I “May nangyari ba sa inyo ni Denice dati Rom?” bigla ay tanong ni Theresa kay Rom na napatawa naman sa narinig. “What? Wala mahal, magkaibigan lang kami ni Denice, pati Nanay namin magkaibigan kaya diyahe na maging girlfriend ko sya noon, kahit pa nga gusto ko sana siyang ligawan noon kasi type ko siya noon.” Paliwanag ni Rom na huli na ng mapansin niya kug ano yung mga salitang lumabas sa bibig niya. Tiim-bagang na nakatingin si Theresa sa kanya. “So, type mo pala si Denice?” “Mahal noon pa yun, mga bata pa kami. You know very well kung sino ang type na type ko ngayon at mahal na mahal pa.” Inakbayan ni Rom si Theresa at hinalikan sa buhok. “Sobrang ganda ni Denice.” Bigla ay namutawi sa labi ni Theresa. “Mas higit ang ganda mo Mahal.” Bulong naman ni Rom sa dala

