I Kasama si Noel ay may nakausap ngang abugado sa Public Attorney’s Office si Maxima. Isiniwalat niya ang pangyayari matapos na ipakita ang Complaint nila Romouldo at Notice sa kanya ng piskalya na inaatasan siyang sumagot sa loob ng sampung araw matapos matanggap ang notice. Medyo napailing ang abugado kay Maxima. “Maraming witnesses na naka-affidavit dito Ms. Maxima at kumpleto ng ebidensya ang complainants, may nakapag-video pa pala sayo at na-post pa pala ito sa f*******:. Medyo prangka ako sa kliyente Ms. Maxima, ang kaso mo ay grave slander na may kulong na hanggang anim na taon. Pero kung mapatunayan naman natin na simpleng oral defamation lang or simple slander lang maaring maximum mo na kulong ay anim na buwan lang.” Nahintakutan si Maxima. “Attorney kahit isang araw, ay

