "Halika dito sa gilid." Hinila siya ng kaibigan. "Ano bang problema mo?" "Look! That's Ethan right?" Lumingon si Zarah sa dereksiyong tinuro nito. Tumaas ang kaniyang kilay nang makita ang lalaking tinutukoy. Kasama lang niya naman ang tanyag na haliparot sa campus. "Bakit kasama niya ang Sapphire na yan?" bulong ni Joan sa kaniya. Ngumisi lang si Zarah. "Birds of the same feather flock together. Pareho silang malandi kaya huwag kang magtaka dyan. Actually, masaya ako sa kanila. Bagay sila eh. Alam mo ba kung saan hahantong ang mga yan?" sarkastikong saad niya at humakbang na. "Sa Kama...." nakangising sagot ng kaibigan. "Tama. Sana mabuntis niya yang gaga na yan. Halika na." Pagkasabi n'on ni Zarah ay hinila niya si Joan at nagpatuloy sila sa paglakad. Nang matapat sila sa inuupuan ng dalawa ay nagtama ang kanilang mga mata ng binata. ------------------------ "Hmmm...." Nakapikit na sinagot ni Zarah ang cellphone na tumutunog. Naroon siya sa maliit niyang higaan at nakayakap ng isang malaking unan. "Hoy, alas dos na! Akala ko ba lalakad tayo." "Hmmm...." "Hoy! Tulog ka pa?" "Inaantok pa ko. Tsk!" Kinusot niya ang mga mata at sumilip sa labas ng bintana. "Joan, umuulan pala. Bukas na lang tayo lalakad." "What??" "Sorry, antok na antok pa ako eh." Sa puntong iyon ay muli siyang dumamba sa kama. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kaibigan. "Sige na please..matutulog muna ako." "Okay-okay. Ikaw naman ang boss. Sige bukas na lang." "Thanks Joan. mwah!" Pagkatapos pindutin ang end call button ay isinuksok niya sa ilalim ng uluhan ang cellphone at muling natulog. Pasado alas singko na ng hapon nang magising siya. Kaagad siyang nagbihis ng damit. Pupunta siya sa palengke para bumili ng bigas at tuyo. Habang nagbibihis ay may narinig siyang kakaiba sa katabing silid. "Hmmm....ahh..." "I love you..." "Yes, I love you too. hmmm.." Napailing siya. It's her boardmate Ken. Ang third year criminology student na madalas niyang batukan. At mamaya ay babatukan na naman niya ito. She already scolded him and told him not to do it here. Akala siguro nito, wala siya doon sa kaniyang silid kaya gumawa ito ng milagro. Napakagat-labi siya nang marinig ang umiingit na kama. Nag-init ang kaniyang ulo. Ken was only 19 years old pero marami-rami na rin ang naikakama nito. She treated him as his younger brother. Hindi lang ito kundi lahat ng kaboardmates niyang mas bata sa kaniya. "KEN AMBROSIO! MAPAPATAY KITA MAMAYA!" di mapigilang singhal niya. Sandaling huminto ang galawan sa loob. "MAG-ARAL KAYO NG MABUTI. MAAWA KAYO SA MGA MAGULANG NINYO. AT IKAW NAMAN INENG, KUNG SINO KA MAN DYAN. ABA INGAT-INGAT DIN. TIYAK NA SA KANGKUNGAN KA PUPULUTIN KAPAG NABUNTIS KA!' Pagkasabi non ni Zarah ay padamba niya niyang isinara ang pinto ng kaniyang silid at lumabas ng boarding house na may dalang eco bag. Eksaktong pag-apak ng paa niya sa sementong karsada, nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita damuhong haliparot. Pinasadahan niya ng tingin ang pulang kotse kung saan ito nakasandal. Mayaman pala kaya hindi nauubusan ng panggasta ng babae Nagpatuloy siya sa paghakbang at dire-diretso lang. Wala siyang pakialam kung nagmunukha siyang manang. Nakasinelas lamang siya. Tshirt at square pants. "Hey!" Tumaas ang kaniyang kilay. Sinundan pala siya ng kotseng pula. Hindi siya tuminag at nagpatuloy lang. "Hey! Ms. Barrameda." Pumagting ang tenga ni Zarah dahilan upang harapin na nga niya ng tuluyan ang lalaki. Ngumiti siya. Yung plastik. "Ano po ba ang sadya niyo?" Ethan smiled on her. Nilapitan siya nito. "I saw you kanina sa labas ng paaralan ninyo." "Natural lang naman yon kasi doon ako nag-aaral." "I guess you saw me and Sapphire...together." "Yes dahil hindi pa naman ako bulag." "Teka nga bakit ka ganyan makareact, are you jealous?" Lumukot ang mukha niya sa narinig. "Selos?" Tumawa siya ng napakalakas. "Yes dahil hindi kita dinate ngayon." "What? Teka nga Ethan yong pangalan mo diba?" Tumango ang binata. "Ethan.... wala akong pakialam sayo. Hindi kita kilala. Hindi tayo magkaanu-ano. Isa pa...huwag kang humara-hara dyan sa daan. Bibili pa ako ng bigas." "Bigas?" ulit ng lalaki. Di makapaniwala sa sinabi ng dalaga. "Hindi ako mayaman tulad mo. Kung hindi mo alam kung ano ang bigas dahil mayaman ka, tumabi ka dyan." "Teka lang...let's talk..I'm serious." "Ano ba kasi? Nagmamadali ako dahil dumidilim na. Maglalakad pa ako papuntang palengke." singhal ng dalaga. He moved closer to her. Sinamaan siya ng tingin nito. Akmang may ibubulong ito. "I'm generous. Kung hindi sapat ang ibinibigay ng sugar daddy mo, magsabi ka lang....I'll buy you a condo----" Hindi pa natapos ang sasabihin ni Voltaire, isang malutong na sapak na ang tumama sa kaniyang pisngi. "BASTOS! HINDI AKO PUTA!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD