I Kinabukasan ay maagang pinuntahan ni Rom si Theresa sa bahay nito. Nagpahanda na din siya ng masarap na almusal sa kusinera nila. Gusto niyang sulitin ang mga araw na pwede niyang makasama si Theresa. Isipin niya pa lang kasi na limang araw na namang magpipirmi si Theresa sa kumbento ay namamanglaw na naman siya. Mag alas-siyete ng umaga ay nasa living room na nila Theresa ang binata, nagaantay sa pagbaba ni Theresa galing sa kuwarto nito. Alas-sais pa lang ng umaga ay gising na actually si Theresa. Nagbasa lang muna siya ng bible bago naisipang bumaba na nga ng katukin siya ng katulong nila at sabihing nasa baba na nga si Rom. “Good morning mahal, kakagising mo lang ba? Baka naabala ko pagtulog mo, it is fine for me to wait.” Bating-bungad ni Romouldo sa kasintahan na ng

