I Nang dumating si Rom sa kumbento ay nakapasok pa siya sa loob ng gate nito at nakaupo sa may waiting area sa may labasan. Nang may lumabas na isang madre ay magalang na nagtanong ang binata. “Sister magandang hapon po. Maaari po bang malaman kung nakabalik na po uli dito sa kumbento si Sister Theresa?” Tinignan siya ng madre at ngumiti. “Kilala kita. Ikaw si Romouldo di ba? Yes, kakabalik lang ni Sister Theresa. Gusto mo bang tawagin ko?” Napangiti ng mapanglaw si Romouldo saka tumango. “Kung maari po sana sister, gusto ko lang po siyang makausap ng saglit. May importante lang po sana akong sasabihin.” malumanay na wika ng binata. “Sige Hijo, mag-antay ka lang ng saglit dito at sasabihan ko si Sister Theresa.” Nagpasalamat si Rom bago tuluyang tumalikod ang butihing madre

