Angelica Lyre Cuevas Ang kaba ko ay hindi matawaran dahil sa aking nasaksihan, nakauwi na ako sa apartment ay hindi pa rin ako makamove on sa ginawa ng bestfriend ko. Halos mapatay nya si Sophie Ambrosio, matagal na kaming magkaibigan pero hindi ko alam na ganun pala sya katapang. Naramdaman ko ang paghawak ni Crust sa aking kamay kaya napalingon ako sa kanya. "You okay, baby?", masuyong tanong nya. "Grabe yung araw ngayon, ang intense, nakakakaba akala ko mamamatay na yung babaeng yon.", nakangiting sagot ko at binuksan ang sasakyan. Hindi ko na sya hinintay na pagbuksan pa ako, hindi naman tayo pabebe mga bhie. "That's what love can do. She just fought for her right.", nakangiting wika nito at tinungo na namin ang daan papasok sa loob ng apartment. His phone rang at mabilis nya iyon

