Ilang activities na ang nasalihan at napanalunan ni Lira ngunit hindi pa din bumaba soon sina Crust at Jasmin. Magtatanghalian na, Ayaw man lang maghiwalay, sana hindi sila sa team building sumama, sana nag-hotel na lang sila. Malalandi. muryot ng kanyang utak. Hindi nya maintindihan ang nangyayari sa kanya. Nuon ay nakikiusap sya kay Crust na lubayan sya, ngayon hindi ito nagpapakita ay nabubuwisit sya. She know herself very well, kaya ang nararamdaman nyang kakaiba ngayon ang nagpapalito sa pagkatao nya. Para bang ang gloomy ngayong hindi nya nakikita ni hibla ng buhok ng lalaki. Mukhang hindi nga talaga uubra ang ganito, kahit na abalahin nya pa ang sarili nya ay ang lintek na lalaking iyon pa rin ang naiisip nya. Nagpasya syang bumalik sa suite ni Willard. She's waiting for the lift to

