I Kailangang magdesisyon ni Rom kung sino uunahin kina Theresa at Denice. He needs to come-up with a possible solution na parehas niyang magagawa ang mga ipinangako niya sa dalawang babae. Bigla ay napangiti si Rom. Tinawagan ni Rom ang part-time driver ng Papa niya. “Manong Ben, bukas ay may susunduin ka sa airport ha, kaya maaga ka. Dalhin mo ang Montero. Ibibigay ko sayo bukas ang detalye ng lahat.” Sabi ni Rom sa kausap sa telepono. Naisip ni Rom na ipasundo na lang si Denice sa part-time driver ng kanyang Papa, tapos siya naman ang susundo kay Theresa kinabukasan. Yun nga lang, baka makiusap siya kay Theresa na sa susunod na mga araw na lang sila mamasyal dahil hindi pwedeng pagdating ni Denice sa bahay nila ay wala siya o di kaya ay maghintay sa kanya ng matagal. Nak

