I Nang dahil sa kasong isinampa kay Maxima ay sobrang nagsisi ito sa ginawa niya. Hindi niya akalain na ganun pala kabigat ang consequences ng ginawa niya. Akala niya ay palalagpasin lamang ito nila Theresa, pero hindi si Theresa ang umaksiyon kundi sila Don Pacifico, Don Sosimo at Romouldo. Naghinagpis si Maxima at di alam kung ano gagawin. Wala din naman siyang pambayad ng abugado. Pitong araw na lang ang nalalabi sa sampung araw na ibinigay sa kanya ng korte para makasagot sa Complaint nila Don Pacifico sa kanya ngunit wala pa din siyang nagagawang hakbang. Ang kanyang mga magulang ay sinisi pa siya at hahayaan daw siyang solusyunan niya ang problemang pinasok niya. Minabuti ni Maxima na dumalaw kina Romouldo kahit grabe ang hiyang nararamdaman niya. Hanggang sa may gate lang siya

