"s**t!"
Napamura si Voltaire habang nakatingin sa sariling mukha sa salamin. Kasalukuyan niyang nilalagyan ng cold compress ang pisnging namula ng sobra dahil sa lakas ng sampal na idinulot ni Zarah. Ilang beses na siyang nasampal ng babae dahil sa pagkababaero pero ngayon yata ang pinakamalakas na kaniyang tinamo sa buong buhay.
Matapos ang ilang minutong pag-apply ng ice pack ay kaagad siyang nagligo at nag-ahit ng balbas. Medyo makapal na rin kasi. Pagkalabas sa banyo ay dumiretso siya sa kwarto at nagbihis.
Bumalik kaagad siya sa kaniyang laptop at inalam ang lahat ng nakalap niyabg impormasyon tungkol kay Zarah.
Well, hindi naman talaga dapat si Zarah ang kaniyang i-background check. It should be the name of the persons he got from hacking the most sought woman in the university in terms of making good time. Napangalanan na niya ang mga lalaking pumipick-up dito. Ngunit ewan niya sa sarili. Siguro naku-curious siya dahil sa sinabi ng dalaga sa kaniya na hindi siya isang kaladkarin.
He hacked Zarah's f*******: and studied her information, whereabouts likes and timeline. Wala siyang nakitang anu pa man na nagpapatunay na ito nga ay isang pick-up girl. Lahat ng mga posts nito ay tungkol sa pag-aaral, achievements, pamilya at iba pang pangyayari sa buhay. Wala ring nagcoincide na pangalan ng babae sa pinoy p**n sites na kaniyang ni-browse. Isa-isa niyang sinuyod ang lahat ng s*x scandal. Pinag-aralan ang katawan at galaw ng babae. Walang bakas ni Maria Zarah ni katiting doon.
He browse her name in general search engine, ang google. Doon ay nakita niya ang pangalan ng babae sa search results. Ni-click niya ang isang website at doo'y nakita niya ang pangalan ng babae. She's one of CHED's scholar. May isa ding website kung saan nagpapakita na kasali si Zarah sa mga Awarded volunteers ng Red Cross.
"Damn! So, paano nasali ang ID niya doon sa mga iyon?" Di niya napigilang tanong sa sarili.
Sandali siyang tumigil at nag-isip. Pagkatapos ay bumalik siya sa f*******: account ng dalaga at tiningnan ang recent chats nito. Nakita niya doon ang conversation ng dalaga at ng kaibigan nito. He opened and read it. Wala siyang natagpuan kundi tungkol sa thesis paper. Niscroll pa niya sa older messages. Hanggang sa may nabasa siyang nakakuha ng kaniyang attensiyon. It was still a conversation with Joan.
"Hey! Ang gwapo ng Ethan na yun noh?" from Joan with heart eyes emoticon.
"Huh! Yun yung klase ng lalaki na magaling manlandi. MOMOL yun." reply ni Zarah.
"Agree, pero kung ako i-MOMOL niya okay lang."
"Ano ba yang MOMOL?" tanong ni Voltaire sa sarili. Pagkatapos ay nisearch niya sa google. Nag-appear kaagad ang results.
MOMOL - a Filipino slang which stands for Make-out-Make-out-lang. It means having s*x with someone who is not emotionally connected to you. Similar: s*x buddying
Natawa ng malutong ang binata nang mabasa iyon. Pagkatapos ay napailing. Hindi siya makapaniwala na ganoon ka-vigilant ang dalaga. Ni-scroll pa niya ang conversation hanggang sa nakita niya ang kaniyang hinahanap.
"Saan kaya yun nahulog no?"
"Teka, nareport mo na ba sa student council? Ipapaskil nila yun sa LOST AND FOUND Bulletin."
"Hindi pa. Siguro bukas. Tsk! Hay!"
"So, this simply means that she lost her ID. Hindi niya yon ibinigay sa guard para maibook ng lalaki. Tsss....."
Napasuklay sa buhok si Voltaire at patumbang bumulagta sa kama. He's just half-naked. He watched the ceiling and think of her. Di niya maiwasang maalala ang reaksiyon nito sa sinabi niya kanina. Kaya pala parang dragonita ang mukha nito. Mali pala talaga ang iniisip niya tungkol rito.
But she was still your first romance. Ang ganda na ng neneng na yon. Tsk! She had grown into a fine young lady.
Bumalikwas si Voltaire sa kama at hinarap muli ang kaniyang laptop. Pumunta siya ulit sa f*******: account ng dalaga at nagscroll sa album nito.
"Damn! Ang ganda niya talaga. Napakaswerte ko naman at ako pala ang unang naka-jackpot sa babaeng to."
He paused on one of her picture. Bumaluktot siya at tinitigan ang larawan. He studied her face and familiarize all of its features.
Hanggang sa nakita niyang nagpop up ang chat box. May nagmessage sa dalaga. It's from Zach. Kaagad niya binasa ang laman.
"Puwede bang puntahan kita dyan sa boarding house mo? Dadalhan kita ng barbeque."
Nag-init ang ulo ni Voltaire sa nakita. Kaagad niyang hi-nack ang account ni Zachary at iniba ang password nito. He changed its password into different characters on the qwerty keyboard.
"Tingnan ko lang kung maka-chat ka pa."
Binlock niya rin ito sa account ng dalaga. Gumawa rin siya ng f*******: account sa pangalang Ethan Gonzaga at nagrequest ng friendship. Siya na rin ang nag-accept ng sarili niya. In short, Friend na sila sa f*******:. Kaagad siyang naglog-out. Of course, hindi niya pinalitan ang password.
Maya-maya ay nakatanggap siya ng text mula sa isang NBI agent. Dahil doon ay pansamantala niyang nakalimutan ang babae at muling itinuon ang sarili sa laptop para magtrabaho.
Nabasa niya ang lahat ng text messages na pumasok sa cellphone ng babaeng nagngangalang Sapphire. Dalawang lalaki ang napangalan niyang kumukuha dito. Si Philip Lim at Dan Cristobal. He crossed their numbers in global population database. In an instant, kaagad niyang nahanap ang larawan pati ang background information nito.
Muli siyang bumalik sa p**n sites at inisa-isa ang mga s*x video. Kinuha niya ang impormasyon nito tulad ng petsa kailan inupload at ang IP address kung saan ito inupload. Gabing-gabi na nang matapos niya ang lahat ng iyon. Bukas ay pupuntahan niya ang address ng dalawang taong napangalanan.
* * * * * * * * * *
Dalawang buwan na halos ang nakalipas at tapos na rin sa internship si Zarah. Balik campus na siya matapos ma-assign sa DSWD office sa lungsod ng Maynila. Hindi na rin sila kailanman nagkrus ng landas nung damuhong Ethan Gonzaga. Labis ang kaniyang pasasalamat dahil doon.
"What's up?" siniko ni Joan si Zarah na nagbabasa ng bagong paskil na announcement sa bulletin board.
"Basahin mo!"
Umirap ito at tumingin sa binabasa ng kaibigan.
"Graduation ball?" bulalas ni Joan sa tonong natutuwa.
"Hoy! Hoy! Wag kang excited dyan. Basahin mo lahat." aburidong sita ni Zarah.
Nagbasa rin naman ulit.
"HOMIGAS! One thousand talaga ang contribution?"
Nanlaki ang mga mata nitong hinarap ang siya.
"See? Contribution pa lang yan! Oh, idagdag mo pa ang hair and make-up plus gown na napakamahal. More or less five thousand and kailangan natin. Puwede bang hindi sumali dito? Wala na akong pera. Maygas!"
" Oo nga pero nakakapanghinayang naman kung hindi tayo sasali."
Hindi nagsalita si Zarah. Gumulo ang kaniyang isipan kung saan makakakuha ng ganoon halaga. Alangan namang manghingi pa siya ng pera sa mama niya doon sa probinsya. Kaya nga siya nagkukumahog na magigubg scholar dahil walang-wala sila. Katulong pa rin ang mama niya hanggang ngayon.
"Hoy!" untag ni Joan. Napitlag siya.
"Kailan nga ang deadline nyan?" asik niya. Nakakainit ang ulo ang isang libo.
"Sa susunod pa naman na Biernes. Makakahanap pa tayo ng pera."
"Ang tanong saan? Paano?"
"Ay naku, halika na. Bahala na si Batman basta dadalo tayo ha. Lalong-lalo ka na. Ang ganda mo pa naman."
Bumuntung-hininga si Zarah pagkatapos ay humakbang na pababa ng school buidling.
Eksaktong pagbaba niya sa unang palapag ay nakita siya ni Zach. Kaagad itong lumapit sa kaniya.
"Hey, did you read the announcement?"
"Yeah!" halos magkasabay na wika ng dalawa.
"So, will you come? Lalong-lalo na ikaw Zarah..."
"Siguro makakasali ako..Hahanap muna ako ng pambayad sa contribution...sige Zach. Mauna na kami."
"Tara."
"Ingat kayo."
Tumango lang sila pero hindi na lumingon pa. Dirediretso silang naglakad hanggang sa labasan.
Pagkalipas ng ilang araw dahil hindi na naman busy si Zarah ay naghanap siya ng iba't-ibang raket para kumita lang. Umextra siya bilang promo girl sa araw at nagtutor naman siya sa gabi. Sa loob ng isang linggo ay nakaipon siya ng higit-kumulang tatlong libo. Sa araw ng deadline ay nakahabol siyang magbayad ng contribution sa kaklase niyang treasurer ng organization ng guidance counseling students.
Ang natira niyang pera ay ibinayad niya agad bilang deposit sa baklang magma-make-up sa kanilang dalawa ni Joan. Package na ang lahat pati ang gown sa halagang three thousand pesos.
*********************
"Mauna na ako sa inyo sir." nakangiting wika ni Voltaire kay G. Salazar nang hapong iyon. Katatapos lang ng kanilang conference tungkol sa mga personalidad sa likod ng pagbebenta ng mga s*x scandals sa p**n sites sa US. Kasalukuyan silang naghahanap ng mga ebidensiya at impormasyon kung nasaan ang mga ito sa Pilipinas.
Nang siya'y pauwi pabalik sa pad nilang magkakapatid ay napadaan siya sa university kung saan pumapasok si Zarah..May mahaba kasing highway ang hindi madadaanan dahil ito'y under maintenance kaya nag-detour siya. Matagal na mula nang makita niya ito. Naging busy rin kasi siya sa trabaho. Wala na rin kasi ang dalaga sa paaralan nang sunod-sunod niyang inundercover ang iilan pang mga estudyante na pinipick-up ng mga parokyano. Nag-O-OJT na kasi ito.
Eksaktong pagdaan niya sa gate ay medyo madilim na ang paligid. Didiretso na sana siya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang malaking tarpaulin kung saan nakasulat ang salitang GRADUATION BALL, petsa , oras at kung saan hotel ito gaganapin. Sandali siyang napaisip. It's today. Zarah might be there in that ball dahil graduating din naman ang dalaga.
Di niya namalayan na napangiti siya ng wala sa oras. Curious lang naman siya kung gaano kaya ito kaganda sa gabing iyon. Pagkatapos ng ilang saglit na pagtabi sa daan ay ipinagpatuloy ng binata ang kaniyang byahe pauwi.
********** ***

"Helen of Troy ikaw ba yan?" bulalas ng isang bakla nang lumabas si Zarah mula sa isang silid ng salon. She's wearing a glittered chiffon evening gown na backless sa likuran. Her white slim body was revealed down to her small thin waist. She's definitely a star of the night. Beautiful, sexy and alluring. Her face looked more seductive by staring at her glossy pink lips, smokey eyes and highly contoured cheeks.
"Ateng, ang ganda mo! As in! I'm sure head turner ka ngayong gabi." bulalas na wika ni Joan na tulad niya'y naka-evening gown rin.
"I'm sure mangyayari yan." wika ng isang matabang bakla na napakaikli ng shorts.
"Panigurado kapag sasali ka ng pageant, mananalo ka ateng. Matalino at maganda, naku! "
"Hay, tigil-tigilan nyo ako. Ayoko sa mga ganyan. Ayoko ngang magsuot ng high heels, pasasalihin nyo pa ako. Teka, Joan, may taxi na ba sa labas?"
"May naghihintay------"
"Good evening ladies..." mula sa pintuan ay biglang sumulpot ang napakagwapong si Zach. Medyo natigilan si Zarah sa pagkakita dito. He looked so manly tonight. Nakasuot ito ng pulang tuxedo at maitim na slacks. Kay kintab rin ng sapatos nitong suot.
Nang mapansin ng binata ang kaniyang reaksiyon ay napangisi ito.
"Anong ginagawa mo dito?" maang niyang tanong.
"Ateng, nagpumilit kasi na maging escort mo. Inalok niya ako na susunduin tayo-----"
"Hindi ko sinabi sayo dahil alam.kong tatanggi ka." sabat ng binata.
Sinamaan niya ng tingin si Joan.
"Ateng, isang beses lang naman ito, pagbigyan mo na. Isa pa , mas dramatic ang magiging entrance natin sa red carpet kapag naka-car tayo noh."
"Hay naku Joan, nagdududa na talaga ako kung si Zachary ba o ako ang itinuturing mong kaibigan." naiiling na wika ni Zarah.
"Shall we? The car is waiting. We're already ten minutes late."
"What??" she frowned. Tiningnan ni Joan ang suot na relo.
"Hala, oo nga."
Sa tulong ng mga bakla, nagmadali silang sumakay sa Innova na dala ni Zachary. Pagkatapos ng ilang sandali ay tumulak na sila papunta sa Folo Hotel.
Makalipas ang sampung minuto ay nakarating rin sila sa wakas. Mabuti na lang at medyo late nagsimula ang programa kaya nakahabol pa sila sa red carpet. Nang maglakad si Zarah papasok sa lobby ng hotel kasama si Zach ay halos nakatuon sa kanilang dalawa ang mga mata ng madla. May halong paghanga at inggit ang makikita sa karamihan na naroon. She's the highly respected and adored woman of their batch. Hindi kasi talaga maitatangging she had both beauty and brains. Mas lalo pang nagningning ang gabi nang si Zachary ang escort niya sa pagpaso. Napakagwapo kasi at sikat na sikat pa sa buong campus. Hindi nga nagkamali ang mga bakla. They were head-turners and face of the night.
Gamit ang dalang binocular, malinaw pa sa sinag ng araw na humantad sa salawang mga mata ni Voltaire ang nakakapukaw na ganda at alindog ni Zarah ng gabing iyon. Di niya napigilan ang mapalunok ng sunod-sunod nang humagod ang kaniyang mga mata sa nakadisplay nitong likuran.
Muling nanumbalik sa kaniyang alaala ang gabing inangkin niya ito.Hindi na niya maalala ang lahat ng mga detalye pero isang bagay lang ang nasisiguro niya. Zarah was his. Siya ang una, siya ang namumukod tangi.
Nag-init ang kaniyang ulo nang makita ang pasimpleng paghaplos ng escort nitong lalaki sa likuran ni Zarah.
That's supposed to be mine!
Pagkatapos ang tagpong iyon ay dali-dali niyang nilisan ang lugar. May balak siya.
---------------
Eksaktong alas diyes ng gabi nang biglang magdilim ang buong function hall kasunod nito ang pag-iilawan ng iba't-ibang kulay ng maliliit na bombilya sa paligid. Kasabay ng pagpalit ng ambiance ng lugar ay ang pagpalit ng mood na isinet ng music spinner ng gabing iyon. Nag-anunsyo rin ang emcee na ang bawat isa ay kailangan ng magsuot ng maskara sa puntong iyon. Zarah put her silver mask on her face.
Then the song KING AND QUEEN OF HEARTS PLAYED IN THE BACKGROUND...
The Masquerade had begun.
Maya-maya'y napansin ni Zarah ang isang lalaking papalapit sa kaniyang kinauupuan. Hindi niya maaninag ang mukha nito kahit half lang ng mukha ang natatabunan ng suot nitong maskara.
"Can I dance with you?"
It was Zach. She recognized his voice. Ito ang unang lalaking nangahas na magyaya ng sayaw sa dance floor ng sandaling iyon.
"I don't know how to dance Zach. It's my weakness." ani Zarah.
"It's a friendly dance. Please..."
"Pero-----"
"Okay-okay, pupunta lang ako saglit sa restroom pagbalik ko sasayaw na tayo. I will not accept your no."
Kumindat ang binata pagkatapos ay humakbang. Naiwang napailing na natatawa ang dalaga. She sipped a ounce of wine to ease the tension she felt. Nahihiya talaga siyang sumayaw.
Lumipas ang ilang sandali, may mga pares na rin ang nagsipagtayuan at sumasayaw sa dance floor. Sinilip ni Zarah ang kaniyang cellphone para malaman ang oras.
Sampung minuto na pala ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Zachary. Medyo nagtaka pero lihim siyang natuwa. Naisip niya baka nakakita na ito ng ibang babaeng maisasayaw.
Tatayo na sana siya papuntang restroom nang may biglang humapit sa kaniyang beywang mula sa kung saan. Bago pa niya marealize ang nangyari, nasa gitna na sila ng dance floor at kasaluyan siyang hawak nito ng mahigpit.
The man was wearing a black mask. Its plain and not adorned with beads and glitters. The way he held her, the way he moved, the way his body painted on his shadow, there's something strange.
"Sino ka?" Zarah asked in a very tense tone. Her body was chilling feeling the kind of heat radiated from his palm next to her skin.
"I can't help to just look at you tonight."
Nanigas ang panga ni Zarah. It was his voice.